Kabanata 2 : Scripted

Kabanata 2 : Scripted
Laguman

"Bakit ka nandito?" nagulat na tanong ni Faith na halatang napahiya ito dahil sa pamumula ng mukha nito.

"Ako?" maangas na sabi ni Bullet sabay lingon nito at muling tumingin kay Faith.

"Oo." napalunok na sabi ni Faith habang magkatabi pa rin sila ng upuan ni Jasper.

"Nagtsetsek ako ng mga volunteer na nakikipagharutan lang pala sa site." sabi ni Bullet.

"Sinong nakikipagharutan?" tanong ni Faith kay Bullet.

Napangisi si Bullet, at nagulat si Faith at Jasper ng umupo si Bullet sa gitna ng dalawa at inakbayan ni Bullet si Faith at Jasper.

"Kayong dalawa, huwag kayo masyadong PDA kasi ang OA tingnan. Kung gusto niyo maglampungan kumuha kayo ng kuwarto o kung wala kayong pera kasi dukha kayo, sa gilid ng site puwede naman sa likod ng mga hollow blocks." mapanuyang sabi ni Bullet na ikinapula ng mukha ni Faith.

"Ang baboy mo talaga mag-isip." sabi ni Faith.

"Hahaha, hindi kababuyan iyon. Marunong lang ako gumamit ng tamang lugar kung saan puwede ang kahalayan." bulong na sabi ni Bullet sa tenga ni Faith habang akbay ito.

"Talaga?" nakangising sabi ni Faith saka ito napatitig kay Bullet na nakaakbay sa kanya.

"Oo, Miss Magallanes at ang cheap ng lokasyon ng kahalayan mo. Talagang sa pabahay pa." sabi ni Bullet habang nakatitig ito kay Faith na akbay nito.

"May bahay na kami ni Jasper dito." napangiting sabi ni Faith.

"Tama, at kung maging kami man ni Faith dito rin kami bubuo ng pamilya." sabi ni Jasper na ikinangisi ni Bullet ng tumingin ito kay Jasper.

"Ayos naman talaga. Ang mga mahihirap na walang ginagawa, nagkakaroon ng bahay at lupa ng ganoon kadali.

Pero ang mga nagtatrabaho maghapon at magdamag, mga OFW at mga halos makuba na mga empleyado ay ang hirap mabigyan ng libreng bahay." sabi ni Bullet na ikinakunot noo ni Faith.

"Nagtatrabaho kami ni Jasper siguro naman may karapatan kami magkaroon ng bahay. At saka tubong isla kami, sa Laguman kami ipinanganak at nagkaisip. So, ang sinasabi mong nagtatrabaho na mabibigyan dapat ng lupa at bahay ay kasali kami.

Hindi naman kami tulad ng ibang mahihirap na inasa sa gobyerno ang lahat ultimo monthly na panggastos nila gobyerno ang nagbibigay." sabi ni Faith.

"Kung magsama kaya kayo para isang bahay na lang ang makuha niyo...

... para naman ang isang bahay ay mapunta pa, sa mas higit na nangangailangan.

Mahirap kasi sa inyong mahihirap nang-uutak kayo, kukuha kayo ng pabahay na tig-isa kahit na in the end magiging isa naman kayo. How selfish?" sabi ni Bullet sabay akbay ng mahigpit kay Faith.

"Ang yabang mo naman parang ang dami mong alam. Paano mong nasabi na magiging isa kami?"sabi ni Faith.

"Bakit hindi ba? Ang babaeng tulad mo na nakikipaglampungan sa harap ng mga kauri niyo ay sapat na basehan para maging isa kayo, tutal bagay kayo pareho kayong dukha." sarkastikong sabi ni Bullet.

"Grabe ito magsalita. Eh kung tutuusin ni pagbungkal ng lupa wala kang alam. Huwag mo ako lokohin dahil hindi uubra." sabi ni Faith pero nagulat ito ng higpitan pa lalo Bullet ang pag-akbay sa kanya na halos magkalapit na ang mga mukha nila.

"Marunong ako, magbungkal ng lupa. Huwag mo akong maliitin at baka mapahiya ka, Miss Magallanes." sabi ni Bullet.

TInitigan ni Faith si Bullet, mahilig siya magcomment against sa lalaki sa social media account nito pero ang ipinagtataka niya kahit alam ng tao kung anong kasamang ugali meron ang binata may mga tao pa rin na sumusuporta dito.

