Kabanata 6 : Regalo

Kabanata 6 : Regalo

St Therese Gym

Hours later


"Whoahhhh!" sigaw ni Winter at Yummy habang kasama nito ang mga magulang na nanonood sa gym para sa pagsisimula ng basketball league kung saan maglalaban muna ang mga muse sa pagandahan.

"Ang daming tao." sabi ni Ion ng makarating sila ng gym kasama ang mga kaibigan.

"Grape Wine dito!" sigaw ni Elle ng makita si Wine kasama ng mga kaibigan nito.

"Doon tayo." sabi ni Wine ng makita si Elle.

"Nakasave na kayo ng upuan." sigaw ni Yummy sa mga batang kagrupo ng makita ito.

Napatingin si Shadow nakaupo na sa mga upuan sila Autumn at ang iba. Napaiwas siya ng tingin ng makitang nakatitig sa kanya ang ama ni Adira na si Aquila at kapatid nitong si Orion na tiyuhin ni Adira.

"Insan, dito tayo." yaya ni Ciao na agad naman umupo si Shadow.

"Ganda ni Adira, kasing ganda ko." masayang sabi ni Elle kay Wine na isinave talaga ang upuan ng batang babae para makatabi si Wine.

Napatingin si Shadow kay Elle, bulol pa ito magsalita kahit magpipitong taon gulang na ito. Pero napangiti siya dahil sa lahat ng babae, talagang nagandahan siya kay Elle. Kakaiba ang ganda nito para sa kanya, parang nakikita na kasi niya ang itsura nito paglaki na panigurado maganda ang kombinasyon ng isang Cheung at Valiente sa batang babae.

"Adira!" sigaw ni Winter sa pagcheer na ikinatingin ni Shadow sa court.

"Langya, Athena ikaw na ikaw." nakagiting sabi ni Ellie kay Athena habang katabi ito sa upuan.

"Hahaha. Kung nandito lang ako sa Pinas ng panahon na rumampa ka sa Miss SVU malamang ako ang matindi mong makakatunggali." birong nakangiting sabi ni Athena na ikinangiti ni Ellie.

Napangiti si Ellie, bukod kay Emerald si Athena ang nakikita niyang puwede niyang makatunggali sa mga pageant pero dahil nasa ibang bansa ito at doon namalagi kaya hindi niya naranasan na makalaban ito. Pero kahit ganoon, naging magkatunggali sila ni Athena sa puso ng magkapatid na Orion at Aquila Valiente.

"Whoahhhh!" sigaw ni Yummy habang chinecheer si Adira.

"Ang ikli naman ng suot niya." gulat na sabi ni Aquila ng makita ang suot ng anak. Maikling palda shorts iyon at kita ang mahabang legs ni Adira.

"Hahaha! Aki, malamang kailangan ganyan ang suot para... Boom! Panis silang lahat sa baby ko." sabi ni Athena sa asawa.

"Grabe, pinagpalda niyo na ng maikli pinagtube niyo pa." sabi ni Orion.

"Hahaha! Hindi iyan tube, ano ba kayong magkapatid. Pusod lang ang nakita. Tube na?" sabi ni Athena na ikinatawa ni Ellie dahil si Athena ang namili ng susuutin ni Adira at knowing Athena sexy talaga ito manamit at kung hindi pa niya sinaway ito baka tube nga ang pinasuot nito sa anak.

"Tapos nakataas pa ang buhok. Langya, kulang na lang ipakita niyo buong balat ng anak ko." sabi ni Aquila.

"Hahaha. Ano ba? Malaki ang impact ng balat niya sa likod, cute tingnan at saka kitang kita ang mukha niya. Ninipisan ko na nga ang make up niya para natural beauty." nakangiting sabi ni Ellie na siyang nag-ayos kay Adira.

"Mananalo iyan, kuya." sabi ni Emerald sa mga kapatid.

