Kabanata 21 : Tayo Pero Hindi


Kabanata 21 : Tayo Pero Hindi

Hours later


"Whoahhh!" sigawan ng lahat ng magsimulang magbukas ng regalo sa Adira para sa 18 gifts.

Nasa kalagitnaan na rin ito at nakailang bukas na rin ng mga regalo na mamahalin, at meron naman na katamtaman lang ang presyo na galing sa mga kaklase ni Adira, na mula sa mahihirap na pamilya. Nag-ambag-ambag ang mga iyon ng pera para may mairegalo sa kanya.

Napangiti si Adira, lahat ng regalo na nabuksan niya naghatid ng saya sa kanya lalo na ang galing sa mga kaklase niyang mula sa mahirap na pamilya. Alam niyang pinaghirapan iyon ng mga ito. Nakuha niya sa mga ito ang isang painting ng mukha niya na pinagtulungan gawin ng mga ito.

"Kay Wine naman!" sigaw ni Rhythm kay Adira ng makasali din si Wine sa 18 gifts dahil wala ng mapili si Adira, wala naman kasi siyang kakilala at kaibigan kaya halos nga lahat sa program mga kagrupo at kaklase niya ang kasali.

"Siraulo, nagsisimula na naman kayo." sabi ni Wine sa mga kaibigan at kaklase ng biruin siya ng mga ito.

"Buksan na iyan!" sigaw ni Bullet.

Nakatingin lang at kanina pa tahimik si Elle habang katabi nito si Autumn na kanina pa rin tahimik sa party.

"Okay." nakangiting sabi ni Adira habang katabi nito si Shadow na siyang tumutulong sa kanya mag-bukas sa mga malalaking regalo.

"Whoahhh! Malaki yan!" birong tumatawang sabi ni Blaze ng makita ang regalo ni Wine na nasa malaking kahon at nakabalot ng mamahaling papel.

"Ang bango." nakangiting sabi ni Adira ng maamoy ang nakabalot na papel sa regalo ni Wine.


"Dinaan sa amoy."
sabi ni Aqua.

Napapailing na lang ang grupo ng mga magulang ng mga ito sa ingay kanina pa ng grupo ni Autumn.

"Buksan mo na baka bahay at lupa niyo." birong sabi ni Rhythm na ikinatawa ng grupo.

"Sira ka talaga. Pang-asar."
sabi ni Ciao kay Rhythm na hindi tumigil sa kakatudyo kay Wine mula ng maglapag ito ng bote ng isda para ibigay kay Elle,

Napangiti si Adira at binuksan nito ang kahon. Tinulungan pa ito ni Shadow na kanina pa rin tahimik at pinagmamasdan ng lihim ang mga regalo na natatanggap ni Adira.

"Binuksan mo na ba ang regalo ko sayo kanina?" mahinang sabi ni Shadow kay Adira.

"Hindi pa, nasa dressing room naiwan ko." sabi ni Adira na naguilty sa sinabi.

Hindi umimik si Shadow dahil suot ni Adira ang diamond necklace na regalo ni Ciao kaya napatiim ng bagang ito.

"Sorry, mamaya bubuksan ko." mahinang sabi ni Adira na bahagyang nagsisi kung bakit naisuot pa niya ang iniregalo ni Ciao sa kanya.

Hindi umimik si Shadow at tinulungan nitong buksan ang box na regalo ni Wine. Ilang sandali pa napahiyaw ang mga kagrupo ni Wine ng makita ang regalo ng binata.

"Bike." nakangiting sabi ni Adira.

Isang mamahaling bike iyon na ikinataas ng kilay ni Elle ng makitang may angkasan iyon na upuan.

"Salamat Wine. Tamang-tama sira na ang bike ko." nakangiting sabi ni Adira na ikinatahimik lalo ni Shadow.

"Iyong bike mo kasi ang pangit na, kaya naisipan kong regaluhan ka. Hahaha! Saan mo ba napulot iyon? Mukhang pinaglumaan na ng panahon." nakangiting sabi ni Wine.


Napangiti si Adira, ang bike na tinutukoy ni Wine ay bike na inuwi niya at iyon ang bike na regalo sa kanya ni Shadow six years ago.

"Binigay lang iyon." nakangiting sabi ni Adira.

