Kabanata 14 : Joyce and Arthur

Kabanata 14 : Joyce and Arthur Love Story

Manila


"Saan ka pupunta?" tanong ni Architect Arthur Jimenez ng makita ang asawa na nagmamadaling sumakay ng kotse nito.

Napatingin si Joyce sa asawa at napangiti ito ng makita ang amboy na mukha ng asawa, mas bata sa kanya ito ng ilang taon pero hindi ito nag-alangan sa edad nila. Dose anyos pa lang ang asawa ng makilala niya ito at siya naman ay nasa kinse o disi sais anyos noon. Pareho sila ng eskuwelahan sa St. Valentine University na nasa N.E, na kung tutuusin hindi niya ito tipo bukod sa bata ito ayaw niya na biruin siya na mukha siyang ate o sugar mommy ng mga kaklase niyang mayayaman din noon kapag nakikita siyang nilalapitan ni Arthur noon.

"Iyong apo natin disi sais anyos pa lang pero mukhang balak ng gumawa ng apo natin sa tuhod." sabi ni Joyce sa asawa na arkitekto.

"Talaga?" di makapaniwalang sabi ni Arthur.

Madalas ang apo niya sa bahay nila, halos parang anak nila ito ng asawang si Joyce lahat ng luho binibigay nila. Ini-spoiled nila ito at aminado siya doon. Sabik din kasi siya sa anak na lalaki kaya naman ng malaman nila ng asawa na lalaking apo ang ibinigay sa kanila ng anak nilang si Jossa walang pag-aatubiling binantayan nila ang bata mula sa sinapupunan ng anak nila.

At ng lumabas si Shadow tila ito prinsipe sa kanila. Ni kagat ng lamok hindi nila pinapadapo sa balat nito. Mas spoiled pa nga ang apo nila kaysa sa anak nilang si Jossa.

"Oo, kaya kailangan makita ko ang lahat simula sa araw na ito." sabi ni Joyce sa asawa.

Napatingin si Arthur sa asawa, nahirapan siya kunin ito dati. Niligawan niya ito at ilang pambabasted ang naabot niya bago niya ito nakuha.

..............

Flashback

Years ago, SVU NE

"Ano ba?" inis na sabi ni Joyce sa noo'y disi syete anyos na noo'y nasa trese anyos na si Arthur.

"Para sayo." sabi ni Arthur habang hawak nito ang isang tangkay ng rosas na ikinangiwi ni Joyce dahil bukod sa isa lang iyon halatang ninakaw lang iyon sa hardin ng St Valentine University kung saan sila nag-aaral.

"Umuwi ka na nga." sabi ni Joyce sa batang lalaki ng lapitan siya nito sa park ng SVU ng high school building kung saan doon ang tambayan ni Joyce tuwing break.

"Nanalo ka na naman sa ibang school at gusto ko lang batiin ka at ibigay ito." sabi ni Arthur sa dalagita.

Napangisi si Joyce nasa Senior High na siya at kakapasok lang ng Junior High ni Arthur, guro ang nanay nito at scholar ang batang nasa harapan niya kaya kahit mahirap ito nakapasok si Arthur sa school nila. Bukod doon si Arthur ang kauna-unahang bata sa bansa na nag-uwi ng karangalan sa Math Oral Quiz na ginawa sa ibang bansa kung saan tinalo nito ang limampung bansa sa paligsahan at si Arthur ang pinakabata roon.

Amboy si Arthur, ang tatay nito ay isang Amerikano na napangasawa ng isang gurong Pilipina. Kaya kahit trese anyos pa lang ang batang lalaki matangkad ito at hindi papahuli sa taas ng disi syete anyos ni Joyce.

"Anong palagay mo sa akin? Cheap?" taas kilay na sabi ni Joyce sabay hampas sa bulaklak na ikinahulog ng mga talulot nun sa lupa.

Napatingin si Arthur sa isang tangkay na bulaklak na kinuha pa niya ng lihim sa hardin ng Unibersidad. Sa paghampas ni Joyce naiwan na lamang ang tangkay ng bulaklak.

"Umalis ka na. Hindi ko hinangad na magkaroon ng fans club lalo na at dukha." sabi ni Joyce na ikinatitig ni Arthur sa dalagita.

