EPISODE 1: The Achiever


EPISODE 1: The Achiever


ANG NAKARAAN SA HACIENDA BAROSA (W/ DRAMATIC ORCHESTRAL BACKGROUND MUSIC): Mabilis na kumalat sa buong Hacienda Barosa ang pagkamatay ng Primo Propietor (Chief Owner) na si Don Rico Andreigo Barosa. Mabilis ding kumalat ang tsismis na biglaang pag-alis ng bansa ng asawa nito na si Donya Alizandra Bettina Lisano-Barosa.

Samantala, sa malayong lugar mula sa hacienda...

CROSS FADE.


EXT.AERIAL VIEW NG SIYUDAD.UMAGA.

Makikita ang walang kamatayang traffic sa kahabaan ng EDSA. Malilipat ang aerial view sa may airport kung saan maraming tao ang naglilisawan, mga Pinoy na magta-travel, mga OFW, mga foreigners, mga corrupt na politiko, at marami pang iba. Morning rush. Usual na umaga ng mga Pinoy sa siyudad, hasel, bakbakan sa pagpasok sa opisina. Sabayan pa ng tugtog sa background ang Work Bitch ni Britney Spears. 

EXT.AIRPORT.UMAGA.

Magsu-zoom out mula sa entrada ng airport, at lalabas doon ang sopistikadang babae. Matangkad, maputi, naka-shades, pormang executive, amoy mamahalin.  Mapapatingin sa kanya ang lahat dahil sa lakas ng kanyang magnetic aura, kala mo artista. Saktong pagtapak niya sa labas ay kaagad na hihinto ang isang mamahaling itim na kotse, lalabas ang driver para pagbuksan siya ng pinto.


DRIVER

G-gud morneng po, madam!


Hindi siya papansinin ng babae at kaagad itong sasakay sa kotse na walang imik. Snob!


INT.KOTSENG BUMABYHAE.UMAGA.

Sa loob ng kotse ay kaagad na nilabas ng babae mula sa kanya Hermes bag na milliones ang worth ang kanyang mamahaling Iphone at tinawagan ang kanyang secretary.

Habang hinhintay niyang sagutin ang kanyang tawag ay napansin niyang tila pagong ang sasakyan nila dahil sa traffic papuntang Makati.


LEIAH

Manong, wala na bang ibibilis 'tong andar mo? Ayokong nale-late, you know that.


DRIVER

M-meron pa, madam! Masusunod ho!

(Bakas ang takot sa boses.)


Walang eme emeng nakipag-singitan na sa pila ang driver dahil alam niyang kung hindi niya susundin ang kanyang boss madam ay baka wala na siyang trabaho bukas.


INT. EXECUTIVE OFFICE. SA B.C. BUILDING SA MAKATI.

Nagkakagulo na parang bulate ang mga empleyado. Ang mga tatamad-tamad ay biglang nagsikilos. Dumating na ang kanilang hindi inaasahang judgment day. Napaaga ang uwi ng kanilang boss mula sa business trip nito sa Singapore, nag-walwal sila nang mawala ito at ngayon ay tambak sila ng trabaho.


LAURA

Double time, guys! 'Yung mga gamit niyo ayusin niyo!

(Tumatakbo sa hallway, kulang na lang megaphone para marinig siya ng lahat.)


Nagliliparan na halos lahat ng mga papel. Nagkakabungguan na ang ilan. Hindi sila magkanda-ugaga sa paglinis ng kanilang mga cubicle, isa sa mga ayaw ng boss nila ang makitang maraming tambak na papel at iba pang unnecessary na bagay.

MANAGER FRANK

Diyos ko! Bilisan niyo! Malapit na si madam!

(Halos magtitili na siya sa pagpapanic.)

LAURA

Manager Frank, nandiyan na sa baba si Hitler este madam!

MANAGER FRANK

Sshh!!! Bunganga mo girl! Shet! Bakit ba bigla-bigla siyang umuwi?! Kaloka!


Walang nagawa ang dalawa kundi bumaba sa lobby, tinakbo na nila palabas ang entrance at saktong huminto ang sasakyan doon at umibis ang kanilang terror boss.


LAURA & MANAGER FRANK

Welcome back, madam!

(Masigla at masaya kunwari ang boses nila)

LEIAH

(Inabot ang bag niya kay Laura)


Si Manager Frank naman ay automatic na binuksan ang kanyang always-ready na payong para payungan ang kanyang boss kahit na isang metro lang naman ang layo ng drop-off at entrance.

