Kabanata 23 : Krimen
Kabanata 23 : Krimen
Manila
"Sino siya?" tanong ni Adira kay AJ ng makita itong may kasamang lalaki.
"Hmmmn, professor ko." nakangiting sabi ni Aj sa tiyahin na si Adira.
Napangiti si Adira, habang nakatitig kay AJ disi nueve anyos na ang pamangkin at sa mga taon na dumaan saksi siya sa paglaki nito mula ng makita ito ng buong pamilya niya matapos itago ng ina nitong si Chhaya.
"Okay ka lang po?" tanong ni AJ sa tiyahin ng titigan siya nito.
"Oo. Natutuwa lang ako, ang laki mo na pala." nakangiting sabi ni Adira kay AJ.
"Malakas po akong kumain, nakakagana kasi kumain kapag kasabay ang sixtuplets." natawang sabi ni AJ na halos nalagpasan na niya ng tangkad ang tiyahin.
Napangiti muli si Adira, ng maalala ang sixtuplets.
"Huh! Nakaonse na si Elle ako ni isa wala pang anak." sabi ni Adira sa isip.
"Tita." nakangiting sabi ni AJ ng nanatiling nakatitig sa kanya ang tiyahin.
"Ah, oo bakit?" sabi ni Adira.
"Professor ko si Prof. Francis." nakangiting sabi ni AJ.
Napatingin si Adira sa kasama ni AJ, nasa mamahalin at sikat na mall siya ng araw na iyon sa Manila ng makita ang dalawa habang naglalakad siya at naglilibot sa naturang mall.
"Hello." nakangiting sabi ni Adira na ikinangiti ng lalaki na nasa kaedaran niya pero mukhang hindi naman halata dito. Na ikinangiti ni Adira ng lihim dahil ganoon naman yata ngayon hindi mo na mahahalata kung ano ang edad ng tao dahil sa siyensya.
"Hi." nakangiting sabi ni Francis.
"Ahhm. Bakit ka nga pala nandito sa Manila?" sabi ni Adira sa pamangkin.
"May contest po akong sinalihan kasama ang professor ko." nakangiting sabi ni AJ.
"Ahh, okay. Kumain na ba kayo?" sabi ni Adira.
"Hindi pa po." sabi ni Aj sabay siko ng bahagya sa professor niya.
"Ahhh, ililibre ko si AJ kasi nanalo siya sa contest.Baka gusto mo sumama." sabi ni Francis na ikinangiti ni Adira.
"Langya, kahit mga pamangkin ko sumasali sa pagreto sa akin sa iba." nakangiting sabi ni Adira sa isip.
"Tita, sumama ka na po." sabi ni Aj.
"Pupunta pa ako sa agency." nakangiting sabi ni Adira.
"Tita, sasamahan na lang namin ikaw. Ihahatid ka po namin." sabi ni AJ.
"Oo nga naman." nakangiting sabi ni Francis.
Napangiti si Adira, guwapo ang kasama ni AJ at kagalang-galang ito. Mukha nga itong abogado kasing angas ng dating nila Bullet at Run kapag tumayo.
"Okay sige. Basta libre mo rin ako." nakangiting sabi ni Adira na ikinangiti ni Francis at lihim na ikinangiti ni AJ.
"Tita, wala pa siyang asawa. Baka siya na." pilyong sabi ni AJ na ikinatawa ni Adira at ikinapula ng mukha nito sa tahasang pagrereto ng pamangkin niya.
"Hahaha. Loko kang bata ka." sabi ni Adira.
"Tita, hindi na po ako bata at totoo ang sinasabi ko. Minsan ang pag-ibig nakikita natin sa tamang oras, kaya minsan akala mo wala pero ang totoo, meron at inihahanda lang ang the best para sayo." nakangiting sabi ni AJ na ikinangiti ni Adira.
"Pilyo ka talaga, halika na nga at nakakahiya." sabi ni Adira sabay akbay sa pamangkin.
"Aissst. Huwag mo po akong akbayan dahil may kasama tayo at dapat..." udlot na sabi ni AJ sabay alis ng kamay ni Adira sa pag-akbay sa kanya saka nito hinawakan ang kamay ng tiyahin at kamay ni Francis at pinaghawak iyon sa isa't isa.
"Uyy." sabi ni Adira ng magkahawakan na ang mga kamay nil ani Francis.
"...dapat kayo ang magkahawak ng kamay, para ma-feel niyo ang presence ng bawat isa. Malay niyo kayo na ang tinadhana sa isa't isa." sabi ni AJ sabay hawak sa magkahawak na mga kamay nila Adira at Francis.
