Kabanata 5 : Exam
Kabanata 5 : Exam
St Therese University
President's Office
"Sinapak niya ang apo ko. Isama pa na kung mahulog ang apo ko, siguradong mamamatay siya." mataray na sabi ni Joyce na may poise pa rin kahit galit na galit na ito sa nakitang video.
"Sorry, tita Joyce." sabi ni Aquila sa matandang babae na lola ni Shadow. Na kahit na nasa katandaan na ito, makikita pa rin ang awra nito na may class dahil dati itong modelo at beauty queen.
"Ikaw! Leader ka nila pero ikaw talaga ang sumugod." sabi ni Joyce sabay turo kay Autumn habang nakatingin lang si Autumn kay Shadow.
"Siya ang may kasalanan at hindi kami o kahit sino sa grupo ko." sabi ni Autumn.
"Aba't!!! makakarating kay Orion at sa mga lolo mo ang sagot mong iyan. " sabi ni Joyce kay Autumn.
"Ilayo niyo ang apo niyo sa pinsan ko, para hindi rin siya masaktan." sabi ni Autumn.
"Ano bang ginawa ng apo ko kay Adira? At galit na galit kayo sa kanya?" sabi ni Joyce habang katabi nito si Shadow na kanina pa tahimik.
"Binigyan niya ng cellphone ang pinsan ko at matapos niyang hindi mabasa ang message mo, inaway niya si Adira.
Biruin mo, binigyan niya ng cellphone ang pinsan ko para matawagan niya at matawagan siya... na tanging siya lang. Tapos ng dahil sayo nakuha niyang pagsalitaan ng masama ang pinsan ko ng liberated. Sinong matinong bata na magsasalita ng ganoon sa isang dose anyos na batang babae na walang alam gawin kundi maglaro lang." sabi ni Autumn.
Napatingin si Joyce kay Shadow, hindi nito alam na nagbigay si Shadow ng cellphone kay Adira o kung mapagtatagni niya. Ang cellphone niya na binili dito ang ibinigay ng apo niya sa batang babae. Ang sabi lang kasi ni Shadow sa kanya, nawala ang cellphone nito at kung susumahin nga na tama ang hinala niya, iyon ang unang pagsisinungaling ng apo sa kanya.
Umiwas ng tingin si Shadow sa lola niya, guilty siya dahil iniiwasan na nga niya mabanggit ang tungkol sa cellphone binili nito sa kanya.
"Kahit na, dapat hindi niyo binully. Isama pa na pinagtangkaan niyo siya ihulog at sinuntok pa siya ni Heaven." sabi ni Joyce sabay akbay sa apo.
Napayuko si Shadow kahit kailan alam niyang hindi siya ilalaglag ng lola niya o papagalitan, nasa kanya ang panig nito kahit ano pa ang mangyari.
"Iwasan niya si Adira, para maiwasan ang gulo." sabi ni Autumn kay Joyce.
"Autumn, mas matanda iyan sayo." sita ni Aquila sa pamangkin sa pagsagot nito.
Napangisi si Joyce, sanay siya kay Autumn dahil dati pa naman matanda na ito sumagot at kumilos.
"Okay. So, iyon lang ba ang gusto mo?" sabi ni Joyce na ikinatingin ni Shadow kay Joyce.
"Oo, hindi namin siya gagalawin kung hindi niya gagalawin ang pinsan ko." sabi ni Autumn.
"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga iho." natawang sabi ni Joyce kay Autumn na noo'y nasa bente dos anyos at graduating sa kolehiyo.
"Mas matutuwa ka sa akin kung ididikit mo ang apo mo sayo at huwag mong hayaan kumawala na tulad ng kabayo niya." nakangising sabi ni Autumn na ikinatawa ng pigil ng apat na kasama nito at ikinailing ni Aquila.
"Okay, pero kapag naulit na dumikit ang dulo ng daliri niyo sa apo ko..." udlot na sabi ni Joyce saka ito napataas ng kilay.
"Kahit sa impiyerno pupuntahan ko kayo, at ako mismo ang magbabaon sa inyo sa lugar na iyon." nakangising sabi ni Joyce.
"Hahaha. Lola..." sabi ni Heaven na napahinto ng muling nagsalita si Joyce.
"Huh! Hindi mo ako lola dahil si Shadow lang ang apo ko." sabi ni Joyce na ikinangisi ni Heaven at ng mga kasama nito.
