Kabanata 3 : That Girl

Kabanata 3 : That Girl
Cheung Hotel
Months later

"Miss, saan ka? Anong kailangan mo sa loob?" tanong ng gurad kay Faith ng araw na iyon.

"May pappeles lang ako na ibibigay kay Atty Galvez. Nalimutan niya kasi at may meeting siya. Nakacheck in siya sa loob ng hotel." sabi ni Faith.

"ID na lang paki-iwan." sabi ng guard na nginitian at tinanguan ni Faith.

Pumunta si Faith sa reception area at ibinigay ang ID niya saka kinuha ang Visitor's Pass at umalis ito.

Samantalang papasok pa lang ng hotel si Bullet ng mamataan nito si Faith na nagmamadaling sumakay ng elevator na ikinakunot noo ng binata. Kaya pumunta si Bullet sa reception kung saan nanggaling si Faith

"Anong kailangan ng babaeng iyon?" tanong ni Bullet sa clerk na naroroon.

Napatingin ang dalawang babae kay Bullet at kinilig ang mga ito ng makilala si Bullet na isa sa apo ng may-ari ng Cheung Hotel at ngayon ay nasa pangangalaga ng bayaw nito na si Atlas Cheung.

"Kay Atty Galvez daw Sir." sabi ng clerk na abot tenga ang ngiti.

"Galvez?" tanong ni Bullet

"Abogado po iyon sa munisipyo, may ibibigay daw iyong girl na papeles naiwan ni Atty. Galvez." sabi ng clerk.

"Room number." sabi ni Bullet

"Sir?" tanong ng clerk

"Room number ni Galvez?" seryosong tanong ni Bullet na agad naman binigay ng clerk.

Pagkabigay ng clerk agad umalis si Bullet at pumasok ito ng pribadong elevator.

...................

"Pasok."

Napangiti si Faith ng may nagsalita sa loob ng unit. Binuksan niya ang pintuan pero laking gulat nito na hindi si Atty Galvez ang naabutan nito kundi si Run.

"Ru---run. I mean.....

.... Atty Valiente." gulat na wika ni Faith.

"Oh, bakit nagulat ka?" napangiting sabi ni Run kay Faith.

"A...a...ano, hindi naman. Inaasahan ko kasi si Atty Galvez. Sa---sandali baka mali ako ng kuwarto." sabi ni Faith at agad itong lumabas ng kuwarto na ikinangiti ni Run ng makita ang gulat at pagtataka sa mukha ni Faith.

Lumabas si Faith ng kuwarto at ng tingnan niya ang room number napakunot noo ito.

"Tama naman. Pero bakit siya ang nandito?" sabi ni Faith sa isip ng pagkatitigan ng room number ng unit.

"Grabe, bakit ganoon? Mas bata siya sa akin ng ilang taon pero bakit ako nailang?

Aissst, nakakakaba siya kasama. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang naiilang ako." sabi ni Faith sa isip.

Napatitig si Faith sa pintuan at napahingang malalim.

"Papasok ba ako? Ano ba iyan? Ang puso ko kumakalabog. Iba ang dating niya sa malapitan. Langyang bata ito, hindi ko akalain na lalaking makalaglag panty." napangising sabi ni Faith.

"Kung dati ang liit lang niya at tumatakbo lang iyon kasama sila Ash.

Grabe mas bata pa siya kay Wine. Pero sabagay kung si Wine nga mas bata sa amin nila Althea pero nahalikan namin.

Aisssst. Ano ba iyan? Umagang umaga bakit ganito ang naiisip ko." sabi ni Faith.

Tinitigan ni Faith ang pintuan at nakuha pa iyon kapain.

"Papasok ba ako? O hindi? Pero bata lang iyon... haiiissst.

Malaki na siya ngayon, mas matangkad nan ga siya sa akin. Saka...." udlot na sabi ni Faith at kinilig ito.

"Langya, sabi ng isang abogado ang kahinaan ko. Kaya nga lalo kong naging crush si Wine ng malaman kong abogado siya, tapos si Atty Galvez, at sumulpot ka pa Run. My God, ang daming Papa na abogado." kinikilig na sabi ni Faith.

