Kabanata 15 : Joyce and Arthur LS


Kabanata 15 : Joyce and Arthur LS

Present Day


"Apo mo? Akala ko ba ikaw ang mamimili ng mapapangasawa niya at siguro naman may class mamili ang apo natin?" sabi ni Arthur kay Joyce.

"Aissst. Kahit mayaman ang babae walang class naman kung manamit, pang bar lang ang suot." inis na sabi ni Joyce.

"Ganoon ba?" sabi ni Arthur..

"Sumakay ka na nga at baka sa kotse pa nila gawin ang apo ko at magkaroon pa ako ng sakang na apo." sabi ni Joyce sa asawa na kauuwi lang, dahil kahit na matanda na si Arthur nagtatrabaho pa rin ito at ni minsan hindi ito nakihati sa p era niyao kahit biruin siya. May prenup agreement sila na hindi naman ikinasama ng asawa niya.

Bagay na minsan pinagsisihan ni Joyce ang prenup agreement niya kung saan hindi makikinabang ang asawa niya sa lahat ng yaman na meron siya.

.................

Flashback

Years Ago, Franxie Resto

"Tayo na?" sabi ni Arthur na noo'y bente anyos..

"Oo. Ayaw mo?" tanong ni Joyce na kung tutuusin hindi siya sure sa sinabi. Hindi kasi siya tinantanan ni Arthur sa panliligaw. Isama pa na nakagraduate na ang binata sa kolehiyo sa edad na bente at nakapasa ng pagiging arkitekto kung saan nakuha nito ang unang puwesto sa pagiging propesyonal na arkitekto.

"Siyempre gusto ko." masayang sabi ni Arthur na kung tutuusin si Joyce ang naging inspirasyon niya para makagraduate ng maaga. Accelerated siya lagi at lahat ng subject niya inuuno niya kaya naman madali para sa kanya ang makapagtapos ng pag-aarl at makapasa sa lahat ng exam

Ang plano kasi ni Arhur mapantayan si Joyce at unti-unti iyon natutupad. Isama pa na pinamanahan siya ng daddy niyang kano, kaya ang siste nag-iinvest siya sa batang edad niya at pinag-aaralan niya kung paano yumaman na madali lamang para sa kanya.

"Okay, so tayo na." sabi ni Joyce na mukhang hindi naman mahahalata ang edad nila ni Arthur, alaga naman kasi ang kutis niya ng doctor. Isama pa na tila magkaedaran na rin sila ni Arthur, tumangkad pa kasi ito at mamang-mama na tingnan. Bukod doon, sa murang gulang may kinikita na ang binata na dagdag puntos kay Joyce.

................

Present day

"Okay okay. Sasakay na ako at baka nga maging sakang ang apo natin sa tuhod." sabi ni Arthur na sumakay na nga sa kotse.

"Imulat mo yang mga mata mo dapat mabantayan natin ang babae at baka masalsihan ang apo ko ng iba." sabi ni Joyce.

"Okay sige, pero kumain ka muna. May pasalubong ako sayo." sabi ni Arthur ng makasakay na ito ng kotse at sinimulan ng paandarin ng driver.

Napatingin si Joyce sa asawa, ang akala niya dati mawawala ang pagiging sweet ng asawa. Pero hindi dahil patuloy itong nagbibigay ng rosas na tila ninakaw lang sa garden o kaya kendi na tig pipiso. Kahit ano binibigay nito basta may maibigay sa kanya tuwing umuuwi ito at nagkikita sila.

"Bumili ako ng nilagang mani sa batang naglalako sa kalye. Pinakyaw ko dahil kawawa naman." sabi ni Arthur at mula sa bag nito napangiti ng lihim si Joyce ng makita ang hindi baba sa limang supot na mani na halatang pinakyaw nga ng asawa ang mani.

"May itlog pugo pa na nilaga." napangiting sabi ni Arthur na ikinangiti ni Joyce dahil isa sa dahilan kung bakit nahulog ang loob niya kay Arthur sa pagiging simple nito, at thoughtful bagay na simple para sa kanya pero mataas ang level at score ng asawa sa kanya.