"Okay, hindi ko rin naman kasi gustong maging pinsan ang lola's boy na iyan na bata pa lang halata ng walang bayag." nakagising sabi ni Heaven.
"Heaven!"
Napatingin ang lahat sa pintuan ng opisina ni Aquila ng bumungad si Matias, ang ama ni Heaven.
"Tssss." napaikot na mga mata na reaksyon ni Heaven ng makita ang ama.
Napatingin si Matias sa tiyahing si Joyce, pinsan ito ng tatay niyang si Dennis pero hindi naman nila ito kaclose dahil mula ng mag-asawa ito at nagkaanak nakapokos ito sa pamilya at tila inilayo ang sarili sa pamilya Lopez. Lalo na ng magkaapo ito, na tila umikot ang mundo nito kay Shadow na lagi nito kasama.
"Aissst, uuwi na kami ng apo ko tutal nandito ka na. Pagsabihan mo ang anak mo mukhang gagong tulad mo at tulad ng mga lolo niya." sabi ni Joyce kay Matias sabay talikod nito.
Naglakad si Shadow habang akbay siya ng lola niya ng mapatingin siya kay Autumn at bahagya siyang nagulat ng matalim itong nakatitig sa kanya.
.....................
One week later
St Therese University
Kanina pa pinagmamasdan ni Adira ng palihim si Shadow, isang linggo na ang nakakalipas ng mangyari ang insidente at sa panahon na iyon lumayo si Shadow si kanya. Nakikipaglaro naman ito sa mg bata sa grupo, nakikipagharutan at nakikipagtawanan. Laging kasali sa mga gala at lagi niyang nakikita ang mga ito na magkakasama, masaya, at tulad ng dati masigla.
Iyon nga lang, hindi naman kasi magkakasama ang mga babae sa grupo ng lalaki sa grupo nila. Bukod kasi sa mas maraming lalaki ang miyembro, mahigpit ang mga Valiente kung saan apat na babaeng Valiente lang ang miyembro ng grupo. Siya, si Winter, Yummy at ang batang si Elle na lagi naman nakadikit sa mama nitong si Ellie na isang doctor.
Kaya ang siste, nag-iisa lang siya dahil nasa kolehiyo na si Winter at si Yummy naman ay laging busy sa pag-aaral nito na nasa highschool at madalas nasa simbahan si Yummy.
"Test na. Nagreview ka ba?" tanong ni Rhythm kay Ciao na ikinatingin ni Adira sa dalawa na nasa harapan niya nakaupo.
"Hindi. Hahaha." natawang tugon pa ni Ciao na ikinangisi ni Rhythm.
"Pare, pakopya." sabi ni Ion kay Wine na ikinatango ni Wine.
Napatingin si Adira sa kapatid ng palihim. Katabi niya ito sa upuan bandang kaliwa at si Wine ay nasa kaliwa naman ni Ion kaya mas madali nga naman makakopya doon kaysa sa kanya. Isama pa na hindi komokopya ang kapatid niya sa kanya dahil bukod sa malayo ang sulatan ng papel niya mas mataas naman kasi lagi ang score ni Wine kahit na taong kalye ito o gala.
Napahingang malalim si Adira, napapalibutan siya ng mga lalaki kahit ang nas alikuran niya mga lalaki din ang nakaupo.
Muli siyang napatingin sa kuya niya, matanda lang ng ilang buwan ang kuya niya sa kanya. Nasundan kasi agad ang kuya niya ng mommy at daddy niya pagkapanganak pa lang dito na naging delikado para sa kalusugan ng mommy niya, kaya nga hindi na nagbuntis muli ang mommy nila ni Ion. Para nga silang kambal dahil parehong taon sila ipinanganak at magkaklase lagi.
Ilang sandali lang nang makakuha ng test paper si Adira agad niya iyon binasa, nagreview naman siya at hindi naman mawawala sa kanya ang mag-aral. Nakatutok din kasi ang mommy niya sa kanya at laging sinasabi na mag-aral siya habang may oras at may panahon.
Binasa ni Adira ang mga tanong Math subject iyon kaya napatingin siya ng lihim kay Wine at sa kuya niya. Magaling sa Math si Wine dahil sinasabi ngang namana nito ang talino ng lola nitong si Marie.
Napangiti si Adira, dahil kahit naman ang lola niyang si Tiffany at Patty ay matatalino noong mga panahon nito lagi nga niya tinitingnan ang mga larawan ng magkakaibigan.
