Kabanata 24 : Break Up
Kabanata 24 : Break Up
Resto, Manila Mall
"Hays! Si AJ talaga." sabi ni Adira ng mabasa ang message ni AJ.
Nasa Restaurant pa rin si Adira kasama si Francis ng mga oras na iyon habang hinihintay nila si AJ, nakatapos na nga sila kumain pero ang pamangkin niya hindi na nakuhang bumalik.
"Bakit?" sabi ni Francis kay Adira.
"Si AJ, umuwi na sa C-Tower. Ang lokong batang iyon nagpadala pa ng picture." sabi ni Adira sabay lapag ng cellphone na ikinatawa ni Francis ng makita ang mukha ng estudyante na may hawak na paper bags na pinamili nito, habang nasa entrance na ito ng C-Tower. Nakuha pa ni AJ mapicturan ang panglan ng tower na pag-aari ng pamilya nito.
"Hahaha! Masayahin siyang bata pero minsan napapansin ko bigla na lang siyang tumatahimik tapos kakaiba, na minsan parang nakakailang lumapit. Hahaha! Biruin mo mas bata pa siya sa akin pero iyong awra niya kakaiba." natawang sabi ni Francis.
Napatingin si Adira sa lalaki mukhang wala itong alam sa pinagdaanan ng pamangkin niya kaya napatango na lamang siya.
"Ahhhm, ganoon talaga siya. Pero sandali, hindi ba sasabay ka sa kanya sa chopper papuntang El Paradiso?" sabi ni Adira.
"Ah, hindi na. Kasi nagtext ako sa kanya agad noong nagpunta ka sa restroom at sabi ko may date tayo bukas kaya hindi na lang ako sasabay." nakangiting sabi ni Francis na ikinanlaki ng mga mata ani Adira.
"Bukas?" sabi ni Adira.
"Sabado bukas at iyong Sabado na date na napagkasunduan natin ay bukas." sabi ni Francis.
"Hala! Naku! Gurang na talaga ako. Biyernes na pala ngayon." sabi ni Adira.
"Hahaha! Grabe ka naman makasabi ng gurang. Hindi naman halata ang edad mo sayo. Maiilang pa nga ang bente anyos sa itsura at katawan mo." sabi ni Francis na may halo naman katotohanan.
"Aissst. Huwag mo akong biruin." sabi ni Adira
"Totoo, nakainom ka yata ng youth elixir." sabi ni Francis na ikiangiti ni Adira dahil iyon din ang sinasabi ng karamihan sa kanya
Inaalagaan naman kasi talaga niya ang katawan niya bukod doon, iniiwasan niya ma-stress.
"Salamat. Pero, kung Biyernes ngayon may pupuntahan ako." sabi ni Adira.
"Saan? Puwede kitang samahan." sabi ni Francis.
"Sa spa." nakangiting sabi ni Adira.
"Spa lang pala, sasamahan kita." sabi ni Francis.
"Sasamahan mo ako? Eh, paano ka pala uuwi sa Paradiso?" sabi ni Adira.
"Sasabay ako sayo." nakangiting sabi ni Francis na ikinabilog ng mga mata ni Adira.
"Aisssst. Ang lokong batang iyon. Pinalano niya ito?" sabi ni Adira na ikinatawa ni Francis
"Hahaha! Siguro, kasi sabi niya umuuwi ka tuwing Sabado ng gabi sa Paradiso sakay ng chopper so makisabay na lang daw ako sayo." sabi ni Francis.
"Aisssst! Ang batang iyon talaga." sabi ni Adira.
"Hahaha. Huwag ka ng magalit, magtampo o mag-isip na ibenenta ka niya dahil ang totoo gusto kita makilala at pabor iyon sa akin." sabi ni Francis na ikinatingin ni Adira sa binata.
"Francis, ang bilis bilis mo." sabi ni Adira.
