EPISODE 16: Salisi
EPISODE 16: Salisi
INT. SAN LAZARO GYMNASIUM. TANGHALI.
Tirik na tirik ang araw at sobrang init. Siksikan ang mga tao sa loob ng San Lazaro Gym, ang naging pansamantalang evacuation center ng mga tiga-barangay Maharlika, matapos ang trahedyang sunog na naganap sa barangay.
Lahat ng pamilya ng barangay ay ligtas na nakalikas, walang nasaktan o namatayan. May mga gamit pa ring nasalba ang iba at 'yung iba naman ay walang-wala, katulad na lang ng mag-inang Sabriela at Carmela na ngayon ay naka-upo sa sahig habang pinagmamasdan ang mga kapitbahay, sa tabi nila ay may isang ale na kagabi pa ngumangalngal dahil sa kaganapan.
ALE
Oh, dyus ko, bakit itu nangyari?
(ngumangalngal.)
Bakit? Bakit kailangan mu kaming pahirapan?! Dyus kuu!
Nagkatinginan lang ang mag-ina dahil kagabi pa sila naririndi sa ingay nito. Maya-maya'y humarap si Sabriela sa kanyang ina na hindi nakatulog at magdamag na gising dahil sa lubhang pagkabigla, lahat ng mayroon sila ay naglaho na parang bula.
SABRIELA
'Nay, gusto ko na sanang sabihin sa'yo 'yung sasabihin ko noong nagdaang gabi...
CARMELA
A-ano 'yon?
(Kinabahan dahil baka alam na ni Sabing ang totoo. Unti-unting tutugtog ang instrumental version ng Wag ka Nang Umiyak ni Gary V.)
SABRIELA
Patawarin mo ko 'nay kung hindi ko sinabi sa'yo ang totoo... 'yung totoo na palihim akong kumuha ng trabaho sa Alizandra Resort.
CARMELA
A-anong sabi mo?!
(Shookt pero kaagad na magsasalita si Sabing.)
SABRIELA
Wala akong ibang ginawa kundi magkaroon tayo ng magandang buhay, 'nay. Gusto ko dumating 'yung araw na hindi mo na kailangang magpakuba sa trabaho para lang buhayin ang pamilya natin.Gusto ko lang naman bigyan kita ng magandang buhay, kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, at least, kahit sa pagkita ng paunti-unti ay magagawa kong pagaanin ang bigat na dinadala mo araw-araw para lang buhayin ako.
CARMELA
(Nangilid ang luha dahil sa sinabi ng anak, imbis na magalit.)
S-sabing... Hindi mo kailangang gawin 'yon... Nagpapakuba ako mula umaga hanggang hapon, oo, para buhayin ang pamilya natin, pero ginagawa ko 'yon dahil mahal kita.
(Pagkayakap ni Carmela kay Sabing ay lalakas ang tugtog ng chorus: Kung wala ka ng maintindihan, kung wala ka ng makapitan, kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin, hindi kita bibitawan.)
Sa gitna ng init at kaguluhan sa loob ng "evacuation center" na pinaglalagyan nila ngayon ay manginigbabaw ang madramang musika para sa mag-ina. Maya-maya'y hihinto ang music dahil biglang kukulo ang tiyan ni Sabing dahil sa gutom.
SABRIELA
Hehe, sorry, wala pa tayong kinakain mula kagabi.
CARMELA
(Tumayo mula sa pagkakaupo at inayos ang mahabang palda.)
Teka lang at susubukan kong makahingi at baka dumating na ang rasyon. Dito ka lang, Sabing.
Aalis pa lang si Carmela nang biglang umingay sa loob at nakita nilang bumukas ang malaking pintuan at niluwa mula roon ang isang glamorosang nilalang, si Jose Andromeda Barosa, nakasuot ng puting off-shoulder long blouse, naka-black leggings at leather boots na may five inches na takong, naka-suot din ng round shades at naka-suot naman ngayon ng kulay pulang wig.
SABRIELA
S-sino siya?
ANDREW
Hola, amigos!
(Sa matinis na boses.)
Narito ako upang maghatid ng isang tulong. Kung hindi niyo ako nakikilala, ako nga pala si Jose Andromeda Barosa, o mas kilala ngayon bilang Drea, ang bunsong kapatid ng yumapa niyong mahal na Primo Propietor na si Don Rico Andreigo Barosa!
(Pang-beauty pageant na pakilala ni Andrew.)
Boys! (Sinenyasan ang mga tauhan sa likod.)
Ipasok ang lechon!
Maya-maya'y pumasok ang mga machong tauhan ni Andrew habang dala ang mga pagkain na inihanda niya para sa mga nasalanta ng sunog, at hindi lang tila naging fiesta ang evacuation center ay may pa-music pa si Andrew na siyempre puro kanta ni Lady Gaga.