Ilang sandali lang ng mapatingin si Adira kay Shadow, hindi pa ito nagsisimula sumagot at nakatitig lang sa test paper.
"Grabe naman. Pang highschool na ito." bulong ni Rhythm na ikinatawa ni Ciao ng mabasa ang mga tanong sa exam.
"Hahaha. May kodigo ako." mahinang sabi ni Ciao kay Rhythm.
"Langya, numbers kaya ito paano mo ito ikokodigo," sabi ni Rhythm kay Ciao.
"Hahaha. Nakita ko iyong answer key kanina at mabilis kong isinulat," natawang mahinang sabi ni Ciao.
"Siraulo ka." sabi ni Rhythm.
"Hahaha. Nakuha ko ang strategy sa training camp kung paano kumuha ng bagay na dapat sa iniimbestigahan at nagamit ko dito." natawang sabi ni Ciao.
"Patiingin ako" sabi ni Rhythm.
"Shhh, Malian niyo naman kahit lima para hindi halata." sabi ni Ion na ikinatingin nila Rhythm at Ciao na nasa harapan nila nakaupo ni Adira.
"Huwag kang mag-alala si Wine pa rin ang makakakuha ng highest score dahil hindi naman ako magpapahuli. Turo din iyon sa Ground Zero, para ma-avoid ang hinala." mahinang sabi ni Ciao na ikinatawa ng apat na lalaki.
Napailing si Adira, marami din kalaokohan ang mga bata sa grupo pero iyon nga lang kalokohang pangkaraniwan para sa isang bata.
Napasulyap muli si Adira kay Shadow na tahimik pa rin, at madalas naman mangyari nitong mga araw na lumipas.
Tumingin muna si Adira sa kuya niya at sa harapan at ng masigurong busy ang mga ito sa pangongopya kinalabit nito si Shadow ng pasimple.
Samantalang kanina pa tahimik si Shadow, isang linggo na niyang hindi pinapansin si Adira kahit sa loob ng classroom hindi na niya ito kinakausap. Umiiwas siya dito at sumasama na lamang sa pinsan na si Ciao at nakikipaglaro sa mga ito kaya nakikita niyang nag-iisa lagi si Adira. O kapag nag-iisa ito habang naglalaro sila napapansin niyang nilalapitan ito ng mga kaklase nilang lalaki at kinakausap ito.
Ilang sandali lang mula sa tagiliran ni Shadow naramdaman niya ang pagkalabit ni Adira ng pasimple pero hindi niya ito pinansin kaya inulit iyon ng batang babae.
Napahingang malalim naman si Adira ng hindi siya imikin ni Shadow, alam niyang hindi ito nagreview tulad ng kuya niya dahil maghapon ang mga ito kahapon sa galaan at gabi na umuwi.
Napatingin si Adira ng pasimple sa papel ni Shadow, lagi itong mababa sa exam. Hindi naman kasi ito seryoso sa pag-aaral, mahilig lang tumambay sa kuwadra para kausapin ang mga kabayo nito dahil madalas din ang kuya niya sa Montemayor Ranch kaya alam niyang puro laro lang ang mga ito.
"Class, fifteen minutes lang ang exam kaya pagbutihan niyo at biisan niyo." sabi ng guro nilang terror.
Napahingang malalim si Shadow hindi siya makakopya dahil malayo ang mga kaibigan sa kanya nasa dulo kasi ang upuan niya at katabi naman niya ay si Adira.
Ilang sandali pa ng mapatingin si Shadow kay Adira nakabukas ang papel nito at alam niyang pinapakopya siya nito na madalas gawin ng kababata. Pero dahil may pangako siya sa lola niya kaya hindi siya tumingin sa papel na Adira at umiwas siya ng tingin.
Nakaramdam ng lungkot si Adira ng makita ang reaksyon ni Shadow pero nanatiling binuksan niya ang papel para kung sakali komopya ito makikita agad ni Shadow.
"Class pass your paper." sabi ng guro na ikinaingay ng buong klase sa bilis ng oras ng guro.
"Grabe, hindi ko pa nakokopya lahat." sabi ni Rhythm na ikinatawa ng mahina ni Ciao.
"Hahaha! ang bagal mo naman." sabi ni Ciao na sigurado na makakapasa siya.
"Tapos na kami." nakangiting sabi ni Ion na nakakopya na kay Wine.
