Kabanata 4 : Family
Kabanata 4 : Family
Kinabukasan
St Therese University
"Shadow!" masayang tawag ni Adira ng makita si Shadow sa hallway papasok ng classroom nila.
"Late ka rin?" nagtatakang tanong ni Shadow kay Adira.
Ala una na ng hapon at late si Shadow dahil kinausap pa niya ang lola niya sa videocall at hinintay makauwi ito mula sa Manila sakay ng chopper. At nang makita niya si Adira sa labas ng classroom nagtaka siya dahil hindi ito lumalabas ng silid aralan ng ganoong oras maliban na nga lang kung kasama si Ion.
"Hindi." nakangiting sabi ni Adira sabay kuha ng cellphone sa bulsa ng palda niyang uniform.
"Ano iyan?" tanong ni Shadow.
"Ang sabi ko sayo, ibabalik ko iyong mga message na hindi sinasadyang mabura ni Elle. So, pinagawa ko kay Blaze at iyan nagawa niya." masayang sabi ni Adira
"Nabalik niya?" sabi ni Shadow na kung tutuusin nabasa na niya ang mensahe dahil ipinakita iyon ng lola niya sa sent items sa cellphone nito.
"Oo, ang galing talaga ni Blaze sa mga ganyang bagay. Mana siya sa daddy niya, pero sabagay magagaling ang Cheung sa mga technology, softwares at kung anu-ano pa tungkol sa computer." sabi ni Adira.
Kinuha ni Shadow ang cellphone at tiningnan ito saka ito napalunok ng makitang iyon ang mga mensahe na ipinadala ng lola niya at hindi iyon daya dahil may registered number ng lola niya.
"Ang galing di ba? Okay na, ha. Masaya ka na?" nakangiting sabi ni Adira habang nakatingin kay Shadow na kinakalikot at binabasa ang mga messages sa cellphone nito.
"Bakit ka nga pala nasa labas ng classroom?" tanong ni Shadow kay Adira.
"Ahhhm, nag-ensayo ako." sabi ni Adira na ikinatingin ni Shadow dito.
"Ensayo? Para saan?" sabi ni Shadow.
"Ako ang muse ng HS basketball team." sabi ni Adira na halatang masaya ito.
"Ano?" sabi ni Shadow na napakunot ang noo.
"Iyon ang bayad ko kay Blaze para sa pagbabalik ng messages ng lola mo diyan sa cellphone na ibinigay mo sa akin." nakangiting sabi ni Adira na ikinangisi ni Shadow.
"Pumayag ka naman." sabi ni Shadow na ikinawala ng ngiti ni Adira ng makita ang nakangising reaksyon ni Shadow.
"Oo para mabasa mo iyong mga message ng lola mo, na pinabalik ko kay Blaze para hindi ka na magalit." sabi ni Adira na ikinahingang malalim ni Shadow.
"Nabasa ko na ito, at lahat ito nasa cellphone pa ni lola. Kaya nga ako na-late kasi hinintay ko siya dumating." sabi ni Shadow na ikinatahimik ni Adira.
Napabuntung hininga muli si Shadow ng tumahimik si Adira at naiinis itong muling nagsalita.
"Ang dami namin puwedeng ibayad tulad ng pera. Bakit pumayag kang maging muse ng mga lalaking iyon?" sabi ni Shadow na ikinatitig ni Adira kay Shadow.
"Iyon pa rin ba ang nasa isip mo?" sabi ni Adira.
"Na ano?" sabi ni Shadow
"Na kaya ako pumayag o kaya ko gusto o napapaligiran ng mga lalaki kasi liberated ako?" naluluhang sabi ni Adira na ikinatitig ni Shadow sa batang babae.
"Adira!" sigaw na tawag ni Ion na ikinatingin ni Shadow kay Ion.
"Aissst. Pinaiyak mo." sabi ni Wine kay Shadow, ng makitang naiiyak si Adira at para itong si Elle na namumuo lang ang luha sa mga mata kapag pinipigilan umiyak.
"Hindi." sabi ni Shadow.
"Bakit mo sinabihang liberated ang kapatid ko?" inis na sabi ni Ion sabay tulak kay Shadow.
