Kabanata 3 : Swap


Kabanata 3 : Swap

Unang Bayan, El Paradiso


"Oh my God!" gulat na sabi ni Adira ng magulat sa pagtakbo ng kabayo palapit sa knya habang naglalakad siya sa baybayin ng dagat.

Sa bilis ng kabayo kinabahan si Adira at napaatras ito at sa malalakas na alon ng mga oras na iyon nahagip siya ng tubig dagat na ikinabuwal niya kasabay ng paghinto ng kabayo sa harapan niya.

"Mukhang busy ka?" nakangising sabi ni Shadow habang nakasakay ito sa kabayo at sinadyang ilapit ang mukha ni Fighter sa mukha ni Adira na nakaupo sa buhanginan habang umaagos pabalik-balik ang alon sa pang-upo nito.

"Tinakot mo ako." sabi ni Adira na hindi nakuhang makatayo ng nasa harap na naman niya nag mukha ng kabayo habang nakaupo siya sa baybayin at hinahampas ng alon ang likuran niya.

"Sinong kausap mo?" inis na sabi ni Shadow ng hindi siya sagutin ni Adira.

"Ha." sabi ni Adira na mabuti na lang hindi nabasa ang cellphone ng maihagis niya ito.

Napangisi si Shadow mula sa malayo nakita na niya si Adira na may kausap sa cellphone niya at dahil malayo layo na iyon sa mga private cottages kaya malaya na itong makakagamit ng cellphone na hindi nakikita ng mga pinsan, tiyuhin at kapatid at ama nito.

"Wala." sabi ni Adira dahil ang totoo tatawagan pa lang sana niya si Shadow.

"Sinungaling!" inis na sabi ni Shadow sabay lapit pa ng kabayo niya kay Adira na ikinalunok ni Adira ng lumapit pa lalo ang mukha ni Fighter sa kanya habang nakaupo siya sa buhanginan.

"Wala nga kahit tingnan mo pa" sabi ni Adira sabay turo sa buhanginan ng cellphone na naihagis niya kanina sa takot na baka pinsan niya ang sakay ng kabayo.

Madlim na kasi sa lugar at hindi niya naaninagan ang sakay ng kabayo at sino ang kabayo.

Bumaba si Shadow sa kabayo at hindi man lang tinulungan si Adira tumayo. Kinuha nito ang cellphone sa buhanginan saka iyon kinalikot at nang ilang sandali ng mapakunot ang noo nito.

"Nasaan ang mga messages ni lola?" sabi ni Shadow kay Adira.

"Anong messages?" tanong ni Adira na napatayo na habang basa ang damit nito.

"Nagtext si lola dito, gusto ko mabasa kung anong tinext niya." inis na sabi ni Shadow kay Adira.

"Wala naman akong nakitang text diyan." sabi ni Adira.

"Anong wala? Ang sabi ni mommy nagtext si Lola sa bago kong cellphone na binili ni lola sa akin at ito ang cellphone na iyon." sabi ni Shadow na hindi maitago ang inis.

Napatingin si Adira kay Shadow, spoiled ito kaya ang ugali nito ay hindi nalalayo sa mga spoiled sa grupo at kapag ganoon alam niya ang ugali ng isang spoiled brat.

"Wala ngang message diyan." sabi ni Adira ng bigla itong magulat ng mabilis na lumapit si Shadow sa kanya at hawakan ang braso niya, na kahit bata pa sila malaking bulas si Shadow na para na itong nasa highschool na ang pangangatawan nito.

"Hindi sinungaling ang lola ko o ang mommy ko. At kung may sinungaling dito ikaw iyon. So! anong message na sinabi ng lola ko dito?" inis na sabi ni Shadow na pakiramdam niya niloloko siya at ayaw niya ng ganoong pakiramdam.


"Wala akong nabasa."
sabi ni Adira sabay alis ng kamay ni Shadow na nakahawak sa braso niya pero mahigpit iyon nakahawak sa kanya.

"Singungaling!" inis na sabi ni Shadow na nakaramdam ng galit dahil sa unang pagkakataon hindi niya nabasa ang text ng lola niya at hindi niya ito nasagot dahil sa babaeng nasa harapan niya at para sa kanya isang pambabastos iyon sa lola niya o isang pagkakataon na masaya na pinalagpas niya. Dahil kahit kailan hindi pa niya nakakaligtaan sagutin ang mensahe at tawag ng lola niya.

