Prologue : Paglaya

Prologue : Paglaya

"Nakalaya na ang anak ni Senador Valencia." sabi ni Letlet ang kasamahan ni Faith sa opisina ng Legal Council.

"Talaga? Grabe ang galing ni Atty Valiente. Limang tao ang napalaya niya." sabi ni Jen ang isa pa sa kasamahan ni Faith.

"Mamaya yata ang dating sa isla ng anak ni Senador Valencia tiyak dudumugin ng press ang isla." sabi ni Letlet.

"Sinabi mo. Ang alam ko sabay-sabay mamaya darating ang lima." sabi ni Jen.

"Makiusyoso tayo." sabi ni Letlet.

"Puwede tutal maraming tao doon panigurado." sabi ni Jen.

Napatingin ang dalawa kay Faith na noo'y may ginagawa sa computer nito. Nasa opisina ang tatlo ng Tres Islas Municipality ng sumabog ang balita na nanalo sa kaso ang limang bilanggo ng mag-file ang mga ito ng petition, sa ilang taong pagkakakulong sa Green Island.

"Ikaw sasama ka?" tanong ni Jen kay Faith

"Saan naman?" tanong ni Faith.

Alam ni Faith ang balitang iyon, dahil ang limang bilanggo at akusado ay nakatira sa El Paradiso ang islang sinasabing kaharian ng lima na pinamumunuan ni Autumn Valiente ang leader ng grupo, kasama ng mga pinsan nitong apat na kilala at kabilang sa mga prominente at mayamang pamilya sa bansa.

"Sa Skye Hotel, ang pagkakaalam ko doon ang presscon ng lima." sabi ni Letlet.

"Ano naman gagawin natin doon?" sabi ni Faith.

Kilala ni Faith ang limang akusado, dahil nag-aral siya sa St Therese kung saan siya naging scholar. Ang lima ay kilala ng tatlo niyang kaibigan na nagmula rin sa mayamang angkan sa Isla.

"Kailangan din natin ang bagay na iyon, tutal nasa legal Council tayo. May matututunan tayo sa sasabihin nila kung sakali." sabi ni Jen

"Alam niyo, kung tutuusin. Masuwerte lang ang limang iyon, dahil magaling ang abogado nila. Isa pa mayaman sila kaya nakalusot sila sa batas pero kung iisipin at pagtatagni-tagniin, ang pagwawalang bisa sa pagkakakulong nila ay hindi makatarungan." sabi ni Faith.

Para kay Faith, isa lang siya sa hindi natuwa sa pagkakalaya ng lima. Ang limang akusado ay muntikan ng nakapatay, at patong-patong ang kaso. Rape, kidnapping, child abuse, at paglabag sa karapatan ng mga kababaihan.

"Ganito ang hustisya sa bansa natin. At tayong mga maliliit ay kailangan tumabi lang kasi kahit anong gawin natin, talo tayo." sabi ni Letlet.

"Kaya nga, so anong gagawin natin doon?" sabi ni Faith.

Kung tutuusin, malaki ang utang na loob dapat ni Faith sa ina ni Autumn na si Ellie at sa noo'y gobernador na si SatA Valencia na ngayon ay senador at ama ng pinakabata sa akusado, pero kahit ganoon mas nanaig pa rin kay Faith ang hustisya na dapat mapasakamay ng biktima ng mga ito.

"Magtanong tayo, dahil ang sabi sa balita may mga reporter daw na magtatanong at mga sibilyan, para na rin daw malinaw sa lahat kung bakit sila nakalaya." sabi ni Jen.

"Pakitang tao lang nila ang bagay na iyan para mawala sa isip ng mga tao ang ginawa nila." sabi ni Faith.

"Subukan lang natin, magtanong." sabi ni Jen.

"Bakit pa?" sabi ni Faith.

Sa totoo lang ayaw ni Faith muli makasalamuha ang lima dahil kilala ang limang akusado na hindi marunong gumalang sa babae. Katunayan nito, ang kambal na kaibigan niya ay nasama sa pambubully at pambabastos ng apat sa akusado. Isama pa na ang isa pa niyang kaibigan ay hinalay ng isa sa apat. Kaya hanggat maaari iwas siya sa grupo.