Napatitig si Bullet sa babaeng kaharap, tipikal na ganda. Iyong tipong hindi kapansin-pansin agad, maputi naman ito na bihira lang sa mahihirap lalo na taga isla, mahaba ang buhok, simple at, hindi niya type.

"Gawin mo muna bago ako maniwala, kasi mukhang yabang lang ang mga sinasabi mo. Isama pa na, alam ko... o naming lahat dito na pakitang tao ka lang. At pasalamat ka ang mga tao sa isla ay mahal ang tatay mo." sabi ni Faith pero muli itong nagulat ng inilapit ni Bullet ang labi nito sa labi niya saka ito nagsalita.

"Hahaha, mayabang ako dahil may ipagyayabang ako. Maangas ako dahil may ikakaangas ako, mayaman ako at iyon ang wala kayong mahihirap." nakangising sabi ni Bullet.

"May bagay na hindi nabibili ng pera.

Tamang ugali..... at wala ka nun." sabi ni Faith at nagulat si Bullet ng madikit ni Faith ang labi nito sa labi ni Bullet.

Namula si Faith ng maidikit niya ng hindi sinasadya ang labi niya sa labi ni Bullet.

"Asar! Ang lapit mo kasi makipag-usap." inis na sabi ni Faith sabay tulak kay Bullet.

"Tsss. Kunwari ka pa. Sinadya mo talaga na halikan ako." maangas na sabi ni Bullet na ikinatitig ni Faith sa mukha ni Bullet.

"Hindi rin. Kung may hahalikan ako sa grupo niyo... hindi ikaw iyon." nakangising sabi ni Faith.

"Ang arte mo. Pakipot ka pa, eh kung tutuusin pipitsugin lang ang magkakagusto sayo." sabi ni Bullet.

"Pake ko. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon na may halikan uli. Si Wine iyon kaso may asawa na siya so naisip ko mukhang good kisser din si Run, kaya si... Run na lang." kinilig na sabi ni Faith na ikinatitig ni Bullet kay Faith.

"Karamihan talaga sa mahihirap mahaharot." sabi ni Bullet.

"Okay lang, karamihan naman sa mga babae mo pokers. Alam mo iyon? May class pero pokpok pa rin." nakangising sabi ni Faith.

"Ahhmm." tikhim ni Jasper na ikinatingin ni Bullet kay Jasper habang akbay pa nito ang lalaki.

"Tapos na ang break. Magtatrabaho na kami, Mr Valencia." sabi ni Jasper kay Bullet.

"Tama, lumayas ka at baka mapala ka nila." sabi ni Faith sabay tanggal nito ng kamay ni Bullet sa balikat niya.

"Kaya ako nandito para magpala." sabi ni Bullet.

"Weh. Hindi nga? Di ba wala ka ngang alam." sabi ni Faith.

Nagsimula ng magtrabaho ang mga construction worker kaya tumayo na rin si Faith.

"Sir, ito na po." sabi ng tauhan ng ama ni Bullet dito ng ibigay ang pala.

Napatingin si Faith sabay napangisi ito.

"Pakitang tao. Aissst. May i-post lang sa socmed." sabi ni Faith saka ito umalis na ikinangisi ni Bullet.

...................

"Oh, saan ka nanggaling?" tanong ni Jen kay Faith ng makabalik ito matapos ng lunch break.

"Kay Jasper, sabay kami kumain." sabi ni Faith na ikinangiti ni Jen.

"Matagal ng nanliligaw sayo ang lalaking iyon. Bakit ayaw mong sagutin?" tanong ni Jen.

"Kasi hindi ko siya gusto. Friends lang kami." sabi ni Faith.

"Guwapo naman si Jasper, saka responsable." sabi ni Jen.

"Ayoko." sabi ni Faith.

"Bakit nga?" sabi ni Jen.

"Kasi alam ko na kakandidato siya o may balak siya uli pumasok sa politika. At ayoko makarelasyon ang isang politiko." sabi ni Faith.

"Bakit naman?" tanong ni Jen.

"Ayoko ng magulong mundo nila, mas gusto ko..." napangiting sabi ni Faith.

"Si Atty Galvez?" napangiting sabi ni Jen

"Oo, gusto ko abogado. Para related sa pangarap ko." sabi ni Faith.

"Bakit kasi hindi ka magpatuloy ng pag-aaral. Puwede mo naman ituloy ang napag-aralan mo sa Law." sabi ni Jen.