Napaupo ulit bigla si Carmela, at nagkagulo ang mga tao. Pero may lumapit sa kanilang isang babae na sa palagay nila ay tauhan ni Andrew.
BABAE
Mam, dito po kayo.
Wala naman magawa ang mag-ina kundi sumunod sila rito. Dinala sila ng babae sa labas at sa isang bakanteng silid kung saan may nakahandang hapag para sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan ang mag-inang Carmela at Sabriela dahil tila naging VIP silang dalawa.
SABRIELA
Uhm, mam? Sigurado po ba kayo na para sa'min 'to?
BABAE
Yes po, kumain lang daw po kayo ng kumain.
Magtatanong pa sana ulit si Sabing kaso iniwanan na sila ng babae.
SABRIELA
Wala naman sigurong lason 'to no, 'nay? (Dahil gutom na siya ay ayaw na niyang mapachoosy sa fried chicken na nakahain.)
CARMELA
(Nag-aalinlangang umupo.)
Wala naman siguro.
(Alam niya na hindi lang wala lang ang dahilan kung bakit sila dinala rito.)
SABRIELA
Magkakamay ako sana ko kaso wala namang hugasan dito. (nanghinayang na kinuha ang kutsara at tinidor.)
Siguro kaya tayo V.I.P. kasi tayo ang pinakamaganda sa barangay natin. (Pagkatapos ay natawa sa kalokohang sinabi niya.)
Sana nandito rin si Johana at Zachary.
CARMELA
(Lutang habang sinimulang kumain.)
Alam na siguro ng mga Barosa ang tungkol kay Sabing.
SABRIELA
(Napansin ang nanay niya na tulala.) 'Nay? Okay ka lang ba?
CARMELA
O-oo, 'nak.
SABRIELA
(Sumubo ng malaki, sabay kagat sa chicken, tapos sumubo pa ng salad.) Alam mo 'nay, thank you talaga kasi hindi mo ko pinagalitan nang sinabi ko sa'yo 'yung tungkol sa trabaho ko.
CARMELA
Anak kita, matitiis ba kita? Pero hindi ako natutuwa, baka inaakala mo diyan.
SABRIELA
(Sumubo ulit ng kanin at ngayon naman kinurot niya 'yung lechon at sinubo.)
Wag kang mag-aalala 'nay kasi hindi naman mahirap 'yung trabaho ko. May masungit lang akong boss. Tsaka kasama ko 'yung kaibigan ni Jhonna, si Sharmaine, tsaka 'yung magulang ni Jhonna nandon din sa resort.
CARMELA
O siya, labag man sa kalooban ko na payagan ka sa trabaho na 'yan, dahil sa trahedyang sinapit natin ngayon, sige, magtrabaho ka muna—pansamantala.
SABRIELA
Yey! (Tumalsik pa 'yung kanin sa bibig.) Teka, 'nay, 'di ba may sasabihin ka pa sa'kin? Ano nga ulit 'yon?
CARMELA
(Biglang nabulunan.)
SABRIELA
Hala! Ito tubig, 'nay! (Inabot kay Carmela ang isang goblet ng tubig.)
CARMELA
(Uminom at nahimasmasan.) Sorry napadami 'yung subo ko eh. (Palusot niya.) Ahm... ano kasi 'yon.
Maaabala na naman sila nang may kumatok at pumasok si Andrew, muntik ng mahulog si Carmela sa upuan nang makita ito.
ANDREW
Hello, darlings.
SABRIELA
H-hello po. (Nahiya bigla dahil may kanin siya sa pisngi pero kiber lang maganda pa rin.)
ANDREW
Uhm, I know you're enjoying your food but forgive me but please can I talk to you outside? (Sabi niya kay Carmela.)
CARMELA
(Napilitang tumayo pero nagpaalam muna sa anak.) Sabing, diyan ka lang muna ha.
SABRIELA
(Nagtataka man pero hindi nagtanong.) Sige, 'nay. Bakit kaya siya kakausapin ng isang Barosa?
INT. MANSION DE BAROSA.TANGHALI.
Pagkatapos ng tanghalian ay sumilip saglit si Misha sa burol, naroon ang kanyang mga tiyahin maliban sa kanyang Tito Andrew na balita niya ay pumunta sa Bayan. Naglalakad siya ngayon pabalik sa kanyang silid nang may makasalubong siya.
BARNEY
Kamusta, pamangkin ko.
MISHA
(Napahinto at nanlaki ang mata.)
T-tito Barney. (Biglang sumama ang pakiramdam niya.)
BARNEY
(Lumapit kay Misha at ngiting-ngiti at hinawakan sa balikat.)