Mula sa malayo kanina pa nakatunghay si Bullet kay Faith ng abutan ito. Nakasandal lang sa pader si Bullet habang pinagmamasdan si Faith na halatang kinikilig ito, dahil nakuha pang ngumiti at nanginig pa ito sa pagkakilig.

"Langyang kaharutan iyan." sabi ni Bullet sa isip.

.............

"Okay naman humarot. Single ako, at aisssst kasal sila ni Althea. Pero......

.... may divorce sa Amerika.

Hahaha! Puwede bang dalawang asawahin niya. Si Althea sa USA ako dito sa Pinas. Ayieeee. Landi mo Faith. Ang harot mo." kinikilig na sabi ni Faith.

Alam ni Faith na kasal si Run sa kaibigan niyang si Althea, pero alam naman ni Faith na hindi gusto ni Althea si Run at nagpakasal ito dahil sa anak ng mga ito na ikinuwento mismo ni Althea sa kanya.

"Baka puwedeng sharing..... hahahaha. Langya ang landi mo Faith." natatawang sabi ni Faith.

................

"Ang harot." sabi ni Bullet sa isip habang pinagmamasdan si Faith.

"Kapag babae ang humarot ang laswa talaga tingnan." sabi pa ni Bullet sa isip ng makita ang pagngiti ni Faith.

.....................

"Ano naman kung humarot ako? Single kami pareho ni Run sa Pinas, at... hahahaha! kaibigan ko si Althea, puwede naman siguro maki-share. Hahahaha. Buweset. Joke lang iyon." napangiting sabi ni Faith.

"Hays, makapasok na nga at malandi si Atty. Run." nakangiting birong sabi ni Faith

Hinawakan ni Faith ang doorknob pero akmang pipihitin niya iyon ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Run na halos sakupin nito ang pintuan.

Napaatras si Faith ng makita si Run at namula ang mukha ng dalaga ng nakangiting nakatingin sa kanya ang binata.

"Hayuffff, bakit ang guwao ni Ralph Cheung." natawang sabi ni Faith sa isip ng ngumiti si Run na halos mawala ang mata nito. Kamukha si Run ng lolo nitong si Ralph Cheung na nakita niya ang picture sa Cheung Museum noong kabataan ng matanda.

Tsinito ang nasa harapan niyang lalaki, guwapo ang pagiging Tsinito nito isama pa na maamo ang mukha ng binata na namana nito sa ina nitong si Ellie.

Napatingin si Faith sa katawan ni Run at napangiti ang dalaga.

"Grabe, sinong mag-aakala na ang lalaking ito ay nagkasakit dati. Ito ang lalaking matatawag mong LALAKI talaga.

Alam kong namuhay siya ng mag-isa noong bata pa siya at nakaligtas sa mga trahedya sa buhay niya. Naka-survive siya na SIYA lang mag-isa.

Kaya walang babaeng hindi mapapahanga sa kanya, isa siyang tunay na lalaki na hahangaan at iibigin mo.

Dahil kung ang sarili niya nabuhat niya at nailigtas sa murang isip at katawan niya. Ano pa kaya ang babaeng mamahalin niya?" sabi ni Faith habang tinititigan si Run mula ulo hanggang paa.

Napangiti si Run ng titigan siya ni Faith mula ulo hanggang paa at bumalik iyon ng tumingin si Faith mula paa hanggang ulo niya na tila ito x-ray na sinusuri siya.

"Puwedeng ako na lang?" mahinang sabi ni Faith ng tumingin ito kay Run.

Napangiti si Run ng marinig ang sinabi ni Faith saka ito nagsalita.

"Dala mo ba ang papeles?" tanong ni Run.

"Ha?" mahinang namulang sabi ni Faith

"Iyan na ba 'yon?" tanong ni Run sabay hawak sa kamay ni Faith na may dalang folder na ikinalunok ni Faith.

................

Mula sa malayo nakatitig lang si Bullet kay Run at Faith. Pinagmamasdan nito ang dalawa na halatang nasa flirting moment ang mga ito.