"Tama si Mommy. Panalo na ang manok natin." sabi ni Yummy ng paboran nito ang inang si Emerald.

Mula sa malayo pinagmasdan ni Shadow si Adira kausap nito ang mga player ng High School Team at halatang masaya ang batang babae.

Nang biglang napakunot ang noo ni Shadow ng hawakan ng isang lalaki ang kamay ni Adira.

"Magsisimula na." sabi ni Winter.

"Si Brendan ang escort niya sa team." sabi ni Yummy.

"Ayieeee." kinikilig na sabi nila Winter at Yummy.

"Ayieeee." panggagaya ni Elle sa kilig ng kapatid at ng pinsan.

"Ang ganda pala ni Adira." sabi ni Ciao kay Ion.

"Anong pala? Tsss! maganda talaga ang kapatid ko." sabi ni Ion kay Ciao.

"May connection ba kami?" sabi ni Ciao na napangisi.


"Anong connection?"
biglang sabi ni Rhythm.

"Kamag-anak ko ba siya?" sabi ni Ciao sabay napapikit ito habang nag-iisip.


"Hahahaha! Siraulo. Bakit may balak kang ligawan?"
sabi ni Rhythm.

"Hahaha! Wala naman dahil baka may connection, hirap mag-isip baka sumabit ako." natawang sabi ni Ciao na ikinangisi ni Shadow.

"Adira Valiente" sigaw ng host ng ipakilala si Adira kasama ng pagpapakila ng koponan ng team kung saan ito muse.

Napangiti si Adira, hindi naman beauty pageant ang sinalihan niya. Muse lamang iyon na labanan ng mukha kaya kalmado lang siya at sanay naman siya sa suot dahil ganoon naman manamit ang mommy niya na na-adopt niya.

"Adira!!!!" sigaw ng buong grupo maliban kay Shadow.

"Gusto niyo ba may question and answer tayo para sa mga muse?!" sigaw ng host na ikinaingay ng buong gym at ikinakalabog ng dibdib ni Adira sa narinig,

Napalunok si Adira sabay sa pagtingin sa paligid. Punong-puno ng tao ang gym dahil tournament iyon hindi lang ng school nila kundi may taga ibang school na galing sa pampubliko at pribadong school mula sa kabilang isla.

"Oo!" sigawan ng lahat.

"Hala sila oh." naibulalas na sabi ni Adira na ikinatawa ni Brendan.

"Kaya mo iyan." natawang sabi ni Brendan sa reaksyon ng batang babae.

"Whoahhhh! Kaya mo iyan baby!" sigaw ni Athena sa anak.


"Hahaha! Ang pinangarap ni Athena kunin mo!"
tumatawang sigaw ni Malic na ikinatawa ng grupo.

"Siraulo, nandiyan ka pala!" sigaw ni Athena ng makita ang pinsan sa taas ng gym na sobrang lakas ng bibig niyon abot hanggang sa kanila.

"Hahahaha! Late kami, gumagawa kasi kami ng baby baka makabuo pa ako." sabi ni Malic na ikinatawa ng grupo at ikinahampas ni Venus sa asawa.

Samantalang hindi mapakali si Adira dahil hindi siya handa.

"Okay, kasiyahan lang ito para maenjoy tayo sa opening." sabi ng host.

"Isa lang naman ang magtatanong na iba't ibang katanungan." sabi pa ng host.

"Hala, hindi ako handa." sabi ni Adira sabay yakap sa braso ni Brendan na ikinangiti ng lalaki.

Napatingin ang buong grupo kay Adira sa ginawa nito lalo na ang mga pinsan, tiyuhin at ama nitong si Aquila.


"Go, baby girl!"
sigaw ni Athena.

"Okay sisimulan natin. May bisita tayo, at ang totoo napadaan lang siya at nag-request kung puwede lagyan ng sahog ang pangit na luto ng pagbubukas ng liga." sabi ng host na bahagyang natawa sa sinabi.