Balita ko'y nakauwi ka na at nalungkot ako na hindi kita agad nakita. (Hinimas-himas ang braso ni Misha.)
MISHA
(Nailang at kinabahan. May naalala.)
S-sorry, tito. (Aalis sana pero mahigpit siyang hinawakan ni Barney.)
BARNEY
Saan ka pupunta? (Ngiting-ngiti pa rin.) Hindi pa tayo tapos mag-usap, Misha.
MISHA
T-tito—
GWEN
Is there something wrong? (Biglang dumating. Yas! Slaying in her simple white blouse with matching the black long skirt.)
BARNEY
(Binitawan si Misha.) Wala naman, Gwen.
GWEN
(Tumingin kay Misha.) Misha?
MISHA
N-nag-uusap lang po kami. (At nagmamadaling umalis.)
INT. MANSION DE BAROSA. KWARTO NI MISHA. TANGHALI.
Hingal na hingal si Misha pagkapasok sa kanyang silid, kala mo ay hinabol siya ng sampung kabayo sa sobrang hingal niya at pawis. Hindi niya maiwasang mapapikit at mag-flashback sa kanyang isip.
BATANG MISHA
Tito Barney magagalit sila mommy.
BARNEY
Sshh... Misha. Secret lang natin 'to.
Napa-dilat si Misha at kaagad na nagtungo sa kanyang cabinet at nilabas doon ang isang baul na naglalaman ng kanyang art material. Kapag nasstress siya at inaatake ng anxiety ay ginagawa niyang labasan ang pagpapainting.
Hindi niya namalayan na umiiyak siya habang nagkukulay.
EXT. SAN LAZARO GYMNASIUM ENTRANCE. TANGHALI.
Bumaba ng sasakyan si Margot, nagpahatid siya kay Mang Dario, ang family driver, kung saan niya nabalitaan nilikas ang mga nasunugan sa Barangay Maharlika.
MARGOT
Anna Sabriela Garcia.
Hindi niya rin mawari kung bakit tila na-excite siyang makilala ang kapatid niya sa ama, siguro dahil nasisimpatya niya na isa rin itong bastarda. Maglalakad pa lang siya papasok sa loob nang makita niya ang isang babae, tamang-tama dahil magtatanong pa lang siya kung saan 'yung kinalalagyan nung mga evacuees.
MARGOT
Excuse me, miss? Saan dito 'yung mga nasalanta ng sunog?
At siyempre hindi alam ni Margot na si Sabriela na 'yung tinanungan niya. Medyo may mapapatitig siya kay Sabriela para dramatic at makitang may lukso ng dugo.
SABRIELA
Doon po 'yung entrance, miss. (Tinuro ang daan at mapapatitig din siya kay Margot.)
Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-ganda. Grabe ang ganda niya, pang Miss Universe!
MARGOT
Sige, thank you. (At naglakad paalis ganon din si Sabing.)
INT. SAN LAZARO GYM. TANGHALI.
Pumasok si Margot sa tinuro ni Sabriela at tumambad sa kanya ang mga taong nagkakainan.
MARGOT
Nandito si Tita Drea. Nasaan kaya siya? (Hinahanap ng paningin niya pero iba ang nadapuli ng tingin niya.)
I-imposible.
Dahil nakita niya si Marlon na isa sa mga may karga ng kahon at namimigay ng rasyon ng pagkain.
EXT. SA LABAS NG SAN LAZARO GYM. TANGHALI.
Lumabas si Sabing ng silid upang hanapin ang kanyang Nanay Carmela dahil naiinip na siya, magdadalawang oras na kasi itong hindi bumabalik kaya naisipan niyang lumabas at hanapin ito.
SABRIELA
Grabe ang ganda talaga nung babae kanina. Sana ganon din ako kaganda. (Muni-muni niya habang naglalakad.) Nasaan na kaya si nanay? Bakit hindi pa siya bumabalik?
Naglakad-lakad pa siya habang pa-sway sway ang kanyang dalawang kamay na kala mo ay namamasyal lang sa Luneta. Hindi niya alam ay kanina pa may nakatingin sa kanya, may isang puting van di kalayuan. Lumabas doon ang isang lalaki na mukang goon at lumapit sa kanya.
GOON
Miss, ikaw ba si Sabriela? (At may ipinakita siya kay Sabing, facebook profile nito.)
SABRIELA
Uy, facebook ko 'yan ah! Bakit? Nagsend ka ba ng friend request?
Walang inaksayang oras ang goon at kaagad na may inispray kay Sabing dahilan para mawalan ito ng malay at dinala sa van.
Tututugtog ang chorus ng Wag ka nang umiyak habang hinihila si Sabing ng goon papasok sa loob ng van upang dalhin kung saan..
FADE OUT.
Abangan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top