"Low class naman ang nagbigay sayo." natawang sabi ni Blaze.


Napangiti si Adira, nakita kasi siya ng mga pinsan na gamit iyon nang minsang magbike siya sa tabing dagat.

"Baka galing sa manliligaw mong dukha. Hahaha! Bibilhan ka na lang namin." sabi ni Aqua sa pinsan na ikinatiim ng bagang lalo ni Shadow.

"Bakit may angkasan?" biglang sabi ni Elle na ikinatingin ng grupo dito.

"Para maganda." sabi ni Wine kay Elle.

"Sakay ka diyan?" sabi ni Elle kay Wine na ikinatawa ng grupo.


"Hahaha. Wine ang sagot mo pag-aralan mo kung ayaw mong makakita tayo ng kinakaing buhay na isda."
natawang sabi ni Bullet ng makita ang nakakunot noo na reaksyon ni Elle.

"Hindi ako sasakaay diyan dahil may bike tayong dalawa di ba?" nakangiting sabi ni Wine kay Elle.

"Hindi ka angkas diyan?" sabi ni Elle.

"Hindi." todo iling na sabi ni Wine


"Elle, pinsan din ni Wine si Adira. Bakit ka ba nagseselos?"
sabi ni Twinkle kay Elle.

Napatingin si Elle kay Twinkle saka ito nagsalita.


"Naniniwala kasi ako walang pinsan-pinsan sa taong nasa rurok ng kamanyakan."
sabi ni Elle na ikinatawa ng buong grupo at ikinatahimik naman ni Rhythm at Twinkle

"Bakit hindi ka tumawa?" sabi ni Ciao kay Rhythm ng hindi ito natawa sa sinabi ni Elle.


"Langya, pinsan ko si Adira at nakisayaw ako kanina parang sinasabi niyang manyak ako."
sabi ni Rhythm na ikinatawa muli ng grupo.

"Basta, akin lang si Grape Wine kapag lapit siya doon kay Adira. Kain ko ito ng buo." sabi ni Elle sabay tingin sa isda.


"Hahaha. Witch."
natawang sabi ni Heaven ng makita ang matalim na tingin ni Elle sa isda na nasa garapon.

"Wine, salamat uli." sabi ni Adira ng bumaling ang tingin nito sa grupo.

"Ikaw Shadow wala ka bang regalo?" tudyo ni Bullet kay Shadow na kanina pa tahimik.

"Bakit naman ako magreregalo ng dalawang beses?" nakangising sabi ni Shadow.

"Wala lang, malay namin kung meron. At saka ano ba ang regalo mo kay Adira? Mukhang nalimutan na niya yata kung saan niya inilagay." nakangising sabi ni Bullet na ikinatawa ng apat na kagrupo ng mga ito.

"Uyyy, nasa dressing room naiwan ko lang kasi maglalakad ako kanina." sabi ni Adira sa grupo.

"Sabagay, hindi rin naman kami magtataka kung pipitsugin ang regalo niya sayo. Hindi naman iyan nagreregalo ng mahal sa wala lang sa kanya." sabi ni Bullet

"Uy, tumigil ka nga diyan." sabi ni Yummy kay Bullet.

"Tsss, regalo ba ang basehan dito?" sabi ni Shadow na ikinatingin ng lahat dito.

"Hindi naman. Kaso sa amin ikaw lang ang parang "wala lang"." nakangising sabi ni Blaze.

"Okay. Tutal atat kayong malaman ang regalo ko kay Adira ipapaalam ko na rin lang sa inyo. Balak ko kasi sana sa kanya ko lang ibibigay na walang nakakakita parang walang eepal." maangas na sabi ni Shadow.

.........

Samanatalang kanina pa nakikinig ang grupo ng daddy ni Adira at Shadow sa grupo ng mga ito sa palitan ng asaran ng bawat isa na ikinasanay na nila.

"Pare, baka house and lot." sabi ni Malic.

"Langya, kapag bahay at kotse malamang may laman." sabi ni Matias.

"Hahaha. Part 2 ng Onion at Garlic love story lang." natawang sabi ni Malic.