"Kainin mo ito, para kapag sinilip natin ang apo natin kung paano gawin ang apo natin sa tuhod hindi tayo yuyuko at mangangawit." sabi ni Arthur na ikinatawa ni Joyce.

Pinagbalatan pa siya ng asawa at kung dati naiinis si Joyce sa amoy ng mani at pugo na nilaga sa loob ng aircon ngayon hindi na, kasi ang saya sa mukha ng asawa niya ang nagbibigay ng kakaibang ligaya para sa kanya.

"Sandali, sino ba ang babaeng kasama ni Shadow?" sabi ni Arthur sabay subo kay Joyce ng nilagang mani matapos balatan.

"Aissst ang apo ni LJ." sabi ni Joyce sabay kain ng isinubo ni Arthur.

"Apo ni LJ?" sabi ni Arthur na kumain din ng itlog pugo na nabalatan na nito.

"Oo si Adira." sabi ni Joyce habang kumakain ng mani.

"Iyong apo ni Ramon?" sabi ni Arthur.

"Oo." sabi ni Joyce.

"Ay naku magkakaroon ako ng apo na galing sa hell." sabi ni Arthur.

"Aissst! Huwag kang magsabi ng ganyan." sabi ni Joyce habang sarap na sarap ito sa nilagang mani na isinusubo ni Arthur sa kanya.

"Sabagay anghel naman si Tiffany." nakangiting sabi ni Arthur na ikinatigil sa pagnguya ni Joyce ng mabanggit ang pangalan ng asawa ni Ramon.

Napakunot noo si Joyce sa sinabi ni Arthur alam niyang nilagawan ng asawa niya si Tiffany. Mahilig ang asawa niya sa babaeng mas matanda dito

................

Flashback

Years ago, Hotel de Manila

"Ano?" sabi ni Arthur ng makipaghiwalay sa kanya si Joyce ng hindi niya alam kung bakit.

Napataas ang kilay ni Joyce, architect na noon si Arthur sa SVU at teacher naman si Tiffany. Kung saan on and off ang relasyon nila ni Arthur, dahil mas pinipili niyang ang mga gig ng modelling career niya kaysa makasama ang nobyo. Hindi na rin nakakasama si Arthur sa kanya hindi tulad ng dati na kung nasaan siya naroroon ito. Dahil ito na kasi ang overall architect at isa na rin itong civil engr sa lahat ng building ng mga Cheung kung saan busy ito magpayaman.

Ang siste, madalas na sila hindi magkita. At nalaman niyang lagi nito kasama si Tiffany na ikinaiinis niya o selos pero tila manhid ang nobyo niya na hindi nakakahalata. Ayaw naman niyang sabihin dito na naiinis siya at baka mapagkalamang insecure siya kay Tiffany.

"Okay kung ayaw mong hiwalay edi call off na lang." mataray na sabi ni Joyce kahit sa dibdib nito naiinis siya at nagseselos dahil may nakapagsabi sa kanya na ka-date lagi ni Arthur si Tiffany at madalas magkasama sa school canteen at sa Franxie resto. Mamahaling resto na para sa kanya special na babae lang ang dinadala doon.

Napatitig si Arthur sa nobya, madalas niya ito hindi makasama at para ngang hiwalay na sila, dahil ilang taon na silang ganito. Malayo lagi, daig pa nga nila ang LDR. Pero kahit ganoon, inuunawa niya ito. Tulad ngayon talagang pumunta siya ng Manila kahit na may importante siyang meeting sa N.E. Nasa mamahaling hotel sila sa Manila, naglustay siya ng pera at isinantabi ang responsibilidad niya sa pinagtatrabahuan para bigyan ng oras ang ilang taon na niyang hindi nakakasamang nobya.

"Call off." mataray na sabi ni Joyce sabay iwas ng tingin kay Arthur ng nakatitig lamang ito sa kanya.

Hindi pa rin umimik si Arthur pero nagulat si Joyce ng lumuha ang nobyo sa harapan niya at humikbi ito kaya napatingin siya sa paligid, mabuti na lang nasa mamahalin silang puwesto iyong tipong ang lalayo ng mga mesa at may privacy talaga. Romantic place na masasabi mong sulit sa mahal kung saan si Arthur ang gumastos.