Akmang sasagot si Shadow ng may biglang sumingit sa pag-uusap ng mga ito.
"Gago ka! Inaway mo para sa pesteng lola's boy messages ng lola mo. Pinabalik mo sa kanya ang mga mensahe ng lola mo na kung tutuusin wala namang mga kuwenta. Tapos ng maibalik aawayin mo uli." sigaw na sabi ni Blaze kay Shadow.
"Siraulo ka! Sa babae ka lang matapang? Bakit mo inaaway ang pinsan ko?" sabi ni Aqua sabay tulak ng bahagya kay Shadow ng makalapit ito sa batang lalaki.
"Hahaha. Mga pinsan huwag niyong saktan, magsusumbong iyan kay Lola Joyce." tumatawang sabi ni Bullet kila Aqua at Blaze habang nakuha pa nito manigarilyo sa hallway.
Hindi nakapagsalita si Shadow ng biglang may dalawa pang lalaki na kasunod ng tatlong lalaking dumating.
"Binigyan mo ng cellphone?" sabi ni Autumn ng makalapit kay Shadow.
"Kuya Autumn." sabi ni Adira sabay tingin nito kay Blaze na napangisi lang.
"Gago ka. Anong karapatan mong suwayin ang utos ng mga Valiente sa mga pinsan at kapatid ko." sabi ni Autumn sabay lapit kay Shadow.
"Gusto mo ihulog ka namin diyan sa balustre na iyan?" nakangising sabi ni Heaven na ikinatingin nila Ion at Wine sa isa't isa.
Nasa fifth floor sila ng Elementary Building pero hindi naman sila nagtataka kung paano nakapasok ang tatlo na galing sa high school building at ang dalawa na mula sa college building dahil anak ang mga ito ng may-ari. Cheung ang may-ari ng naturang University kung saan apo sila Autumn, Blaze, Aqua at Bullet ng matandang Ralph Cheung.
"Kuya, tama na." sabi ni Adira sa mga pinsan.
"Ayos ka! Kinakaibigan ka ng pinsan ko tapos kung pagsalitaan mo parang taong grasa lang kung ituring mo." sabi ni Blaze sabay tulak kay Shadow na ikinasandal nito sa balustre.
"Kuya, tama na at baka mahulog iyan." sabi ni Adira.
"Ano? Matapang ka. Kung tutuusin may lola ka lang naman." sabi ni Aqua kay Shadow.
"Huh! May lola nga ako. Eh kayo? Matapang lang kayo kasi lima kayo." sabi ni Shadow na nakuhang sumagot na ikinatitig nila Ion at Wine dito.
"Siraulo ito ha." sabi ni Bullet sabay kinuwelyuhan si Shadow.
"Totoo naman. Ako, lola ko lang ang kasangga ko. Eh kayo? Langya, apat na apelyedo ang umiikot sa inyo kaya kayo mayayabang pero kung tutuusin isang pitik lang ang mga lolo niyo ng lola ko." nakangising mayabang na sabi ni Shadow ng bigla itong sapakin ni Heaven na ikinasigaw ni Adira.
Mabilis na nahawakan ni Ion at Wine si Shadow na muntikan ng mahulog sa balustre. Mataas ang kababagsakan nito at hindi mabubuhay ang dose anyos na batang katawan nito kapag nahulog ito sa gusali.
"Tama na!" sigaw na sabi ni Adira sa mga pinsan.
"Bakit niyo tinulungan?" sabi ni Bullet kay Ion at Wine ng mahawakan ng dalawa si Shadow at mailigtas sa pagkakahulog sana nito sa gusali.
"Langya, hindi naman kami mamamatay tao." sabi ni Wine.
"Kapag nahulog iyan at namatay kulong kayo." sabi ni Ion.
"At kasama kayo." sabi ni Rhythm na ikinatingin ng lahat dito.
"Tsk tsk tsk. Navideohan ko, at nasend ko na kay lola Joyce." sabi ni Ciao.
Napatiim ng bagang si Autumn sa pinsan na si Ciao
"Bakit ka late?" sabi ni Autumn kay Ciao ng makitang may dala itong bag at halatang kapapasok lang nito.