"Hindi ko talaga alam, dahil ang totoo hiniram iyan ni Elle. Kasi umiiyak siya kanina ng makita niya iyong cellphone sa bag ko ng halungkatin niya kanina sa kuwarto ko. Hindi ko pinahiram kaso nagpumilit siya at sinabi niya kapag hindi ko siya pinahiram isusumbong niya ako kila Daddy. Kaya pinahiram ko, tapos siya na kumalikot." sabi ni Adira.


"Sinungaling ka! Pati bata dinadamay mo sa kasinungalingan mo."
sabi ni Shadow na sa sobrang inis hindi na nito makontrol ang sinasabi sa pagkasabik sa tawag at message ng lola niya na nawala lang.

"Totoo ang sinasabi ko. Ang totoo pa nga tatawagan pa lang kita kaya lang nagulat ako sumulpot iyong kabayo mo at ikaw papalapit sa akin," sabi ni Adira.

"Sinungaling!" inis na sabi ni Shadow saka nito binitawan si Adira.


"Hindi ako sinungaling."
sabi ni Adira na nakaramdam ng kakaibang sakit ang batang puso nito.

"Binura mo ang mga message ng lola ko para hindi ko mabasa." sabi ni Shadow.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" sabi ni Adira.


"Kasi maharot ka."
inis na sabi ni Shadow ng maisip bigla na may kausap si Adira kanina at ang inaakalang pagkakansela niya dito ay si Adira ang may gawa, ang hindi nito alam si Elle ang nagkakansel ng tawag dahil naglalaro ito sa cellphone.

"Grabe ka naman." nasaktang sabi ni Adira.

"Sabi ni lola, iyong mama mo liberated." pagsisinungaling sabi ni Shadow dahil para sa kanya gusto niya gantihan si Adira.

"Sabi iyon ng lola mo?" sabi ni Adira na lalong nasaktan. May gumuhit sa dibdib ni Adira at kakaiba iyon na hindi nia mapaliwanag.

"Oo." inis na sabi ni Shadow pero ang totoo gawa gawa lang niya iyon at nakuha niya base sa kinuwento ni Adira sa kanya kanina ng marinig ni Adira ang salitang liberated sa tiyuhin at ama at ginawan lamang niya ng kuwento sa inis niya.

"Grabe kayo. Mabait mommy ko." sabi ni Adira.


"May kasabihan di ba? Kung anong puno siyang bunga, kaya hindi malalayong ganoon ka rin. Kaya mga lalaki ang gusto mong kaibiganin at masaya ka kapag napapalibutan ka ng mga lalaki."
sabi ni Shadow na ikinaluha ni Adira kaya natigil si Shadow sa pagsasalita.

"Ang sakit mo naman magsalita. Hindi ka naniniwala sa akin, kasi crush mo si Elle kaya hindi ka naniniwala na siya iyong gumalaw at nakabura ng messages ng lola mo." lumuluhang sabi ni Adira.

"Ayyy, huwag kang umiyak at huwag mong idamay si Elle." sabi ni Shadow na kahit naiinis siya at hindi niya nabasa ang messages ng lola niya nahahati siya dahil sa nakikitang sakit sa mukha ni Adira.

"Ako na, sige ako na nagbura. Sayo na ang cellphone mo." sabi ni Adira pero akmang tatakbo ito ng hawakan ni Shadow ang kamay nito.

"Uyyy. Sorry na. Joke lang iyon." sabi ni Shadow ng humikbi ng tuluyan si Adira.


"Uuwi na ako."
umiiyak na sabi ni Adira saka ito inalis ang kamay ni Shadow na nakahawak sa kamay niya.

"Aissst, hindi ko nabasa ang message ni lola." sabi ni Shadow.

"Sorry." sabi ni Adira saka ito tumakbo pero hinabol ito ni Shadow at ng maabutan humarang ito sa dadaanan ni Adira.

"Sayo na ito. Bati na tayo, nainis lang ako kasi hindi ko nabasa sa unang pagkakataon iyong message ni lola Joyce at baka marami iyon." malungkot na sabi ni Shadow na ikinatingin ni Adira kay Shadow.

Napatingin si Adira sa cellphone na ibinibigay uli ni Shadow.

"Tanggapin mo na, itetext ko na lang siya at sasabihin ko nawala ang kabibili lang niyang cellphone," sabi ni Shadow.

Kinuha ni Adira ang cellphone at tumingin ito kay Shadow saka ngumiti kahit lumuluha ito.

Napatitig si Shadow kay Adira ng ngumiti ito ng kunin ang cellphone habang lumuluha ito.