"Nakakahiya naman kasi, kung mababahiran ang munisipyo ng lamat. Kasi di ba kilala ang Cheung, Valiente at Valencia na nanungkulan sa bayan na ito at baka sabihin nila bias tayo at nagtatago ng mga criminal." sabi ni Jen

Napaisip si Faith, kung tutuusin tama ang sinabi ni Jen. Mula nga ng makulong ang pangkat ni Autumn Valiente nagkaroon ng bahid ang legal department dahil sinasabing ang batas sa isla ay para lang sa grupo ng mga ito.

"Ano?" sabi ni Letlet kay Faith

"Sumama na tayo. Hindi naman masama magtanong." sabi ni Jen kay Faith.

Napahingang malalim si Faith, matagal na siya nagtarabaho sa legal department at isa siya sa regular na empleyado na Munisipyo.

"Sige." sabi ni Faith.

"Yes." masayang magkasabayang sabi nila Letlet at Jen.

.....................

Skye Hotel
Days later

"Aissst, bakit tayo nandito?" sabi ni Bullet.

Napatingin si Run kay Bullet. Si Run ang tumayong abogado ng lima, at hindi biro ang ginawa niya para mapalabas ang mga ito. Ginugol niya ang panahon niya para pag-aralan ang kaso.

At ang kasong ito ang unang kaso ni Sigrun Valiente bilang abogado at masaya naman siya sa resulta, dahil naipanalo niya ang kaso at siya ang kinikilala ngayon na pinakamahusay na abogado sa bansa.

"Kailangan niyo magpainterview." seryosong sabi ni Run na ikinatingin ng apat dito.

"Bakit pa?" inis na sabi ni Bullet na sa lima ito ang kontra sa kanya.

Napangisi si Run, si Bullet ang pinakabata sa grupo ng lima at alam niya nagkaroon ito ng depression sa loob. Katunayan nun, tinatuan nito ang sarili at hindi biro ang ginawa nito sa buong magkabilaang braso nito na kung tutuusin puro ugat ng puno lang naman ang nakapinta roon.

"Para makatayo ka, makalakad ka, at makaharap ka sa mga tao na hindi ka duduruan." seryosong sabi ni Run kay Bullet

"Fuck! Bakit nila gagawin sa akin ang bagay na iyon?" maangas na sabi ni Bullet kay Run.

"Kasi, alam ng lahat ang ginawa niyo.... mo. At hindi biro iyon, lalo na at senador ang tatay mo. At ang mommy mo ay kilala bilang mabuting tagapaglingkod sa mga mahihirap.

Ang pangit din naman po kasi tingnan na ang anak na nailuwal nila ay demonyo. Baka mapagkamalan na ampon ka ng magulang mo. At kapag hindi ka tumahimik at sumunod baka pati magulang mo magtaka kung ikaw nga ba ang anak nila." seryosong sabi ni Run.

Napatingin si Bullet kay Run, mas bata sa kanya ito ng ilang taon lima, anim o pito. Pero kahit ganoon parang kasing edad lang niya ito o mas higit pa nga ito kung mag-isip, mas matured kung susuriin.

"Ano naman ang itatanong nila?

Kung anong pakiramdam ng nakakulong, kung anong buhay sa loob o kung anong pakiramdam na ang batas ay nasa kamay namin." sabi ni Bullet na ikinatingin ng apat na kasama nito sa binata.

"Sumagot ka ng tama, kasi sa isang pagkakamali mo lang. Ang lahat ay bubuwelta sayo.

Matuto kang tumapak sa lupa kahit pakitang tao lang, dahil...

... una ang tatay mo ay public servant at kapag napikon iyon sayo baka si Sen. Valencia pa ang magpakulong sayo. Pangalawa, itago mo ang kaangasan mo dahil pati santo puwede mapikon sayo." sabi ni Run na ikinangisi ni Autumn at ikinatingin ng tatlo pa kay Run.

"....at pangatlo, huling pagtatanggol ko na sa inyo ito. Dahil kung tutuusin ang ginawa ko ay pagbebenta ng kaluluwa ko sa demonyo, at oras na para bayaran ko ang utang ko sa pinagbentahan ko." makahulugang seryosong sabi ni Run kay Bullet na ikinangisi ni Bullet.