"Shhh. Tumahimik nga kayo." sabi ni Emerald ng makitang seryoso ang lahat, at ang totoo kinakabahan din siya bilang tita ni Adira dahil alam na niya ang susunod kapag ganoon nga ang nangyari.

.................

"Okay, ilapag mo para naman kompleto ang grupo na may magandang regalo kay Adira." sabi ni Aqua kay Shadow.

Napatingin si Shadow kay Adira saka ito ngumiti.

"Okay, tutal lahat sila atat sa special gift ko sayo." sabi ni Shadow saka nito inilagay ang kamay sa bulsa.

"Ipakita na!" sigaw ni Bullet na ikinasigaw ng grupo.

Napatitig si Adira kay Shadow na ikinangiti ng binata.

"Ayaw ko sana ipakita kaso mapilit sila." mahinang sabi ni Shadow saka nito kinuha ang nasa bulsa na ikinasinghap ng mga magulang at grupo ni Orion.

Natahimik ang buong grupo ni Autumn pati ang mga lolo ng mga ito na sila Ramon ng ilabas ni Shadow ang maliit na lalagyanan.

"Pinag-ipunan ko ito at hindi galing kay Lola. At wala din alam ang lola ko o ang mommy ko na bumili ako nito. Lahat ng napalunan ko sa Karera at naipon ko sa allowance ko dito ko inilagay." sabi ni Shadow habang tahimik ang lahat.

Napalunok si Adira at ng buksan iyon ni Shadow lalo napalunok si Adira ng makita ang mamahaling singsing na naroroon.

Inilabas iyon ni Shadow na ikinautok ng camera doon at dahil may big screen sa stage kaya kita ng lahat ang mamahaling singsing.

"Owwww, panalo ako." sabi ni Malic sabay kuha sa bag ni Isaiah

"Uyyy, bakit mo kinuha?" sabi ni Isaiah kay Malic ng kunin ang bag niya na mamahalin.

"Ako ang unang pumusta na silang dalawa, kaya ako ang panalo." sabi ni Malic sabay kuha ng relo nila Ice at Rain.

"Uyyy, hindi pa tapos." sabi ni Jade kay Malic.

...................

Mula sa upuan ng mga magulang ni Adira naririnig niya ang ingay ng mga kaibigan ng mommy at daddy niya. Tumingin siya kay Shadow saka siya napangiti.

"Para saan ito?" sabi ni Adira.

"A friendship ring." nakangiting sabi ni Shadow na ikinatango ni Adira dahil inaasahan naman niya na hindi aamin si Shadow at ang singsing na iyon ang magiging kadena niya dito.

Napatingin si Adira sa lahat at ng mapabaling ang tingin niya sa pamilya niya mula sa Valiente at Gonzalez lalo na sa mommy at daddy niya napangiti siya.

"Gusto ko maramdaman niyo kung paano mahalin ng tunay na isang lalaki." umaalingawngaw na sabi ni Autumn na lalong ikinangiti ni Adira.

Napabaling ang tingin ni Adira kay Shadow at ngumiti ito.

"Sorry, hindi ko matatanggap." sabi ni Adira na ikinaingay ng buong Auditorium at ikinapula ng mukha sa pagkapahiya ni Shadow sa sinabi ni Adira.

"Owwwww." reaksyon ng grupo sa sinabi ni Adira.

"Guys, ahmmmn. Hindi ko naman balak ipahiya si Shadow. Ang akin lang naman ay, hindi po kasi ako tumatanggap ng singsing na hindi galing sa nobyo ko o mapapangasawa ko. Pasensya na at sana galangin niyo ang paniniwala ko.

Ahhmmm, naniniwala po kasi ako na ang kamay ng isang babae, ang mga daliri nito ay para lamang sa lalaking makakasama niya. Ang daliri naming mga babae ay magiging sagrdao o nakakulong sa isang singsing kung alam namin na may wagas. Alam niyo iyon! Ang hirap po ipaliwanag pero sana maunawaan niyo ako." sabi ni Adira saka ito napatingin kay Shadow.

"Sorry, may regalo ka naman na sa akin. Okay na iyon, at ang presence mo sa pagsama sa akin sa harapan sa araw ng kaarawan ko, ay napakalaking ambag na para sa kasiyahan ko sa araw na ito. Huwag kang mag-alala mananatili mo akong kaibigan tulad ng iba." sabi ni Adira kay Shadow na ikinatitig ni Shadow kay Adira.