"Sure ka bang tama ang sagot ni Wine. Eh kasama natin iyan sa galaan kahapon." sabi ni Rhythm kay Ion.
"Hahaha! Stock knowledge pare." natawang kampanteng sagot ni Wine na ikinatawa ni Ion dahil sigurado naman siya na matalino si Wine dahil hindi naman talaga ito nag-aaral pero nakakapasa ito. Nakikinig lang ito sa lecture at madali nito maunawaan ang lahat.
"Kapag may bagsak, hindi uuwi ng maaga ng buong isang linggo dahil one-on-one kong tuturuan." sabi ng guro na ikinatahimik ng lahat.
"Natahimik kayo? Huh! Ayoko umalis kayo sa akin na walang alam, ayoko makagraduate kayo ng pinadulas niyo lang." sabi ng guro ng natahimik ang buong klase.
"Asar." mahinang sabi ni Shadow na halatang siya ang pinaparinggan ng guro.
"Okay ka na, insan?" sabi ni Ciao kay Shadow.
"Tsss, hindi ako tapos. Hindi rin ako puwede tumambay dito may pupuntahan pa kami ni lola." Inis na sabi ni Shadow.
Napatingin si Adira kay Shadow halos walang sagot ang test paper nito.
"Okay, mabait naman ako class. I will give you another ten minutes to review your answers." sabi ng guro na ikinaingay ng classroom.
"Hahaha. Pahiram na ako." sabi ni Rhyhm sabay kuha ng kodigo kay Ciao.
Napatingin si Ciao sa pinsan na si Shadow.
"Magsitahimik, kung hindi babawiin ko ang ten minutes." sigaw ng guro.
Umayos ang upo ang lahat at napatingin si Adira kay Shadow.
"Asar." sabi ni Shadow. Hindi niya makakopya kay Ciao na nasa unahan niya dahil nasa first row ito at masyadong mahahalata ng guro nila. Nang biglang hilahin ng pasimple ni Adira ang test paper niya.
"Uyy." sabi ni Shadow ng kunin ni Adira ang test paper niya.
"Wala ka ng oras. Ang sabi mo dapat best lagi. Ako ang katabi mo so tutulungan kita para maging best ka." nakangiting sabi ni Adira at mabilis nitong binilugan ang test paper ni Shadow at ilang minuto lang ng matapos si Adira.
"Hindi iyan perfect pero atleast may sagot ka." mahinang sabi ni Adira at ng akmang magsasalita si Shadow ng biglang magbell.
"Ihahatid na muna kita, Adira." sabi ni Ion sa kapatid.
Napatingin si Shadow sa mga kaibigan walang alam ang mga ito dahil pasimple rin binalik ni Adira ang papel niya.
"O sige kuya." sabi ni Adira habang nag-aayos na ito ng gamit na ikinatingin ni Shadow dito.
"Bukas na ang parade at malalaman ang best in Muse. Good luck Adira." sabi ni Wine.
"Salamat." nakangiting sabi ni Adira saka ito tumayo.
"Ihahatid ko lang siya, hintayin niyo na lang ako sa park." sabi ni Ion sa mga kaibigan.
"Okay sige." sabi ni Rhythm sa pinsan.
...................
Kinabukasan.
St Therese University
"Wow! Shadow biruin mo mas mataas ka pa sa akin at kay Adira." sabi ni Rhythm kay Shadow ng malaman nila ang score ng Math Exam kahapon.
Napatingin si Shadow kay Adira, na tila wala naman dito ang malamangan niya ito kahit nangopya siya dito.
"Adira." tawag ng isang guro na ikinatingin ng buong klase.
"Yes maam?" sabi ni Adira
"Pinatatawag ka na sa gym para sa opening ng basketball game mamaya." sabi ng guro.
"Opo maam." sabi ni Adira.
"Ihahatid na kita." sabi ni Ion sa kapatid.
"Ion, huwag na. Ako na maghahatid kasi nandiyan na ang mommy at tita mo." sabi ng guro na alam nila na High School teacher ito.
"Okay po." sabi ni Ion.
"Aalis na ako kuya." sabi ni Adira.
"Sige, manonood kami mamaya." sabi ni Ion.
"Okay." nakangiting sabi ni Adira saka ito tumayo at lumabas ng silid.
.............
April 12, 2022 9.25pm
Fifth Street
Good Night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top