Ang mga empleyado naman sa loob ay kaagad na pumila ng maayos, dalawang linya, mga nakalagay ang kamay sa harapan, at nang dumaan ang kanilang boss sa gitna ay automatic silang yumuko bilang paggalang. Naglakad sa kanyang likuran ang dalawang alalay na sila Laura at Manager Frank. Tinanggal niya ang shades at hinawi pa niya ang ilang hibla ng buhok.

Siya si Reyna Lazaleiah Barosa, ang CEO ng Barosa Corporation, isang malaking kompanya na nagmamay-ari ng iba't ibang negosyo sa buong Pilipinas. Sa madaling salita ay takot sa kanya ang lahat ng empleyado niya sapagkat kilala siya sa ugaling perfectionist, competitive, at achiever. Hindi siya mahilig sa mga walang kwenta o walang katuturan na bagay kaya naman wala siyang close friends at lalo't wala pa siyang asawa sa edad na 32.

Isa lang naman 'tong normal na araw para kay Leiah, ang maging isang reyna ng kanyang kaharian. Everyone feared her, and no one dared to defy her orders dahil kung hindi sa kangkungan sila pupulutin.

Nang makarating sila sa elevator lobby ay automatic na nabigay ng space ang mga sasakay na empleyado. Sumakay sa loob si Leiah kasama ang dalawang alipores, pero may isang golden rule sa kompanyang 'to: Hindi ka pwedeng sumakay sa elevator kapag sakay nito si Leiah, maliban na lang kung alalay ka.

Pero dahil mapaglaro ang tadhana...Sasara pa lang ang pinto ng elevator nang may pumigil dito. Nagulat naman sila Laura at Manager Frank, si Leiah naman ay tumaas lang ang kilay.


ROBERT

Hays! Mabuti nakaabot!

(Ang ganda ng ngiti niya kahit na pawis na pawis. Tumabi siya kay Leiah.)


Pinindot ng lalaki ang close button ng elevator at sumara ito. Nagkatinginan si Laura at Manager Frank, parang silang dalawa ang gustong mamatay sa ginawa ng lalaki. Si Leiah ay nanatiling unmoved, kita ang reflections nila sa elevator at alam nila Laura ang ganoong facial expression ng kanilang boss. Doomsday.

Bumukas ang pinto ng elevator at naunang lumabas si Leiah kasunod ng dalawang julalay. Lumabas din si Robert, ang baguhang empleyado, sa itsura pa lang nito alam mo ng optimistc.

Huminto si Leiah kaya muntik na siyang mabunggo ng dalawang julalay. Dahan-dahan siyang lumingon kay Robert, alam na nila Laura ang malupit na kapalaran nito.

LEIAH

You—

Biglang may sisigaw na aagaw sa atensyon nila.


BABAE

Ikaw!


Napatingin silang lahat sa pinanggalingan ng sigaw at nakita nila ang isang empleyadong babae 'di kalayuan. Bakas sa itsura nito ang matinding stress at galit.


MANAGER FRANK

(Bumulong kay Laura.)

Anong ginagawa ni Magda rito? 'Di ba she's fired?


Si Magda, ang sinesante ni Leiah noong nakaraang linggo bago siya magpunta sa Singapore dahil lang sa nakasalubong siya nito sa hallway at hindi siya binati, isa 'yon sa golden rules ni Leiah, you must bow to the queen. Bumalik ngayon si Magda para maghiganti.


MAGDA

Hayop ka! Sinira mo ang buhay ko!

(Sigaw at turo niya kay Leiah.)

LEIAH

(Hindi lumilingon.)

Call the guards.

LAURA

Y-yes, madam!


Aalis pa lang si Laura pero biglang sumugod si Magda papunta kay Leiah, may hawak itong patalim. Nagsisigaw si Laura at Manager Frank, si Leiah ay nanatiling nakatayo.

Mabilisa ng pangyayari, biglang may kumabig kay Leiah at namalayan na lang niya na hawak siya ng lapastangang alipin na si Robert.

ROBERT

Okay ka lang, miss?!

MAGDA

Hayop kaaa!!!

(Susugod ulit.)

Tinago ni Robert sa likod niya si Leiah at napataas lang kilay ni Leiah dahil nakahawak ito sa kanyang braso. How dare he?! Naisip niya.

Gamit ang isang kamay ni Robert ay nagawa niyang madisarm ang patalim ng babae, sumubsob ito at nag-iiiyak. Tsaka dumatign ang mga guard para palayasin ito.

