EPISODE 13: Welcome Home
EPISODE 13: Welcome home
EXT. ALIZANDRA RESORT. UMAGA
Katamtaman ang dami ng tao sa resort. Naglalakad si Sabriela suot ang kanyang usual na damit, isang simpleng kamiseta at mahabang palda, habang patingin-tingin sa paligid. Hindi niya rin tuloy maiwasan ang nangyaring panghaharana sa kanya ni Zachary noong nagdaang gabi at hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya.
SABRIELA
Kung papayagan lang naman siya ni nanay na manligaw ng maayos. Bakit naman hindi?
Habang nagde-day dream si Sabriela ay hindi niya nakita ang makakasalubong kaya nakabunggo niya ito.
SABRIELA
Ay!
(At nang mag-angat siya ng tingin ay nagulat siya sa nakita.)
B-boss Ram?
ABRAHAM
(Fresh look from the bed, nakalugay ang mahabang buhok nito. Di man lang ngumingiti.)
Alam mo ba kung anong oras na?
SABRIELA
Oras na para mahalin ka? (Sa isip isip niya lang pero 'di naman niya talaga sinabi.)
Oras na para mag-almusal?
ABRAHAM
(Hindi pa rin ngumingiti at sumulyap sa relo.)
Oras na para magtrabaho, late ka na.
SABRIELA
(Biglang natauhan.)
S-sorry po!
(Aalis na sana siya pero bigla siyang may naisip na itanong.)
Saan po kayo pupunta?
ABRAHAM
Hindi ko dapat sagutin 'yang tanong mo.
(Masungit nitong sagot at sinabayan ng layas si Sabing.)
SABRIELA
Ang sungit talaga non.
INT. CRAM'S RESTAURANT. UMAGA.
Pagkarating ni Sabriela sa restaurant ay kaagad siyang nagpalit ng uniporme, hindi niya kasi pwedeng iuwi ang uniporme dahil mahuhuli siya ng kanyang Nanay Carmela.
SHARMAINE
Sabing, buti pinayagan ka na ng nanay mo na magtrabaho?
(Tanong niya agad kay Sabing nang lumabas ito sa dressing room.)
SABRIELA
Ang totoo niyan hindi niya alam, sinabi ko lang na may pinupuntahan akong seminar at himala namang naniwala si nanay.
LOLET
Oh, tama na 'yang chismisan! Trabaho na! (Sigaw nito sa kanila dahil imbyerna sa beauty ni Sabing.)
Walang nagawa sila Sharmaine at Sabriela kundi sumunod at simulant ang kanilang mga araw. Si Sabriela ay nagsimulang mag walis sa dining area habang wala pang mga customer, minsan pinaghuhugas din siya ng pinggan, nagseserve ng mga order, depende sa kung ano mang ma-trip-an na iutos sa kanya.
Nagwawalis siya nang pumasok sa loob ang unang-una nilang customer.
SABRIELA
Good morning, sir!
(Automatic niyang bati.)
Hindi naman siya pinansin ng lalaki, naka-formal itong attire at diretso lang humanap ng pwesto at umupo. Dahil siya ang nandito sa dining area ay nagkusa na siya na magbigay ng menu rito at kuhanin ang order nito.
ATTY. GUERRERO
Just coffee.
(Hindi na tinanggap 'yung binigay niyang menu at napatango lang si Sabriela.)
Pumunta si Sabriela sa may counter para ibigay ang order ng lalaki na hindi niya alam na si Atty. Guerrero pala na siyang humahanap sa kanya simula pa kahapon. Makalipas ang ilang oras ay dumagsa na ang iba pang customer para mag-almusal. Tinulungan na ni Sharmaine si Sabriela sa pag-aasikaso sa mga customer.
SHARMAINE
(Lumapit at bumulong kay Sabing.)
Girl, kanina pa tingin ng tingin sa'yo 'yung guy na 'yun oh.
(Nginuso si Atty. Guerrero na nagkakape.)
SABRIELA
(Pabulong din.)
Ha? Baka guni-guni mo lang 'yon.
SHARMAINE
Hindi ah, sure ako. Baka type ka.
(Medyo kinilig.)
SABRIELA
Baliw, parang ang tanda na niya.
SHARMAINE
Hah? Parang magkasing edad lang sila ni Boss Ram.
SABRIELA
Baka type mo?
SHARMAINE
Slight.
(Aminado si girl.)
???
Kaya siya tingin nang tingin sa'yo dahil may kailangan siya.
Muntik nang mapatalon sa gulat ang dalawa nang magsalita ang isang babaeng customer na malapit sa kanila. Naglalaptop ito habang may mainit na kape sa gilid, naka-ear phones, may maikling buhok, at nakasalamin.