"Hahahaha. Nakakahiya." sabi ni Adira.
"Hahaha. Huwag po kayo mahiya. Mabait si Prof. Francis." nakangiting sabi ni AJ.
"Hahaha. Pilyo ang pamangkin mo at ang totoo kasundo ko siya maraming bagay na magkatulad kami." sabi ni Francis.
"Pilyo ka rin?" nakangiting tanong na sabi ni Adira kay Francis ng higpitan ng binata ang pagkakahawak sa kamay niya.
"Ahhm. Puwede." nakangiting sabi ni Francis.
"Ayan, friends na kayo." sabi ni AJ saka nito binitawan ang kamay ng dalawa at nauna itong maglakad.
Nanlaki ang mga mata ni Adira ng umalis si AJ kaya agad niya ito tinawag bago ito tuluyang makalayo sa kanila.
"Aj! Saan ka pupunta?" sabi ni Adira na ikinalingon ni AJ.
"Bibilhan ko muna ng pasalubong sila Laszlo at ang mga pinsan at kapatid ko. Lalo na si Hestia kasi hindi ako tatantanan ng mga iyon kapag wala akong pasalubong." sabi ni AJ.
"Kakain pa tayo sabi mo." sabi ni Adira.
"Hahaha. Susunod ako, mabilis lang po ako. Hindi na ako makakagala kapag nandiyan na ang chopper sakay si Papa." sabi ni AJ saka ito kumaway at mabilis na lumakad palayo.
"Aisssst. Naisahan ako doon." sabi ni Adira ng biglang matigil ito ng bahagyang pisilin ni Francis ang palad niya habang magkahawak sila ng kamay.
Napatingin si Adira kay Francis na ikinangiti ng binata.
"Sabi ni Aj, wala kang nobyo. Ang totoo matagal na kitang pinagmamasdan sa mga magazine kung saan model ka ng kilalang brand at mamahaling damit." sabi ni Francis.
"Talaga?" sabi ni Adira na hindi naman siya nagulat sa nalaman dahil ang totoo maraming nakakapansin sa kanya at nanliligaw, iyon nga lang hindi puwede dahil ayaw naman niyang paasahin.
"Oo. Tsss, kumain muna tayo." sabi ni Francis na ikinangiti at tango ni Adira.
...................
Department Store
Kanina pa si Shadow sa mall na iyon, kasama niya si Shaira habang namimili ito ng damit para sa baby nito ng mapansin ni Shadow ang isang binatilyong naglalakad habang namimili ng kung ano-anong laruan at damit na nasa cart nito.
"Uyyy, marunong pa lang mamili ang anak ng hari." nakangising sabi ni Shadow sa isip.
"Shadow, okay na siguro ito." sabi ni Shaira kay Shadow.
"Okay." sabi ni Shadow habang tulak ng binata ang cart.
"Ay wait, gusto ko bumili ng maraming feeding bottles." sabi ni Shaira.
"Marami na ito." sabi ni Shadow sabay tingin sa section na sinasabi ni Shaira.
"Aissst. Marami ang gusto ko." sabi ni Shaira.
"Okay, okay." sabi ni Shadow sabay tingin sa paligid.
"Ano?" sabi ni Shaira ng luminga linga muna si Shadow sa paligid.
"Mukhang pagod ka na, umupo ka muna dito at ako na ang bibili." sabi ni Shadow.
"Okay sige." sabi ni Shaira.
"Huwag kang aalis diyan." sabi ni Shadow, na ikinatango ni Shaira.
Umalis si Shadow at napahingang malalim ito. Sa puwesto kasi na iyon nakita ng binata si Aj kung saan malapit ang baby section sa kid's toys kung nasaan ang binata.
....................
Resto
"Puwede ka ba sa Sabado?" tanong ni Francis kay Adira.
"Oo naman." sabi ni Adira. Napangiti si Adira, ilang minuto na sila nag-uusap at sabay na kumakain ni Francis at sa lahat ng naka-date niya ang lalaki sa harap niya ang kakaiba sa lahat na ikinatuwa niya.
"Okay, so sa Sabado mag-date tayo." sabi ni Francis.
"Oo naman." sabi ni Adira.
"Yes!" masayang sabi ni Francis.
"Hahaha. Para naman nanalo ka na sa lotto sa pag-yes mo." sabi ni Adira.
"Sabi ko nga sayo, matagal na kitang gusto makilala at maka-date. Ang totoo may mga magazine ako na ikaw ang cover, or lahat ng magazine na ikaw ang front page binibili ko." nakangiting sabi ni Frnacis.
"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ni Adira.