"Mababasa mo ang message ng lola mo. Huwag lang mag-alala, ibabalik ko iyon dito."nakangiting sabi ni Adira saka ito nagmamadaling tumakbo na ikinatingin ni Shadow sa batang babae.

"Aissst. Nasabihan ko tuloy siya ng masama." napahingang malalim na sabi ni Shadow.

...................

Cheung Hotel

"Bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Blaze ng makita si Adira ng buksan nito ang pintuan dahil ang inaasahan niya kumakatok ay si Aqua.


"Hihingi ako ng tulong sayo."
sabi ni Adira na ikinatitig ni Blaze sa pinsan.

Ang lola ni Blaze na si Marie at ang lola ni Adira na si Patty ay maghalf sisters kaya magsecond cousin na ang dalawa.

"Ano iyon?" sabi ni Blaze.

Lumingon lingon si Adira sa paligid. Nasa palapag siya ng Cheung Hotel kung saan private rooms ang naroroon. Kuwarto ng mga apo at may-ari ng hotel.

"Ano?" sabi ni Blaze ng tumingin-tingin sa paligid ang pinsan.

"Hindi ba marunong ka sa computer, or software or kahit na ano pagdating sa gadgets o technology." sabi ni Adira.


"Oo. Bakit naman?"
sabi ni Blaze ng biglang pumasok si Adira sa kuwarto niya.

"Uyyy, ano ba?" sabi ni Blaze. Solo lang lang siya sa unit na iyon ang mga magulang niya kasi nasa Manila nagtatrabaho.

Napangisi si Adira, alam niyang spoiled si Blaze ng mga magulang nito. Nag-iisang anak lang din kasi si Blaze Cheung at dahil busy ang mga magulang nito sa trabaho kaya ang tanging nakakasama ni Blaze ay ang mga pinsan niya na pinsan din naman ng binata na nasa grupo.

"Hindi kita isusumbong, basta tulungan mo akong..." udlot na sabi ni Adira sabay labas ng cellphone na ikinangisi ni Blaze.


"Lagot ka kay tito Aquila."
sabi ni Blaze ng makita ang cellphone ni Adira dahil alam niyang bawal ito gumamit ng cellphone tulad nila Winter at Yummy

"Lagot ka rin, kapag nalaman nila na kumukuha ka ng pictures ng mga pamangkin nila sa socmed. Magtataka sila kung bakit ka kumukuha." sabi ni Adira sabay tingin sa kama ni Blaze na nagkalat ang mga larawan ng kambal na sila Althea at Louise.

"Anong ipapagawa mo?" nakangising sabi ni Blaze sabay ligpit ng mga larawan sa kama nito.

"Cellphone ito ni Shadow bago lang ito na pinahiram niya sa akin, kaso nabura ni Elle ang lahat ng message galing kay Lola Joyce. Gusto ko sana ibalik iyong mga naburang message ni Elle. Take note lahat ng message para mabasa ni Shadow." sabi ni Adira na ikinangisi ni Blaze.

"Binigyan ka ni Shadow ng cellphone? Bakit?" nakangising sabi ni Blaze.


"Para may cellphone ako magamit."
sabi ni Adira.

"Bakit ka naman niya bibigyan? Tingin mo? Ano bang sabi niya sayo at naisipan niyang bigyan ka ng cellphone?" nakangising sabi ni Blaze sa pinsan.

Napatingin si Adira sa pinsan malaki ang agwat ng edad nila limang taon din kasi ang tanda nito sa kanya. Kaya alam niyang marami na itong kalokohan.

"Sabi niya tatawagan niya ako." sabi ni Adira na hindi makuha ang point ni Blaze.


Napangisi si Blaze saka ito nailing ng hindi makuha ni Adira ang tinatanong niya.

"Siraulong batang iyon, lagot siya ngayon." sabi ni Blaze.

"Blaze, ikaw ang lagot kaya tulungan mo ako at huwag kang mag-alala ibabalik ko na ito sa kanya." sabi ni Adira.


"Wheee. Di nga?"
nakangising sabi ni Blaze.


"Aissst. Tulungan mo na ako."
sabi ni Adira.

"Anong kapalit?" sabi ni Blaze.

"Hindi kita isusumbong na kumukuha ka ng picture nila Althea at Louise at mukha kang manyak sa ginagawa mo." sabi ni Adira sa pinsan.

"Hahaha. Ikaw ang isusumbong ko, ang ginagawa ko ay mapagtatakpan ni Autumn pero ang sayo walang tatakip." natawang sabi ni Blaze na ikinamilog ng mga mata ni Adira.