Napangiti si Arthur, mayaman ang dalagitang nasa harapan niya at halata iyon sa suot at postura ng babae. Sa ipit pa lang nito alam niyang totoong diamond ang nakadesign doon. Kahit ang lalagyanan ng id ng dalagita ay nakasabit sa leeg nito na parang kuwintas dahil imbes na mumurahing pantali lang, gold necklace ang nakatali sa id nito na nakasabit sa leeg ng dalagita. Ang uniporme ng babaeng nasa harapan niya ay halatang mamahaling tela at hindi ang tela na pangkaraniwang ginagamit ng mga estudyante, ang bag, sapatos, relo at ultimo ballpen ni Joyce ay halatang lilibuhin ang halaga.

"Darating ang araw, magkakagusto ka rin sa akin." sabi ni Arthur habang nakangiti kay Joyce.


"Hahahaha! Bata mag-mumug ka muna at alisin ang muta sa mga mata mo."
mapanuyang sabi ni Joyce na ikinangiti lang ni Arthur.

Napangiti si Arthur alam niyang nagkaroon ng nobyo si Joyce na isang mahirap na tulad niya si JC, ang President ng Student Council at kaibigan ng pinsan nitong si Dennis. Kaya malaki ang paniniwala niya na makukuha din niya ang puso ng dalaga kahit mahirap siya.

"Okay, makukuha din kita." nakangiting sabi ni Arthur na ikinataas ng kilay ni Joyce. Tumayo ito saka nito tinalikuran ang batang lalaki at umalis sa park na iyon.

...............

Present Day

"Ikaw lang dapat ang makakita? Aissst! dapat ako din." sabi ni Arthur na ikinangiti ni Joyce.

Mula ng maging nobyo niya ang asawa hindi na siya hiniwalayan nito, kung nasaan siya naroroon ito umabot nga sa punto na mawalan ito ng trabaho kakasunod sa kanya.

"Edi sumakay ka na dahil pinasara ko ang Glacier Resto na matagal na daw gusto ng babaeng iyon puntahan, na hiniling pa ng apo natin sa akin para ipasara muna. Nang sa ganoon walang makakita sa kanila." sabi ni Joyce sa asawa.

"Wow! talagang sa Glacier resto?" sabi ni Arthur. Alam niya ang lugar na iyon at tulad ng Franxie Resto na pag-aari ng mga Valiente, mamahalin ang bawat pagkain doon. Isama pa na maganda ang ambiance ng lugar.

"May taste ang apo ko mana sa akin." sabi ni Joyce na ikinangisi ni Arthur.

...................

Flashback

Years Ago, SVU N.E

"Hindi mo ba ako titigilan?" inis na sabi ni Joyce na noo'y bente dos anyos na at graduating na sa kolehiyo sa disi sais anyos na si Arthur.

Nasa Park ng College building noon si Joyce ng lapitan siya ni Arthur na kahit malayo-layo ang high school building sa college building nagagawang ni Arthur lagi siyang bisitahin at alam nito ang tambayan niya at oras kung kailan siya naroroon.

"Hindi." sabi ni Arthur sabay bigay ng mani na nasa supot kay Joyce.


Napahingang malalim si Joyce, ang akala niya titigilan na siya ng batang lalaki sa harapan niya mula ng hampasin niya ang rosas na ibinigay nito sa kanya pero hindi pala, dahil iyon ang simula ng araw-araw na pangungulit nito sa kanya at kahit nasa kolehiyo na siya at nasa College building hindi siya tinatantanan nito.

"Aissst. Aanhin ko ang maduming maning iyan." inis na sabi ni Joyce.

Napangiti si Arthur sabay lapit pa ng palad sa babae kung nasaan ang mani na ibinibigay niya dito.

"Pampatalino at pampahasa ng utak." sabi ni Arthur


"Anong palagay mo sa akin? Bobo?"
inis na napataas na kilay na sabi ni Joyce.

"Hahaha! Matalino ka nga. Kaya nga ibinibigay ko pa ito sayo para makatulong pa lalo sa exam mo." sabi ni Arthur na tila sanay na sa panunupla ni Joyce sa kanya kahit sa marami pang tao.

