Kabanata 8 : Lihim
Kabanata 8 : Lihim
Ikalawang Bayan, El Paradiso
Months Later
"Handa na tayo sa laban para bukas, Fighter." sabi ni Shadow sa alagang kabayo ng panahong iyon.
Nasa daan si Shadow pauwi sa Montemayor Ranch, galing si Shadow sa paglilibot para sanayin ang kabayo sa nalalapit na karera nito sa kabilang rancho.
"Sayang wala si Adira. Aissst! Mukhang nakakatunog sila na nagkikita at lagi kami magkasama ni Adira." sabi muli ni Shadow.
Hinintay niya si Adira sa school kanina matapos nila mag-ensayo sa swimming team, pero sinundo ito ng amang si Aquila kaya hindi ito nakasama sa ensayo niya kay Fighter, na ngayon lang nangyari sa ilang buwan din niyang lihim na sinasama si Adira sa mga practice kay Fighter at sa karera na lihim din niyang niyang sinasalihan.
"Ahhh, hindi naman siguro makakahalata dahil magaling tayo magtago Fighter, isa kaya akong anino na hindi madaling mahulaan kung sino." sabi ni Shadow sabay himas sa alagang kabayo.
"Pagdating sa dulo tumakbo tayo ng mabilis, pero sa ngayon pagpapahingain muna kita malayo-layo din ang tinakbo mo para sa ensayo." sabi ni Shadow.
Nasa kahabaan sila ng daan ng Ikalawang bayan ng biglang huminto ang kabayo ni Shadow na ipinagtaka nito.
"Pagod ka na ba?" tanong ni Shadow sa kabayo ng huminto ito sa paglalakad.
Ilang sandali pa umungol ang kabayo sabay baling sa kanya.
"Bakit? Pagod ka?" sabi ni Shadow.
Aminado si Shadow dahil wala siyang kapatid kaya tinuring niyang mga kapatid ang mga kabayo niya. Mahal niya ang mga ito, walang araw na hindi niya ito kinakausap, tsinetsek niya ang lahat ng mga kabayo niya kung maayos na nalilinisan sa kuwadra. Pinapainom ng vitamins, pinapakain ng maayos, at binibigyan ng magandang buhay na meron siya.
"May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Shadow ng muling umungol ang kabayo. Alam niya rin kasi kung ano ang signs kung may sakit ang alaga o kung may kakaibang nararamdaman. At sa ngayon alam niyang sa paghinto ni Fighter may nararamdaman ito . Iyon nga lang dahil kabayo ito hindi niya matukoy kung ano.
"Aiissst. Baka napagod ka." sabi ni Shadow na nakaramdam ng lungkot. Paborito niyang kabayo si Fighter, bukod sa anak ito ng kabayo niya sa Texas dati, na pinadala sa Pinas. Kakaiba ang bonding niya sa kabayo na tila tao din ito kapag kinakausap niya.
"Sige uuwi na tayo at sasamahan kita sa kuwadra. Hmmm. Gusto mo ba doon ako matulog at tabi tayo?" nakangiting sabi ni Shadow. Bahagya tinapik ni Shadow ang paa niya sa katawan ni Fighter para patakbuhin ito ng bahagya, pero nagulat siya ng umiwas ang kabayo sa direksyon na tinatahak nila.
"Fighter." sabi ni Shadow na bahagyang kinabahan sa kakaibang reaksyon ng kabayo.
"Ayaw mo bang umuwi? Galit ka ba sa akin kasi pinagod kita?" sabi ni Shadow sabay yakap sa kabayo kahit na nakaupo pa siya dito.
"Uwi na tayo." mahinang usal ni Shadow sabay himas sa kabayo.
Kumalma ang kabayo na tila nauunawaan siya kaya napangiti si Shadow. Bahagyang tinapik muli ng paa niya ang kabayo at umusad naman ito pero ilang sandali lang huminto muli ang kabayo na ipinagtaka ni Shadow.
"Ano bang meron?" sabi ni Shadow at akmang bababa ito sa kabayo ng biglang umungol ang kabayo na tila ayaw siyang pababain kaya lalong nagtaka si Shadow.
"Okay uuwi na tayo." sabi ni Shadow na bahagya ng kinabahan.
Naglakad ang kabayo at hinayaan iyon ni Shadow pero laging gulat niya na iba ang tinahak na daan ng kabayo, umiwas ito sa hi way na lalo niyang ikinakaba.
"Fighter, saan mo ako dadalhin?" sabi ni Shadow at bahagyang umungol ang kabayo na tila may nais itong sabihin.