"Whoahhh! Tinanggihan." sigawan ng grupo ni Autumn na lalong ikinatiim ng bagang ni Shadow sa naramdamang pagkapahiya.

................

"Weew! Kinabahan ako doon." sabi ni Athena sabay tingin kay Aquila na napangiti sa ginawa ni Adira.

"Nice, magaling magturo ang ama." sabi ni SatA sabay kuha ng bag ni Isaiah kay Malic na ikinatawa ng lahat.

"Grabe. Kinabahan din ako." sabi ni Joey sabay tingin kay Martein a nakatitig lang kay Shadow.

Samantalang sa upuan nila Joyce kung saan kasama nito ang mga lolo at lola ni Adira, tahimik lamang ito, pero naawa si Joyce sa apong si Shadow dahil first time nitong tanggihan at hindi nasunod ang gusto.

...............

Napatitig naman si Adira kay Shadow saka ngumiti.

"Salamat, pero siguro kailangan ko rin kumilos kung ano nga ba tayo sa mata nila at sa paraan mo." mahinang sabi ni Adira kay Shadow.

"Kukunin mo lang naman." sabi ni Shadow na halatang nagdamdam ito.

"Hindi ko makukuha, kasi alam kong.." udlot na sabi ni Adira.


"Kadena mo?"
nakangising sabi ni Shadow.

"Shadow, magagawa mo ang lahat ng gusto mo. At ngayon nasa tamang edad na ako, gusto ko rin maging malaya tulad mo. Sa paraan na tayo pero hindi tayo. Ganito, tayong dalawa." nakangiting sabi ni Adira sabay yakap nito kay Shadow at muling nagsalita.

"Itago mo ako, itatago din kita. At kapag ayaw mo na at nakita kong may iba ka, pakakawalan kita ng kusa. Tutal walang tayo kahit tayo." mahinang sabi ni Adira habang mahigpit na yakap si Shadow na ikinatiim ng bagang ni Shadow saka nito mahigpit na hinawakan ang singsing.

...................

"Hindi niya kuha ang singsing. Ako iyon kuha ko iyon, lagay ko agad sa daliri ko." sabi ni Elle.


"Kay Shadow iyon."
nakakunot na noo ni Wine habang nakatitig kay Elle na nakatingin kila Adira.

"Sayang kaya iyon, benta ko." sabi ni Elle na ikinatawa ng grupo pero hindi si Wine


"Bakit ka magpapasuot ng singsing sa daliri mo galing sa ibang lalaki?"
inis na sabi ni Wine


"Suot lang naman tapos tanggal. Benta ko agad para pagawa ako ng dede ko."
sabi ni Elle na ikinatawa ng grupo pero hindi si Autumn at Wine na napatitig kay Elle.

"Hahaha. Bata ka pa madadagdagan pa iyan." natatawang sabi ni Althea sa pinsan.

"Pagawa na ako ngayon, para hindi na laki mata ni Wine sa bolang malalaki." sabi ni Elle na ikinatawa ng grupo.

"Hindi ka titigil?" seryosong sabi ni Autumn kay Elle na ikinatingin ng bunsong kapatid niya sa kanya.

"Sabi ko lang kuya, kasi kapag di ko sabi may salita sa utak ko at kapag di ko sabi masusuntok ko siya." sabi ni Elle na ikinatahimik ng grupo at ni Wine.

Napatingin si Autumn kay Wine saka ito matalim na tiningnan ang binata.

"Wala naman akong ginagawa." sabi ni Wine kay Elle.

"Wala pero baka meron, at kapag huli kita hanap na ako iba. Di na kita pansin." seryosong sabi ni Elle saka nito inalog ang isda sa loob ng garapon na ikinatingin ng grupo dito.

"Mahilo iyan." sabi ni Louise kay Elle ng alugin ng dalagita ang garapon.

"Ganito utak ko, kapag kita ko siya nambababae." sabi ni Elle sabay lumuha ito habang nakatingin sa isda sa loob ng garapon habang inaalog nito ang garapon.

"Aisssst, Huwag kang umiyak dahil hindi mo naman siya nobyo." inis na sabi ni Aqua ng makitang lumuluha si Elle.