"Oo. Ang akala ko pangarap na lang ang makilala ka at maka-date ka ng personal. Mabuti na lang naging estudyante ko si AJ.
At alam mo bang ng makita ko sa list ang pangalan niya. Natuwa ako, at noong unang araw sa classroom, nailang pa ako sa kanya." sabi ni Francis.
"Hahaha. Ikaw pa talaga ang nailang? Mukha ka ngang terror teacher ko sa Law dati." sabi ni Adira.
"Hahaha. Iyon din ang sabi ng iba. Pero nang makita ko kasi si AJ sa klase ko, kakaiba siya. Tahimik saka nakakatakot siya tumingin parang binabasa niya ako." natawang sabi ni Francis.
"Hahaha. Ganoon talaga siya pero mabait na bata ang pamangkin ko." sabi ni Adira.
"Kaya nga. Napatunayan ko iyon habang pinagmamasdan ko siya kung paano makihalubilo sa mga kaklase niya. Marunong siya makisama, at ang totoo siya ang lumapit sa akin." sabi ni Francis.
"Lumapit na?" sabi ni Adira.
"Binigyan niya ako ng magazine na ikaw ang nasa front cover at may calendar pa na ikinagulat ko." sabi ni Francis na bahagyang natawa.
"Talaga?" sabi ni Adira.
"Hahaha. Nakita niya daw kasi iyong desktop ko sa office na ikaw ang wallpaper ko kaya naisip niya na bigyan ako ng ng magazine mo." sabi ni Francis.
"Lokong bata iyon." sabi ni Adira.
"Hahaha. Iyon ang start na nakilala ko si AJ lalo. Naging magkaibigan kami kahit malaki ang agwat ng edad namin. Tapos naging teacher niya uli ako sa subject na kinuha niya in advance. Kaya mas lalo kaming naging magkaibigan." sabi ni Francis.
"Kaya ka niya inilapit sa akin." sabi ni Adira.
"Siguro, kasi alam niyang gusto kita. At alam mo bang mahal ka ng pamangkin mo, ang sabi niya sa akin thirty eight ka na pero ni minsan hindi ka nagdala ng lalaking ipinakilala sa kanila bilang nobyo mo. Kaya naman nagulat ako, at sa una hindi ako naninwala. Sabi ko nga professor niya ako at huwag niyang biruin ng hindi maganda." sabi ni Francis na ikinangisi ni Adira.
"Lagot siya sa akin." natawang sabi ni Adira.
"Totoo ba?" sabi ni Francis.
"Na ano?" sabi ni Adira.
"Na wala ka pang nagiging seryosong nobyo?" sabi ni Francis.
"Hahaha." natawang reaksyon ni Adira.
"May nababalitaan ako sayo na mga nakakasama mo, nakaka-date pero in serious relationship wala naman nabalita o wala ka naman sinabi sa mga interviews mo." sabi ni Francis.
"Kasi, wala talaga. Hahaha." napaismid na sabi ni Adira.
"Talaga? Para kasi hindi kapani-paniwala. Maganda ka, at naririnig ko naman at napapanood o nababasa ang mga interview mo. At katunayan napahanga mo ako lalo dahil witty at may dating ka sumagot. Hindi naman din mataray ang mukha mo, ang ganda nga ng awra mo. Hindi tulad ng mga Valiente na aristokrata ang mga mukha, na parang si AJ sa unang tingin mo talagang magdadalawang isip ka lumapit dahil may angas." natawang sabi ni Francis.
"May mga babaeng hindi ligawin." sabi ni Adira.
"Hahaha. Alam kong maraming nanliligaw sayo, baka sabihin mo may mga babaeng pihikan tulad mo." sabi ni Francis na ikinangiti ni Adira.
"Mukha ba akong pihikan?" sabi ni Adira.
Napangiti si Francis habang nakatitig kay Adira saka ito napahingang malalim.
"Siguro. Aissst! Tatapatin kita, marami akong naging nobya at minsan nga estudyante ko pa." sabi ni Francis.
"Talaga?" nanlalaking mata na sabi nI Adira.
"Oo, mga bata at noong nagsisimula ako sa pagiging professor mga di kalayuan sa edad ko ang nagiging nobya ko. Pero wala, hindi ko makita ang hinahanap ko sa isang babae. Siguro dahil ikaw iyong inilagay kong epitome ng babae para sa akin." sabi ni Francis.
"Wow ha. Nakaka-flattered." sabi ni Adira.