Ilang saglit pa ng huminto muli ang kabayo pero sa gilid iyon ng daan kung saan may mga puno papasok sa kagubatan. Hindi nagsalita si Shadow pero hindi niya mapigilan ang kuryusidad, bumaba siya ng kabayo at nagkubli sa mga puno at ilang saglit pa nagulantang siya sa susunod na nasaksihan.
Napatingin si Shadow kay Fighter habang nakatingin ang kabayo sa kanya.
"Sila lolo Ralph iyon." napaluhang sabi ni Shadow saka ito napalunok sa takot at niyakap ang kabayo.
"Run! Dito!"
Napabalikwas si Shadow sa pagkakayakap sa kabayo sa narinig at sinilip nito mula sa pinagkukublihan ang tumawag, nakilala niya ang tiyuhin ni Muddy at ang batang hawak nito... si Run palayo sa lugar.
Napatingin si Shadow sa kotse ng mga Cheung, mula sa pinagtataguan nakikita niya ang lahat at ang mga mukha ng salarin pati ang dalawang batang nasa loob ng kotse.
"Uuwi na tayo." sabi ni Shadow na nanginginig sa takot dahil hindi niya alam ang gagawin.
Sumakay si Shadow sa kabayo na gulong gulo ang batang isip nito. Pag-sakay sa kabayo mabilis niya iyong pinatakbo palayo sa lugar.
Ilang sandali lang nasa kuwadra na sila, bumaba si Shadow at akmang ipapasok nito si Fighter ng biglang napahiga ang kabayo sa lupa na ikinagulat niya.
Tiningnan niya ang kabayo at nanlaki ang mga mata niya ng duguan ang kabayo niya.
"Fighter!!!!!!" malakas na sigaw sa takot ni Shadow sabay yakap sa kabayo.
"Apo. Anong nangyari?" sabi ni Joyce na saktong hinahanap nito si Shadow.
"Lola." umiiyak na sabi ni Shadow na ikinatingin ni Joyce sa apo, nang magulat ito ng duguan ang apo at sa pagbaling ng mata ni Joyce sa kabayo nagulat lalo ito dahil alam niyang tama ng baril ang nasa katawan ng kabayo.
"May nakita ako sa kakahuyan, sila lolo Ralph." umiiyak na sabi ni Shadow na ikinayakap ni Joyce.
"Alam ko, kakatawag lang nila Tito Orion mo." sabi ni Joyce na bumalatay ang kaba at takot sa puso para sa apo.
Nagmamadali si Joysce pumunta sa kuwadra kanina, para hanapin si Shadow ng marinig ang balita. Alam niya kasi na madalas gumala si Shadow sakay ng kabayo nito. Ant tama nga ang hinala niya lumabas ang apo.
"Anong gagawin ko lola. Si Fighter pinatay nila." sabi ni Shadow.
"Shhhh, hindi ka nila gagalawin. Si lola ang bahala sayo." sabi ni Joyce.
"Paano si Fighter?" umiiyak na sabi ni Shadow.
"Niligtas ka niya, baka nakita ka ng isa ka nila at baka pinaputukan ka at si Fighter ang sumalo." sabi ni Joyce na ikinatakot lalo ni Shadow.
"Lola." umiiyak na sabi ni Shadow.
"Akong bahala, hindi ka nila magagalaw." sabi ni Joyce.
.......................
Ikalawang Bayan
Hours later
"Hello?" sabi ni Adira na mabilis sumuot sa ilalim ng kama ng makita ang tawag ni Shadow.
"Ahhhm." sabi ni Shadow sa kabilang linya.
"Shadow? May problema ka ba?" tanong ni Adira hindi umimik ang batang lalaki sa kabilang linya kaya muling umusal si Adira.
"Sorry, hindi ako nakasama sayo." sabi ni Adira.
"Okay lang mas mabuti ngang hindi ka nakasama." hindi napigilang pag-iyak ni Shadow.
"Shadow? Bakit ka umiiyak?" sabi ni Adira ng marinig ang pag-iyak ng kababata.
"Si Fighter." napahagolhol na sabi ni Shadow.
"Ano? Anong nangyari kay Fighter." naguguluhang sabi ni Adira sa ikinikilos ng kababata.
"Wala na si Fighter." napaiyak pa lalong tuluyang sabi ni Shadow na ikinagulat ni Adira.
"Bakit?" sabi ni Adira pero hindi na umimik si Shadow.
"Sorry." usal ni Adira ng hindi umimik si Shadow.
"Aalis kami ni lola, hindi ko alam kung kailan ako babalik." sabi ni Shadow.
"Aalis kayo? Bakit naman?" sabi ni Adira.
