EPISODE 14: Unang Bilin

EPISODE 14: Unang Bilin


EXT.MANSION DE BAROSA.CONFERENCE ROOM.HAPON.
Dumating na rin sawakas ang pagkakataon na matagal nang hinihintay ni Leiah, kaya naman kitang kita sa kanyang ngiti ang tagumpay, kala mo kinorohanan na siya.
Samantala, si Misha naman ay nakaupo sa may harapan ni Leiah. As usual ay mahinhin ito, tahimik at seryoso habang naghihintay.
At si Margot naman ang nakaupo ng may isang pagitan sa tabi ni Leiah, nakangiti ng katamtaman at patingin-tingin siya sa dalawang kapatid.


LEIAH

Hindi ba kayo nae-excite?

(Siya lang 'yung masaya.)


MISHA
(Nagpantig na naman ang tenga sa narinig.)
As far as I'm concerned, walang nakaka-excite kapag merong nakaburol.


LEIAH
(Nag roll eyes.)
God, Misha, you're so sensitive.


MISHA
I'm not being sensitive. What I'm saying is at least try to show some decency.


LEIAH
Wala rin akong nakikitang mali sa ginagawa ko. And come on, do you think na gugustuhin ni pa-pah na makitang magdusa tayo?


MARGOT
Sa tingin ko tama ang pinupunto mo, Ate Leiah. Kung nabubuhay man si pa-pah ay ayaw niyang nakikita tayong nasasaktan.
(The usual Margot.Ang tagapamagitan.)


LEIAH
(Tumingin kay Margot)
Yah! Ang talino mo talaga, Margot. Mana sa'kin.
(Tumingin sa smartphone kunwari.)
Atsaka kasalanan ko ba kung sadyang mabilis akong maka-moved on. Hindi katulad ng iba diyan.


MISHA
You're being disrespectful, Ate Leiah.


LEIAH
Call me whatever you want, I don't care.
(Because she believes that a queen should not listen to sheeps.)


MARGOT
Pwede naman sigurong hindi tayo magkasakitan dito---


LEIAH
Alam mo kung hindi ka lang sana naging cause of delay edi sana matagal ng natapos 'to. (Mataray niyang tugon.)


MARGOT
I never intended to be late.
(Nagtitimping magalit.)


LEIAH
Anyway, hindi naman sigurong maganda na hindi tayo magkakasundo lalo pa't ngayong patay na si pa-pah. Ang tagal din nating hindi nagkita-kita, so I suggest we better be good at each other.


MISHA
(Looks at Leiah with a shocked and disgusted face.)
Ang kapal talaga at sa kanya pa nanggaling!


MARGOT
(Medyo shookt sa bilis ng pambabaligtad ni Leiah.)
Queen Leiah is Queen Leiah.


LEIAH
(Expecting her sisters' outrage)
My little sisters are still the same.


MARGOT
(Imbis na mainis kay Leiah ay ngumiti ng ubod ng tamis. Ngiting pang Miss Universe.)
You're right, Ate Leiah. As a matter of fact, na-miss ko 'tong bonding (may diin) natin. I'm looking forward for more. (Tumingin kay Misha.)
Right, Misha?


MISHA
(Ngumiti rin at sinakyan si Margot. Tumingin sa dalawang kapatid.)
Of course. Lalo pa't masasaksihan natin ang pagiging reyna ng ate natin.
(Tumingin kay Leiah.)


LEIAH
(Nawala ang ngiti sa labi.)
Don't tell me na may tinatagong baraha ang dalawang 'to?


Nagkatinginan si Margot at Misha, nagngitian dahil parehas nilang naisahan ngayon ang magaling na si Queen Leiah. Maya-maya'y bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Attorney Guerrero. Moment of truth, muling bumalik ang ngiting-tagumpay ni Leiah, 'yung closed-lips smile pero wapak. Sumeryoso naman si Misha at inayos ang salamin, si Margot naman ay napahinga ng malalim at pilit na nagrelax.


ATTY. GUERRERO
(In a manly voice)
Sorry for making you wait, ladies. Are you ready?


LEIAH
Oh, yes, attorney.
I'm ready for this since I was born.


MISHA
(Tango lang ang sinagot.)


MARGOT
Yes, attorney, my sisters are so ready.
(Tinignan ang dalawang kapatid.)


ATTY. GUERRERO
(Tumikhim muna at umupo sa pinakaunahan)
Hindi na ako magpalaliguy-ligoy pa sa inyo.


LEIAH
The crown is yours, Queen Leiah.


ATTY. GUERRERO
Before proceeding to your respective inheritance and regarding the next title holder of Primo Propietor, mi señoritas, your father, Don Rico Andreigo Barosa, wanted you to grant his last wish.


LEIAH
(Nadismaya.)
Wait, so hindi pa ba 'to tungkol sa last will ni pa-pah?


MISHA
What do you mean by last wish, attorney? Ibig sabihin ba merong habilin sa amin si papah?


MARGOT
His dying wish?


ATTY. GUERRERO
Yes. A dying wish that the three of you must comply before you can get your inheritance.