"Gusto ko kasi ma-experience na makasama ng matagal sa iisang bahay ang mapapangasawa ko kung sakali. Kuwarenta anyos na ako at kahit anong sabihin natin, maiksi na lang ang time ng mga ganitong edad sa ngayon. Time is gold kaya gusto ko sulitin bawat minuto at oras na kasama siya at ang magiging anak namin." sabi ni Francis.
Napahingang malalim si Adira ng biglang mapabaling ang tingin niya sa labas ng restaurant kung saan tanaw niya ang mga naglalakad sa labas ng hallway sa loob ng mall.
"Nandito ako may kasama at naroon naman siya may kasamang iba. Iisa kami pero iba ang mundong kinagalawan namin. Hays!" sabi ni Adira sa isip habang nakatingin sa magkapareha na naglalakad sa hallway ng mall.
"Sa Heather Island nakatira si AJ at ang sabi niya kanina uuwi siya ngayon doon, kaya malamang ang chopper na sasakyan ko ay hindi rin tugma. At nakakahiya naman kung magpapahatid ako sa ibang chopper ng mga Cheung na ako lang." sabi ni Francis na hindi napapansin ang reaksyon ni Adira sa nakikita.
Napangiti si Adira, sa El Paradiso nag-aaral ng kolehiyo si AJ at uwian lamang ito kapag Biyernes ng gabi sa Heather Island kung saan ito nakatira kasama ng pamilya nito. Wala kasi ang course nito sa college sa school sa Heather Island kaya sa St. Therese ito nag-aaral. Kung tutuusin nga sa St. Valentine gusto mag-enrol ni AJ kaso hindi ito pinayagan ni Autumn at ng ina nitong si Chhaya.
"Galit ka ba? Okay lang kung ikansel natin ang date natin bukas." sabi ni Francis ng tahimik lang si Adira at hindi nakatingin sa kanya.
"Okay lang kahit ngayon pa tayo mag-date." sabi ni Adira saka ito umiwas sa tingin sa nakita sa labas ng restaurant.
"Talaga? So puwede ka hanggang mamayang gabi?" masayang tanong ni Francis.
"Oo naman." sabi ni Adira na napangiti.
"Okay." sabi ni Francis na ikinangiti muli ni Adira.
"Oras na siguro, para tapusin na natin." sabi ni Adira sa isip saka ito napahingang malalim.
...................
One month later
El Paradiso
"Si Adira?" tanong ni Shadow ng dumalaw ito sa Valiente Private Cottage ng araw na iyon.
Napatingin si Ion sa kaibigan at napangiti ito.
"Nasa Mall sila ni Francis." sabi ni Ion.
"Francis?" sabi ni Shadow
"Himala, hindi mo alam? Akala ko ba BFF ka ng kapatid ko." nakangiting sabi ni Ion.
Napatingin si Shadow kay Ion, naghahanda ito na halatang mag-iihaw ito. Nakatayo si Ion sa ihawan at naglalagay ng uling roon.
"Anong okasyon? Nandiyan ba ang lolo Ramon mo?" tanong bigla ni Shadow na hindi sinagot ang tanong ni Ion habang nakating si Shadow sa uling na inilalagay ni Ion.
Napatingin si Ion sa inihahanda at napangiti ito.
"Oo, at sakto mukhang nakakita na si Adira ng mapapangasawa." masayang sabi ni Ion.
"Ano?" sabi ni Shadow.
"Hahaha! Nandito rin mamaya ang pamilya nila tita Emerald at Tito Orion na galing pa sa Heather Island. For the first time pare, nagdala at nagpakilala si Adira ng lalaki sa bahay na ito." sabi ni Ion na halatang masaya ito.
"Nagdala siya? Kailan?" sabi ni Shadow.
"Oo, kagabi. Grabe! Alam mo iyon, ang akala namin darating ang forty years of age niya na nakatunghay lang kami lahat kung kailan siya titigil sa kaka-date sa mga inirereto ng buong pamilya sa kanya." sabi ni Ion na ikinalunok ni Shadow.
