Kabanata 2 : Message
Kabanata 2 : Message
Montemayor Ranch, Ikalawang Bayan
El Paradiso
"Lola." tawag ni Shadow ng hapong iyon ng makauwi sa bahay nila.
"Anak, wala ang lola mo." sabi ni Joey sa anak ng magawi si Shadow sa kusina kung saan nagluluto ito ng mga oras na iyon.
"Nasaan po siya, mommy?" tanong ni Shadow.
"Pumunta ng Manila kasi pinatawag siya sa agency." sabi ni Joey sa anak.
Napakunot ang noo ng batang lalaki, nagmamay-ari ang lola niya ng malaki at kilalang modelling agency sa bansa at ang opisina nito ay nasa Manila kung saan madalas doon ang lola pero kapag umaalis ito sa bahay nila, hindi nito nalilimutan magpaalam sa kanya, tumawag o magtext kapag naman nagmamadali talaga ito.
"Hindi po siya nagpaalam sa akin." sabi ni Shadow.
Napatingin si Joey sa anak saka ito napangiti. Nag-iisang anak lamang nila Joey at Martein si Shadow kaya si Shadow ay nag-iisang apo lamang ng mga magulang niya kung saan unica iha naman siya ng mga ito. At malaki ang napunan ng pagkukulang ni Shadow sa buhay niya at ng mga magulang niya,
Dahil alam ni Joey, ninais ng mommy at daddy niya na magkaroon ng anak na lalaki at dahil mas matanda ang mommy niya sa daddy niya kaya nahirapan itong maghabol. Isama pa na workaholic ang mommy niya.
Kaya naman lumaki si Joey na boyish, kung saan Joey nga ang naging palayaw niya sa totoong pangalan niyang Jossa.
"Nagpaalam siya sayo." sabi ni Joey sa anak.
"Nagpaalam siya." nagtatakang sabi ni Shadow na agad kinuha ang cellphone pero wala naman mensahe ang lola niya doon.
Napangiti si Joey, lumaki sa luho ng mga magulang niya ang anak na si Shadow na hindi naman niya kinuwestiyon. Lahat binibigay ng magulang niya lalo na ang lola niya sa anak niya. Ultimo kahit mahal iyon hinahayaan lang niya dahil nais din niyang maramdaman ni Shadow na mahal mahal nila ito.
Kaya lumaki si Shadow na kasunod lagi ng mommy niya kahit saan, laki sa layaw, at nabibigay ng luho na kung tutuusin ang mommy parang ang mommy na niya ang bumuhay sa anak niya.
"Oo." sabi ni Joey.
"Pero wala naman siyang message sa akin." sabi ni Shadow na halatang hindi ito sanay na hindi nagpapaalam o nakakausap ang lola nito.
"Ang sabi ni mommy, binilhan ka niya ng cellphone. May sim iyon at doon ka niya tinext." sabi ni Joey
Napatitig si Shadow sa ina, hindi alam ng lola niya na ibibigay niya ang cellphone kay Adira kaya napatango na lamang si Shadow.
"Ahhh, nasa bag ko po. Sige titingnan ko po." pagsisinungaling na sabi ni Shadow na agad umakyat sa ikalawang palapag na ikinakunot noo ni Joey.
...................
Unang Bayan, El Paradiso
Valiente Private Cottage
"Lagot may cellphone ka." namimilog na mata na sabi ni Elle kay Adira ng makita ang cellphone sa gamit ng pinsan ng pumasok ito sa kuwarto ni Adira at nakialam ng gamit nito.
"Bakit mo pinakialamanan ang gamit ko?" sabi ni Adira na kalalabas lang ng banyo at ng makita ang pinsan na nasa kama niya at kinakalkal ang bag niya.
Nasa Valiente Private cottage ang magpinsan kung saan bumisita si Elle na nakatira sa lolo nitong si Rod na malapit lamang ang Cottage sa kanila.