LEIAH
What? So kailangan muna naming gawin ang kung ano mang wish ni pa-pah bago makuha ang mana?


ATTY. GUERRERO
Yes.


LEIAH
How about the title as the Chief Owner of Hacienda Barosa? Hindi ba pwedeng i-disclose ang tungkol sa bagay na 'yon?


ATTY. GUERRERO

I'm afraid that will be confidential not until you comply with your father's wishes.


LEIAH

(Napasandal na lang dahil wala siyang nagawa.)

No worries. (She smiled) I can wait. (Emphasized yung word na 'I')


MISHA

(Leaned forward)

Kung ganon, attorney, ano ba ang gusto ni pa-pah na gawin namin?


Nakahalukipkip lang si Leiah pero sa isip-isip niya ay medyo iniinis. Si Misha ang biglang naging interesado at si Margot naman ay nanatiling composed, hinihintay ang mga susunod na mangyayari.

ATTY. GUERRERO

Your father's last wish is to honor your sister. 


MARGOT

(Napakunot)

Sister? Sino sa amin?


ATTY. GUERRERO

I'm talking about Don Rico Andreigo's fourth daughter.


LEIAH, MISHA & MARGOT

What?!

(Sabay-sabay nilang react.)


LEIAH

Wait, attorney. Fourth daughter? Ibig sabihin ay mayroon pang isang bastarda?!

(Sumulyap tuloy si Margot sa kanya.)


MISHA

A-at anong kinalaman nito sa huling hiling ni pa-pah?


MARGOT

(Can't believe that she's not the only one kaya speechless si ate girl.)


ATTY. GUERRERO

Yes. And your father wanted you, ladies, to honor her fourth daughter as his heir. Her name is Anna Sabriela Garcia, her mother is Carmela Garcia.


Nagkatinginan ang magkakapatid, nagpapakiramdaman kung may nakakakilala ba sa pangalan ng ina ng bago nilang kapatid na bastarda. Pero walang umimik kaya muling nagpatuloy si attorney.


ATTY. GUERRERO

Kasama rin sa will niya na bukod sa pagbibigay ng apelido kay Sabriela ay kinakailangan niyo siyang i-groom bilang Barosa.


MISHA

And that means...


MARGOT

She's going to live with us.

....

Saglit na katahimikan.


LEIAH

So what our father wanted us to do is to honor that Sabriela as a Barosa? And to babysit her? Maghihintay ang mana namin at titulo ng Primo Propietor ng dahil lang sa kanya?


ATTY. GUERRERO
Yes.


INT.MANSION DE BAROSA. LIVING ROOM. HAPON
Nakaupo si Gwen sa sofa at ganoon din sa Andrew sa harapan niya. Si Andra naman ay nakatayo di kalayuan at hindi mapakali, naglalakad pabalik-balik kaya nakabuntot pa rin sa kanya ang alalay na si Aileen.


ANDREW
Baka gusto mong umupo, ate? Para kang may bulate sa pwet.


ANDRA
(Hindi pa rin mapakali.)
Diosmio, hindi ko alam kung bakit kinukutuban ako ng hindi maganda.


ANDREW
At bakit ka naman kinukutuban ng hindi maganda aber? Why don't you just sit down here, relax, and wait?


ANDRA

HIind ako mapapanatag hangga't hindi natatapos.


GWEN

Why? Don't tell me, ate, may interes ka sa mana?


ANDRA

(Huminto at slow-mo na lumingon  kay Gwenella.)

Sino bang hindi?

(Nagkatinginan si Andrew at Gwen saglit. At si Andra naman ay umupo na rin sa single sofa katapat ang dalawa niyang kapatid.)

Well, oo, alam kong wala tayong makukuha roon. What my interest is about the next Primo Propietor. 


GWEN

(Biglang napaupo ng diretso at sumeryoso.)

What? The next Chief Owner, you say?


ANDREW

(Naging uneasy pero 'di niya pinahalata sa mga kapatid.)

Oh, bakit? Hindi ba sa Leiah ang kasunod?


ANDRA

(Naningkit ang mga mata.)

Hah! Huwag ka ngang mag-panggap na walang alam tungkol sa "tradisyon" ng angkan natin, Andrew. Baka nakakalimutan mo na ito ang pinag-awayan niyo ni Andy.


ANDREW

Gaga, alam ko! Ang ibig kong sabihin, may kumpiyansa na si Leiah ang kasunod, knowing that child. 


GWEN

(Nakatingin sa mga kapatid.)

Ano naman ang magiging concern mo, ate, sa susunod na Chief Owner ng hacienda?


ANDRA

Of course, I'm concerned dahil sa Primo Propietor nakasalalay ang buong kinabukasan ng hacienda! Mahirap na at hindi natin masasabi ang laro ng tadhana! 


ANDREW

Are you trying to say na may tsansa pa na mawala kay Leiah ang titulo?


ANDRA

Oo!

(Nagkatinginan si Andrew at Gwen.)

Isipin niyo na lang, paano kung hindi kay Leiah mapupunta ang trono? Leiah was groomed to be the next Chief Owner since she was a child!Paano kung mapunta kay Misha o Margot ang title? Those two brats ran away for years! What do they know about handling the whole Hacienda?!