"Kulang pa ba?" lumuluhang sabi ni Arthur na ikinatitig ni Joyce sa nobyo.


"Ang alin?"
sabi ni Joyce na tila nakonsensya siya dahil ang totoo isa sa kahinaan niya kapag iniiyakan siya ng lalaki at si Arthur pa lang ang gumagawa nun na pakiramdam niya siya lang ang buhay nito na nakakaboost ng ego ni Joyce.

"Iyong ginagawa ko. Pinagbigyan kita, hinayaan kita sa gusto mo. Kahit na nababalitaan kong may mga nagiging nobyo ka. Binibigay ko naman ang lahat, hindi naman ako nakakalimot. Kahit busy ako sinisingit kita." sabi ni Arthur.

"So, utang na loob ko sayo?" sabi ni Joyce na pinagtakpan ng pagtataray ang nararamdan niyang guilty ng makita ang lungkot at paghihirap sa mukha ni Arthur.

"Nandiyan ako lagi sayo, pero wala ka sa tabi ko kapag kailangan kita. Namatay ang daddy ko sa NYC ng hindi ka pumunta kahit alam kong naroroon ka. Namatay ang mama ko, hindi ka pa rin pumunta. Ibinigay ko sayo lahat ng ikasisiya mo, lahat ng meron ka hinigitan ko ang pagbibigay sayo, binigyan din kita ng oras. Kahit kailangan ko ang oras mo.

Umalis ako sa N.E kahit may meeting ako ngayon, alam mo ba ang kapalit noon puwede ako mawalan ng trabaho. Pero hindi ko naisip dahil ang sabi ko, may oras ka na sa akin so ako na lang mag-aadjust puntahan ka." sabi ni Arthur na ikinalunok ni Joyce.


"Call off? Hindi pa ba call off ang ilang taon na tayo pero hindi kita makapa at maramdaman sa tabi ko. Ni wala ka sa panahon na kailangan kita sa pagkamatay ng magulang ko." sabi ni Arthur saka nito pinunasan ang luha at ngumiti.

"Sabi mo mas bata ako sayo, immature kaya ayaw mo sa akin dati. Pero ngayon naisip ko, kung sino nga ba ang immature sa ating dalawa? Tama nga ang edad ay numero lamang, dahil kahit gaano ka katanda kung wala kang alam sa buhay hindi mo malalaman ang salitang maturity." sabi ni Arthur na ikinalunok pa lalo ni Joyce.

"Okay. Call off tayo, pero mukhang ayaw mo na talaga. So, palalayain na kita." sabi ni Arthur na ikinanlaki ng mga mata ni Joyce ng tumayo si Arthur habang lumuluha ito.

Sa pagtayo ni Arthur nagulat naman ang binata ng biglang ituwad ni Joyce ang mesa na ikinatumba nito at ikinabasag ng mga plato at baso at ikinatapon ng mga pagkain sa lapag.

"Gusto mo siya? Kaya mabilis mo akong iiwan." sabi ni Joyce sabay padyak ng paa nito at pagluha na tila bata na ikinagulat ni Arthur.

"Ano?" sabi ni Arthur habang nakatingin na sa kanila ang lahat.

"Iyong teacher na iyon sa SVU. Gusto mo siya? May nangyari na ba sa inyo? Buntis ba? Ilang buwan?" umiiyak na sabi ni Joyce na kahit matanda ito kay Arthur tila bumalik ito sa pagkabata sa paraan ng pag-iyak nito na tila inagawan ng laruan.

"Sino?" naguguluhang sabi ni Arthur sabay punas sa luha niya ng makita ang selos sa unang pagkakataon sa mukha at mata ni Joyce.

"Si Tiffany. Punyeta iyong pangalan lang ang mahal. Akin pa rin ang kaligayahan sa pangalan." sabi ni Joyce na ikinatawa ni Arthur ng lalong umiyak si Joyce at tila wala na itong pakialam kung makakasira sa career nito ang ginagawang eskandalo sa pag-iyak at pagtumba ng mesa.

"Hahaha! Okay ka lang? Maraming nanonood sayo. Ikaw din baka mawala ang ningning mo sa pagrampa sa entablado." natawang sabi ni Arthur na nakaramdam ng saya ng makita ang selos sa mata ni Joyce na tila mangangalmot ito anytime.