"Whoahhhh! Kahit sino pa iyan!!!!!" sigaw ni Athena.

"Tama! Kaya iyan ni Adira!!!!!" sigaw na malakas na sabi ni Malic na ikinatawa ng grupo ng tumayo pa ito sa upuan na ikinatawa ni Wine sa ama.

"Galing tatay Malic, supportive. Sana sa atin din." sabi ni Elle kay Wine na ikinangisi ni Orion at Autumn kay Elle.

"Okay, malugod ipinakikilala ng mga bumubuo ng ligang ito si Former beauty queen model Joyce Jimenez." pagpapakilala ng host, na ikinagulat ni Shadow at ikinatahimik ng buong grupo, lalo na si Aquila na Presidente pa ng STU na walang alam sa bagay na iyon.

Napalunok si Adira sa takot ng makita ang lola ni Shadow na tumayo mula sa audience.

Natahimik ang grupo ni Orion at Autumn. Maraming tao kaya hindi nila inaasahan na naroroon ang lola ni Shadow. Isama pa na hindi naman nakikihalubilo sa mga ganoong okasyon ang ginang. Ayaw nito ng maingay at hindi ito sumasama sa alam nitong mababang uri.

"Lagot! Si Miss Michin." sabi ni Malic na ikinatawa nito pero hindi ang grupo.

Napatingin si Matias sa pinsan ng daddy niya, na lola ni Shadow na si Joyce. Ito ang counter version ng kapatid niyang si Malic dati. Matapobre ito kaya nga hindi din sila nagtaka kung saan nakuha ni Malic ang ugali nito dati noong hindi pa nito nakikilala si Venus.

"Simulan na natin kasi mukhang ang baho sa gym niyo. Huh! Naturingang first class school pero ang cheap ng dating." sabi ni Joyce na ikinangisi ni Orion.

Napatingin si Shadow sa lola niya, isang linggo mula ng mangyari ang insidente na muntik na niyang ikahulog sa fifth floor ng Elementary Building. Hindi siya nito sinita kahit ang tungkol sa cellphone hindi rin siya kinompronta nito. Umuwi sila ng bahay ng tila walang nangyari. Kaya nakonsensya siya at mas lalo niyang inilapit ang sarili sa lola niya, sa takot na baka may galit ito sa kanya o nagtatampo ito na puwedeng ikasama ng kalusugan ng lola niya.

"Okay maam." sabi ng host na tila nailang sa sinabi ng matandang babae.

Napatingin si Joyce kay Adira na nakayakap sa braso ni Brendan. Napaiwas naman ng tingin si Adira sa mapanuring mata ng lola ni Shadow.

"Isa lang ang itatanong ko sayo iha." sabi ni Joyce na ikinatahimik pa lalo ng lahat at ikinatingin ni Adira kay Joyce.

"Ano po iyon?" tanong ni Adira ng maiabot ang mic sa kanya ng host para sagutin ang tanong.

"Ano para sa isang bata ang meaning ng pagmamahal?" sabi ni Joyce na ikinakunot noo ni Adira kaya napangisi si Joyce.

"Wala kang masabi? O hindi mo naunawaan?" sabi ni Joyce.

"Kaya mo iyan baby girl!" sigaw ni Athena ng makitang natatakot ang anak niya. Dahil sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura ng aristokratang matanda na tila anytime kakainin ka ng buhay.


"Athena."
sabi ni Aquila.

"Kailangan ako ng anak ko, bagay na hindi ko nakuha noong bata pa ako." sabi ni Athena kaya tumayo pa ito na ikinatingin ng buong grupo dito.


"Kaya mo iyan, Adira! Nandito lang si mommy!"
sigaw ni Athena na ikinalunok ni Aquila ng makita ang suporta ni Athena sa anak nila, na hindi nakamtan at naranasan ng asawa noong bata pa ito kaya naman tumayo si Aquila at sumigaw ito.