"Hindi ako nagbibiro, ang totoo pa niyan kakabreak ko lang sa nobya kong estudyante. Hahaha! Biruin mo bata sa akin ng sampu o labing limang taon o higit pa nga."sabi ni Francis
"Bata na inayawan mo pa. Wow ha! Ang yabang ha." sabi ni Adira na ikinatawa ni Francis.
"Wala eh, naisip ko. Hindi sa edad ang relasyon nasa gusto mo talaga at kung ano ang nararamdaman mo." sabi ni Francis sabay titig kay Adira.
"Wait. Ikaw ba nanliligaw na sa akin?" sabi ni Adira.
"Hahaha. Tama nga si Aj, deretso ka magtanong. Kaya naman nakahanda ako. At oo tama ka, nanliligaw ako sayo. At ayoko din ng pasikot-sikot. Kuwarenta na ako matanda sayo ng dalawang taon, at siguro handa na pumasok sa isang relasyon na seryoso. At naisip ko, gusto ko kapag kinasal ako at lumagay sa tahimik, seryoso din ang babaeng makakasama ko." sabi ni Frnacis.
"Wait, ang bilis mo." sabi ni Adira na biglang nakaramdam ng kaba.
"Adira, hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit hindi ka pa nag-aasawa. Na kung tutuusin nasa edad ka na.
Pero naisip ko, habang tinitingnan at pinagmamasdan ko ang mga magazine mo at binabasa ang mga interview sayo, na kailangan mo ng lalaking papasok sa buhay mo na siyang kukuha sayo.
Para kang nasa box, na hindi makaalis, para kang chocolate sa isang box na naghihintay kunin para kainin. Para kang bulaklak sa isang box na hinihintay piliin para amuyin." nakangiting sabi ni Francis na ikinatitig ni Adira dito.
"Hindi kita kilala. Pero tama ka, tulad ng mga pinsan ko gusto ko rin magkapamilya." sabi ni Adira.
Napangiti si Francis at hinawakan ang kamay ni Adira.
"Hihintayin kita, at kung anuman ang gusto mo pang gawin. Gawin mo. Tapos katukin mo lang ako sa labas o tawagin kapag puwede na akong pumasok sa buhay mo." sabi ni Francis.
"Ahhh, puwede bang dating muna." sabi ni Adira.
"Oo naman. Para makilala mo ako at mapatunayan kong gusto kita at ayoko pakawalan ang opportunity na ibinigay ni AJ na makilala ka." sabi ni Francis na ikinatango at ngiti ni Adira.
..................
Mall
"Nice, para sa mga kapatid at pinsan mo ba iyan?" tanong ni Shadow ng lapitan si AJ.
Napangiti si Aj, walang tao sa mall na iyon kaya alam niyang lalapitan siya ni Shadow. Nakita na niya ito kanina, at alam niyang hindi ito makakaatras, makakatago o makakaiwas para makita niya.
"Opo." sabi ni AJ sabay tingin sa hawak ni Shadow na feeding bottle ng sanggol.
Napatingin naman si Shadow sa tinitingnan ni Aj saka ito napangiti at itinaas ang kamay na may hawak ng bote.
"Pinabili sa akin." sabi ni Shadow.
"Alam mo ba na ang fingerprints ay nawawala makalipas ang ilang taon pero ang bakas ng awra ng isang tao sa isang bagay ay mananatili." seryosong sabi ni AJ na ikinalunok ni Shadow.
"Ano?" sabi ni Shadow na ikinangiti ni AJ ng tingnan si Shadow.
"Ang pagdilim ay hindi nangangahulgan na pagkawala ng anino. At iyon ang pangalan mo. Shadow." nakangiting sabi ni Aj.
"Tsss, iba ka rin mag-isip. Huwag ka masyado manonood ng horror movie at baka matakot ang mga pinsan mo." sabi ni Shadow.
"Ang isang anino kapag sinundan ng isa pang anino magiging iisa." sabi pa ni AJ.
"Okay ka lang ba?" sabi ni Shadow.
"Magkamukha kami ni Amon, hindi ka ba nagtataka? O ang akala mo iisa ang anino namin na hindi puwede paghiwalayin." sabi ni Aj na ikinalunok ni Shadow.
...............
Flashback
Years ago
El Casa, El Paradiso
"Shit." gulat na sabi ni Shadow ng makita si Chhaya sa stage habang sumasayaw ito ng hubad.
"Dapat hindi ko na ginawa." sabi ni Shadow sa isip habang nagkakagulo na ang grupo sa El Casa ng gabing iyon.
Napalunok si Shadow alam niya ang muling pag-usbong ng galit ni Autumn at iyon ang pagpapalit ng mga anak ni Chhaya.