"Kuha ako pasalubong. Kasi si Ate Winter at Yummy bigay ako pasalubong kuha ako sa bag nila. Okay lang sa kanila." sabi ni Elle na noo'y nasa anim na taong gulang pa lamang.
"Sa kanila okay, pero sa akin at ang tama dapat nagpapaalam ka kasi hindi naman sayo ang gamit na ito." sabi ni Adira ng makalapit sa kama at kinuha ang bag niya.
"May cellphone ka kita ko, sumbong kita kay Papa." sabi ni Elle.
"Nakialam ka na nga magsusumbong ka pa." sabi ni Adira na hindi naitago ang inis.
"Palo ka sa puwet ni daddy mo. Lagot ka." sabi ni Elle habang namimilog ang mga mata nito.
"Aisssst. Huwag mo sabihin ang nakita mo." sabi ni Adira.
"Di ko sabi, basta hiram ako. Tapos ako tago ilalim ng kama mo para di ako kita." sabi ni Elle na ikinatitig ni Adira sa pinsan
Nasa kuwarto ni Adira si Elle na madalas naman gawin ni Elle, ang pumasok sa mga kuwarto nila. At dahil si Elle ang pinakabata sa grupo kaya mahilig pa ito maglaro, lalo na at may mga laruan pa si Adira sa kuwarto niya kaya mas hilig ni Elle na sa kanya tumambay at makialam ng mga gamit lalo na sa mga laruan niya.
"Ayoko! Lumabas ka na nga." inis na sabi ni Adira dahil ang balak niya ay pag-aralan ang cellphone na binigay ni Shadow sa kanya.
"Ayoko." sabi ni Elle sabay padyak ng mga paa nito.
"Haisst." napabuntung hiningang sabi ni Adira dahil alam niyang spoiled ang pinsan at hindi ito tumitigil hanggat hindi nakukuha ang gusto.
"Mag-aaral pa ako." sabi ni Adira.
"Aral, may cellphone ka, eh. O sumbong na lang kita." sabi ni Elle na naluluha na rin dahil hindi ito sanay na hindi naibibigay ang gusto.
"Bakit ka umiiyak?" sabi ni Adira ng makita namumuo ang luha ni Elle sa mga mata nito.
"Hiram ako cellphone, ayaw mo. Damot ka?" sabi ni Elle na pinipigilan humikbi.
"Ayoko nga." sabi ni Adira.
"Sumbong kita talaga." inis na may pagpadyak na sabi ni Elle.
Napahingang malalim si Adira mas bata di hamak si Elle sa kanya at alam niyang wala siyang laban dito lalo na kapag nagsumbong ito sa lolo Ramon nila, o kahit nga sa Lolo Lukaz niya na hindi naman nito kaano-ano, spoiled ito. Paano ba naman hindi?
Maganda ang pinsan iyang si Elle, morena beauty ito na nakuha sa mga Valiente, ang mga mata ay nakuha din sa part ng lolo Ramon niya na tipo maninila ng kalaban pero ang pagkakaiba singkit ito na nakuha naman sa mga Cheung. Malamyos din ang boses nito at ang mukha ni Elle kapag naiiyak ay tila madadala ka sa awa.
"Umalis ka na nga." sabi ni Adira ng biglang tumunog ang cellphone niya na bigay ni Shadow.
"Sumbong kita ngayon na. May jowa ka tawag mo. Lagot ka." sabi ni Elle at akmang tatakbo ito palabas ng kuwarto ng hilahin ito ni Adira. At hindi sinasadya sa paghila ni Adira sa liit ni Elle napaupo ito sa sahig na ikinaigik ni Elle at ikinabalon ng luha sa mga mata nito sa nagbabadyang malakas na pag-iyak nito.
"Ohhhh. Huwag kang iiyak." sabi ni Adira sabay yakap kay Elle.