"Ayos, manang-mana sa ama." sabi ni Bullet sa isip ng makita si Run na alam niyang ginagamaitan nito ng charm si Faith.

"Alam ko ang mga style na ganyan. Alam kaya ni Althea na ang kaibigan niya ay nilalandi mo rin?" sabi ni Bullet.

Ilang buwan na rin mula ng maikasal si Run at Althea, at may anak ang mga ito na hindi pa ipinapakita ni Run sa publiko pero alam ng grupo na anak iyon ni Blaze kahit senegundahan ng pamilya ni Run na ito ang ama.

Napatingin si Bullet kay Faith, ilang buwan din niya hindi nakita ang dalaga mula ng insidente sa Pabahay sa Laguman. Hindi na rin nag-volunteer si Faith tuwing Sabado na ipinagtaka niya, dahil tuwing Sabado naroroon siya at hindi na niya ito nakikita pero ang dalawang kasama nito lagi at ang manliligaw ng dalaga na si Jasper ay patuloy na volunteer sa Pabahay.

................

"A-----ah, oo. Ito iyong papeles. Sorry, nagulat kasi ako ang inaasahan ko si Atty Galvez." sabi ni Faith kay Run.

Ibinigay ni Faith ang dokumento kay Run saka ito napaiwas ng tingin.

"Grabe naman, mas bata ito sa akin ng ilang taon pero bakit nakakailang." sabi ni Faith sa isip.

Napatitig si Run kay Faith ng umiwas ito ng tingin, alam niyang naiilang ito. Pero kung tutuusin matagal na niya ito nakikita dahil kaibigan ito ng pinsan niyang kambal. Iyon nga lang nakadistansya ito sa tatlong kaibigan nito dahil na rin siguro mahirap lang si Faith kompara sa tatlo.

Nakikita rin ito ni Run sa mga Valiente gathering dati kasama ng kambal at ni Shimmer pero hindi nakikihalubilo si Faith sa mga mayayaman, umaalis nga ito agad ng party kapag naiimbitahan ito ng mga pinsan niya na halatang naiilang ito.

"Pumasok ka muna, may pag-uusapan tayo." sumeryosong sabi ni Run na ikinatitig ni Faith sa dalaga.

"Ha?" tanong ni Faith.

"Pag-uusapan natin ang dokumentong ito at ikaw ang representative ng Legal Department." sabi ni Run.

"Pe----pero, ikaw lang ang nasa loob." namulang sabi ni Faith.

"Hahahaha." natawang reaksyon ni Run.

"I mean..." namumulang sabi ni Faith na halatang napahiya ito.

".....ibig kong sabihin, tayo lang dalawa. Alam kong pangit ako at hindi mo ako tipo pero ang sagwa naman kung tayo lang dalawa sa loob. Na kahit na paano ay babae ako at malaswa naman kung papasok ako. At kahit pangit ako, hindi iyon maganda sa babaeng tulad ko." nahihiya at namumulang sabi ni Faith na napalakas pa ang boses niya sa kaba at tensyon na ikinangiti ni Run dahil halata sa mukha ni Faith na natatakot ito.

"Hahahaha, wala akong gagawin sayo. At hindi ka pangit, pero kahit hindi ka pangit wala pa rin akong gagawin sayo. At huwag kang mag-alala darating si Atty Galvez mamaya may inasikaso lang siya sa baba." sabi ni Run.

"Ah, ganoon ba? Haissst." napahingang malalim na sabi ni Faith sabay punas ng pawis sa noo niya.

"Grabe, pinagpawisan ako sayo." sabi ni Faith

"Hahahaha." natawang reaksyon ni Run.

.................

Samantalang hindi umalis si Bullet sa puwesto nito habang nakatunghay kay Run at Faith. Napatitig si Bullet kay Faith, halatang kabado ito at kahit nasa malayo siya nakita niya ang pagpunas ng pawis ng dalaga sa noo nito tanda na natetensyon ito.

"Huwag kang pumasok." biglang sabi ni Bullet sa isip na ikinailing nito sa tinuran.