"Galing ako Isla Verde, kasi mas gusto ko ang klima doon kaysa sa El Paradiso." nakangiting sabi ni Ciao.
"Umalis na kayo, kasi bibilang lang ng minuto ang lola ni Shadow ay susugod na dito." nakangiting sabi ni Rhythm.
"Siraulo ka. Pinsan mo si Adira pero kinampihan mo pa si Shadow." sabi ni Aqua sa pinsan na si Rhythm.
Natahimik si Rhythm dahil ang totoo wala siyang alam sa totoong nangyari. Kilala lang niya ang apat na kagrupo na mga bully at ang nasa isip niya binubully lang ng mga ito si Shadow.
"Tsss, kumanta ka na lang kasi mukhang wala ka talagang alam sa mga nagaganap sa paligid mo." mapanuyang sabi ni Blaze kay Rhythm ng hindi ito sumagot.
"Paano kakanta iyan? Iniwan nga ang mundo niya basta basta." nakangising sabi ni Bullet.
"Tama na." sabi ni Autumn habang hawak na nito ang cellphone.
"Oh shit." sabi ni Heaven ng makita ang mensahe galing sa ama niya.
"Lagot kayo." sabi ni Ion.
"Asar." sabi ni Bullet.
"Umalis na tayo." sabi ni Autumn ng makita ang message ng amang si Orion.
"Okay, aalis tayo pero isasama natin si Adira." nakangising sabi ni Blaze.
"Bakit niyo siya isasama?" tanong ni Ion.
"May practice kasi siya bilang muse ng basketball team ng highschool building." sabi ni Blaze
"Si Brendan nga pala ang escort niya." nakangising sabi ni Aqua habang nakatingin kay Shadow na nakatitig lang sa kanila.
"Halika na kayo." sabi ni Heaven ng unang naglakad si Autumn paalis ng lugar.
"Hindi pa kami tapos sayo." sabi ni Blaze sabay turo kay Shadow.
"Uyyy, may klase pa ako." sabi ni Adira ng akbayan siya nila Bullet at Aqua at isama.
"Exempted ka kaya huwag kang mag-alala ganoon kapag kasali sa mga contest." nakangising sabi ni Bullet habang ginigiya ng mga ito si Adira paalis sa lugar.
"Aisssst! May test pa kami!" sigaw ni Adira habang nasa likuran niya si Bullet at tinutulak siya ng marahan paalis habang nakaakbay sila Aqua at Blaze sa kanya.
"Bullet!"
Napatingin ang lahat ng may malakas na tinig na sumigaw sa palapag na iyon na ikinatigil sa paglalakad nila Autumn at ng mga kasama nito.
"Daddy!" sigaw ni Adira sabay piglas nito kila Bullet at Aqua at mabilis na tumakbo sa ama.
Napatingin si Aquila sa anak na si Adira pero muling bumaling ang tingin sa limang lalaki na dapat wala sa building na iyon.
Napatingin sila Heaven bukod kay Autumn kay Aquila Valiente, ang ama ni Adira. Ito ang President ng St Therese University kaya malamang naroroon ito lagi.
"Ano naman ang ginawa niyo?" sabi ni Aquila sa limang lalaki na ikinatingin ni Autumn sa tiyuhin.
"Anong ginawa namin? O baka, ano ang ginawa niyo?" sabi ni Autumn na ikinatingin ni Aquila sa pamangkin
"Anong bang ginawa namin?" sabi ni Aquila.
"Tanungin mo ang batang iyan kung saan niya nakuha ang salitang liberated na pinupukol niya kay Adira?" nakangising sabi ni Autumn sabay turo kay Shadow
Napatingin si Aquila kay Shadow na agad umiwas ng tingin.
"Nakita ko sila kagabi ni Adira na nag-uusap sa dalampasigan, at sa lakas ng boses ng batang iyan hindi na nahiya kung masasaktan ang babaeng kausap niya. Pero sabagay, kung ikaw nga na asawa mo na nagagawa mo pang sabihan at pagkuwentuhan ng tatay ko at sabihang isang liberated what more pa kaya ang ibang tao." tiim bagang na sabi ni Autumn sa tiyuhin na si Aquila.