SHARMAINE
Wait, naiihi ako.
(Palusot niya at sabay alis.)
SABRIELA
P-po?
???
Sabi ko kaya siya tumitingin kasi may kailangan siya.
SABRIELA
H-ha?
???
Bakit hindi mo kaya siya lapitan at tanungin?
(Ngumiti ito ng creepy.)
SABRIELA
(Pagtingin ni Sabing sa pwesto ng lalaki ay bigla itong tumayo at umalis pagkatapos iwanan ang bayad sa mesa.)
U-umalis na siya.
???
Told you.
SABRIELA
Teka, sino ka po ba?
???
Wag mo na kong i-po. Ako nga pala si Demi, Demi Rizal.
SABRIELA
Demi Rizal? Anak ka ni Rizal?
DEMI
(Tumawa.)
Parang.
SABRIELA
(Na-wirdohan at the same ay na-curious.)
Anong ginagawa mo rito?
DEMI
(Tumingin sa ginagawa niya.)
Nagsusulat.
SABRIELA
Nagsusulat ng ano?
DEMI
Kwento.
SABRIELA
Writer ka! (Medyo na-amaze.) Tungkol saan naman ang sinusulat mo?
DEMI
Tungkol sa Hacienda Barosa.
LOLET
Sabriela! (Paparating.)
DEMI
Sige na, baka mamaya pagalitan ka pa kapag nakitang nakikipag-usap ka sa'kin, Sabriela.
SABRIELA
(Umalis at kaagad na sinalubong si Lolet.)
LOLET
Maghugas ka ng pinggan ako naman bahala rito.
SABRIELA
Sige po.
(Tsaka niya naalala, bakit alam ni Demi ang pangalan niya?)
EXT. MANSION DE BAROSA. UMAGA.
Pa-sway sway ang hips ni Andrew habang naglalakad sa harapan ng mansion. Nakasuot naman siya ngayon ng pang-equestrian dahil kakagaling niya lang sa pangangabayo. Kanina pa siya may iniisip kaya 'di siya mapakali.
Samantala, di kalayuan ay nagtsitsimisan ang dalawang atribida na sina Marilyn at ang kanyang sidekick na si Gely.
MARILYN
Lkakldaldkaslkdalkdasa
GELY
Klsaklakdldajdaljdladad
Hindi man maintindihan ang mga dialogue nilang dalawa ay alam ni Andrew na siya ang pinag-uusapan ng dalawang echoserang froglet. Kaya nang lumingon siya ay saktong nakapagtago si Marilyn nang tumalon ito sa gilid at si Gely ang kanyang nadapuli.
ANDREW
You!
(Turo niya rito.)
GELY
Me?
ANDREW
Come here!
At natatarantang lumapit sa kanya si Gely, mataba ito kaya ilang metro lang ang tinakbo ay hinihingal na ito.
GELY
Yes po, senyorit—a?
ANDREW
Parang napansin ko na madumi ang sahig ng mansion.
GELY
Kakalinis lang po—
ANDREW
Okay, that's it, gusto kong linisin mo ang buong sahig ng mansion mula first floor hanggang third floor—gamit ito. (Out of nowhere ay parang magic na nagkaroon ng hawak na toothbrush si Andrew.)
GELY
Puta, toothbrush?!
ANDREW
Nagmumura ka ba?!
GELY
H-hindi po, sorry po, sorry po. (Kinuha ang toothbrush kay Andrew.)
ANDREW
Ngayon umalis ka sa harapan ko at huwag na huwag kang titigil hangga't hindi mo natatapos ang pinagagawa ko, intsende?!
GELY
Opo, opo. (At luhaang umalis habang hawak ang toothbrush.)
Pagkaalis ni Andrew ay humalukipkip siya at feeling great na muling nagalakad-lakad. Bumalik siya sa iniisip niya kaya muling sumeryoso ang kabogera niyang face.
ANDREW
Darating talaga ang panahon na kinakailangang malaman ng mga anak ni Kuya Andy ang katotohanan. Pero paano iyon mate-take ni Leiah? Knowing that bitch, gagawin niya ang lahat upang makuha ang titulo. Nakakaloka, dapat hindi na lang ako umuwi. Pero paano 'yung nakasalalay sa'kin na—
DARIO
Senyorito! Senyorito!
(Humahangos.)
ANDREW
It's senyorita!
DARIO
S-si Senyorita Margot! Nandyan na po sa labas!
ANDREW
Huwaaat?!
(Shookt at parehas silang tumakbo ni Dario papuntang main entrance.)
EXT. MANSION DE BAROSA. MAIN ENTRANCE. UMAGA.