"Nasaan siya uli ngayon?" sabi ni Shadow na napapiyok pa.
"Sa Mall kaaalis lang kani-kanina kasi may bibilhin sila sa grocery at saka...." udlot na sabi ni Ion ng mabilis na umalis si Shadow.
"Aisssst. Siraulo, nagsasalita pa ako umalis." sabi ni Ion sabay napailing ito ng iwan siya ni Shadow.
Nagmamadaling sumakay ng kabayo si Shadow, isang buwan siyang busy dahil muntikan ng makunan si Shaira.
Isang buwan din siya sa Manila at ni hindi na nga niya nakokontak si Adira ang akala naman kasi niya busy ito sa career nito. Tiwala naman kasi siya na binabantayan ito ng lola niya at tiwala siya na hindi ito maghahanap ng iba.
"Shitt!" inis na sabi ni Shadow at mabilis nitong pinatakbo ang kabayo.
.....................
C-Mall
"Sir, hindi po puwede ang kabayo dito kung gusto niyo sa labas kayo magpark." sabi ng guard kay Shadow habang pinagtitinginan na ito ng mga tao.
Nakasakay si Shadow sa kabayo habang nasa entrance iyon ng open parking space ng mall.
"Ang kabayo ko ay mas mahal pa sa mga kotse nakapark diyan, at kung tutuusin diyan ko lang naman siya ilalagay sa open parking sa gilid na may puno." inis na sabi ni Shadow.
"Sir, sorry pero iyon kasi ang utos ni Sir Run." sabi ng guard.
"Asar." sabi ni Shadow kung hindi lang siya nagmamadali nasapak na niya ang guard sa harapan niya.
"Pasensiya na po talaga Sir. Sumusunod lang po ako." sabi ng guard.
"Okay sige." sabi ni Shadow at nagulat ang guard ng bumaba si Shadow ng kabayo nito ng hindi man lang itinatabi ang kabayo at itinali
"Sir, iyong kabayo niyo po?" sabi ng guard.
"Marunong pa iyan kaysa sayo." sabi ni Shadow saka nito hinaplos ang kabayo saka naman naglakad ang kabayo na tila tao ito na naghanap ng masisilungan.
"Ayos ha." sabi ng guard ng nakuha ng kabayo pumuwesto sa lilim ng puno na ikinangisi ni Shadow.
Nang makita ni Shadow na maayos ang kabayo pumasok ito sa mall at hinanap si Adira.
"Bibili ng pagkain. Huh! So, nasa grocery ang mga iyon." sabi ni Shadow sa sarili at nagmamadali itong nagtungo ng grocery.
.............
Grocery
"Hahaha. Ang galing puwede na." nakangiting sabi ni Adira kay Francis matapos makapili ng mga sariwang pagkain si Francis na lulutuin nila mamaya sa Valiente Cottage.
"Ikaw din naman." nakangiting sabi ni Francis habang tulak nito ang cart.
"Natuto ako. Kailangan kasi turo sa akin huwag ako umasa sa katulong kaya sa NYC at sa Manila nag-iisa lang ako lagi." sabi ni Adira.
"Hayaan mo, hindi ka na mag-iisa kapag sinagot mo ako at nagpakasal na tayo." nakangiting sbai ni Francis.
"Hahaha! Ang bilis mo talaga at ang isip mo futuristic." sabi ni Adira sabay hawak sa braso ni Francis.
"Hahaha! Dapat lang. Pero sa ngayon magbayad na tayo kasi panigurado hinihintay na tayo sa inyo at baka kuyugin ako ng mga pinsan mong lalaki." nakangiting sabi ni Francis.
Napangiti si Adira saka ito napatango na lamang.
"Dati iyon, ngayon hindi na ganoon." sabi ni Adira sa isip na nakaramdam ng habag sa sarili.