Alam ni Adira na totoo ang sinasabi ni Blaze dahil malakas ito kay Autumn, at lahat ng butas at kalokohan nito si Autumn ang gumagawa ng solusyon.

"Hahahaha. So para hindi ako magsumbong, kailangan ko ng kapalit plus bonus sa pagtulong ko sayo na maibalik ang messages ng lola ni Shadow." sabi ni Blaze.

Napaisip si Adira dahil ang totoo, naisip lang naman niya na takutin si Blaze ng makita ang pictures ng kambal sa kama nito.

"Ano?" sabi ni Blaze.

"Okay, bibigyan pa kita ng ibang pictures ng kambal na magaganda at iyong latest." sabi ni Adira na hindi niya malaman kung anong gagawin ni Blaze sa mga pictures dahil ang nasa isip niya kasi matulungan si Shadow

"Okay iyan. Eh ano pa?" sabi ni Blaze.

"Ahhmmm." sabi ni Adira na ikinangisi ni Blaze.

"Ako mag-iisip para may bayad ka sa pagbabalik ng message ni Lola Joyce sa cellphone ni Shadow na pinahiram sayo." nakangising sabi ni Blaze.

"Okay." sabi ni Adira sabay tingin sa relo dahil panigurado mamaya hahanapin na siya sa bahay.

"May ipapadate ako sayo." sabi ni Blaze.


"Ano? Siraulo ka ba? Bata pa ako at saka baka paluin ako sa puwet ni Daddy."
sabi ni Adira na ikinatawa ni Blaze.

"Hahaha. Hindi naman actually date. Ahhmm, kailangan kasi ng muse sa basketball league ng High school Building at dahil hindi kami sumali ni Aquila at Bullet kaya ang tulong namin maghanap ng muse na okay naman sa lahat." sabi ni Blaze.

Napaisip si Adira, grade 11 na sila Blaze at Aqua at nasa grade 10 naman si Bullet kung saan pare-pareho silang nasa St Therese University nag-aaral.


"Iyon lang ba?"
sabi ni Adira na wala naman mawawala.

Napangiti si Blaze dahil kahit grade 6 pa lang Adira matangkad ito at may korte na ang katawan. Isama pa na maganda ang pinsan na pinaghalong Valiente at Gonzalez ang awra.

"Oo. Pero may tatanghaling best muse kaya galingan mo." sabi ni Blaze.

"Galingan? Mananalo dapat ako?" sabi ni Adira.


"Oo."
sabi ni Blaze.

"Paano kung hindi?" sabi ni Adira.

"Minus ang bayad mo at isusumbong kita kay Autumn na may cellphone ka." sabi ni Blaze.


"Uyyy, ibibigay ko naman na iyan at isasauli kay Shadow."
sabi ni Adira

"Kahit na." sabi ni Blaze sabay kuha sa cellphone sa kamay ni Adira.

Napatingin si Adira sa cellphone saka ito napahingang malalim.

"Okay sige, basta tutupad ka." sabi ni Adira sabay tingin sa relo.

"Oo." sabi ni Blaze.

"Okay, iiwan ko iyan sayo at kukunin ko bukas. Sana tumupad ka." sabi ni Adira.

"Oo naman, sana tumupad ka rin at panalunin mo dahil iyon ang ambag namin ni Aqua at Bullet sa High School basketball team." sabi ni Blaze na ikinatango ni Adira.

"Okay, uuwi na ako. Baka hinahanap na ako." sabi ni Adira.

"Okay, ihahatid na kita." sabi ni Blaze.

"Huwag na." sabi ni Adira.

"Ihahatid kita kapag ayaw mo isusumbong kita at hindi ko na ito magagawa." sabi ni Blaze.

"Okay sige." sabi ni Adira.

Umalis ang dalawa at bumaba ng hotel. Pagkababa ng hotel napangisi si Blaze ng mamataan si Shadow na nasa gilid ng kalsada kung saan nakasakay ito sa kabayo nito.

"Uwi." sabi ni Blaze kay Adira ng mapahinto si Adira at makita si Shadow.

"Aisssst. Oo na." sabi ni Adira saka ito naglakad pauwi kasunod si Blaze.


Napalingon si Blaze at nag fuck sign ito kay Shadow na ikinangisi ng batang lalaki.

"Siraulo." sabi ni Shadow ng makitang hinatid ni Blaze si Adira sa private cottage na malayo-layo din sa Cheung Hotel.


April 12, 2022 9.05am

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top