"Aisssst, bakit ko sinabi iyon? Pakialam ko ba sa babaeng iyan. Hayysss, makaalis na nga." sabi ni Bullet

Napahingang malalim si Bullet at akmang aalis ito ng muli itong mapalingon, pero nagulat ito ng makitang nakatingin sa kanya si Run at nakangisi ito habang papasok na sa kuwarto si Faith.

Napahinto si Bullet sa akmang pag-alis at tinitigan si Run hanggang sa maisara nito ni Run ang pintuan nakatitig ito sa kanya.

"Bakit siya? hahahaha. Hindi mo makukuha si Muddy. Wrong move, my dear cousin." napangising sabi ni Bullet saka ito umalis.

....................

Skye Hotel
One month later

"Ikaw ang nobya ko." sabi ni Bullet sa babaeng katatapos lang nito kaniigin.

"Ako nga ang nobya mo. Pero may mga kumakalat na iba may kasama kang iba sa mga party na dinadaluhan mo." sabi ni Carla kay Bullet.

"Fling lang iyon." nakangiting sabi ni Bullet.

Napatingin si Carla kay Bullet, siya ang ipinalit nito kay Victoria ang nobya nito habang nasa loob ng kulungan si Bullet. Marami ang nambash sa kanya sa pangyayaring iyon at ngayon patuloy siya nakakatikim ng masasakit na salita ng may nakitang kasama muli si Bullet na ibang babae sa party na dinaluhan nito.

Napabuga ng usok ng sigarilyo si Bullet, hindi siya seryoso sa babaeng kasama niya. Ipinalit lang niya ito sa ex-girlfriend niya dahil alam niyang kaya ni Carla saluin ang lahat ng pambabatikos dito sa socmed account.

Isang artista si Carla, product endorser din ito at kung tutuusin imbes na mawalan ito ng project dahil sa issue ng pang-aagaw nito ng nobyo ng iba. Dumami pa lalo ang offer nito sa showbiz industry at sa pagiging product endorser kaya hindi na ito lugi sa kanya.

"Puwede bang tantanan mo ang kakasama kung kani-kaninong babae. Tulad noong babae na taga-isla.

Bullet naman kahit simpleng gesture lang ang ginawa mo sa babaeng iyon, malaking impact iyon sayo na gagawan nila ng isyu." sabi ni Carla.

Napangisi si Bullet, si Faith ang tinutukoy ni Carla. At tama ito, pero kung tutuusin imbes nabash si Faith ng mga tao, pinanigan pa ito ng mga taong walang magawa sa buhay.

................

Flashback

Months Ago

"Ano ito?" tanong ni SatA sa anak na si Bullet sabay lapag ng cellphone sa kama ni Bullet kung saan nakadapa pa ito.

"Dad naman. Naaantok pa ako." sabi ni Bullet habang nakapikit pa ito ng pumasok ang ama nito sa kuwarto niya.

Nasa Skye Hotel si Bullet ng araw na iyon ng puntahan ito ni SatA. At alam ni Bullet na pumupunta lang ang ama niya kapag may issue na naman siya sa lintik na social account niya na kung tutuusin ang mga alipores nito ang nagbibigay ng issue sa kanya.

"Pati pa naman ang legal assistant ng munisipyo hindi mo pinatawad sa kaharutan mo.

Anak naman saan ka ba talaga nagmana ng kalandian. Aisssst. Mabuti na lang hindi ka babae at baka ang.... ang... aisssst." inis na sabi ni SatA.

"Ang ano? Hahaha." natawang naantok na sabi ni Bullet.

"....na ang pagkababae ko ay marami ng nakatuhog." natawang sabi ni Bullet.

"Bastos ka talaga." inis na sabi ni SatA sa anak.

"Hahahaha. Dad, nilapitan ko lang si Faith. Ang babaeng iyon ay walang ginawa kundi..." udlot na sabi ni Bullet saka ito napaisip.

"Ano nga ba ang ginagawa niya sa akin?" nagtakang tanong ni Bullet sa isip.