"Hahaha! Hindi ko kailangan niyan, umiinom ako ng gatas at mamahaling vitamins." sabi ni Joyce.


"Natural ito at walang halong chemical."
sabi ni Arthur sabay abot ng nilagang mani kay Joyce.


"Hays! Alam mo ang kulit mo."
sabi ni Joyce. Nakaupo si Joyce sa bench sa lilim ng puno kung saan may mesa roon.

"Alam ko naman." sabi ni Arthur.

"Lumayas ka sa harapan ko at hindi ka pa yata naliligo. Ang baho mo." sabi ni Joyce


Napatingin si Arthur sa suot, malinis siya at kung tutuusin lagi nga siya pinangangaralan na Most Neat in the class, ang polo niyang puti ay tila laging bago tingnan. Plantsado ito na siya pa ang nagpaplantsa. Ang pants din niya ay malinis at walang gusot.

Napangisi si Joyce dahil ang totoo malinis ang kaharap niya kahit dukha ito. Iba din ang awra ni Arthur, mukha itong mayaman. Gumuguwapo pa nga ito lalo habang tumatagal. Isama pa na mas matangkad na ito sa kanya kaya hindi mo mahahalatang nasa Senior Higschool pa lang si Arthur. Bukod doon nakasuot ng salamin ang binatilyo sa harapan niya na tila ito nerd.

"Ganoon ba? Madumi pa ako sa lagay na iyan? Pero alam mo ba kailangan natin ng bad bacteria para ma-immune tayo sa sakit?" sabi ni Arthur na ikinataas ng kilay ni Joyce dahil alam niyang bukod sa Math subject, matalino rin sa ibang subject si Arthur. Wala siyang tulak kabigin sa binatilyo iyon nga lang bata talaga ito na ayaw niya lalo na at mahirap ito, kahit na nga ba tahasan itong nanliligaw sa kanya na ikinaiinis niya.

"Alam ko, mas matalino naman ako sayo at mas malinis ang mga ugat ko kaysa sayo papunta sa utak ko." sabi ni Joyce na ikinangiti ni Arthur na ikinatitig ni Joyce sa binatilyo.

Sa pagtitig ni Joyce kay Arthur naalala niya si JC, ang unang nobyo niya na mahirap. Kaso hiniwalayan siya nito dahil mas pinili niya ang career niya, at hindi niya kaya ipangalandakan sa lahat na may nobyo siyang mahirap.

Ilang buwan lang ng paghihiwalay nila ni JC, ng malaman niyang may nobya na ito. At iyon ang pinsan ni Ramon Valiente na si Charlotte na kasing edad ni Arthur at alam niyang naging nobya din ni Arthur si Charlotte. Iyon nga lang hindi niya alam kung bakit naghiwalay ang dalawa. Wala naman din kasi siya balak alamin. Pero mula sa mga bulong-bulungan, si Arthur naman ang umiwan sa dalagita na pinangangambahan niyang baka balak lang siyang ibilang ni Arthur sa mga naging nobya nito.

Mayaman din si Charlotte at alam niyang mayayaman ang nababalitang nobya ni Arthur sa campus kaya may hint siya na baka social climber ang lalaking kaharap.

"Mabuti, so alam mo na mas masustansiya ang hawak kong mani." sabi ni Arthur.

"Oo, kaso hindi ko trip." mataray na sabi ni Joyce


"Ito ang paborito ni Marie."
sabi ni Arthur na bahagyang nalungkot na ikinakunot noo ni Joyce at muling nagsalita si Arthur.


"...tsss. Ang babaeng iyon, kamusta na kaya? Mula ng umalis ng bansa kasama ng pinsan mo hindi man lang nakuhang tumawag."
sabi ni Arthur na bumakas lalo ang lungkot.

Napatitig si Joyce kay Arthur, ang Marie na tinutukoy nito ay ang asawa ng pinsan niya na inireto dito ng mga magulang ng pinsan niya, dukha din na tulad ni Arthur. Magkaibigan si Arthur at si Marie kasama ang tatlo pang babae ngunit nagbago ang kasiyahan ng magkakaibigan ng mangyari ang trahedya sa La Secretos na ikinamatay ni Ramon.

