EPISODE 12: Ex-lovers Night


EPISODE 12: Ex-lovers Night


INT. MANSION DE BAROSA. GREAT HALL. GABI.

Ikalawang gabi ng burol ni Don Rico Andreigo Barosa o Don Rico/Andy. Hindi nagtagumpay si Barney mula kay Gwen na ilipat agad ang burol sa Bayan para sa public viewing dahil sa hindi pa pagdating ni Margot at biglaang pagkawala ni Doña Bettina.

Samantala... Sa ikalawang gabi ng burol ay dumagsa ang iba pang kilalang pamilya na kaalyado ng nga Barosa o ang tinatawag nilang Alianzas de las Familias, isa na rito ang mga Yupangco.

Samantala... Abala si Gwen sa pakikipag-usap sa isang kakilala at napansin niya sa kanyang peripheral vision ang isang tao na nakatingin sa kanya.


KAUSAP NI GWEN

Oh, excuse me I need to go to the restroom.

(Umalis.)


AGATON

  (Mabilis umaksyon si Agaton at kaagad na lumapit kay Gwen.) 

Hi?


GWEN

(Kunwari nagulat.)

Oh, hi, Agaton.


Parang hindi sila nagkita kanina, mabilis kasing umalis si Gwen nang makita ito kaya aminado siya na sinusubukan niyang umiwas kaso maraming kumakausap sa kanya kaya hindi siya makaalis sa Great Hall.


AGATON

Uhmm...

(Nahihiya pero nakangiti.)

Kamusta?


GWEN

(Natanggal ang pagka-kikay dahil sa hindi inaasahan nilang pagkikita.)

Mabuti naman. Ikaw?


Agaton Sotelo, ang kapatid ng ina ni Kenneth Yupangco, isang negosyante na nakabase sa Amerika. Tisoy, bilugan ang mga mata, at may dimples sa pisngi. Agaton and Gwenella used to be a thing, sila yung pinagtagpo ngunit itindadhana, the one that got away.

Sasagot pa lang si Agaton pero nagsalita ulit si Gwen.


GWEN

Kamusta si Alexa? And your kids? We followed back each other on Instagram kasi.


AGATON

(Nakalimutan yung unang sasabihin.)

Ah, ayun nag-open kami ng bagong restaurant sa Manila kaya umuwi na kami ng Pinas.


GWEN

Nakita ko nga sa IG. (Tumawa ng very light)

Yung kids mo? Ano ulit name nila?


AGATON

Si Isabelle grade eight and si John naman grade four. (Nakangiti pa rin.)

Maya-maya'y nakita sila ni Andra, namilog ang mga mata nito at kaagad na lumapit sa kanila habang kasunod pa rin si Aileen na nagpapaypay sa kanya.


ANDRA

Omg! Look who's here! Agaton! Mwah! Mwah!

(Nakipag-beso kay Agaton.)

My god! Ang tagal mo ring hindi nagpakita since you left the town!


AGATON

Kailangan kasi for the business, pero kung hindi naman ay mas pipiliin ko pa rin namang mag-stay dito sa bayan nating Rosaroso.

(Sumulyap kay Gwen at 'di nakatakas sa paningin 'yon ni Andra.)


ANDRA

Hahaha! (Tumawa kahit walang nakakatawa at hinampas pa si Agaton.)

Alam mo ba, ang daming nangyari since nag-migrate kayo sa Amerika! Gwen immediately agreed to marry Luke Nacional, do you know him? My god, he's like one of the richest man in Asia! Ayun kaso laging busy overseas, hindi tuloy sila nabiyayaan ng anak at heto namang si Gwen ay nag-adopt ng ibang bata.

(Tuluy-tuloy na salita ni Andra at walang pake kahit na nandyan si Gwen sa harapan.)


AGATON

(Hindi alam ire-react.)

That's... good to hear.


GWEN

(Nakangiti pero deep inside gusto niyang sakalin si Andra.)

Luke is very dedicated to his work.


ANDRA

Oo, sa sobrang busy nakalimutan na 'ata niya na may asawa siya. Alam mo Agaton, (Hinawakan si Agaton sa balikat.)

I'm saddened kasi hindi kayo ang nagkatuluyan, kasi you know, those were the days na nagkaroon ng matinding away ang Yupangcos, Sotelos and the Barosas. Wait, I can't believe it's been twenty-five years already!


GWEN

Ate. (Sumeryoso saglit.)

Past is past. Besides, we're in good terms with those families. And if you excuse me for a moment.

(Sabay alis.)