"Ano?" nakangising sabi ni SatA

"...wala kang maisip kung anong ginagawa sayo ng babaeng iyon?

Huh! Puwede ba anak. Huwag mong bigyan at hatakin ang mga babae sa isla para pagpiyestahan ng mga miron." sabi ni SatA.

"Dad, sa pagkakaalam ko. Hindi naman binash si Faith, na kung tutuusin mukhang siya daw ang karma ni Carla." nakangising sabi ni Bullet habang nakadapa ito at nakapikit pa rin na halatang naaantok pa ito.

"Oo pasalamat ka, dahil nakakahiya sa munisipyo kapag ang isa sa tauhan nila ay pinutakte ng mga pangit na salita. Kaya tigilan mo si Faith at ang lahat ng babae sa isla o kung sinuman na hindi kaya saluin ang kagaguhan mo." sabi ni SatA.

"Aiissst, wala akong ginagawa sa kanya. At kung ako sayo dad....

....patigilin mo ang mga alipores mo sa kakasunod sa akin at kakagawa ng isyu para pagpiyestahan ako, na ultimo pati pagbabanyo ko ay hindi pinalagpas..." sabi ni Bullet at ng hindi sumagot ang ama muli siyang nagsalita.

".....nabasa mo iyon di ba? Ano ba naman masama sa nagbanyo ako sa kalabang mall ng Island Mall ng C-Mall at kung ano pang Mall ng pamilya. Eh naiihi na ako." inis na sabi ni Bullet na ikinangiti ni SatA.

"Hindi naman kasi iyon ang point doon, ang punto doon may kasama ka sa mall na ibang babae sa loob ng banyo ng ibang mall." sabi ni SatA.

"My God. Sabay lang kami umihi sa magkaibang banyo may isyu na. Daig ko pa si Rhythm.

Dad hindi ako artista, anak ako ng politiko." sabi ni Bullet.

"Tama, at gawin mong magandang imahe ang sarili mo dahil nakakahiya naman sa pamilya kung kami kumakayod para mapanatili ang dangal ng pamilya at magandang pangalan natin.

At kung tuuusin Bullet hindi lang naman ang pangalan ko bilang Senador ang kailangan mo protektahan. Kundi ang pangalan ng lolo Lance mo na kilalang pintor, ng lolo Ralph at Lola Menchie mo na nakagawa ng magandang pangalan sa bansa. At ang iba pa sa pamilya natin.

Kaya puwede ba ikaw at mga pinsan mo na nakulong ang siyang dumungis sa pangalan at sa apelyedo sa buong grupo natin ay makaisip na tumino dahil nakakaasar at nakakapikon, dahil kami na mga magulang niyo ay patuloy sa kakalinis ng pangalan ng grupo natin.." inis na sabi ni SatA.

"Aisssst ang pinag-uusapan lang natin ay si Faith Magallanes at napunta na naman tayo sa bagay na iyan." sabi ni Bullet.

"Okay, tantanan mo ang lahat ng babae sa isla at lahat ng babaeng hindi kaya ang escapades mo." diin at seryosong sabi ni SatA saka ito umalis sa kuwarto ni Bullet.s

.................

Present

"Wala akong ginagawa kay Faith at hindi ko plano na hatakin ang pangalan ko sa mga taong walang pangalan." seryosong sabi ni Bullet saka ito napangiti kay Carla.

"Dapat lang dahil ang pangit naman tingnan na ang ipapalit mo lang sa akin ay babaeng pipitsugin lang na taga-isla." sabi ni Carla saka ito umibabaw kay Bullet.

Napangiti si Bullet ng halikan ni Cara ang dibdib niya patungo sa pagkalalaki niya.

"Ako pinakamagaling sa lahat ng naging babae mo kaya hindi ako papayag na makuha ka rin ng iba" sabi ni Carla saka nito isinubo ang pagkalalaki ni Bullet na ikinangiti ng binata.

Hinawakan ni Bullet ang buhok ni Carla saka ito sinabunutan at mabilis na inilabas masok ang pagkalalaki niya sa bibig nito na ikinaungol ng dalaga.

November 13, 2021 9.23am
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top