Napatingin si Aquila kay Adira na inosenteng tumingin sa kanya.
"Pinoprotektahan ko lang ang pamilya ko at hindi ako mangingiming ihulog ang gagong batang iyan kung uulitin niya ang sinabi niya sa pinsan ko. At hindi ako mangingiming, kalabanin ka at ang Papa ko kapag inulit niyo ang salitang iyon sa ina ng pinsan ko." seryosong sabi ni Autumn saka ito tumalikod at naglakad pero muli ito lumingon na ikinatingin ng lahat dito.
"Hindi ko gusto sa pinsan ko ang tulad niya." sabi ni Autumn ng matalim itong tumingin kay Shadow.
"Wala akong gusto sa pinsan mo." biglang sabi ni Shadow na ikinangisi ni Autumn
"Hindi mo siya bibigyan ng cellphone at aasahan na ikaw lang ang tatawagan niya kung wala kang gusto. Pero sige dahil sinabi mo, panghahawakan ko. At salamat dahil hindi ka magiging welcome sa pamilya namin.
Gago ka! Hindi liberated ang pinsan ko, wala kang karapatan saktan ang damdamin niya lalo na at bata pa siya." galit na sabi ni Autumn kay Shadow saka ito tumingin kay Aquila na nakatingin lang kay Shadow.
"Isara niyo ang mga bibig niyo para walang marinig ang mga pinsan ko at kapatid ko sa mga sinasabi niyong nakakasira sa pagkatao nila." diin na sabi ni Autumn kay Aquila, saka ito tuluyang naglakad palayo.
"Sorry trespassing kami, Mr President." nakangiting sabi ni Bullet kay Aquila saka ng apat na lalaki sinundan si Autumn paalis ng lugar.
Pagkaalis ng limang binata, binalingan ng tingin ni Aquila si Adira saka ito hinawakan sa braso ang bunsong anak at lumuhod ito para makita ang mukha ng anak.
"Sinabihan ka ba niya?" tanong ni Aquila kay Adira na ikinatitig ni Adira sa ama.
"Iyong sabi ni Kuya Autumn?" tanong ni Adira.
"Oo." sabi ni Aquila na hindi magawang ulitin ang salitang iyon.
"Opo. Pero sabi naman ni Shadow nakuha lang niya iyon sa akin noong nagkuwento po ako sa kanya kaya hindi niya po kasalanan." sabi ni Adira na ikinatingin ni Shadow sa kaklase at ikinayakap naman ni Aquila kay Adira.
"Sabi ni Mommy, kapag nagpakita ka o nagsalita ka tungkol sa kasiraan mo asahan mo na puwede po iyong ibuwelta sayo. Kaya ikaw ang may kasalanan nun at hindi ang taong bumanggit ng pangit na salita sayo." sabi ni Adira.
Tinitigan ni Aquila si Adira ng magsalita muli ito.
"Sabi ni mommy, huwag po akong makikinig sa kung ano ang sinasabi ng mali ng iba tungkol sa akin. O titingin sa kung ano ako sa paningin nila, dahil ang importante kung sino ako sa ano ako.
Sabi din ni Mommy, ang magiging kalaban ko sa buhay ay hindi ang mga tao sa paligid ko kundi ang sarili ko." sabi ni Adira.
"Sorry, sa narinig mo. Concern lang kami ng tito Orion mo sayo." hinging paumanhin ni Aquila sabay yakap muli sa anak.
"Wala po iyon daddy. Ang sabi ni mommy, ang tatay ay gumagawa ng paraan para proteksyunan ang anak nila, lalo na ang mga babaeng anak nito tulad ni lolo sa kanya.
Daddy ko po kayo kaya alam kong mahal mo ako, huwag po kayo mag-alala aalagaan ko ang sarili ko." sabi ni Adira sabay yakap sa ama.
Napatingin si Ion kay Shadow na nakatitig sa ama at kapatid niya.
"Mabait ka talaga, para kang mommy mo." sabi ni Aquila.
"Love mo po si mommy?" tanong ni Adira.
"Oo naman." sabi ni Aquila saka ito kumawala sa yakap at hinawakan ang magkabilang mukha ni Adira.