"Wala akong pera, wala akong oras mag-aral. Saka tinanggap ko na sa sarili ko na ang paglilingkod ko sa mahihirap ay bilang volunteer." sabi ni Faith.

"So kapag niligawan ka ni Atty Galvez, sasagutin mo kaagad?" tanong ni Jen.

Napangiti si Faith, tinutukso siya sa Legal Office sa isang abogado at iyon si Atty. Galvez, nasa trenta y singko anyos. Matanda sa kanya ng ilang taon pero para sa kanya mas okay iyon dahil trip niya ang mga matured na lalaki iyong tipong hindi na magloloko sa buhay.

"Puwede, iyon ay kung manliligaw." nakangiting sabi ni Faith.

"Mukhang bakla naman kasi si Atty Galvez."sabi ni Jen.

"Hindi naman siguro." sabi ni Faith.

"Paano mo nasabi?" tanong ni Jen/

"Kasi, may nobya siya." sabi ni Faith.

"Ano?" sabi ni Jen.

"Oo may nobya na siya. Nahuli ko sila minsan sa mall na magkasama. Kaya malabo din na ligawan niya ako, pero....

... malay mo...." napangiting sabi ni Faith.

"Ay, ang landi mo. Hahaha!" natawang sabi ni Jen.

"Hahaha, hindi naman. Kasi malay natin.... may nangyayari na ganoon. Akala mo sila na kahit lima o pitong taon pa ang relasyon. Tapos in one second nainlove si guy sa iba, kaya ang siste naghiwalay sila" sabi ni Faith.

"So balak mo maging third party? Ano iyon pinangarap mo?" nakangising sabi ni Jen.

"Hindi, 'no. Ang sa akin lang kapag alam mo naman na hindi ka ang dahilan ng paghihiwalay nila why not?" sabi ni Faith.

"Gaga, kapag ang babae pumasok sa isang relasyon ng isang bubot pang paghihiwalay ng isang magkasintahan ang tawag sa kanya ay sabit. Alam mo iyon?" sabi ni Jen.

"Oo, alam ko iyon. At siyempre papatulan ko naman ang isang lalaki kapag nasabi na ng both parties nila na wala na sila. Confirmation ika nga." sabi ni Faith.

"Ay bahala ka sa buhay mo. Pero kung ako sayo doon ka sa walang sabit." sabi ni Jen.

"Alam ko iyon." sabi ni Faith na ikinailing ni Jen.

..................

Hours later

"Faith." tawag ni Letlet na humahangos pa sa pagtakbo nito.

"Bakit?" tanong ni Faith.

"May media, at bilisan mo dahil maraming tao sa kabilang bahagi ng site." sabi ni Let let.

"Anong meron?" sabi ni Faith.

"Basta." kinikilig na sabi ni Letlet.

"Ano nga ang meron?" sabi ni Faith

"Aissst, kung ayaw mong sumama si Jen na lang." sabi ni Letlet sabay hila kay Jen.

"Uyyyy, anong meron?" sabi ni Jen.

"Si Bullet Valencia kanina pa nagpapala sa construction site at ang loko. Ang macho!" kinikilig na sabi ni Letlet.

"Aissst, Alam naman natin na ilalagay lang nila iyon sa social media account ni Bullet for popularity." sabi ni Faith.

"Hay naku." sabi ni Letlet at akmang aalis ito hila si Letlet ng may makitang paparating na grupo at papnta iyon sa kanila.

"Anong oras na?" tanong ni Jen.

"Alas tres." sabi ni Faith.

"Merienda na, break na nila." sabi ni Jen.

Nasa gilid sila ng site ng nakapuwesto para mamahala sa pagkain ng mga trabahador. Kung saan may malakaing tent at mesa na nakahanda ang mga pagkain na nakalagay sa styro.

"So?" tanong ni Faith

"Pupunta na sila dito." sabi ni Jen.

Napatingin si Faith sa mga trabahador at tama si Jen kapag merienda kusang pupunta ang trabahador sa puwesto nila kung saan sila ang magbibigay ng pagkain sa mga ito buhat sa munisipyo.

Ilang sandali pa mula sa likuran ng mga trabahador bumungad si Bullet kasama ang mga tauhan ng ama nito at sa likuran ng mga ito ang press na malamang inimbitahan ng Senador na tatay ni Bullet.