"Kaya mo iyan, Adira! Go Baby girl!"
sigaw ni Aquila na ikinangiti ni Athena kay Aquila.


"Gusto ko maramdaman niya ang bagay na hindi ko nadama dati at iyon ang suporta."
nakangiting sabi ni Athena.

Napatingin si Adira sa mommy at daddy niya saka ito napangiti at nagsalita.

"Iyong nandiyan po sila sa panahon na kailangan mo sila, tanggap ka nila kung sino ka. Walang pagdududa at hindi ka nila sasaktan emotional, mentally at physically." sabi ni Adira sabay tingin sa lola ni Shadow at muling nagsalita.

"....iyong galit ka na, nagtatampo ka at minsan nagkakaroon ka ng doubt pero sa huli pipigilan mo po maramdaman kasi mahal mo po.

Malawak ang damdamin ng pagmamahal sa atin pong lahat. May pagmamahal para sa anak, sa kapatid, kaibigan, sa kalaro, sa kaklase, sa crush, sa kamag-anak, sa apo.

Pero isa lang iyong patutunguhan at iyon ang pagmamahal na tanggap mo kahit umangat siya sayo o kahit na ibinigay niya sa iba ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya. O minsan pagmamahal na hindi mo nakamtam o makakamtan, pero pilit mo iyon ibinibigay sa iba para hindi nito maramdaman ang sakit na naramdaman mo.

Iyon ang love na kahit masakit sayo tatanggapin mo, iiwas ka, o kadalasan ngingitian mo lang kahit na nakikita mo na ayaw sayo. Pagmamahal na hindi mo puwedeng hatiin kasi magkakaiba iyon, tulad ng pagmamahal ng ina sa anak at ng lola sa apo.

Kaya ang pagmamahal para sa akin ay damdamin na ibibigay mo ng buo na walang kahati. Para si mommy sa akin." nakangiting sagot ni Adira saka ito tumingin sa mommy niya at kumaway ito na ikinangiti ni Athena.


"Whoahhh!"
sigaw ni Athena saka ito pumalakpak mag-isa dahil tahimik lang ang lahat sa sagot na iyon ni Adira.

"Wala po ba akong palakpak?" namimilog na mata ni Adira ng tahimik lamang ang lahat.

"Ang galing mo." nakangiting sabi ni Brendan saka nito niyakap si Adira saka naghiyawan ang lahat at pumalakpak.

......................

Hours later

"Congrats, Adira." nakangiting sabi ni Ellie sa batang babae.

"Thank you po." nakangiting sabi ni Adira.

"Ang galing ng baby girl ko, di ba. Sabi sa inyo yakang yaka niya." sabi ni Athena sabay yakap sa anak na si Adira.

"Mana po ako sayo, mommy." sabi ni Adira sa ina na ikinangiti ni Athena.


"Siyempre, baby kita."
nakangiting proud na sabi ni Athena na ikinangiti ng buong grupo.

....................

Hours Later

Cheung Hotel, Unang Bayan.

"Lolo Ramon." nakangiting salubong ni Adira ng maabutan sa Franxie Resto ang lolo niya kung saan nagbigay ito ng dinner party sa pagkapanalo niya bilang muse.

"Ang galing ng apo ko." sabi ni Ramon kay Adira.

"Magaling po kayo magturo ni lolo Lukaz." nakangiting sabi ni Adira sabay tingin sa lolo Lukaz niya.

"Kaya nga nag-plano kami ng lolo Lukaz mo ng dinner para sayo dahil magaling ka talaga." sabi ni Ramon kay Adira.

Napangiti sa tuwa si Adira, naroroon ang buong grupo ng lolo niya hanggang sa grupo ng kuya niya.

"Salamat po." sabi ni Adira.

"Kumain ka na." sabi ni Ramon

Bumitaw sa yakap si Adira saka ito pumunta kay Lukaz na ama ng ina niyang si Athena.