"Bata ka pa at hayaan mo siya makahanap ng iba. Maganda ka at marami magkakagusto sayo."
sabi ni Bullet sa pinsan na si Elle.

"Wala naman akong ginagawa." sabi ni Wine sabay abot sa kamay ni Elle.

"Pabuntis ako sayo tapos tago ko anak natin, di ko pakita sayo." sabi ni Elle na ikinatawa ng grupo.

Napahingang malalim si Autumn ng makita ang matalim na tingin ni Elle kay Wine kahit wala pa naman ginagawa ang binata dahil tipikal naman sa lalaki ang humanga sa katawan ng babae.

"Advance mag-isip. Lagot ka Wine. Hahaha!" natawang sabi ni Ion.

Hindi na umimik si Elle kaya natahimik na ang grupo ng itigil na ng dalagita ang pag-alog sa garapon na may isda.

....................

Samantalang tumayo si Joyce na ikinatingin ng grupo ni Ramon dito. Ngumiti si Joyce saka ito nagsalita.

"Pasayahin na natin ang lahat, oras na para magdiwang tayo." sabi ni Joyce saka nito binuksan ang bote ng alak at inilagay sa mga baso ng alak ng mga kasama sa mesa.

"Para kay Adira." nakangiting sabi ni Joyce matapos masalinan ang mga baso. Kinuha nito ang sariling baso at itinaas iyon.

"Cheers." sabi ni Joyce na ikinatingin ng grupo dito.

Kinuha ng mga ito ang baso at itinaas iyon.


"Cheers!"
sabay-sabay na sabi ng grupo sa mesang iyon.

.....................

Hours Later

"Ilapag mo siya diyan." sabi ni Joyce habang buhat ng tauhan ang lasing na si Adira.

"Si Shadow ilapag mo rin diyan." sabi muli ni Joyce sa isa pang tauhan habang akay ng mga ito si Shadow na lasing na lasing at first time ng apo na nagpakalango sa alak.

"Hon, baka malaman nila ang gagawin natin." sabi ni Arthur sa asawa.

"Hahaha. Nakita mo ba lasing silang lahat? Grabe kahit matatanda na sila Ramon tulad natin grabe pa rin lumaklak ng alak. Pero puntos iyon para sa atin." sabi ni Joyce


"Aissst. Ibalik mo sa kuwarto niya si Adira."
sabi ni Arthur.

Nasa Cheung Hotel pa rin ang grupo at may nakatokang mga kuwarto o unit para sa mga ito. Umuwi na ang mga bisita kanina na halos lasing lahat. May mga nakatulog na nga sa venue at hinayaan na lamang doon.

"Hahaha. Malaki ang nagastos ko at ang alak na binili ko ay milyones ang halaga. Pinainom ko lahat pati mga dukhang naroroon nasayaran ang mga tiyan nila ng mamahaling alak. Iba ang epekto ng alak na iyon kaya nga oras na para magawa ang plano." sabi ni Joyce.


"Tingin mo magagawa natin? Tulog ang dalawang iyan."
sabi ni Arthur.

"Akong bahala." sabi ni Joyce saka nito pinalabas ang mga tauhan ng mailagay sa kama sila Adira at Shadow.

Nang makalabas ang mga tauhan ni Joyce agad ito pumunta sa kama at hinubaran una si Shadow


"Hon, huwag mong sabihin huhubaran mo silang dalawa?"
sabi ni Arthur.

"Oo at pagpapatungin saka ko isusuot ang batuta ng apo mo kay Adira." sabi ni Joyce na ikinanlaki ng mga mata ni Arthur sa naiisip ng asawa.

"Grabe. Ganoon ka kadesperado magkaroon ng apo sa tuhod?" sabi ni Arthur.


"Oo."
nakataas kilay na sabi ni Joyce na ikinailing ni Arthur.

Nahubaran nga ni Joyce si Shadow na walang kahirap hirap pero ng na kay Adira na ito napatingin ito kay Arthur.

"Lumayas ka at huhubaran ko na si Adira." sabi ni Joyce na ikinatango ni Arthur.