"Okay, Atty. Valiente, salamat. Huwag kang mag-alala gagandahan ko sumagot." nakangising sabi ni Bullet.

"Dapat lang." seryosong sabi ni Run.

Napatingin si Bullet sa paligid, nasa Skye Hotel sila ng mga oras na iyon. Ang hotel na pag-aari ng ama niya na ipapasa sa pamamahala niya.

Nasa isang pribadong bulwagan ng hotel kung saan ginagamit lang iyon kapag may mahalagang okasyon.

Katulad ngayon, dahil ito ang araw na nakalaya silang lima. At ang araw na magagawa niya uli ang lahat ng malaya.

..................

"Dito tayo." sabi ni Jen kay Letlet at Faith

"Ang layo naman." sabi ni Letlet kay Jen.

"Okay na dito, kasi mga reporters at media ang nasa harapan. Saka tingnan niyo ang puwesto natin ay para sa sibilyan." sabi ni Jen.

"Maupo na tayo." sabi ni Faith.

Napatingin si Faith sa paligid, malaki ang lugar, na hindi naman niya ipinagtataka dahil kahit na paano nakakapasok siya sa ganoong lugar dahil ang tatlo niyang kaibigan ay mayayaman. At masuwerte siya dahil naiimbitahan siya sa mga mararangyang gathering na ginaganap sa mga pribadong bulwagan ng mga kilalang hotel sa Tres Islas.

"Nice place. Ang ganda dito, parang pinaghandaan nila ang pagbabalik ng lima sa isla." sabi ni Jen kay Faith at Letlet.

Napangisi si Faith, kilala ng lahat ang lima sa isla. At ang mga tao doon ay ilag sa grupo ng mga ito. Ang limang akusado din ay naghari sa isla na kung tutuusin ang lima ang humahawak sa mga politikong umuupo sa Tres Islas.

"Puppet." sabi ni Faith.

"Ano?" sabi ni Letlet.

"Puppet lang nila ang lahat sa islang ito, at ngayon magiging malakas sila dahil kay Atty Run." sabi ni Faith.

"Si Atty Valiente ang nagdagdag pa lalo ng kapangyarihan nila. Biruin mo ang galing niya, hindi biro ang mapanalo ang ilang kaso ng limang tao." sabi ni Jen.

"Tama, si Run ngayon ang katatakutan ng lahat dahil sa kanya mangingiyemeng magsampa ng kaso ang iba kapag nakagawa naman ng kalokohan ang limang iyan." sabi ni Faith.

"Iba talaga kapag nasa isang tao na ang lahat. Kapangyarihan, kayamanan at katalinuhan." sabi ni Jen.

"Tama pero wala ang pinakamahalaga." sabi ni Faith.

"Ano naman iyon?" sabi ni Letlet.

"Pagmamahal na siyang magbabalanse sa lahat." sabi ni Faith.

"Wala ba? Eh kung tutuusin maraming babae ang nagkakadarampa sa limang iyan. At sa pagkakakalam ko kahit hindi naman si Bullet ang may hawak ng social media account niya may 8milyon siyang followers." sabi ni Letlet.

"Hindi naman porque naka-follow ka sa isang tao ay follower ka niya. Ang iba sa kanila ay nakikibalita sa kaguhan niya at hindi pagmamahal ang tawag doon." sabi ni Faith.

"Sabagay, may mga comments din na masama at pangit sa pandinig laban sa kanya." sabi ni Jen.

"May mga tao kasi na kahit ayaw nila sa tao, pero nasa page naman ng hindi nila gusto.." sabi ni Letlet.

"Para kasi kalampagin ang mga gagong sumusuporta sa kanya. May mga tao kasi na alam ng mali pero wagas makasuporta." sabi ni Faith

"Ikaw follower ka ba niya?" tanong ni Jen kay Faith na ikinatingin ni Faith kay Jen.

"Hahahaha, hindi 'no. Bakit ko siya ifa-follow. Puwede ba 'no." sabi ni Faith.

"Sabagay, hate mo nga pala siya." sabi ni Letlet.