"Salamat po lolo." nakangiting sabi ni Adira sabay yakap kay Lukaz.

"Walang anuman. Ang galing mo. Pero sayang wala ako kanina para i-cheer ka." sabi ni Lukaz na bahagyang nanghinayang.

"Okay lang po iyon. Ang mahalaga nandito po kayo sa party ko." sabi ni Adira.

"Hindi ka nagtatampo?" sabi ni Lukaz na mula ng maganap ang hidwaan nila ng anak na si Athena dati siniguro na niyang malapit na siya sa mga apo at lagi na niya nakikita ang mga ito at nasusubaybayan.

"Hindi po ako nagtatampo dahil mahal po kita." sabi ni Adira sabay yakap ng mahigpit kay Lukaz.

"Salamat sa love at yakap na mahigpit." sabi ni Lukaz.

"Masuwerte po ako lolo kasi may mga bata diyan wala na silang lolo o lola. Ako kompleto pa po, kaya blessed po ako at sana nandiyan pa kayo hanggang bigyan ko kayo ng apo." nakangiting pilyang sabi ni Adira na ikinangiti ni LJ dahil naaalala niya si Athena sa apo noong bata pa ito, na noon napagkamalan niyang isang hadlang sa anak na si Athena, dahil ang tingin niya mahihirapan siyang suwayin ang anak na tingin niya'y kaharutan ang ugali nito.

Pero ng magkaapo siya at dumating si Adira, lahat nagbago dahil muling umulit ang ugali ng anak na si Athena kay Adira iyon nga lang, ngayon tanggap niya at ngayon naunawaan niya na dala lang iyon ng malikot at masayang buhay ng pagkabata na kakaiba para sa anak at apo.

"Kain na po kayo lolo pupunta lang po ako kila Elle." sabi ni Adira na ikinatango ni LJ, at ng tingnan niya si Adira sa suot nito, napangiti na lang siya dahil kahit ang pananamit ng apo nakuha nito sa ina nito. Na napagkamalan niyang isang liberated na babae, nahusgahan niya agad si Athena dati base sa pananamit, pero hindi niya nakita ang tunay na pagkatao ng anak dala ng galit niya.

"Okay apo." nakangiting sabi ni LJ na ikinangiti ni Adira.

"I love you lolo Lukaz." sabi ni Adira sabay yakap kay LJ na ikinangiti ng mga kaiabigan ni Lukaz.

"May naiinggit." sabi ni Marie sabay turo kay Ramon.

"I love you, lolo Ramon." sabi ni Adira ng tumingin kay Ramon.

"Mahal ka namin." sabi ni Ramon sabay yakap kay Adira.

"Payakap din kami." sabi ni Patty at Tiffany kay Adira na ikinabungisngis ng batang babae.

...................

Kinabukasan

St Therese University

"Pumasok ka na, dito lang kami nila Wine." sabi ni Ion kay Adira ng nasa tapat na sila ng classroom ni Adira at makita ni Ion sila Wine, Rhythm at Ciao na nakadungaw sa baba ng building.

"Okay." sabi ni Adira saka ito pumasok at nagtungo naman si Ion kila Wine.

Pagkapasok ni Adira napatingin ito sa upuan ni Shadow, wala doon ang kababata at kahit sa party niya hindi ito pumunta.

"Late na naman siya. Baka kausap ang lola niya." sabi ni Adira sa isip saka ito umupo sa silya niya. Wala siyang cellphone kaya kinuha na lamang niya ang aklat sa loob ng bag at nagbasa.

Ilang minuto pa ng may umupo sa tabi niya at ng pagtingin niya, nakita nito si Shadow. Tahimik lang ang kababata kaya hindi na niya ito ginambala.

Samantalang ng makaupo si Shadow napatingin ito ng pasimple kay Adira nagbabasa ito ng libro.

Hindi siya pumunta sa party nito kagabi matapos ang opening ng liga sa school nila. Sinabayan niya kasi ang lola niya umuwi ng umalis ito sa gym kagabi.