...................
Flashback
Years Ago
El Casa
"Kuya naman aalis lang ako at pupunta lang kami si concert ni Rye." sabi ni Adira nang sundan nito si Autumn sa loob ng opisina nito sa El Casa para magpaalam.
"Hindi puwede." diin sabi ni Autumn.
"Asar." naiinis na sabi ni Adira bente singko anyos na siya at mahigpit pa rin ang pamilya niya sa kanya.
"Kasama naman namin si Ciao." sabi ni Adira.
"Kasama "niyo" naman. Huh! Adira ilang beses ko ng sasabihin sayo, tantanan mo ang kakasama sa lalaking iyon." sabi ni Autumn.
"Kuya, kaibigan ko si Shadow." sabi ni Adira.
"Kaibigan mo. Eh kaibigan ka ba?" sabi ni Autumn.
Napahingang malalim si Adira, wala ang magulang at kuya niya nasa NYC at may business trip kaya ang siste ang pinsan niya ang tagabantay niya. Na kung tuuusin wala talaga siyang takas dahil kung wala naman si Autumn nandiyan pa ang ibang Valiente na pinsan niyang lalaki na ikinaiinis niya.
"Kailan niyo ba ako pakakawalan?" sabi ni Adira na ikinangisi ni Autumn.
"Huh! Malaya ka, iyon nga lang ikaw ang nagkukulong sa sarili mo sa kaibigan mo."sabi ni Autumn.
"Kuya," sabi ni Adira.
"Adira, hindi kayo ni Shadow na paulit-ulit niyong sinasabi kaya puwede ba tigilan mo ang kakadikit sa kanya dahil para ka niyang asawa na palamuti niya lang sa ginagawa mo." sabi ni Autumn.
"Kuya, naman." sabi ni Adira
"Sinasayang mo ang buhay mo sa walang kuwentang kakasama sa kanya. Hindi kami ang nagkukulong sayo kundi ikaw." sabi ni Autumn na napaupo sa silya nito.
Napahingang malalim si Adira kung tutuusin pumunta lang naman si Autumn sa Casa kung nasaan sila ngayon, hindi naman kasi ito nakatira na sa El Paradiso pero nagagawa nitong pumaroo't parito para lang Manila to Divisoria ang layo ng dalawang isla kung saan sa Heather Island ito nakatira kasama ng ang pamilya nito.
"Okay sige. Hindi na ako aalis." sabi ni Adira.
"Mabuti." sabi ni Autumn saka ito tumutok sa laptop nito.
Napangisi si Adira saka ito lumabas ng opisina ni Autumn, pero nang araw na iyon tumakas siya at ilang beses niyang inulit ang pagtakas makasama lang ng lihim si Shadow.
...................
Present Day
Grocery
"Ikaw talaga magbabayad?" sabi ni Adira kay Francis nang nasa counter na sila.
"Oo dahil ako ang lalaki." sabi ni Francis.
"Okay, bahala ka." sabi ni Adira saka ito nagkibit balikat.
"Talaga dahil kapag naging tayo hindi kita pagagastusin dahil ako ang gagastos sa lahat para sa ating dalawa at sa magiging baby natin." sabi ni Francis
"Hahaha. Okay. Pero sa ngayon, umuwi na tayo kasi excited na ako makilala ka ng buong pamilya ko." sabi ni Adira.
"Hmmmn, kumain muna tayo para hindi ako kabahan sa panunuri sa akin." birong sabi ni Francis.
"Hahaha! Kumain? Date ba?" sabi ni Adira.
"Yes, at kapag naging mag-asawa na tayo. Ide-date pa rin kita lagi." nakangiting sabi ni Francis.
"Okay." masayang sabi ni Adira na sa unang pagjakataon nakaramdam siya ng sinseridad sa isang lalaki.