"Lagot sa akin ang Tiffany na iyan kakalbuhin ko siya ng mamahaling kong sukaly at kukurutin ko siya ng mamahaling kong nailcutter." sabi ni Joyce na ikinatawa ng mga tao at ni Arthur sa sinabi ni Joyce sabay hawi pa ng dalaga ng magandang buhok na tila rarampa ito.

"Hindi lang iyon, sasampalin ko siya ng Gucci kong bag. At ito pa, kapag nakita ko siya sisipain ko siya ng milyones kong sapatos." sabi ni Joyce sabay taas ng sapatos nito na may poise na ikinatawa ng lahat.

"Sandali lang maghahanda ako sa pagsugod. Magpapaparlor muna ako at bibili ako ng damit, iyong maganda." sabi ni Joyce tumalikod ito pero akmang aalis ito ng lumingon uli ito kay Arthur.

"Ano?" natatawang sabi ni Arthur.


"Hindi mo ako pipigilan?"
sabi ni Joyce na napaiyak.

Napatitig si Arthur kay Joyce at hindi ito nagsalita.

"Mahal mo na siya? Kaysa sa akin? Naiinip ka na ba? Kakahintay sa akin?" napaiyak na sabi ni Joyce sabay lagay ng palad nito sa mukha saka ito humagolhol ng malakas.

"Matanda na kasi ako, pero matanda din naman siya. Mas fresh ba siya tingnan?" umiiyak na sabi ni Joyce

Napahingang malalim si Arthur at nilapitan ang nobya saka ito niyakap.

"Maganda siya tulad mo, pero sabi mo nga nasa pangalan mo ang kaligayahan. Naunawaan mo? Hindi ko kailangan ng material na bagay ang gusto ko kaligayahan mula sayo." sabi ni Arthur na ikinatingin ni Joyce sa nobyo.


"...kahit una ka pang kumulubot okay lang. Hindi kita pagpapalit, hinihintay nga kita kahit na matagal kang dumating. Huwag ka ng umiyak, kaibigan ko lang si Tiffany."
nakangiting sabi ni Arthur.


"Binabawi ko na iyong call off. Tayo pa rin, joke lang iyon call off."
sabi ni Joyce na ikinangiti ni Arthur.

"Mahal mo ako?" tanong ni Arthur na ikinatango ni Joyce.


"Oo naman."
sabi ni Joyce saka nito niyakap si Arthur.

"Talaga? Eh nabalitaan ko nagkikita kayo ni JC." sabi ni Arthur.

"May asawa na iyon, iyong ex mong si Charlotte." sabi ni Joyce na ikinangiti ni Arthur.

"Hindi ko ex si Charlotte." sabi ni Arthur

"Naging kayo ni Charlotte, sabi ni JC sa akin." sabi ni Joyce.

"Nagkikita kayo ni JC?" sabi ni Arthur na nakaramdam ng selos.


"Nakita ko siya minsan sa isang gathering kasama niya si Charlotte."
sabi ni Joyce.

"Naging kayo ni JC hindi ba dapat ako ang magselos?" sabi ni Arthur.

"Hiniwalayan ko si JC kasi gusto niya si Charlotte kaysa sa akin. Hindi naman ako nasaktan sa paghihiwalay namin, dahil mas nasaktan ako noong nalaman kong naging jowa mo si Charlotte. Gusto ko siya sugurin ng makita ko siya sa party. Hindi dahil kasama niya si JC kundi dahil naging jowa mo siya." inis na sabi ni Joyce na ikinangiti ni Arthur.

"Hindi naging kami ni Charlotte naging crush ko lang siya tulad ni Marie, Ella at Tiffany, pero ikaw lang ang best crush ko. Ikaw lang best sa akin." sabi ni Arthur na ikinatitig ni Joyce kay Arthur.

"....mahal kita, dati pa mula noong pinagyabang mo iyong ballpen mo at tinawag kitang ate. Natuwa kasi ako sayo, inisip ko paano ka kaya maging nobya. Lagi mong pinagmamalaki ang mga gamit mong mamahalin. Kaya sabi ko, bibigyan kita ng simpleng bagay, pagkain na hindi mo malilimutan dahil may pagmamahal." sabi ni Arthur.