Hindi kaagad pinapasok sa loob ng manor sila Margot at Marlon, una dahil sa itsura nilang dalawa, parehas silang musang at halos punit-punit ang damit. Pangalawa, dahil hindi nakikilala ng mga bagong gwardya si Margot at ang estranghero niyang kasama.
MARLON
Baka naman hindi ka talaga anak ni Don Rico kaya ayaw kang papasukin.
(nang-aasar na boses.)
MARGOT
(Inirapan si Marlon dahil totoo ang sinabi nito.)
Gusto mo bang ipa—
ANDREW
Ahh!!!!! (Matinis na tili.) Ahhh!!! Margoooot!!! Ahhh!!!!
MARGOT
T-tita Drea? (Natanawa ang tumatakbong nilalang palapit sa kanila.)
ANDREW
Margot! Oh my god! Anong nangyari sa'yo?! (Nang makita niya ang halos punit-punit nitong damit ay halos maloka siya.) Na-salvage ka ba?! Napagsamantalahan?! Oh my god, my poor niece! (Niyakap si Margot at ngumangalngal.) Sino ang may gawa sa'yo nito?! Sino?! Sabihin mo! (Humarap kay Marlon.) Ito bang poging 'to?! Siya ba ang lumapastangan sa'yo?! Hayop kaaaa! Panindigan mo ang pamangkin ko! Panindigan mooo!
MARLON
(Shookt at walang ginawa kundi salagin ang mga hampas ni Andrew.)
MARGOT
Tita Drea! Calm down! (Naloloka niyang saway.) Hindi ako na-salvage or what. Siya ang taong tumulong sa'kin.
ANDREW
Ay, hindi ba? (Kumalma bigla.) Anyare sa inyo?! Mukha kayong si Tarzan and Jane! Saang gubat ba kayo lumusot. (Natawa si Margot at Marlon.) Boyfriend mo ba 'to?
MARGOT
(Sumeryoso bigla.) God, no! It's a long story, Tita Drea. Please papasukin niyo na kami.
ANDREW
Sabi ko nga. I'm sorry, pogi.
MARLON
It's Marlon.
ANDREW
K fine. Let's goooo inside.
MARLON
Sa tingin ko kailangan ko ng umalis.
(Natigilan parehas si Andrew at Margot.)
MARGOT
(Medyo nanghinayang na hanggang dito na lang ang pagsasama nila ni Marlon.)
At least kumain ka man lang?
MARLON
No, hindi na, salamat.
MARGOT
S-saan ka na pupunta?
MARLON
(Ngumiti.)
Don't worry about me.
(Tumalikod ito at naglakad paalis.)
ANDREW
Sino ba 'yon? In fairness ang gwapo ha.
MARGOT
Isang di-hamak na delivery boy.
(Sabi niya at kaagad na naglakad papasok sa loob. Kunwari moved on na siya agad.)
ANDREW
Delivery boy pero nag-eenglish?
INT. MANSION DE BAROSA.HAPON.
Nagising na lang si Margot na papalubog na ang araw, pagkatapos niya kasing maligo at kumain ay kaagad siyang nakatulog sa sobrang pagod. Ni hindi pa nga niya nasisilip ang kanyang ama sa Great Hall kaya nang magising siya ay kaagad siyang bumangon, nagpalit ng simpleng dress at lumabas ng kwarto. Saktong pagkalabas niya ay lumabas din ng silid si Misha at saktong nagkatinginan sila.
MARGOT
M-misha?
(Gulat ngunit kaagad na nakabawi.)
Misha!
(Tumakbo siya rito at kaagad niya itong niyakap ng sobrang higpit.)
MISHA
Margot...
(Niyakap naman niya pabalik ang kapatid dahil na-miss niya naman si Margot kahit papaano.
MARGOT
Grabe, ang akala ko hindi ka na uuwi.
(Naluluha habang yakap pa rin si Misha.)
MISHA
Balita ko nga rin na umalis ka rin dito pagkatapos kong lumayas.
MARGOT
I can't remember when the last time I talked to you. Misha, alam mo bang grabe 'yung iniyak ko nung namatay si dad. (At ngayon ay umiiyak na si Margot.)
MISHA
I can imagine, Margot, you're such a cry baby.
MARGOT
(Bumitiw na sa pagkakayakap.) I'm so glad to see you again, Ate Misha.
MISHA
Don't call me Ate...
MARGOT
(Nawala ang ngiti.)
MISHA
...kasi magkasing edad lang tayo.
(Ngumiti siya at ngumiti na rin si Margot.)