Lumabas ang dalawa ng grocery store matapos magbayad sa counter, tulak ni Francis ang cart ng mga pinamili nil ani Adira habang nakaangkla naman si Adira sa braso ng binata at masaya ang dalawa nag-uusap.
Pumunta ang dalawa sa restaurant na malapit lamang sa grocery, pumasok ang dalawa at naupo. Nilapitan ang mga ito ng waiter na ikinangiti ni Adira dito.
"Ikaw na ang umorder." sabi ni Adira na ikinatango ni Frnacis.
Umorder si Francis at ilang sandali lang ng matapos ito umorder umalis ang waiter. Ilang minuto lang ng mailapag ang ibang order ng dalawa.
Pero ng ilang sandali pa may sumulpot sa harapan nila na ikinagulat ni Adira sa di inaasahan.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Adira ng makita ang nobyo, isang buwan niyang hindi nakita si Shadow ang pinakamatagal na araw na hindi ito nagparamdam at alam naman niya at nakita niya kung bakit hindi na ito masyado nagpaparamdam sa kanya.
"Naging tayo ba?" seryosong tanong ni Shadow kay Adira.
Napatiim ng bagang si Shadow ng makita ang nobya at ang lalaking kasama nito. Tila mag-asawa ang dalawa nasa tabi pa ng mga ito ang nabili ng mga itong grocery.
Napatingin si Adira kay Shadow at ngumiti si Adira ng maaalala ang huling kita niya sa nobyo sa mall sa Manila.
"Sa nakikita ko sayo ngayon, siguro hindi." nakangiting sabi ni Adira
"Hindi? So, hindi mo ako minahal sa panahon na magkasama tayo." seryosong tanong ni Shadow kay Adira na bahagyang ikinagulat ni Adira dahil sa unang pagkakataon nagsalita si Shadow sa relasyon nila.
Pero muli naaalala ni Adira ang wakas ng lahat ayon sa kabayaran sa lola nito.
"Ayokong pumasok sa relasyon na may nakapaloob na damdamin, na alam kong may expiration date. At kung meron man na love ang sa atin dalawa, mukhang expired na ngayon." nakangiting sabi ni Adira na ikinatitig ni Shadow sa dalaga.
"Niloloko mo lang pala ako." seryosong sabi ni Shadow na ikinanlaki ng mga mata ni Adira.
"Huwaw ha! Ako talaga ang nanloko sayo?" nanlalaking mata na di makapaniwalang sabi ni Adira na tila siya pa ang may kasalanan kahit na nahuli niyang may babae si Shadow. At ang nahuli niyang eksakto ay buntis na babae na hindi masabi ni Shadow sa lahat, kahit sigurado ang buong grupo na kay Shadow ang bata na dinadala ni Shaira.
"Niloko mo lang ako at pinaglaruan mo lang ako." sabi ni Shadow kay Adira ng biglang humikbi si Shadow na ikinanlaki ng mata at ikinagulat pa lalo ni Adira.
"Ayos ka ha. Parang ikaw ang naagrabyado." sabi ni Adira na kahit na siya ang unang nakakita na may kasamang iba si Shadow tila siya pa ang kinokonsensya nito. Na kung tutuusin nakabuntis ito habang siya nagsayang ng panahon sa kahihintay dito.
"Ang kapal mong saktan ako ng ganito. Isusumbong kita sa lola Joyce ko." umiiyak na sabi ni Shadow sabay tingin sa lalaking kasama ni Adira.
"Isusumbong din kita sa lola ko. Lagot kayong dalawa sa lola ko." umiiyak na sabi ni Shadow sa lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Adira lalo ng makita muli ang pagluha ni Shadow na madalas nitong gawin kapag may ka-date siya na inirereto ng pamilya niya.
"Hala! Umiiyak ka talaga?" sabi ni Adira na di makapaniwala.