"Umbong kita, aktan mo ato." nabulol pa lalong umiiyak na sabi ni Elle na lalong kinatakot ni Adira dahil kapag nabubulol pa lalo si Elle panigurado magtatawag na ito ng mga pulis na kaaway nito na magiging kakampi ng pinsan niya. At ang mga pulis ay mga lalaki sa pamilya nila.
"Sorry na. Sige na papahiramin na kita basta huwag mo ako isusumbong." sabi ni Adira.
"Di kita umbong." humihikbing sabi ni Elle.
"Okay, okay. Stop crying na." sabi ni Adira sabay punas ng luha sa pisnge ng pinsan na halos mamula na ang mukha nito sa kakaiyak.
"Epon, hiyam epon." humihikbing sabi ni Elle.
"Okay." sabi ni Adira sabay bigay ng cellphone kay Elle na nalimutan na nito ang tumunog na cellphone kanina.
Pagkabigay ng cellphone kay Elle mabilis na kinuha iyon ng batang babae at sumuot sa ilalim ng kama ni Adira na ikinahingang malalim ni Adira.
"Di ako sumbong dito lang ako laro. "sabi ni Elle na may paghikbi pa habang nakadapa na sa ilalim ng kama habang kinakalikot ang cellphone ni Adira.
................
Ikalawang Bayan
"Asar! Bakit hindi niya sinasagot ang message ko? Kinakansel pa niya ang tawag ko." inis na sabi ni Shadow sabay tawag muli sa cellphone ni Adira na bigay niya pero nag busy tone iyon.
"Asar! May kausap siya." inis na sabi ni Shadow.
"Nagtetext si lola doon, hindi man lang sinasabi o kaya sinesend sa akin." napipikong sabi ni Shadow.
Napahingang malalim si Shadow nasa loob siya ng kuwarto ng lola at lolo niya. At kapag ganoon, namimiss niya ang lola niya. Aminado siya hindi siya sanay na hindi nakakausap ang lola niya sa isang araw o nakakatext man lang. Minsan kasi kapag busy ito text lang sapat na sa kanya. Kung tutuusin nga mas close siya sa lola niya kaysa sa Mommy niya. Pero mahal naman niya ang mommy niya, iyon nga lang iba magmahal ang lola niya. Doble ng pagmamahal ng ina para sa kanya.
"Asar. Sana pala hindi ko na lang binigay." nakokonsenysang sabi ni Shadow ng maisip ang ginawang pagbigay ng cellphone niya kay Adira na binili ng lola niya para sa kanya.
"Buweset. Para mas pinili ko pa siya kaysa sa lola ko. Tsss. Nakikipaglandian lang pala siya sa mga boys niya." inis na sabi ni Shadow.
"Best friend. Huh! Baka best friend niya lahat ng lalaki." inis na sabi muli ni Shadow.
Napahiga si Shadow sa kama ng lolo at lola niya saka tumingin sa ceiling at umusal.
"Kapag hindi kita natawagan hindi na kita papansinin at kapag hindi mo nasend ang messages ni lola sa akin lagot ka sa akin." inis na sabi ni Shadow saka nito kinuha uli ang cellphone at nagtipa roon ng mensahe kay Adira.
................
Unang Bayan, El Paradiso.
"Asar dami istorbo sa laro ko." inis na sabi ni Elle saka nito pinagpipindot ang cellphone.
Napapatingin lang si Adira sa pinsan na nasa ilalim ng kama niya habang siya naman ay nasa baba ng kama at naglagay ng sapin doon at doon na nag-aral at gumawa ng assignment niya sa school.
Kanina pa niya napapansin si Elle na naiinis at minsan naman natutuwa ito. Na ikinangingiti niya dahil nasa ugali ng mga Valiente ang pagiging bugnutin, na mabuti na lang, hindi niya namana. Dahil sigurado siya ang ugali ng Mommy niya ang namana niya. Cool lang, tipong hindi mo kailangan mag-effort na ilabas ang isang damdamin lalo na kapag galit.
