Prologue : Best
Prologue : Best Love
Ikalawang Bayan, El Paradiso
Montemayor Ranch
"Ano ba?" sabi ng anim na taong gulang na si Shadow ng barilin siya ng tubig ng isang batang babae at magulat siya.
"Happy fiesta." nakangiting sabi ni Adira.
Nasa El Paradiso ng mga panahon na iyon si Adira kung saan nagdiriwang ng fiesta ang ikalawang bayan na nakaugalian na ang magbasaan ng mga tao kapag ganoong okasyon.
"Aisssst!" inis na sabi ni Shadow sabay ganti ng bato ng ice tubig kay Adira na noo'y anim na taong gulang din.
"Aray." nasaktang sabi ng batang babae ng sumapol sa batang katawan nito ang tubig na nasa plastic.
"Apo, anong ginawa mo?" sabi ng lola ni Shadow na si Joyce ng makita ang ginawa ng apo sa batang babae.
Nasa Montemayor Ranch nagdiriwang ang buong grupo ng mga magulang at grandparents ni Shadow kung saan ipinagdiriwang din ang Welcome party niya dahil mamamalagi na siya sa El Paradiso matapos tumira ng mahabang panahon sa Texas.
"Binato niya po ako." naiiyak na sumbong at naiinis na sabi ni Shadow.
"Nakikipaglaro lang naman po." sabi ng batang babae na nakatingin kay Shadow.
"Ayoko nga eh." sabi ni Shadow kay Adira sabay yakap ng batang lalaki kay Joyce.
"Apo, nakikipaglaro lang naman si Adira sayo." sabi ni Joyce sabay tingin sa batang babae na nakatitig kay Shadow.
"Ayoko hindi naman iyan si Elle. Hindi na iyan baby." sabi ni Shadow habang nakatitig si Adira kay Shadow.
"Ikaw talaga." nakangiting sabi ni Joyce sa apo.
"Aalis na po ako lola." sabi ni Adira kay Joyce na may hawak pa itong toy gun na may lamang tubig ng maramdaman na ayaw makipaglaro ng batang lalaki sa kanya.
"Oo umalis ka na." sabi ni Shadow.
"Adira!"
Napalingon si Adira at napangiti ng makita ang kuya niyang si Ion na buwan lamang ang tanda sa kanya.
"Kuya." nakangiting sabi ni Adira.
"Halika na. Uuwi na tayo." sabi ni Ion.
"Gusto ko pa maglaro." sabi ni Adira.
"Sige pero doon ka kila Yummy." sabi ni Ion.
"Oo." napatangong nakangiting sabi ni Adira sabay takbo at lapit sa kuya nito.
Napatingin si Ion kay Shadow habang yakap ito ng lola Joyce nito, nakita niya kung paano nito ipagtabuyan ang kapatid niya at narinig niya ang sinabi nito kaya napangisi siya.
"Halika na kuya." nakangiting sabi ni Adira na ikinatingin ni Ion sa bunsong kapatid.
"Mauna ka na. Susunod ako." sabi ni Ion.
"Okay." masayang sabi ni Adira saka ito tumakbo palayo hawak ang water gun nito.
"Gusto mo makipaglaro? Dumating na si Ciao galing Isla Verde." sabi ni Ion kay Shadow.
Nakatitig lang si Shadow kay Ion, kaibigan ito ni Ciao at ang sabi ng parents niya kagrupo niya ito, o kaibigan.
Napangiti si Ion, kauuwi lang ni Shadow galing Texas kung saan may rancho doon ang lola nitong si Joyce na sinasabing binili nito para sa apong si Shadow na mahilig sa kabayo.
"Pumunta ka na apo, para makapaglaro ka." sabi ni Joyce sa apong si Shadow.
Napatango si Shadow at nang tumango si Shadow nilapitan ito ni Ion.
"Ion, ikaw na bahala. Huwag kayong lalayo." sabi ni Joyce sa batang lalaki.
"Opo." sabi ni Ion.
Hinalikan muna ni Joyce ang apong si Shadow bago umalis. Nang makaalis ang lola ni Shadow napangisi si Ion na ikinatitig ni Shadow sa batang lalaki.