"Hate mo siya, Faith? Pero di ba ikaw iyong iniligtas ni Bullet dati, doon sa lalaking binastos ka sa munisipyo." sabi ni Jen na ikinangisi ni Faith.

"Anong iniligtas? May bayad iyon. Ang mokong na iyan lahat ng gagawin niya ay may bayad." sabi ni Faith na ikinakunot noo ng dalawang kasama ni Faith.

"Ano naman ang binayad mo?" sabi ni Jen.

Hindi umimik si Faith, at tiningnan lang nito ang limang lalaki na nakaupo sa harapan kasama ni Run.

"Okay. No comment na siya." sabi ni Letlet na ikinatahimik na ng mga ito ng magsimula na ang presscon ng lima.

Nakikinig lang ang tatlo lalo na si Faith sa mga sagot ng lima na halatang pakitang tao sa lahat. Pero hindi siya maloloko ng lima lalo na ni Bullet na kanina pa hindi mapakali sa upuan nito at halatang naiinis na ito at nababaduyan sa ginagawa.

"Sino gusto magtanong?" sabi ng host ng event.

"Ako." malakas na sabi ni Faith na ikinatingin ng lahat dito at lahat ng camera ay tumama sa dalaga.

"Akala ko ba ayaw niya." bulong ni Letlet kay Jen

"Hayaan natin baka nagbago ang isip." sabi ni Letlet ng tumayo si Faith.

"Yes, Anong name mo?" tanong ng host.

"Faith Magalanes ng Legal Department ng Tres Islas Municipality." sabi ni Faith na ikinatingin ng anim na lalaki dito.

"Nice, may bisita pala tayo galing munisipyo. Anong katanungan mo?" nakangiting sabi ng host na halatang nagulat ito dahil alam ni Faith na ang lahat ng ginagawa sa munisipyo ay alam ng mayayamang angkan sa isla lalo na ang mga Cheung at Valiente na siyang may hawak sa lugar ng unang Bayan at Valencia na siyang namamahala ng ikalawang bayan.

Napatingin si Faith sa limang nasa harapan na nakaupo saka ito nagsalita.

"Anong pakiramdam ng mapawalang sala sa kasong may matibay na pruweba?

Paano niyo masasagot ang katanungan na sa pag-apila niyo ng kaso sa mataas na hukuman ay itinanggi na ni Atty Wine Lopez na hawakan ang mga kaso ng sarili niyang kapatid?

Isa ba itong pagmamanipula para ang lahat ay mauwi sa wala, na kung tutuusin ang batas ay dapat manaig kahit na ang biktima at ang panig nito ay tila wala ng pakialam sa isyu." sabi ni Faith na ikinangisi ni Bullet dahil kilala niya ang babaeng nagsalita.

Hindi nagsalita si Autumn at nakatitig lang ito sa babae dahil nakikilala niya ito na kaibigan ng pinsan niyang kambal. Samantalang napatingin sa isa't isa sila Heaven, Blaze at Aqua dahil ito ang tanong na iniiwasan nila, ng hindi na umapila si Atty Lopez ang abogado ni Chhaya na biktima ng krimen kung saan muntikan na ito mamatay.

"Masaya." nakangising sabi ni Bullet na ikinatingin ng limang lalaki kay Bullet ng ito ang sumagot na kung kanina iwas ito sagutin ang mga tanong.

".....ang pagtanggi ni Atty Lopez sa kaso ay isang paraan na pag-usog nito sa walang kuwentang kaso ng kapatid niya.

Dahil alam ko... namin at alam MO, na ang biktima ay willing na rape victim. Na kung tutuusin alam MO dahil kilala mo si Chhaya Lopez, bilang escort sa Casa.

Isa pa Miss Magallanes, ang batas ay hindi lamang idiin ang mataas para masabi mong patas ang batas. Huwag kang magsalita dahil sa dukha ka lang, dahil ang batas ay para sa lahat.

Hindi lang para sa mababang uring tulad mo, na alam natin na marunong umarte. Kung gusto mo ng patas na batas, lumapit ka dito ipapakita ko sayo." nakangising sabi ni Bullet na ikinaingay sa bulwagan.

Napangisi si Faith sa sinabi ni Bullet.