Sabay na naglakad sila Misha at Margot hanggang sa marating nila ang living room. Alam nila sa isa't isa na hindi naman sila ganoon ka-close noon pero sa kanilang magkakapatid ay silang dalawa ang kahit papaano'y nagkakaramayan sa isa't isa. Dahil makulit si Margot noon ay madalas niyang kausapin si Misha, kahit na napipilitan pero di kalauna'y medyo naging okay sila.
MISHA
Bakit pala ngayon ka lang nakauwi?
MARGOT
Kung alam mo lang kung anong nangyari.
MISHA
Bakit?
MARGOT
Noong gabi na nagda-drive ako—
LEIAH
Well, well, well.
Sabay na napatingala si Misha at Margot nang makita si Leiah sa itaas. Nakapamewang ito at nakatingin sa kanilang dalawa sa baba.
LEIAH
Nandito na pala ang 'ating senyorita, Princess Margot. (Bumababa si Leiah sa hagdan, taas noo with poise.)
At sawakas kumpleto na rin tayong magkakapatid. (Lumapit si Leiah sa dalawa at bineso ang mga 'to kahit na nag-aalangan sa kanya.)
What a touching reunion, sisters.
Nagkatinginan lang si Misha at Margot. Na-gets agad ni Margot ang sarcasm mula kay Leiah kaya agad siyang bumwelo para banatan ito—ng salita.
MARGOT
I'm afraid hindi ko sinasadyang maging delay, Queen Leiah. I was almost kidnapped! At 'yung—
LEIAH
I don't have any time for your non-sense, Margot. Tatawagan ko na si Attorney Guerrero dahil ididiscuss niya pa sa atin ang mana!
MISHA
Masyado ka bang atat sa mana? Ni hindi pa nga nilibing si papa pero mukha ka ng mana! Kung may natitira ka pang puso, baka naman gusto mong ilagay muna natin sa tahimik ang kaluluwa ni papa bago mo problemahin 'yan.
MARGOT
What do you expect from Queen Leiah?
LEIAH
God, you're both stupid. Can the dead talk? Why don't we just move on? The future of this land from our ancestors is in entirely in our hands!
MISHA
Your hands! 'Yon naman talaga ang goal mo 'di ba? Ang maging Primo Propietor!
LEIAH
Well, of course, I am the eldest! Sa akin mapupunta ang title!
MISHA
Hindi! Hindi sa'yo!
LEIAH
(Napa-awe siya sa sinabi ni Misha.) How dare you? Are you trying to steal it from me? Ahas ka talaga, Misha!
MISHA
Ahas? Nagsalita ang ahas! Sino kaya diyan 'yung nang-agaw ng prom date noon high school?!
LEIAH
(Natawa ng bongga.) My goodness, Misha! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka-moved on?! That was a long time ago! And anong magagawa ko kung ako ang gusto ni Kennard?!
MARGOT
(Biglang na-awkward-an dahil nag-aaway na sa pagitan niya ang magkapatid.) Kailangan ba talaga mag-away kayo?
(Pero walang pumansin sa kanya.)
LEIAH
Ah, alam ko na, dahil ba sa ako ang pinili ni Kennard noon kaya mo gustong agawin sa'kin ngayon ang title? Grow up, Misha! Hindi na tayo teen agers!
MISHA
(Nagpigil na dahil ayaw niyang may masabi pa siyang hindi maganda.)
LEIAH
Ano? Magsalita ka, Misha. May balak ka bang agawin sa'kin ang titulo?! Sumagot ka!
GWEN
That's enough.
Sabay-sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita nila ang kanilang Tita Gwen, nasa magkabilang gilid nito ang kanilang Auntie Andra at Tito Andrew na seryoso kaya wala silang nagawa kundi matahimik.
MARGOT
T-tita Gwen? Auntie Andra?
ANDRA
The three of you, umayos kayo.
(Banta ni Andra na parang nanay nila.)
Nandito na si Attorney Guerrero para idiscuss ang tungkol sa mana.
Magkakatinginan ang tatlo. Kani-kaniyang zoom-in shot ng camera sa bawat mukha nila. Makikita ang seryoso nilang mga tita at tito, darating si Attorney Guerrero mula sa labas, slow mo itong naglalakad habang hawak ang isang briefcase. Mape-freeze ang eksena sa frame nila Leiah, Misha at Margot.
ATTY. GUERRERO
Before anything else, I'd like to say first, welcome home, ladies.
Ano ang naghihintay na balita mula kay Attorney? Kanino mapupunta ang titulo ng Primo Propietor ng Hacienda Barosa?
Abangan.
FADE OUT.
Hello guys! You can share your reactions on the comment section or you can tweet me @demdemidemii with the hashtag of #haciendabarosawp
Thanks! :) :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top