"Mabait ang kapatid ko, palakaibigan siya, kaya huwag mo naman awayin. Kung ayaw mo sa kanya sabihin mo ng tama. At puwede ba, huwag mo siya ikompara kay Elle dahil magkaiba sila." sabi ni Ion kay Shadow.
"Makulit siya, binasa niya ako." sabi ni Shadow.
"Pasalamat ka gusto ka niya kaibiganin, at ganoon talaga siya sa lahat. Pero huwag kang mag-alala si Adira ang tipo ng tao na kapag ayaw sa kanya hindi niya uli lalapitan. Maraming siyang kaibigang lalaki na mas di hamak naman na mabait kaysa sayo." sabi ni Ion saka nito tinalikuran si Shadow.
"Sorry." sabi ni Shadow.
"Huwag ka sa akin magsorry hindi ako si Adira. Pero kung ako sayo huwag na siyang lalapitan kung aawayin mo lang siya. Kasi makakasali ka sa grupo namin at nasa batas ng grupo na hindi mo sasaktan ang mga babae sa grupo natin." sabi ni Ion saka ito tumakbo palayo.
......................
Two Days later
St Therese University
Elementary Building
"Children, may bago kayong kaklase." nakangiting sabi ng guro na ikinatahimik ng buong klase.
"Si Shadow." sabi ni Wine kay Ion ng makita si Shadow.
Napatingin si Shadow sa buong klase, naroroon ang iba sa grupo nila na kaedaran niya.
"Magpakilala ka." nakangiting sabi ng guro kay Shadow
"Hello. My name is Shadow Montemayor, six years old." tipid na sabi ni Shadow.
Napangiti ang guro at muling kinausap si Shadow.
"Umupo ka na sa bakanteng upuan. Kaunti lamang kayo dito kaya makakapili ka ng gusto mong puwesto kung saan ka uupo at komportable." sabi ng guo.
Napatingin si Shadow sa classroom, grade 1 siya ng panahon na iyon. At dahil private school ang St Therese kaya may mga kaya o mayayaman lamang ang nakakapasok sa naturang eskuwelahan, na kaunti lamang ang populasyon ng estudyante.
"Magsiupo na kayo, children." nakangiting sabi ng guro.
Nang maupo ang lahat nanatiling nakatayo si Shadow habang pinagmamasdan ang mga upuan at pumipili kung saan siya uupo.
"Maupo ka na." nakangiting sabi ng guro kay Shadow.
Nanatiling nakatingin si Shadow sa mga batang naroroon ng makita nito ang isang bakanteng upuan. Kung saan may isang bata na siya lamang babae sa row na iyon.
"Adira, may baon ako." sabi ng isang batang lalaki sabay kuha ng sandwich at pasimple inabot kay Adira.
"Salamat." sabi ni Adira habang katabi ang kuya nitong si Ion.
"Laro tayo mamaya." sabi ng isa pang lalaki kay Adira.
"Sige." sabi ni Adira.
"Hindi puwede." sabi ni Ion sa kapatid. Na ikinatahimik ng batang babae.
"Doon po ako uupo." sabi ni Shadow na hindi naman tinuro ang upuan kaya napatango lang ang guro.
Naglakad si Shadow na ikinatingin ng mga bata dito.
"Masarap?" mahinang sabi ng batang lalaki kay Adira habang palihim na kinukurot ni Adira ang sandwich na binigay nito sabay kain ng batang babae.
"Oo. Salamat." sabi ni Adira ng biglang may umupo sa tabi niya na ikinatingin niya dito.
"Bawal umupo dito." biglang sabi ni Adira pero nagulat ito ng makita si Shadow.
"Upuan ito at bakante kaya puwede dito." sabi ni Shadow.
"Bawal ako may katabi sa upuan sabi ng mga pinsan ko. Kahit sila Ate Winter at Yummy pinagbabawalan din." sabi ni Adira sabay usog ng upuan papunta kay Ion.
Nakatingin lang si Ion kay Shadow ganoon din si Wine na katabi ni Ion.