MAGDA

D-dahil sa'yo! Nawalan ako ng trabaho!

(Humahagulgol at kung anu-anong hinanain ang binato.)

LEIAH

(Napa-roll eyes lang si Leiah at kumuha ng tseke sa kanyang bag, sinulatan at binato kay Magda.)

Consider that as a donation. Don't ever show your face to me again.


Kinaladkad na ng mga guard si Magda at humarap si Leiah kay Robert na ineexpect niyang magpapasalamat sa kanya ang boss.


LEIAH

And you? You're fired.

At naiwan si Robert na napanganga.


INT. EXECUTIVE OFFICE. 100TH FLOOR SA B.C. BUILDING SA MAKATI.

Makikita ang isang balingkinitang babae ang nag-aalangang kumatok at pumasok sa loob ng isang high-end na opisina. May dala-dala ang babae na isang sekretarya na wireless telephone at dahan-dahang naglakad palapit sa kanyang boss na busy na busy sa desk nito sa pagsusulat ng mga importanteng dokumento ng kompanya.


LAURA

M-mam?

(Kabado pa rin si ate girl dahil alam niya kung gaano ka-terror ang kanilang boss.)


Hindi siya papansinin nito at uulitin ang pagtawag habang hawak pa rin ang wireless telephone na pansamantalang naka-hold. Matapos matanggap ni Laura kanina lang ang di umano'y isang importanteng tawag ay kaagad siyang pumunta rito. 'Yun lang ay hindi niya alam kung paano siya lalapain ng kanyang boss na palihim nilang tinatawag na 'Hitler'.


LEIAH

Laura, hindi ba't sinabi ko na ayokong-ayoko na iniistorbo ako sa ganitong oras?

(Hindi tumitinging sabi nito at abala pa rin sa kanyang ginagawa.)


LAURA

Mam Leiah, may importante raw po kayong tawag?


Hindi na nakapagpigil si Leiah at nag-angat siya ng tingin para sindakin ang kanyang sekretarya. Siya si Reyna Lazaleiah Barosa, ang CEO at nagmamay-ari ng Barosa Corporation, isang malaking kompanya na nagmamay-ari ng iba't ibang negosyo sa buong Pilipinas. Sa madaling salita ay takot sa kanya ang lahat ng empleyado niya sapagkat kilala siya sa ugaling perfectionist, competitive, at achiever. Hindi siya mahilig sa mga walang kwenta o walang katuturan na bagay kaya naman wala siyang close friends at lalo't wala pa siyang asawa sa edad na 32.


LAURA

N-n-naku, mam! Sorry po talaga! Emergency daw po talaga!

(Titig pa lang sa kanya ni Leiah ay tumagos na sa kanyang bungo, kaya natataranta siya dahil alam niya kung gaano katindi at kasinglupit ni Hitler ang kanyang amo.)


LEIAH

You know what I hate the most?

(Hindi sumagot si Laura.)


LEIAH

(Ngumiti lang si Leiah at ang ngiti na 'yon ay hindi magandang kahulugan.) 

Akin na.

(Inabot sa kanya ni Laura ang wireless telepono at sumenyas siya sa pinto.)


LAURA

T-thank you po, alis na po ako. 

(Nagmamadali siyang pumunta sa pintuan nang tawagin siya ni Leiah.)


LEIAH

Wait.

(Huminto si Laura at slow-mo na akala mo ay may stiff neck na humarap sa boss.)


LAURA

B-bakit po?


LEIAH

Your name?


LAURA

(Nag-inarteng nilagay ang dalawang kamay sa dibdib na nasaktan kuno dahil five years na siyang nagtatrabaho sa kompanya at hindi pa rin siya kilala ni Leiah) L-laura po.


LEIAH

Okay, Laura, you're fired.

Walang ibang nagawa si Laura kundi ma-shookt at manigas sa kinatatayuan dahil hindi niya sukat akalain na sa isang simpleng hindi pagsunod niya sa gusto ng kanyang boss ay nasesante pa siya.


LEIAH

Get out.

Lumayas ang sekretaryang si Laura na sugatan ang puso at si Leiah naman ay pinindot ang telepono para kausapin ang sino mang nangahas na nakawin ang napaka-ginto niyang oras. Well, she thought that her time is so precious that even looking at mere commoners ay hindi niya ginagawa dahil alam niyang aksaya lang 'yon sa oras.