Ilang oras din ang lumipas ng matapos si Adira sa pag-aaral at paggawa ng assignment ng sulyapan nito si Elle.
"Tsss, nakatulog din ang bata." nakangising sabi ni Adira ng makita si Elle na nakadapa habang natutulog at ng makita ang cellphone niya ay lobat na iyon.
"Grabeng bata ito sarap itapon. Hahaha." natawang birong sabi ni Adira.
Gumapang si Adira sa ilalim ng bed niya saka nito dahan-dahan hinila si Elle para makalabas ito ng ilalaim ng kama.
Pagkahila ni Adira inayos niya sa pagkakahiga sa lapag si Elle. May nakalagay na siyang comforter doon kung saan siya nag-aaral kanina. Kumuha siya ng unan at pinalibutan ng unan ang natutulog na pinsan.
Nang ilang sandali pa ng maayos si Elle at masiguro ni Adira na nasa kahimbingan na ito ng tulog. Marahan na kinuha sa ilalim ng kama ni Adira ang cellphone at chinarge iyon.
"Aissst. Lobat na lobat. "naiiling na sabi ni Adira saka nito iniwan ang cellphone na inilagay nito sa hindi mapapansin ng kahit sino.
...............
Ikalawang Bayan.
"Asar. Namimiss ko si lola, hindi ko naman siya puwede tawagan sa cellphone ko dahil maghihinala iyon na binigay ko sa iba ang ibinigay niya sa akin." sabi ni Shadow nang ilang oras na siyang nakahiga sa kama ni hindi na siya nakapag-aral sa exam nila bukas o kahit nakagawa ng assignment kakaisip sa lola niya na namimis na niya.
"Aiissst! Buweset." sabi ni Shadow saka ito tumayo mula sa kama ng lola niya kung saan siya nakahiga saka ito nagmamadali lumabas ng kuwarto at bumaba.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Martein sa anak ng makita si Shadow na nagmamadali bumababa ng hagdan habang nakaupo si Martein sa sala.
"Sa kuwadra lang po." sabi ni Shadow.
"Huwag ka ng gumala, pagabi na." sabi ni Martein sa anak.
Napangiti si Shadow. Chief Inspector ang tatay niya sa Tres Islas, kaya kilala ito sa bayan nila. Malaking tulong para sa kanya dahil hindi siya nabubully ng mga batang kaedaran niya di tulad ng ibang salta o bago lang sa lugar.
"Yes dad." sabi ni Shadow saka ito nagmamadaling lumabas ng bahay.
Alam naman ni Shadow na hindi siya sisitahin ng daddy niya, takot ito sa lola niya o kahit nga sino sa grupo nito, kaya para sa kanya isa iyong malaking tulong para hindi rin kuyugin o bullyhin sa grupo nila lalo na at may limang lalaki na mas matanda sa kanya na bida ng grupo o mga tinuturing na leader sa grupo nila.
Iba ang lola niya, mataray kasi ito pero ang hindi alam ng lahat mabait ang lola niya o baka sa kanya lang din, kasi paborito siya nito at siya lamang ang apo nito.
"Fighter, aalis tayo." sabi ni Shadow ng makarating sa kuwadra kung saan ilang mamahaling kabayo ang naroroon na lahat ay sa kanya. Tama, dahil may koleksyon at alaga siyang mamahaling mga kabayo. Kung saan nahiligan niya ang pag-aalaga ng mga ito noong nasa Texas siya na sa murang gulang mga kabayo ang nakapalibot sa kanya at naging kaibigan niya.
"Diyan lang ang iba. Mabilis lang kami." nakangiting sabi ni Shadow na nakuha pang yakapin ang hindi bababa sa sampung kabayo sa kuwadrang iyon.
Sumakay si Shadow kay Fighter at mabilis itong pinatakbo.
April 12, 2022 8.47 am
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top