"Hindi ko kailangan lumapit diyan Mr. Valencia dahil maraming nakakaamoy ng baho mo kahit na ganito ako kalayo sayo." sabi ni Faith kay Bullet.

"Uyyy, Faith." sabi ni Jen sabay hatak kay Faith sa takot na mawalan sila ng trabaho sa munisipyo.

"Whoah!" nakangising sabi ni Bullet at akmang magsasalita ito ng biglang magsalita si Run.

"Pasensya ka na Miss Magallanes, ang totoo pinag-aralan ko ang lahat.

At base sa nakalap kong impormasyon, ang pagpunta ni Miss Chhaya Lopez sa Casa ay isang patunay na willing siya tumira at gawin ang bagay na ginagawa nila ng kliyente ko.

Isa pa, ipagpaumanhin mo kung nabastusan ka sa pananalita ng kliyente ko o ng ginawa nila. May mga tao kasi na hindi nakakaunawa o hindi saklaw ng pananaw nila o damdamin ang nagaganap sa isang relasyon.

Ang pagkakamali ay hindi lamang sa mga kliyente ko, ito'y isang mutual na pagkakamali. At ang mga accessory to the crime na tinatawag o sangkot sa kaso ay hindi alam ang tunay na nagaganap, nagbase lamang ang lahat sa insidente sa Bar ng gabing iyon kung saan ang apat na sangkot ay kasama ng lead suspect o akusado na si Autumn Valiente.

Paumanhin kung nabastusan ka sa paraan ng relasyon ng kliyente ko at ng biktima." sabi ni Run na ikinatitig ni Faith kay Run.

"Bakit mo sila pinagtanggol kung alam mong may mali?" sabi ni Faith kay Run.

"Hindi ko sila pinagtanggol dahil mali sila. Tinama ko lang ang nakikita ng lahat, dahil kung tutuusin sa isang relasyon may mga nagaganap na kakaiba.

At iyon ay pinagkasunduan ng dalawang panig. Walang mali sa ginawa kong pagtatanggol sa kanila, dahil ang totoo nais ko lang buksan ang isipan ng lahat kung paano pasukin ang mundo ng isang relasyon na mapanganib pero may pagmamahal.

Bagay na napatunayan ko kay Miss Lopez at sa kapatid kong si Autumn. Bukod doon, ang pagkakaibigan nila ay siyang magsisilbing inspirasyon sa lahat dahil alam natin na wala naman talaga kasalanan sa kaso ang apat pero kahit na ganoon, hindi nila iniwan ang bawat isa na kung tuusin puwede nilang itatwa si Autumn Valiente.

Nauunawaan mo?" sabi ni Run habang nakatitig kay Faith

"Oo, pero kahit anong tuwid mo sa pagkakabaluktod. Hindi mo maaalis ang marka ng kabaluktutan nito." sabi na Faith kay Run.

"Hindi ko man maituwid ang bagay na nabaluktot na, ang importante makita mo kung bakit siya nabaluktot at ang rason kung bakit kailangan mo ideretso." sabi ni Run.

"Isa siyang trolls." sabi ni Bullet na ikinatingin ni Faith kay Bullet.

"Isa ka namang impakto na iniluwal ng mababait mong magulang. Tsk tsk tsk. Nakakahiya dahil ang isang magaling na Senador ay may anak na criminal." sabi ni Faith na ikinangisi ni Bullet na halatang napikon ito.

"Faith tama na." mahinang sabi ni Jen.

Tumayo si Jen at Letlet at ngumiti ang mga ito.

"Salamat po tapos na siya magtanong." nahihiyang sabi ni Jen.

"Aalis na po kami." sabi ni Letlet sabay hila nito kay Faith palabas ng bulwagan.

Napatingin si Faith sa mesa ng anim na lalaki na nasa unahan, at napangiti ito ng makitang nakangiti sa kanya si Run.

Napatingin si Bullet kay Faith at napangisi ito ng makitang nakangiti ito kay Run na nakangiti rin sa dalaga.

"Papansin 101, maharot ka. Tssss." naiiling nakangising sabi ni Bullet habang nakatingin kay Faith ng tuluyan itong lumabas ng bulwagan.

November 11, 2021 9.13am
FifthStreet1883
Good night

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top