LEIAH

Hello? Anong kailangan mo?


???

(boses ng lalaki)

Leiah Barosa?


LEIAH

Yes?

(Umasim ang mukha niya dahil ang kapal naman daw kasi ng face ng caller para tawagin siya sa nickname lang.)


???

(boses ng lalaki)

This is Attorney William Guerrero.


LEIAH

And so?

(Naiinip na si Madam.)


ATTY. GUERRERO

Your father is dead.



INT. OPISINA SA B.C. BUILDING SA MAKATI.

Nagulat ang lahat nang bumukas ang pinto at bumulaga ang taas noo nilang Boss na si Leiah. Kitang kita nila ang glamorosa at mestizang kagandahan nito, ang buhok na palaging naka-bun, naka-suot ng kanyang trademark outfit na black turtleneck na may kasamang mini blue scarf, white pencil skirt at black stiletto. Lahat ay napatigil sa kanilang ginagawa at humawi nang naglakad siya sa gitna na akala mo ay nagmomodel sa runway, sunud-sunod na bumati ang lahat kahit na alam nilang hindi naman sila nito tinatapunan man lang ng tingin.

Dire-diretsong pumasok at hindi na kumatok si Leiah sa opisina ng manager na si Frank. At makikitang matindi pa rin ang tension sa mga empleyado dahil isang beses lang sa isang buwan nila makitang pumupunta sa department nila si Boss Leiah, at sa kasamaang palad ay palagi itong may delubyong dala, mga extended hours ng work, mga revisions, at iba pa.

Wala pang limang minuto nang lumabas is Leiah sa opisina ni Manager Frank at naglakad ito palabas ng Department na 'yon. Tumingin ang mga empleyado sa pintuan ni Manager Frank at katulad nang inaasahan ay lalabas ito.


EMPLOYEE 1

Naku, ano na naman kayang sakuna ang dinala ni Hitler?


EMPLOYEE 2

Sshh! Baka isumbong ka at tanggalin ka rito!


EMPLOYEE 3

Narinig niyo ba 'yung chismis? Sinesante niya 'yung sekretarya niya dahil lang sa phone call!


EMPLOYEE 4

Ayoko na talaga rito, magreresign na ko!


EMPLOYEE 5

Wow bes, one year ago mo pa linya 'yan.


Tumikhim ang baklang si Manger Frank para makuha lahat ng atensyon ng mga empleyadong hawak niya.

EMPLOYEE 1

Ayan na ang masamang balita.


MANAGER FRANK

This is to inform you that our boss, Leiah, is going to have a vacation leave for one week.


Kroo...Kroo...Kroo...


Makalipas ang ilang sandali...

ALL EMPLOYEES

YESSS!!!!!


At nag-rakrakan silang lahat.


Lingid sa kanilang kaalaman dahil sa sobrang ingay nilang lahat ay naririnig sila ni Leiah sa hallway. Pero wala siyang pake at taas noo pa ring naglalakad papuntang elevator, kayang-kaya niya silang sesantehin sila pero aksaya lang 'yon sa energy at oras, so she's not going to waste her time to those slaves. Pagkatapos niyang malaman ang balita mula sa nagpakilalang si Attorney Guerrero ay kaagad niyang isinantabi ang lahat ng mga appointments niya para umuwi sa kanilang hometown, a very faraway place from the city.

She is the first daughter of Don Rico Andreigo Barosa and she believes that she is the rightful heir of the Hacienda Barosa. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti sa ideya na sa kamay niya mapupunta ang buong kalupaan at mga ari-arian ng kanilang ninuno. She's been trained for this a long time ago and now she's ready.

Hindi na rin niya matandaan kung kailan ba siya huling umuwi at kung kailan niya huling nakita ang kanyang pamilya. Though nalungkot siya ng onti sa balitang pumanaw na ang kanyang Papa Andy, at ang biglaang pagtakas ng kanyang Mama Bett, matagal na rin niyang hindi nakikita ang kanyang dalawang kapatid na sina Misha at Margot. She's so busy in achieving in many things, mahirap talaga maging magaling palagi.

LEIAH

I got to go home first dahil baka maunahan ako ni Misha.

She's going to make sure she'll get everything she wants. Because she's born to be a queen and an achiever, her name says it... She's Reyna Lazaleiah Barosa.

LEIAH

The one and only rightful heir to be the next Primo Propietor is going home.


FADE OUT.







xxx


Kristine Hermosa as Reyna Lazaleiah Barosa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top