"Sasamahan ko lang siya sa business trip niya. Huwag kang mag-alala, babalik ako." umiiyak na sabi ni Shadow.
Hindi umimik si Adira saka ito napaluha ng maramdamang ang kalungkutan ni Shadow.
"Adira." sabi ni Shadow ng hindi umimik si Adira.
"Sorry, hindi kita nasamahan sa pagdadalamhati mo sa pagkamatay ni Fighter." sabi ni Adira na tila nakonsensya siya.
"Okay lang. Ganito na lang, mangako ka na pagkakatiwalaan mo pa rin ako saka nandiyan ka pa rin lagi." sabi ni Shadow.
"Oo naman." sabi ni Adira.
"Okay, salamat. Ibababa ko na, hanggang sa muling pagkikita." umiiyak na sabi ni Shadow saka nito binaba ang tawag na ikinaluha at iyak ni Adira buong magdamag
..............
Kinabukasan
STU, Ikalawang Bayan
El Paradiso
"Si Shadow?" sabi ni Ion sa mga kaibigan, ng araw na iyon nasa school sila lahat para sa pagkuha ng requirements ng hindi nito makita si Shadow
"Umalis sila ni Lola Joyce papuntang Texas." sabi ni Ciao
"Agad-agad?" sabi ni Ion.
"Bakit?" sabi ni Rhythm.
"Anong bakit?" sabi ni Ciao.
"Nagkakagulo sa Cheung Hotel sa pagkamatay ni lolo Ralph at Lola Menchie." sabi ni Ion.
"Eh ano ngayon?" sabi ni Ciao.
"Wala naman." sabi ni Ion at napatingin ito kay Wine na madalas na tahimik mula ng maghiwalay si Chhaya na kapatid nito sa kasinatahan nito na si Autumn.
Tahimik lamang si Adira, nang mapagtanto na sa kanya lang nagpaalam si Shadow. Magulo din ang isip niya at takot sa balitang pinatay ang mag-asawang Cheung kasama si Run sa ikalawang bayan kaya naman may bodyguard silang kasama magkakaibigan. Isama pa na todo bantay ang buong kapulisan sa lugar.
"Pinatay si Run, nakakatakot sino kaya may gawa noon?" sabi ni Rhythm na ikinatahimik ng buong grupo.
...............
Ikalawang Bayan
Hi Way
"Wala bang witness na nakakita?" sabi ni Orion kay Martein, ama ni Shadow ang Chied Inspector ng Tres Islas.
"Wala, kahit isa." sabi ni Martein.
"Imposible, marami-rami na ang tao sa islang ito lalo na sa bayang ito ng El Paradiso." nagtatakang sabi ni Orion na tila sunod-sunod ang problema niya. Isama pa na hindi niya pa rin makausap ng matino si Autumn na inaasahan niya sana na makakatulong sa kanya sa mga ganitong panahon.
"Wala." sabi ni Martein habang naglalakad ang dalawa sa pinangyarihan ng krimen.
Napatingin si Martein sa paligid ng may makita ito na ikinakunot ng noo niya.
"Meron iyan, dahil walang krimen na perpekto." diin ni Orion.
"Siguro nga," sabi ni Martein saka ito umiwas sa nakita.
"Saan ka pupunta?" sabi ni Orion.
"Sa kotse ni Ralph Cheung." sabi ni Martein.
Napakunot noo si Orion at akmang maglalakad ito sa gawing hinintuan ni Martein ng hawakan ito ni Martein sa braso.
"Magsimula tayo mag-imbestiga sa pinakakrimen at iyon ang kotse ni Ralph Cheung." sabi ni Martein na ikinakunot lalo ng noo ni Orion pero dahil tiwala siya sa kaibigan kaya tumango ito.
....................
Kinabukasan
Cave House, Ikalawang Bayan
El Paradiso
"Saan ka pupunta?" sabi ni Ellie kay Autumn na halos nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.
"Sa labas lang." sabi ni Autumn na ilang araw na rin na hindi lumalabas ng bahay.
"Hindi ka puwede lumabas." sabi ni Ellie.
"Alam ko pero may bumubulong sa akin, kaya pupuntahan ko lang." sabi ni Autumn saka ito nagmamadaling lumabas.
"Autumn!" sigaw ni Ellie para pigilan ang anak pero mabilis ng nakasakay ng motor si Autumn at pinasibat iyon.
..................
Ikalawang Bayan
Hi Way
Hours Later
"Sinira niyong lahat." sabi ni Autumn habang nasa lugar ito ng pinangyarihan ng krimen kung saan namatay si Ralph Cheung.