Lumabas na napapailing na lamang ng ulo si Arthur. Nang maiwan si Joyce napangisi ito pero akmang huhubaran nito si Adira ng magulat ito ng biglang umupo si Adira na ikinasigaw ni Joyce


"Ahhh."
gulat na reaksyon ni Joyce.

"Ito po ba ang kabayaran ng lahat ng ginastos niyo sa akin?" sabi ni Adira habang hawak ni Joyce ang dibdib nito sa gulat ng makitang nakaupo si Adira.


"Ang dami mong nainom? Paanong hindi tumalab sayo?"
sabi ni Joyce.


"Tingin niyo po ba? Sa akin lang hindi tumalab?"
sabi ni Adira na ikinalunok ni Joyce.


"Anong ibig mong sabihin?"
sabi ni Joyce.


"Malakas ang alcohol content ko sa katawan na sabi nila namana ko kay mommy. Ibig sabihin kahit anong inom ko ng alak o kahit anong nakakalasing na inumin hindi ito umeepekto sa akin. Oo nahihilo ako, pero alam ko ang mga nagaganap. Nagsusuka ako pero natatandaan ko at nasa huwsisyo ako."
sabi ni Adira na ikinalunok ni Joyce.

"Lola, alam kong ayaw mo po sa akin para kay Shadow kaya naman po sana huwag niyong hayaan na magkagulo ang pagkakaibigan ng asawa niyo sa grupo ng lola Tiffany ko. Ganito na lang po, hahayaan ko ang apo niyo na makipagrelasyon sa iba." sabi ni Adira.

"Makipagrelasyon sa iba? Alam mo ba na kasama ang pakikipagtalik sa isang relasyon sa panahon ngayon?" sabi ni Joyce.


"Tama po, pero hindi para sa akin. Alam kong mababa po ang tingin niyo sa akin pero nasa level po ako na tinuruan naman po ako ng maayos ng mga lolo ko. Alam ko rin naman kung paano mahalin ang sarili ko."
sabi ni Adira na ikinatahimik ni Joyce.


"Papayag ako kung may magustuhan kayo para kay Shadow at ipa-date niyo. Tutal wala naman alam ang grupo ko sa kung anong meron kami ng apo niyo."
dagdag na sabi ni Adira.

"Tapos ganoon ka rin sa iba? Huh! Makikipaglampungan ka rin sa iba kahit sabihin mong kissing lang iyon." sabi ni Joyce na ikinangiti ni Adira.

"Minsan naiisip ko, ang pagiging selfish ni Shadow ay namana niya sa inyo. Pero sige, babayaran ko po kayo. At ang bayad ko hindi ako makikipagrelasyon sa iba habang kami ni Shadow. Hindi ako aamin ng relasyon namin hanggat hindi kay Shadow nagmumula. Hindi ko siya sasaktan dahil alam kong masasaktan din kayo. At higit sa lahat, mananatiling kami kahit na may ka-date siyang iba sa harap ko at sa harap ng mga kagrupo ko." sabi ni Adira na ikinatitig ni Joyce kay Adira.

"Tingin mo maniniwala ako?" sabi ni Joyce.


"Gagawin ko ang lahat, at nasa inyo po iyon kung papayag kayo. Pero..."
sabi ni Adira na ikinataas ng kilay ni Joyce.


"Pero?"
sabi ni Joyce


"Kapag nakabuntis si Shadow, lalayo ako at iyon ang katapusan ng relasyon namin."
sabi ni Adira.

"Paano kung dumating sa punto na dumating ka sa trenta anyos na hindi ka pakawalan ni Shadow pero nakikipagrelasyon siya sa iba, at hindi ka pa rin niya maipakilala sa lahat?" sabi ni Joyce.


"Iyon ang kabayaran ko sa milyones na inilabas niyo sa kaarawan ko. Hanggat hindi ako pinapakawalan ng apo niyo at hangga t wala siyang anak sa iba hindi ko siya iiwan. At mananatili ako sa tabi niya ng patago hanggat gusto niya."
sabi ni Adira.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka pa rin niya ipinakikilala? Kahit kanina, may oras na siya na ipakilala ka bilang nobya niya sa lahat." sabi ni Joyce.

"Kaibigan ko si Shadow bago naging kami, at kung anuman ang dahilan niya siguro may malaking rason at kung anuman ang rason gagalangin ko." sabi ni Adira.