"Shit mali talaga. Aissst!" inis na sabi ni Shadow dahil ang salarin sa krimen ay siya ang may gawa. Kaya ngayon tinatago niya ang nararamdaman para hindi siya mahalata.
Matapos mahanap ni Autumn si Chhaya gumawa siya ng paraan para mapokos lalo ang isip at atensyon ni Autumn kay Chhaya. Alam niya kasi si Autumn ang nagbabantay ng mahigpit sa mga pinsan nito at kapatid at alam din ni Shadow na nakatutok ito sa lahat ng babae sa Valiente matapos maganap ang pagiging battered wife ni Winter sa unang asawa nito na anak ng lolo ng mga ito.
"Ate!" sigaw ni Wine na lalong ikinaputla ni Shadow na hindi nahahalata ng mga kagrupo dahl nakatutok ang mga ito sa tensyon na bumabalot sa paligid ng El Casa ng gabing iyon.
...................
Present Day
"Shadow ang tagal mo." sabi ni Shaira na ikinatingin ni Shadow at ikinangiti ni AJ.
"Wow. Ang laki na po niyan, baby boy po ba?" nakangiting sabi ni AJ na ikinabaling ng tingin muli ni Shadow kay AJ na tila tulad ng tita nitong si Adira, na parang wala lang ang lahat.
"Hindi ko pa alam." nakangiting sabi ni Shaira.
Napatingin si AJ sa cart na puno ng gamit ng sanggol kaya napangiti muli ito.
"Sino kaya ang kamukha? Nakakapanabik ang mga araw kung iisipin." nakangiting sabi ni AJ na ikinawala ng ngiti ni Shaira.
"Imposible alam niya." sabi ni Shadow sa isip habang nakatitig kay AJ.
"Aalis na po pala ako, enjoy your shopping." sabi ni AJ saka ito napangiti kay Shadow.
"Hindi lahat ay nakakapagsalita pero ang anino ay hindi makakapagsinungaling nakikita siya sa liwanag ng buwan at sa mumunting ilaw ng katauhan. Hahaha." natawang sabi ni AJ sabay lapit kay Shadow saka nito bahagyang dinampi ang daliri sa noo ni Shadow.
"Ano ba?" sabi ni Shadow kay AJ ng sumayad ang daliri ng binatilyo sa noo niya.
"Malamig sa lugar na ito, na kung tutuusin isa sa dinadayo ng mga mayayamang tulad natin." nakangiting sabi ni AJ sabay taas ng daliri nito na pinagdampi sa noo ni Shadow.
"Mahirap iyan, mag vitamins ka at huwag na huwag kang manonood masyado ng suspense thriller na palabas." sabi ni Shadow.
"Hahaha! Huwag po kayo mag-alala. Hindi ako nanonood ng mga ganoong bagay kasi ako ang taong mas gusto ng reyalidad." sabi ni AJ na ikinangisi ni Shadow.
"Bakit ka nga pala nandito?" sabi ni Shadow kay AJ ng akmang aalis ito tulak ang cart .
"May contest akong sinalihan, at nanalo po ako." sabi ni AJ na ikinatango ni Shadow.
"Hindi niyo po ba itatanong kung anong contest ang sinalihan ko?" sabi ni AJ ng tumango lang si Shadow.
Hindi umimik si Shadow kaya muling nagsalita si AJ.
"Isang contest na kung saan lulutasin naman ang kaso at nanalo ako." nakangiting sabi ni AJ.
"Meron ba nun?" sabi ni Shaira.
"Sa panahon ngayon kahit ang larong piko puwedeng maging contest. Hahaha." natawang sabi ni AJ.
Nakatitig lang si Shadow kay AJ, kumukuha ito ng kursong Forensic Science and Criminal Procedure at kung bakit sa dami ng kurso iyon ang nakuha ng binatilyong nasa harapan niya ay hindi niya alam.
"Aalis na ako, dahil pakiramdam ko ipinanganak lang ako para maging soul reaper. Hahaha! Nakuha ko ang term na iyan sa pinapanood ng sixtuplets." natawang sabi ni AJ saka nito tinalikuran ang dalawa.
"Okay lang ba siya?" tanong ni Shaira kay Shadow.
Napatingin si Shadow kay Shaira at napahingang malalim ito.
"Mali talaga ako." sabi ni Shadow sabay tingin sa tiyan ni Shaira na ikinangisi ng babae.
April 20, 2022 1.05 pm
Fifth Street
Hoping for first 100 followers
Dreame Acct :
Rose Chua Novels
FB Page :
https://www.facebook.com/UnderwriterFifthStreet
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top