Lumapit ito sa binata sabay dutdut sa mata ni Shadow at ng makumpirma niyang totoo ang iyak nito nanlaki lalo ang mga mata lalo ng dalaga.
"Manloloko ka, isa ka ngang Valiente. Manlolokong manyak. Nakuha mo ako ipagpalit agad-agad." umiiyak na sabi ni Shadow na ikinapula ng mukha ni Adira.
"Siraulo ka." sabi ni Adira habang namumula ang mukha nito sa hiya.
"Tama nga sila, na kapag Valiente, mahihilig." sabi ni Shadow sabay punas ng luha nito na nakuha pang suminghot.
"Uyyyy. Foul ang sinabi mo." sabi ni Adira ng biglang napalunok ito ng umiyak lalo sa Shadow kahit na malaking lalaki ito at trenta y otso anyos na ito. Namumula na ang mata at mukha ng binata at tila wala itong pakialam kahit na pinagtitinginan na sila sa Restaurant kung saan siya nahuli ni Shadow na may kasamang lalaki na ganti lang naman niya dito. O masasabing pagtatapos niya sa isang relasyon napakatagal. Pero muli ng tingnan niya si Shadow napahingang malalim si Adira.
"Mahal kita, tapos ginago mo lang ako." umiiyak na sabi ni Shadow kay Adira.
"Adira." sabi ni Francis sabay hawak sa kamay ni Adira ng makita ang naguguluhang reaksyon ng dalaga.
Napatingin si Adira kay Shadow dahil ang totoo nagseselos lang naman siya at balak lang niyang gumanti, at umiwas na rin dahil alam niyang wala siyang laban kapag bata ang usapan, kaso sa itsura ni Shadow na mukhang magpapakamatay ito kaya napahingang malalim siya.
"Huwag ka ng umiyak. Bati na tayo." sabi ni Adira sabay tanggal sa kamay ng lalaking kasama nito na nakahawak sa kamay niya at niyakap ni Adira si Shadow.
Pagkayakap ni Adira kay Shadow napangisi ang binata saka nito dinilaan ang lalaking kasama ni Adira na ikinatiim ng bagang ng lalaki kay Shadow.
"Bati na tayo." masuyong ulit na sabi ni Adira habang nakayakap kay Shadow.
"Oo bati na tayo." umiiyak na sabi ni Shadow na nakuha pang suminghot pero ang mga mata nito ay nang-aasar sa lalaking kasama ni Adira. Nakuha pang dumila uli ni Shadow sa lalaki.
"Ano ka ngayon?" natatawang sabi ni Shadow sa isip sa lalaki, habang nakasiksik ang ulo ni Adira sa dibdib niya at nakatingin siya sa lalaking namumula na sa galit sa kanya.
"Huwag ka ng iiyak, tayo na uli." sabi ni Adira na ikinangiti ni Shadow sabay yakap kay Adira habang nakatitig ang pilyong mga mata ni Shadow sa lalaking nakakuyom na ang kamao na anumang oras malapit na itong sumabog sa galit para sapakin siya.
Napakunot noo naman si Adira ng maramdaman na tila humahagikhik si Shadow.
Sa ilang taon na nilang lihim na magnobyo kilala na ni Adira ang kilos nito at body language kaya pasimple siyang tumingin sa mukha ni Shadow, nang biglang napangisi si Adira ng makitang dinidilaan ni Shadow ang kasama niyang lalaki habang lumuluha ang nobyo.
"Ay siraulo!" sabi ni Adira sa isip ng makuha pa ni Shadow kindatan ang lalaking kasama niya, sabay dila uli ni Shadow sa lalaki habang lumuluha ang nobyo niya.
April 21, 2022 7.44 am
Fifth Street
Hoping for first 100 followers
Dreame Acct :
Rose Chua Novels
Dito na po ako sa FB page maglalagay ng teaser at updates for next novels
FB Page :
https://www.facebook.com/UnderwriterFifthStreet
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top