"Huh! Imposible ang mga sinasabi mo, iniikot mo ako dahil hindi ako naniniwala na hindi ka magkaroon ng relasyon." sabi ni Joyce.


Napangiti si Adira saka ito nagsalita.

"Kilala ako ng apo niyo at alam kong magsusumbong siya sa inyo. Isa akong Valiente at may isang salita ako, isa rin akong Gonzalez na may pagpapahalaga sa pagkababae ko. Babayaran ko kayo sa pamamagitan ng paglilingkod ko bilang lihim na nobya ng apo niyo. Siguro naman po sapat na iyon? Dahil kayo na rin ang nagsabi, kaiangan ako ng apo niyo na hindi niyo mapaghindian." sabi ni Adira.

"Okay, ang sinabi mo ang panghahawakan ko. At kung hindi ka sumunod pagsisisihan mo." sabi ni Joyce kay Adira.

"Opo." nakangiting sabi ni Adira saka ito umiwas ng tingi kay Shadow dahil alam niyang hubad na ang binata.

"Hindi mo tinanggap ang singsing niya kaya siya nagpakalasing." sabi ni Joyce na bakas ang galit sa boses.

"Para din sa kanya iyon, at sa inyo. Ayoko siya makulong at ayoko siya makaramdam ng guilt kapag dumating ang araw na makahanap siya ng iba." sabi ni Adira.

"Ayaw mo rin makulong sa kanya? Kaya hindi mo tinanggap, tama ba?" sabi ni Joyce.


"Tama, dahil gusto ko magtira ng kaunting puhunan sa sarili ko. At ayoko ibayad sayo lahat ang buong ako para sa apo niyo. Sabi ko nga malaya si Shadow makakapili at makapagsaya, bagay na nawala sa akin dahil nagbabayad ako ng utang sayo. At ang kaunting ititira ko ay sa panahon na kapag nakahanap siya at tuluyan niya akong iwan, kaunting pagmamahal para sa sarili ko."
sabi ni Adira na ikinatahimik ni Joyce.

Napahingang malalim si Adira at tumayo ito kahit na nakakaramdam pa siya ng pagkahilo sa kalasingan.

"Huwag niyong itali si Shadow sa bagay na hindi pa siya handa. Kung mahal niyo talaga siya, hihintayin niyo siyang maging handa na maging ama at tumayo sa mga paa niya. Dahil kung ako nga na hindi niya kaya ipangalandakan sa lahat, what more pa ang anak namin na gagawin namin, na wala sa huwisyo niya." sabi ni Adira saka ito nito inayos ang damit at ngumiting tumingin kay Joyce.

"Alam ko pong naiinggit kayo dahil may apo na sa tuhod sila lolo Ramon. Pero sana huwag niyo pairalin ang pagiging spoiled niyo para makuha ang lahat.

Nandiyan naman po si Shadow, mas kailangan niya kayo. Kaya huwag naman kayo maghanap ng ibang apo kung may apo pa kayong kailangan kayo at hangad ang buong atensyon niyo." nakangiting sabi ni Adira saka ito napahingang malalim.

"Aalis na po ako, salamat sa mga regalo." nakangiting sabi ni Adira at sumusuray itong lumabas ng kuwarto ni Shadow habang sinusundan lamang ng tingin ni Joyce.

"Okay, bayad ka na. Siguraduhin mo lang na hindi mo paiiyakin ang apo ko. Nobya ka niya hanggat gusto niya, bagay na regalo ko sa kanya. Isang laruan na itatago niya habang gusto niya." nakangising sabi ni Joyce ng makalabas ng tuluyan ng kuwarto si Adira at maisara ang pintuan, saka ito napatingin sa apo.

"Hays! Bibihisan na kita. Huwag kang mag-alala hindi ka niya paiiyakin at sasaktan. Malaya ka apo, habang nasa tabi mo lang siya." nakangiting sabi ni Joyce saka nito binihisan si Shadow.

......................­

April 19, 2022 1.17pm

Fifth Street


Hoping for first 100 followers


Dreame Acct :

Rose Chua Novels


FB Page :

https://www.facebook.com/UnderwriterFifthStreet

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top