"Si maam!" sigaw ng kaklase nila na ikinatakbo ng mga estuadyante sa loob ng classroom.

"Bilis, bilis, bilis, bilis, upo." nagmamadaling sabi ni Wine ng mag-unahan sila magsipasukan sa loob ng classroom.

Nang dumating ang guro tumahimik ang lahat at nagkunwaring nagbabasa ng libro.

"Tumayo na tayo." mahinang sabi ng isang kaklase ng mga ito

Tumayo ang lahat at bumati sa guro. Sa pagtayo ng lahat mabilis na kinuha ni Shadow ang nasa bulsa ng pantalon at pasimple iyong inilagay sa bulsa ng uniform na palda ni Adira.

"Good morning, Maam Cruz." sabi ng lahat.

"Good morning." sabi ng guro saka umupo ang lahat.

Sa pag-upo ni Adira inayos nito ang palda para hindi magusot na madalas naman gawin ng dalaga, pero sa paglapat ng kamay niya sa palda niya nahagip nito ang nasa bulsa niya.

"Congrats." mahinang sabi ni Shadow na hindi tumitingin kay Adira, na ikinatingin ni Adira kay Shadow.

"One fourth sheet of paper." sabi ng guro na ikinatigil sa pagtatanong sana ni Adira kay Shadow.

"Test na naman" mahinang sabi ni Rhythm na ikinatawa ni Ciao.

"Iyong utak ko puro numbers na imbes na nota." sabi muli ni Rhythm.


"Hahaha. Bilisan mo kasi mag-aral para college agad at doon ka sa College of Music mag-enrol."
sabi ni Wine kay Rhythm.

Tahimik lang si Adira habang pasimpleng kinakapa ang nasa bulsa niya. Dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay sa loob ng bulsa at kinapa ang bagay na naroon.

Tahimik lang din si Shadow, pero pinapakiramdaman nito si Adira na kinakapa ang nilagay niya sa bulsa nito.

"Number 1." malakas na sabi ng teacher na ikinahinto sa pagkuha sana ni Adira sa bagay na nilagay ni Shadow sa bulsa niya.

Natapos ang quiz na ten items na hindi mapakali si Adira kaya sinulyapan ito ni Shadow at ng makita ng binata na mali halos lahat ang sagot ni Adira mabilis nitong kinuha ang papel ng kababata.

Nagulat si Adira sa ginawa ni Shadow pero hindi ito nakapagsalita ng mabilis na binago ni Shadow ang sagot niya na ginaya sa sagot nito.

"Row 1 ipasa niyo sa row 2 ang gawa niyo at row 3 sa row 4 niyo ipasa ang papel." sabi ng teacher na agad ginawa ng lahat.

Nasa row 1 sila Rhythm at nasa row 2 naman ang puwesto nila Ion. Napunta ang papel ni Adira kay Rhythm at ang kay Shadow ay kay Ciao and vise versa.

Nagsimula sabihin ng teacher ang sagot at ilang saglit lang natapos ang checking.

"Ayos ha. Magkapareho ng score at mali sila Adira at Shadow." mahinang sabi ni Ciao ng makita ang papel ni Adira na tsinetsekan ni Rhythm.

Napatingin si Ion kay Adira ng hindi ito umimik. Binaba ni Rhythm ang papel na ikinasilip nila Wine at Ion sa papel ni Adira.

"Siraulo ka Shadow, sulat mo ito." mahinang sabi ni Wine kay Shadow.

"Shit, mapapahamak si Adira sayo" sabi ni Ion at akmang kukunin ni Ion ang papel ng kapatid para baguhin ang sulat ng kunin iyon ni Shadow at mabilis na sinulatan ang papel ni Adira.

Napatingin sila Wine at Ion kay Shadow right handed ito at nagulat sila ng magsulat ito sa kaliwang kamay at iba ang penmanship nito sa kaliwa.