"Ang init." sabi ni Bullet habang kasunod nito ang mga tauhan ng ama nito.

Napatitig si Faith sa binata, pawisan ito at pati ang polo nitong suot ay basang basa ng pawis kaya humakab ang ganda ng katawan ng binata.

"Tubig naman." sabi ng Bullet kay Faith habang papalapit ito.

Napatingin si Faith sa paligid sa kanya talaga nakatingin si Bullet at siya talaga ang kausap nito.

"Ayos ha. May media talaga. Magkano talent fee mo?" sarkastikong sabi ni Faith ng makita ang press na nakasunod kay Bullet.

"Aissst, hindi ako nagpapunta sa kanila dito." sabi ni Bullet.

"Huh. Ilang take kayo kanina? Mukhang may bagong ipopost ang mga admin mo." nakangising sabi ni Faith.

Isa sa ayaw ni Faith sa isang politiko kailangan nakikita ng lahat ang ginagawa ng mga ito ultimo mga anak ng mga ito.

"Alam mo nakakaasar ka. Pagod ako tapos ang sarcastic pa ng boses mo." sabi ni Bullet.

"Puwede ka naman kasi gumawa ng hindi ka sasabihan ng tatay mo at ng walang media na nakakakita." sabi ni Faith

Napangiai si Bullet at lumapit ito kay Faith saka pabulong na nagsalita.

"Sayang ang pogi points." sabi ni Bullet at napatawa ito sa nakitang reaksyon ni Faith.

Napataas ang kilay ni Faith sabay tingin kay Bullet mula ulo hanggang paa saka iyon pinasadahan ng ilang beses ng tingin.

"So ikakaguwapo mo iyon?" mapanuyang sabi ni Faith kay Bullet.

"Dagdag lang, kasi guwapo na ako." sabi ni Bullet sabay turo sa bottled mineral water.

Kinuha ni Faith ang bote ng tubig at binigay iyon kay Bullet.

Pagkabigay ng tubig kay Bullet akmang aalis si Faith ng magsalita si Bullet.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Bullet.

"Magbibigay ng pagkain sa iba then after nito uuwi na kami." sabi ni Faith.

"Ganoon lang ang ginawa mo?" sabi ni Bullet.

"Anong ganoon lang? Kami ang nagluto ng mga pagkain mula tanghalian at nag-prepare ngayon merienda. At hindi rin biro un." sabi ni Faith.

Napatingin muli si Faith kay Bullet nakasuot ito ng long sleeve na polo na madalas nitong porma mula ng lumabas ito ng kulungan.

"Hindi ka ba naiinitan o naiirita sa suot mo?" biglang sabi ni Faith habang nakakunot ang noo nito.

"Ha?" tanong ni Bullet sabay inom ng tubig sa bote.

"Halatang pakitang tao ka. Bakit kamo? Kasi wala naman pupunta sa site na magpapala ng lupa na ang suot ay long sleeve na polo." sabi ni Faith.

Napatingin si Bullet sa sarili, kanina pa nga siya naiinitan sa suot niya, nakasuot naman siya ng maong na pants pero hindi nga akma ang suot niyang long sleeve sa ginagawa niya.

"So, gusto mo maghubad ako?" seryosong tanong ni Bullet kay Faith.

"Aissst, ewan ko sayo." sabi ni Faith.

"Kanina pa nga ako naiinitan." sabi ni Bullet sabay sa pagbubukas ng butones ng longsleeve nito.

Napatingin sa paligid may mga nakatingin sa kanila at kahit ang mga kaibigang sila Letlet at Jen ay kanina pa pasimpleng nakikinig sa usapan nila ni Bullet. Si Faith lang kasi ang kinakausap ni Bullet sa mga tauhan ng munisipyo siguro dahil din mayayaman ang kaibigan niya at minsan na niya itong nakadaupang palad.

"Aissst, papansin ka talaga. Alam mo kaya hindi ako nagtataka kung nananalo ang tatay mo sa eleksyon kasi may anak siyang papansin." sabi ni Faith.

Hindi sumagot si Bullet at seryoso lang nito tiningnan si Faith habang binubuksan nito ang longsleeve na suot.

Napahinto sa pagsasalita si Faith dahil hindi siya sanay na hindi sumasagot si Bullet. Ang grupo ni Bullet bukod kay Autumn ay alam niyang patulera at hindi nagpapatalo sa sagutan.