Naiwan ang dalawa habang si Agaton ay sinusundan ng tingin palayo si Gwen. Nagsimulang magkwento si Andra kay Agaton ng mga nonsense shits niya sa buhay at wala namang nagawa si Agaton kundi makinig lang.


EXT. MANSION DE BAROSA. GARDEN. GABI.

Mag-isang nagmumuni-muni si Misha sa hardin habang inaalala ang mga mumunting alaala niya sa pamamahay na 'to kasama ang kanyang pamilya. Sinusubukan pa rin niyang ma-contect ang kanyang mama ngunit hanggang ngayon ay ni "ha" ni "ho" ay wala siyang natanggap mula rito.


KENNETH

Nandito ka lang pala.


MISHA

(Kaagad na napalingon at nakita si Kenneth.)

Masyado kasing maraming tao sa loob.


KENNETH

(Nangiti.)

Introvert ka pa rin pala.


MISHA

(Napakunot.)

Ha? Ayoko na lang muna ng kausap.


KENNETH

G-ganon ba.

(Nakuha ang pahiwatig ni Misha. Aalis na sana siye pero nanatili lang siya sa kinatatayuan.)

Misha, gusto ko lang malaman kung kamusta ka na?


MISHA

I'm fine. (Casual na pagkakasabi.)


KENNETH

(Hindi pa rin mapalagay.)

Look, Misha, I'm sorry.


MISHA

(Tumingin kay Kenneth na naguguluhan.)

What? Ano bang kailangan mo?


KENNETH

I'm sorry kung matagal din kitang ginulo noon. Simula ng makipaghiwalay ka sa'kin, I did so many stupid things.


MISHA

Like almost raping me. (Sa isip-isip niya.)


KENNETH

I know you hate me for all those I did just to win you back...


Hindi tuloy maiwasang maalala ni Misha ang lahat ng nangyari noon tungkol sa kanilang dalawa. She believed that she didn't love him at all dahil sa una't sapul ay iba ang gusto niya noon, but Kenneth Yupangco was deeply and madly loved her, kaya ginawa nito lahat para lang mapasagot siya. And when the man she loved married the woman she hates, sinagot niya si Kenneth.


KENNETH

...Like, I tried to kill myself, para lang hindi mo 'ko iwan. And I almost...


MISHA

Kenneth. (Pigil niya sa kung ano man ang sasabihin nito.)


Kenneth loved her in ways that nobody can imagine. Binigay niya halos lahat kay Misha, at kahit anong hilingin nito noon sa kanya ay handa niyang ibigay at sunurin. Kaya naman noong makipagbreak si Misha ay halos mabaliw siya. He was obsessed and more likely became Misha's stalker, isa sa mga dahilan kung bakit mas pinili niyang lisanin ang Hacienda Barosa at ang bayan nilang Rosaroso.

KENNETH

Alam ko na hindi na 'yon mahalaga ngayon. Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't isa. Gusto ko lang ng masabi sa'yo na pinagsisisihan ko 'yon lahat. (Medyo lumapit kay Misha.)

Pero alam mo kung ano 'yung isang bagay na hindi ko pinagsisisihan na gawin?


MISHA

(Kumunot lang.)

Ha?


KENNETH

Ang mahalin ka.

(Matipid na ngumiti pero bakas ang kalungkutan.)


Hindi lang ulit sumagot si Misha dahil sa biglaang pagdadrama sa kanya ng taong 'to, ilang taon silang hindi nagkita kaya hindi na rin niya alam kung ano bang dapat niyang gawin dito. I-comfort? Pero aaminin niya na nasanay siya noon na siya ang palaging hinahabol, na siya lagi ang pinagmamakawaan, siya lagi ang nantataboy.


KENNETH

Kaya gusto ko lang din sabihin sa'yo, thank you for everything. I'm getting married.


MISHA

Pake ko?

Well then, I'm happy for you. (Pilit niyang pagkakasabi.)

Hindi alam ni Misha kung dapat ba siyang matuwa na finally ay matatahimik na rin si Kenneth, and all those run and chase moments are over.


KENNETH

Sige, mauna na 'ko.

(At umalis.)


Habang naglalakad palayo si Kenneth ay sinundan niya ito ng tingin palayo. Aaminin niya na sa buong buhay niya ay iisa lang ang taong naging ka-relasyo niya—si Kenneth lang. Pagkatapos ng relasyon nila ay hindi niya sinubukang maghanap ng iba o tumanggap ng kahit na sinong lalaki na gustong pumasok sa buhay niya. She built an ice palace, guarded, and frozen.

Pero hindi niya alam na marami pang maaaring mangyari sa hinaharap—katulad na lang na hindi pa ito ang huli nilang pagkikita. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top