"Ayoko ng cheap."
sabi ni Joyce


"Hahaha! Hindi ka naman cheap ikaw nga ang best. At ang mga simpleng bagay na binibigay ko sayo ay kaligayahan na hindi mo malilimutan."
sabi ni Arthur.


"Okay, pero may sasabihin ako sayo."
sabi ni Joyce.

"Ano?" sabi ni Arthur.


"Kapag naisipan mong pakasalan ako, may prenup tayo."
sabi ni Joyce na ikinangiti ni Arthur na tila wala lang dito ang lahat.


"Sure. Pakakasalan mo na ba ako? Kapag pumirma ako ng prenup."
sabi ni Arthur.

"Hindi pa ako ready." sabi ni Joyce na ikinatango ni Arthur.

"Okay." nakangiting sabi ni Arthur.

"Mahihintay mo ba ako?" sabi ni Joyce.


"Oo naman, hihintayin kita kung kailan mo ako pupuntahan."
sabi ni Arthur na ikinangiti ni Joyce saka nito niyakap ang nobyo.

"Bayaran mo iyong sinira ko." bulong ni Joyce ng mapatingin sa lapag.

"Hahahaha. Oo ako na bahala diyan." natawang sabi ni Arthur.

.................

Present Day

"Si Tiffany ang lola ni Adira? Masaya ka ba?" sabi ni Joyce na napataas ng kilay.


"Hahahaha. Nagseselos ka pa rin? Aissst! Ikaw ang mahal ko, at matanda na tayo kaya magpokos tayo sa magiging apo natin sa tuhod."
sabi ni Arthur.

"Sabagay, tama ka. Dahil baka gawin lang nila sa kotse tulad ng paggawa natin kay Jossa. Aissst! Hiwa iyon at siyempre gusto ko baby boy uli." sabi ni Joyce.


"Hahaha. Ayaw mo ng apong babae?"
sabi ni Arthur


"Okay naman pero mas prefer ko ang baby boy para ako lang ang girl at ang baby Jossa natin."
sabi ni Joyce na ikinatawa ni Arthur.

"Maam excuse me po." sabi ng driver sa mag-asawa na kanina pa natatawa ng lihim sa pinag-uusapan sa dalawa.

"Bakit? May humarang pang baka?" tanong ni Joyce.


"Hahaha! Anong baka? Nasa Manila tayo."
natawang sabi ni Arthur.

"Aissst! Ang mga bata sa kamaynilaan parang mga baka sa lansangan. Businahan mo tititigan ka lang. Di ba ganoon ang baka sa rancho? Businhan mo titigil pa lalo sa gitna ng daan para titigan ka. Ganoon ang mga batang lansangan. Sa panahon kasi ngayon Cow's milk ang pinapainom sa kanila hindi galing sa ina. Kaya ayon ang ugali pang baka." sabi ni Joyce na ikinatawa ni Arthur at ng driver

"Hahaha. Ikaw talaga." natawang sabi ni Arthur.


"Ano ba iyan nakikita mo?"
sabi ni Joyce sa driver.

"Lumiko po ang kotse ni Sir Shadow." sabi ng driver at ng tingnan sa labas ng bintana nila Joyce at Arthur nanlaki ang mga mata ng mag-asawa ng sa mismong hotel pupunta ang dalawa.

"Uyyyy, hindi puwede disi sais pa lang sila." sabi ni Joyce na nagpanic ng pumasok sa hotel ang kotse ni Shadow sa pagliko nito.

"Sundan mo bilis." sabi ni Joyce sa driver.

"Okay po." sabi ng driver.

"Naku! Baka may hawakan na sa loob ng kotse. My God! Art, baka nakabuo na nang hindi natin nakikita ang paggawa. Hindi ako prepared, wala tayo spycam. Hindi natin makikita kung paano gawin." sabi ni Joyce na ikinatawa ni Arthur at ng driver.


April 16, 2022 11.36am

Fifth Street


Dreama Acct

Rose Chua Novels

Follow my page fresh pa


https://www.facebook.com/Rose-Chua-Novels-108059525215252

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top