Gabi na noon, at tanging harang na lamang ang nakikita niya. Tumingin sa paligid si Autumn at ng makitang walang tao mabilis siyang pumasok sa loob ng tali.
"Aiissst! Ang sakit ng ulo ko." sabi ni Autumn sabay hawak sa ulo nito.
Napatingin si Autumn sa paligid, namatay ang lolo niya pero wala siyang maramdaman o kung meron man hindi niya alam. Pakiramdam niya kasi ang daming nagsasalita sa utak niya. Tulad ngayon may naririnig na naman siya napakaingay.
"Aissst. Tumigil kayong lahat!" sigaw ni Autumn na ikinabulabog ng mga ibon sa paligid kasabay ng pag-ihip ng hangin. At sa pag-ihip ng malakas na hangin saktong napatingin si Autumn sa isang direksyon.
"Ano iyon?" sabi ni Autumn ng makita mula sa liwanang na buwan ang isang bagay na nasa damuhan.
Lumapit si Autumn sa lugar at kinuha iyon.
...................
Kinabukasan
Cave House
"Saan ka galing kagabi?" sabi ni Orion sa anak na si Autumn ng maabutan itong nakatingin lamang sa labas kung saan nakatayo ang anak sa balcony.
"Hindi ako umalis." sabi ni Autumn na ikinakunot ng noo ni Orion.
"Ang sabi ng mama mo umalis ka kagabi." sabi ni Orion. Hindi kasi siya umuwi kagabi dahil inaasikaso niya ang burol ng anak na si Run.
"Hindi ako umalis." diin na sabi ni Autumn.
Napahingang malalim si Orion halatang wala sa sarili ang anak at hindi na naman ito nakatulog kaya hinayaan na lamang nito si Autumn at umalis na lamang.
"Umalis daw ako? Hahaha! Nandito lang ako, at hihintayin kita Queen." napangiting sabi ni Autumn pero muli itong napakunot ng noo.
"Lagot ka sa akin." galit na diin na sabi ni Autumn ng magbago ang awra nito sabay sa pagtalim ng mga mata nito.
.....................
One week later
Rancho Montemayor
"May alam siya, nakita niya." sabi ni Martein sa mother-in-law na si Joyce habang kausap ito sa videocall kung saan sinama nito ang anak niyang si Shadow ng wala na namang paalam mula sa kanya.
"Wala siyang alam." sabi ni Joyce sa son-in-law na isang inspector.
"Gusto ko lang malaman kung sino ang nakita niya at ako ng bahala tumugis doon." sabi ni Martein.
"Huwag mong guluhin ang anak mo dahil lang sa propesyon mo o sa pag-angat mo sa walang kuwentang trabaho mo." sabi ni Joyce kay Martein.
"Mommy, kakausapin ko lang ang anak ko." sabi ni Martein.
"Ayoko, at kapag nagpumilit ka gagawa ako ng paraan para hiwalayan ka ng asawa mo at makuha ko sila sayo." sabi ni Joyce.
"Mommy, kailangan siya dito hindi mareresolve ang lahat." sabi ni Martein na nahahati siya sa responsibilidad sa trabaho at pamilya.
"Huh! Ilalagay mo sa kamatayan ang anak mo at hindi ko iyon papayagan. Tumigil ka, at kung hindi bukas na bukas din lahat ng akin na kinuha mo ibabalik ko sa poder ko." sabi ni Joyce.
Natahimik si Martein, naging mabait naman si Joyce sa kanya bilang mother-in-law, iyon nga lang hindi niya makuha ang anak niya, na halos si Joyce na ang nagpalaki.
"Ayoko mawala si Shadow, proprotektahan ko siya hanggang sa huling hininga ko at kahit ikaw na ama niya ay kakalabanin ko o kahit ang buong grupo mo para lang mapangalagaan ko ang apo ko." sabi ni Joyce.
Napatitig si Martein sa biyenang babae, nagpapasalamat naman siya sa atensyon nito sa anak niya pero minsan sobra iyon o minsan nararamdaman niya na hindi kaya mag-isa ni Shadow kung wala ang lola nito na para kay Martein isa iyong kahinaan na ikakabagsak ng anak niya.
"Okay." napahingang malalim na sabi ni Martein.
"Magaling kang inspector, kaya ilihis mo ang lahat ng matahimik ang apo ko at makabalik kami diyan. Dahil kung hindi mo mapatahimik ang lahat. Hindi ko siya iuuwi sayo." diin na sabi ni Joyce na ikinatango ni Martein.
April 14, 2022 10.40am'
Fifth Street
dreame account
Rose Chua Novels
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top