"Okay na." sabi ni Shadow sabay pasimpleng abot kay Rhythm.

"Nice, may talent ka pala." sabi ni Rhythm kay Shadow.

"Anong pinagbubulungan niyo diyang anim, Miss Adira?" sabi ng guro na talagang si Adira ang nasita kahit na tahimik ito.

"Po?" sabi ni Adira.

"Parang may komosyon diyan, baka puwede mong ikuwento?" sabi ng guro na ikinalunok ni Adira.

"Kinakapa lang niya iyong bulsa niya at ang gulo niya sa upuan." sabi ni Shadow na walang maisagot para maisalba si Adira dahil namumutla ang mga kaibigan niya sa takot na mapunta sa guidance si Adira sa ginawa niyang pagsagot sa papel nito.

"Bakit naman?" sabi ng guro.

Napatingin si Shadow kay Adira na ikinatitig ni Adira dito.

"Ano bang nasa bulsa mo Miss Adira? Kodigo ba? Puwedeng tumayo ka at ipakita mo naman sa amin." sabi ng guro

Napalunok si Ion ng makitang mapapahiya ang kapatid. Napalunok si Adira at ng maramdaman na tatayo si Ion para isalba siya mabilis niyang inunahan ito sa pagtayo.

Inilabas ni Adira ang nasa bulsa na kanina pa niya kinakapa na galing kay Shadow at sa paglabas niya ng nasa bulsa nanlaki ang mga mata ng lahat na isa iyong mamahaling relo na nakalagay pa sa mamahaling lalagyanan nito.

Nanlaki ang mga mata ni Adira, dahil alam niya ang presyo ng relo may ganoong brand ang mommy niya na regalo ng daddy niya at milyon ang halaga nun. Isang Adumars Piguet Royal Oak lang naman na nagkakahalaga ng mahigit 4Mphp.



"Tssss." nakangising reaksyon nila Ciao, Ion, Rhythm at Wine ng makita ang relo na alam na nila kung kanino galing.

"Wow. Kanino naman galing iyan? Ang sweet naman expensive watch talaga." sabi ng guro na nawala ang duda kay Adira.

"Kay..." udlot na sabi ni Adira ng tumingin siya kay Shadow pero umiwas ng tingin si Shadow sa kanya.

"Kanino?" nakangiti ng sabi ng guro.

Tiningnan ni Adira ang lalagyanan at mula roon nakaisip siya ng isasagot.

"Rancher." mahinang sabi ni Adira na ikinangiti ng guro

"Nice. You may sit down." nakangiting sabi ng guro na ikinangiti ni Adira sabay lagay muli sa bulsa ng relo na nasa mamahaling lalagyanan pa rin.

"Nice, rancher. Parang pagkain lang, hahaha!" natawang sabi ni Rhythm.

"Hahaha! Iyong kornik na may green peas. Rancher iyon, na ayaw kainin nang apat na tauhan ni Autumn dahil nagtatae sila." tumatawang sabi ni Wine.

"Hahaha. Alam ko iyon, kornik na nga pinatigas pa lalo. Parang ngipin na sa tigas." natawang sabi ni Ciao.

"Hahaha. Tapos iyong green peas kulubot na." natawang sabi ni Ion.

"Hahaha. Tumahimik kayo at baka bumalik ang atensyon ni Maam sa atin." tumatawang sabi ni Rhythm na ikinatahimik ng mga ito na pigil ang tawa.

"Adira, ibenta natin. Mayaman na tayo kapatid." mahinang sabi ni Ion na lalong ikinatawa nila Wine, Rhythm at Ciao.

Hindi umimik si Adira sa pagbibiro ng kuya niya at mga kaibigan nito. Nanatili naman na tahimik si Shadow na ikinatingin ng pasimple ni Adira sa kababata.


April 12, 2022 10.09pm

Fifth Street


malalate bukas ang UD

Good night

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top