"Kasama ako sa grupo niyo kaya puwede ako. Ang sabi ni daddy isa ako sa may-ari ng Emperio at pinakilala niya sa akin mga nag-mamay-ari nun. Kaya kilala ko kayong dalawa." sabi ni Shadow sabay turo kay Ion at Wine.
Napangisi sila Wine at Ion, tulad ni Rhythm na taga Manila o si Ciao na hindi umaalis ng Isla Verde, ganoon din si Shadow kauuwi lang nito gaaling Texas kaya hindi ito kaclose ng grupo. Hindi tulad nila Ion at Wine at ang limang lalaki sa grupo bata pa lang magkakasama na sila. At dahil sila Wine at Ion ang mas bata sa lima kaya silang dalawa ang naging matalik na magkaibigan.
"Okay, bahala ka. Basta hindi kita inaano ha." sabi ni Adira sabay kurot ng palihim sa sandwich sabay kain nun.
Napatingin si Shadow kay Adira saka nito kinuha ang sandwich ni kinakain ng batang babae na ikinagulat ng batang babae at ikinakunot noo nila Wine at Ion.
"Huwag kang kakain ng nakaplastic lang. Ang sabi ni lola may chemicals ang plastic at hindi maganda sa health." sabi ni Shadow sabay tapon ng sandwich ni Adira
"Uyyy, bigay ko iyon kay Adira." galit na sabi ng batang lalaki na nasa likuran ni Shadow nakaupo.
"Dukha." sabi ni Shadow sabay kuha ng baon nito sa bag at binigay iyon kay Adira na ikinainis ng batang lalaki kay Shadow.
"Hahahaha!" nagtawanang sabay nila Wine at Ion ng makita ang inilabas ni Shadow.
Isa iyong lalagyanan na ginto ang kulay at dahil nasa mayamang angkan naman sila Ion at Wine kaya alam nila ang halaga nun, isama pa na kilala nila ang lola ni Shadow na hindi bumibili o gumagamit ng mumurahing gamit.
"Dito ka kumain." nakangiting mayabang na sabi ni Shadow.
"Hala siya oh." sabi ni Adira ng ilapag ni Shadow ang gintong baunan na alam niyang milyon ang halaga.
"Children, ilabas niyo na ang papel at lapis magsisimula na tayo." sabi ng guro.
"Kumain ka muna." sabi ni Shadow kay Adira pero nanatiling nakatingin si Adira sa lunchbox.
"Aiissst. Kumain ka." sabi ni Shadow sabay kuha ng sandwich at sinubo kay Adira.
"Malinis ba ang kamay mo?" sabi ni Ion kay Shadow ng subuan si Adira gamit ang kamay nito.
"Oo naman." sabi ni Shadow sabay tingin kay Wine.
"Bakit?" sabi ni Wine ng tingnan siya ni Shadow.
"Mas madumi pa nga siya tingnan sa akin." sabi ni Shadow kay Ion sabay turo ni Shadow kay Wine na nakasuot ng polo pero may tagpi iyon, na tila design naman.
"Hindi siya madumi, ganyan lang talaga siya manamit." sabi ni Adira.
"Saka, apo din siya ng lola mo." sabi ni Ion kay Shdow.
"Malayo na magpinsan sila Lolo Dennis at Lola Joyce kaya wala ng koneksyon kung tutuusin." sabi ni Shadow.
"Okay." kibit balikat na natatawang sabi ni Wine na hindi naman nainsulto sa sinabi ni Shadow.
"May Elle iyan. Iyong baby nila tito Orion." nakangiting sabi ni Adira na ikinatingin ni Shadow sa batang babae habang ngumunguya ito.
Nakita na ni Shadow si Elle ang bunso sa triplets at nagandahan siya sa batang babae na bihira para sa kanya magandahan sa isang tao o makainterest sa isang bagay.
"Okay na ito, maya na lang uli." sabi ni Adira sabay bigay ng lunch box ni Shadow dito.
"Kumuha ka na ng lapis at papel." sabi ni Ion sa kapatid na si Adira.