"Aisssst. Makaalis na nga." nailang na sabi ni Faith.

Napatingin si Faith sa paligid at alam niya na ang atensyon ng lahat ay nasa kanila na ni Bullet kahit sabihin na hindi tahasang nakatutok ang mga mata ng mga ito sa kanila. Nasa gilild lang kasi ang mga media at trabahador habang kumakain ng merienda at kahit nasa gilid sila ni Bullet alam niyang iba ang radar ng mga tao sa paligid

"Saan ka pupunta?" seryosong tanong ni Bullet sabay harang nito sa dadaanan ni Faith.

"Magbibigay ako ng pagkain sa iba." sabi ni Faith.

"May paa at kamay ang mga iyan para lumapit sa mesa niyo." sabi ni Bullet na ikinalunok ni Faith ng biglang maghubad ng longsleeve si Bullet at tumambad ang maganda nitong katawan pero ang nakaagaw ng atensyon sa lahat ang marka nito sa magkabilaang braso na tila ito sinaniban sa tattoo nito.

Pero kahit ganoon, dumagdag ang tattoo ng binata sa maangas na awra nito.

"Ang pangit." naibulalas na sabi ni Faith na ikinakunot noo ni Bullet.

"Anong pangit?" kunot noo na tanong ni Bullet

"Ang dumi mo." sabi ni Faith na ikinatiim ng bagang ni Bullet saka ng binata hinawakan ang magkabilaang braso ng dalaga na ikinatingin ni Faith sa binata.

"Pinaghirapan ko ang master piece kong ito tapos sasabihin mo lang na madumi." inis na sabi ni Bullet.

"Langyang master piece iyan kahit nursery kaya iyan iguhit." sabi ni Faith.

"Alam mo ba kung ano ito?" nakangising sabi ni Bullet aky Faith.

"Oo." sabi ni Faith.

"Ano?" sabi ni Bullet.

"Ugat kaya nagmukha kang puno." sabi ni Faith pero nagulat ito ng yakapin siya ni Bullet sa baywang.

Napatingala si Faith at nagsalubong ang mga mata nila ni Bullet. Matangkad ang binata pero tila nanliit si Faith kahit na nga ba may katangkaran naman siya kahit paano.

"Ugat na pupulupot sa mga babae ko kapag..." sabi ni Bullet sabay yuko nito ng bahagya at inilagay ang labi sa tenga ni Faith.

"....nasa kama na kami." bulong dugtong na sabi ni Bullet kay Faith

"Ganoon ba?" sabi ni Faith na pilit kinakalma ang sarili dahil halos masubsub siya sa malapad na dibdib ng binata.

"Oo." sabi ni Bullet.

"Kaya pala ang mga babae mo nagiging dry kasi hinihigop ng ugat mo. Hindi ka healthy sa girls." sabi ni Faith na ikinainis ni Bullet.

"Alam mo papansin ka." napipikong sabi ni Bullet

Tinitigan ni Faith si Bullet at napangiti ito saka nagsalita

"Ikaw ang pumapansin sa akin at hindi ako. Ikaw ang lumapit sa akin at hindi ako. So...

Tingin ko....

.... crush mo ako 'no?" sabi ni Faith na ikinanlaki ng mga mata ni Bullet sabay bitaw nito kay Faith.

"Ang kapal mo naman. Hindi kita gusto." sabi ni Bullet.

"Okay, kung hindi di wag."sabi ni Faith at tinalikuran nito si Bullet para umalis pero nagulat si Faith ng makitang nakatingin sa kanya ang mga press na naroroon.

Napalingon si Bullet at napataas ang kilay ni Faith ng ngumisi si Bullet.

"Sinadya mo 'no?" sabi ni Faith

"Na ano?" sabi ni Bullet.

"Na gawin ito." sabi ni Faith

"Alin?" tanong ni Bullet

"Ang galing mo talagang artista. Dapat hindi si Rhythm ang nag-artista kundi ikaw. Lahat ng kilos mo scripted." nakangising sabi ni Faith saka ito nagmamadaling umalis sa lugar

Napakunot noo si Bullet sa sinabi ni Faith at ng tingnan ng binata ang paligid napatiim ng bagang ito ng makitang kanina pa nakatutok ang camera sa kanya at malamang kay Faith kanina habang nag-uusap sila.

November 12, 2021 6.39pm
FifthStreet1883

Good night

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top