(Tumayo ulit.)

At paano kung may iba pang anak o mga anak sa labas si Andy?! And what worst is... that child is a boy! 


ANDREW

Shhh!!! Ate maghulos dili ka nga! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo, nakakaloka ka!


ANDRA

Bakit? Kayong dalawa? Wala ba kayong concern na ganon? Concern para sa Hacienda Barosa?


Pagkatapos sabihin 'yon ni Andra ay natameme ang dalawang kapatid. Si Andrew ay napatingin sa malayo at si Gwen naman ay napatulala sa kawalan. Maya-maya ay nakita nila si Attorney Guerrero na bumababa ng hagdan kaya napatayo sila Andra, Gwen at Andrew. Nagpaalam sa kanila si Attorney na hindi man lang nagbigay ng impormasyon sa kung ano mang nangyari sa naging usapan at umalis na ito.

Nakita nila na bumababa ngayon sa hagdanan ang Barosa Sisters, na sila Leiah, Misha, at Margot. 


ANDRA

(Dahil bida-bida si tita ay siya kaagad ang lumapit sa tatlo.)

My goodness! Anong nangyari?!

(Napansin niya kasi agad na hindi maganda ang mood ni Leiah.)

Binigay na ba sa'yo ang title, my favorite niece?


LEIAH

(Nainis lalo nang sabihin 'yon ni Andra.)

No, naka-hold lahat ng mana namin hangga't hindi namin tinutupad ang huling bilin ni pa-pah. Maging ang tungkol sa aking titulo. 

(Napatingin tuloy sa kanya sila Misha at Margot dahil sa pag-aassume niya.)


ANDRA

Anong naka-hold?!


MISHA

(Steps forward.)

Mayroong pinagagawa sa amin si pa-pah bago namin makuha ang mana, Auntie Andra.


GWEN

P-pinagagawa?


MARGOT

It's all about our other sister.


LEIAH

(Sumabat.)

Isang panibagong bastarda ang magiging Barosa.


FREEZE. Magtititigan sila with intense music habang gulat na gulat sila Andra, Gwen at Andrew sa sinabi ni Leiah. Si Misha naman ay titingin kay Margot at si Margot ay titingin kay Leiah, at si Leiah naman ay titingin sa malayo habang hindi pa rin natatanggal sa isipan ang goal na maging Primo Propietor.


INT. SA BAHAY NI CARMELA. GABI.

Kakauwi lang ni Sabing galing trabaho sa Alizandra Resort, makikitang may pag-aalala sa kanyang mukha dahil naisip-isip niya na hindi niya pala kayang maglihim sa kanyang ina. Pagpasok ni Sabing sa loob ay makikita niya agad ang Nanay Sabriela na nakaupo sa upuang kawayan. 

SABRIELA

Nay?


CARMELA

Bakit ngayon ka lang?


SABRIELA

(Umupo sa tabi ni Carmela.)

May... may gusto lang po sana akong sabihin, nay.


CARMELA

(Matamlay.)

Kumain ka na ba, anak?

(Tatayo sana pero pinigilan siya ni Sabing.)


SABRIELA

Nay, sorry, sorry kung naglihim ako sa'yo. 


CARMELA

(Natigilan at medyo kinabahan.)

A-ano?


SABRIELA

Alam ko magagalit ka pa rin kahit sabihin ko ang totoo... Nay...


CARMELA

Ako dapat ang humingi sa'yo ng patawad, anak! 

(Hindi na niya kinaya ang paglilihim sa mahabang panahon.) Sa pagtatago sa'yo ng katotohanan!


SABRIELA

(Nawala bigla ang kaba at napalitan ng pagtataka.)

H-huh? A-ano pong ibig mong sabihin, nay?


CARMELA

Ikaw ay...

May maririnig silang ingay sa labas kaya parehas silang ma-titigilan. At maririnig ang malalakas na sigaw at hiyawan ng mga tao. Kaagad na naalarma ang mag-ina at lumabas ng kanilang munting dampa at sumalubong ang mapulang paligid at itim na usok!


KAPITBAHAY 1

Sunog! Sunog! Mga kapitbahay! Lumikas na kayo!


Kaagad na naging mabilis ang mag-inang Carmela at Sabriela, pumasok sa loob para kuhanin ang pinaka-importanteng mga gamit. Naramdaman nila ang mabilis na pagkalat ng apoy nang maamoy ang sunog sa paligid. Lumabas sila at kaagad na tumakbo. Huminto ang mag-ina malapit sa barangay hall kung saan naroon ang lahat. 

Hindi na nasabi pa ni Carmela ang dapat sabihin sa kanyang anak, hinawakan niya ito ng ubod ng higpit habang sabay nilang pinanonood ang paglamon ng apoy sa kanilang munting barangay. 

Kailan maipagtatapat ni Carmela ang katotohanan sa kanyang anak? At ano ang magiging susunod na mga hakbang ng Barosa Sisters na sila Leiah, Misha at Margot upang tuparin ang huling bilin ng kanilang ama? Nasaan na si Donya Bettina?

FADE OUT.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top