"Oo kuya." sabi ni Adira pero muli ito nagulat ng bigyan siya ni Shadow ng lapis na ikinatawa muli nila Ion at Wine.
"Hala! Ang mahal nito, nakikita ko ito sa office ni tito Orion pang-engineer ang lapis na ito." sabi ni Adira ng makita ang lapis na alam din niyang mahal.
"Sabi ni lola dapat best lagi ang gagamitin para best din ang pakiramdam mo." sabi ni Shadow na ikinatawa nila Ion at Wine.
"Wala iyan sa gamit, nasa tao iyan." sabi ni Wine na natatawa na ikinatingin ni Shadow.
"Tama nasa tao iyan, pero sabi ng lola ko dapat maging best ang lahat sa paligid mo ultimo gamit mo para maging best din ang isang tao. Mas komportable ang isang tao kung alam niya sa sarili niya na ang lahat sa paligid niya ay best." sabi ni Shadow.
"Ganoon ba iyon?" sabi ni Adira.
"Oo." sabi ni Shadow.
"Okay sige tutal katabi na kita sa upuan so bf tayo para best ako sayo. At para best ang nasa paligid mo." sabi ni Adira na ikinatingin ni Shadow sa batang babae.
"Hahaha. Ang sabi ni tatay, magiging best ang isang bagay o tao kung may love. Pero hanggat walang love mananatili itong bagay na walang buhay, bagay na nakadisplay lang at bagay na hinahangaan pero hindi mo magagamit." nakangiting sabi ni Wine na ikinangiti ni Adira.
"Parang si Elle sayo?" nakangiting sabi ni Adira.
"Oo, kasi ang pagiging best ay nasa puso wala sa bagay, hindi nakikita kundi nadadama." nakangiting sabi ni Wine.
"Loko, ang bata mo pa." sabi ni Ion kay Wine.
"Hahaha. Lalaki din ako, at kapag dumating ang araw na iyon, ibibigay ko kay Elle ang best na buhay na may love na nakapalibot sa amin dahil iyon ang kayamanan na hindi mo mabibili ng pera o ginto. Love." nakangiting sabi ni Wine.
"Ayos ka. Bata pa tayo." sabi ni Ion.
"Basta, kapag malaki na si Elle ipapakita sa inyo ang pagmamahal na hindi niyo makikita kundi madarama niyo kapag makikita niyo kami ni Elle." nakangiting sabi ni Wine.
"Uyyy, bata ka pa. Paano mo nasasabi iyan?" sabi ni Adira kay Wine.
"Dahil nakapalibot ang pagmamahal sa akin at iyon ang pagmamahal ng langit at lupa. Nang nanay kong mahirap at ang tatay kong mayaman. Kaya kung anong nakikita niyo sa akin, iyon ang pagmamahal na tanggap ko." sabi ni Wine.
"Hahaha. Sabi ni lola ni Joyce, hindi magiging best ang isang bagay o tao kung hindi mo maibibigay ang best sa mundo." sabi ni Shadow.
"Tama at iyon ang love." nakangiting sabi ni Wine saka ito kumuha ng lapis at papel na ikinatingin ng tatlong bata rito.
"Wala iyan sa mahal na presyo na sa kung paano mo mahal ang lahat sa paligid mo." nakangiting sabi ni Wine ng mailabas nito ang mumurahing papel at lapis na walang tatak.
Napangiti si Wine at tumingin kay Shadow saka muli nagsalita.
"Dalawa ang meaning ng mahal. At hindi mo makakamtam ang tunay na kasiyahan kung hindi ka totoo sa sarili mo at kung nagtatago ka sa mga bagay na mahal." sabi ni Wine.
"Children, stop the noise." sabi ng guro na ikinatahimik na ng apat na bata.
Napatingin si Shadow sa mga gamit niya, lahat iyon mamahalin at kung tutuusin lahat iyon ay hindi naaayon ang presyo sa edad niya pero ganoon siya pinalaki ng lola niya dahil sa mata ng lola niya best siyang apo, na ikinangiti ni Shadow.
April 11, 2022 9.47am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top