"Mahal mo po ako?" sabi ni Adira habang nakatitig sa ama niya.
Napangiti si Aquila at tumango ito.
"Oo naman, mahal kita kaya hindi ko hahayaan na masaktan ka ng iba. Pero mukhang nasaktan kita kaya babawi ako. At promise, hindi ko hahayaan na may makasakit sa damdamin mo, kahit ako." nakangiting sabi ni Aquila saka nito hinalikan sa pisnge ang anak.
"Kiss sa lips daddy." nakangiting sabi ni Adira sabay nguso nito na ikinangiti ni Aquila.
Nakatingin lamang ang mga batang lalaki sa mag-ama habang nag-uusap ang dalawa.
Napangiti si Aquila saka nito idinampi ang labi sa labi ng anak. Napamulat ang mga mata ni Adira at napangiti ito saka dinikit ang labi nito sa ama at idiin iyon na ikinangiti ni Aquila.
"I love you, daddy." nakangiting inosenteng sabi ni Adira.
Napangiti si Aquila, alam niyang inosente pa ang anak dahil hindi naman niya ito pinapalabas ng bahay. Tanging ang mga pinsan na sila Winter, Yummy at Elle ang kasa-kasama nito at kalaro. Istrikto din kasi ang lolo nitong si Lukaz Jeremy kaya nasanay ang anak na limitado ang mga kakaibiganin nito. Iyon nga lang malapitin talaga ito sa mga lalaki na hindi naman nila maiiwasan, kaya nga todo bantay siya dito.
"Mahal din kita anak." sabi ni Aquila saka muling idinampi ang labi sa labi ni Adira.
"Ang daming kiss." nakangiting sabi ni Adira na ikinangiti ni Aquila.
"Ako ang first kiss mo, at gusto ko paglaki mo mamahalin, aalagaan ka at gagalangin ka ng lalaking magugustuhan mo. Pero gusto ko matutunan mo mahalin ang sarili mo at huwag mong hayaan na manghingi ng pagmamahal sa iba." nakangiting sabi ni Aquila na ikinatango ni Adira.
"Opo." nakangiting sabi ni Adira sabay yakap sa ama.
"Okay, aalis na muna ako. Hintayin mo ako mamaya at ako magsusundo sa inyo ni Kuya Ion. Okay?" sabi ni Aquila kay Adira.
"Opo. Pero daddy, muse po ako sa basketball team ng HS at may practice po kami mamaya." sabi ni Adira na ikinangiti ng Aquila dahil nasabi na iyon ng coach ng HS basketball team.
"Congrats." nakangiting sabi ni Aquila.
"Si Brendan ang escort ko. Crush ko po iyon." nakangiting sabi ni Adira na ikinangiti ni Aquila.
"Talaga?" sabi ni Aquila.
"Opo kaso matanda siya sa akin. Pag big girl na ako tapos nanligaw siya sagutin ko po siya agad." kinikilig na sabi ng batang babae na ikinatingin ni Aquila kay Shadow na kanina pa nakatitig sa kanilang mag-ama tulad ng mga kaibigan nito at anak niyang si Ion.
"Magtatapos ka muna ng pag-aaral bago ka magnobyo." sabi ni Aquila kay Adira.
"Opo." nakangiting sabi ni Adira na ikinangiti ni Aquila.
"President Aquila."
Napalingon si Aquila ng may tumawag sa kanya.
"Bakit?" sabi ni Aquila sa secretary niya.
"Nandiyan po si Maam Joyce hinahanap po kayo at pinakukuha ang apo niya." sabi ng secretary ni Aquila sabay tingin ng mga ito kay Shadow.
"Okay. Susunod na ako." sabi ni Aquila saka ito tumayo.
"Daddy." sabi ni Adira sa ama ng tumayo na ito.
"Pumasok ka na sa classroom at si kuya Ion na ang bahala sayo." sabi ni Aquila sabay tingin nito sa panganay na anak na si Ion.
"....pumasok na kayo, at isasama ko si Shadow." sabi ni Aquila na ikinatango ni Ion at nila Rhythm, Ciao at Wine.
April 12, 2022 1.27pm
Fifth Street
Dreame Acct
Rose Chua Novels
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top