"Namimiss mo?" biglang sabi ni Joyce na wala sa loob niya na tila nakaramdam siya ng inis.


Kahit kasi may pagka-nerd ang dating ni Arthur dahil may suot itong makapal na salamin at tila propesor manamit. Alam niyang malapitin ito sa babae, katunayan mga babae ang kaibigan nito ang grupo na iniwan ni Marie na hanggang ngayon kasa-kasama ni Arthur.

"Oo, nakakamiss ang dati." napangiting pilit na sabi ni Arthur sabay tingin kay Joyce at muling nagsalita.


"...sa lahat ng ayoko iyong nalulungkot ako o may nalulungkot sa paligid ko. Isa iyon sa masasabi kong kaduwagan ko. Ang makitang malungkot ang paligid ko." sabi ni Arthur na ikinaiwas ng tingin ni Joyce ng makita ang kalungkutan sa mata ni Arthur.

Nang umiwas ng tingin si Joyce muling nagsalita si Arthur.


"Nabuhay ako na nag-iisang anak, wala ang daddy ko na nasa NYC. Ang mama ko busy sa trabaho, na mas itinuring pang anak ang mga estudyante niya kaysa sa akin. Sila Marie ang naging pamilya ko. Tsss! Una kong naging crush na kinuha ng pinsan mo. Nagustuhan ko rin si Ella pero mukhang malabo na, dahil iba iyong nakikita ko sa kanya, iyong sakit na iniwan siya sa ere ni Rod."
sabi ni Arthur na ikinangisi ni Joyce.

"Tsss, wala akong balak makipgakuwentuhan ng problema mo sa buhay. Ang drama mo, baka umiyak ka pa diyan." sabi ni Joyce ng biglang magulat ito ng lumuha nga si Arthur sa harapan niya.

Napatingin si Joyce sa paligid nasa Park sila gawing College building at walang tao doon kaya napahingang malalim si Joyce

"Malungkot mag-isa at iyong naramdaman ko, nararamdaman din ng mga kaibigan ko. Nila Ella, ni Patty, ni Tiffany at alam kong malungkot din si Marie kung nasaan siya. Kasi, alam kong hindi niya gustong maiwan ang mga kaibigan niya sa panahon na kailangan nila ang isa't isa. Sa panahon na iniwan sila ng mga nobyo nila. Sa panahon na, nasa healing session pa lamang sila sa mga nangyaring pangmomolestiya sa kanila." sabi ni Arthur


"Puwede ba, huwag ako ang kuwentuhan ng mga pangit mong kuwento. Huh! Ang drama drama mo, kalalaking mong tao iyakin ka." sabi ni Joyce pero ng tumingin ito kay Arthur nawala ang pagtaas ng kilay niya at hindi niya naituloy ang pagtataray ng makita ang kakaibang lungkot sa mga mata nito.

"Ikaw? Nandito ka lagi, sinusundan kita at pumupunta ka lang mag-isa dito sa walang taong lugar na ito. Tahimik, at kung nasa matao ka mang lugar, iba ang awra mo. Mataas, mahirap lapitan, nakakailang. Pero kahit ganoon, alam kong malungkot ka rin. Kasi kahit anong sabihin mo, iyang suot mo, iyang mamahaling mong gamit ay hindi nakakagamot ng pag-iisa mo." sabi ni Arthur na ikinaiwas ng tingin ni Joyce.

"Umalis ka na nga." pagtataboy na sabi ni Joyce.

"Nandito lang ako, hanggang papasukin mo ako sa ginto mong mundo. Malay mo magclick tayo." sabi ni Arthur na ikinangisi ni Joyce saka muling bumaling kay Arthur.


"Lagi kita tinataboy kahit alam kong nagpapahaging ka. At ngayon mukhang sinasabi mo ngang nanliligaw ka." sabi ni Joyce.


"Ang haba ng panliligaw ko sayo, trese anyos pa lang ako ng magparamdam sayo."
sabi ni Arthur sabay punas ng luha nito sa mga mata na ikinatitig ni Joyce sa binatilyo.

"Ano ngayon? Sinabi ko bang manligaw ka, bata?" sabi ni Joyce para idiin ang edad nila ni Arthur.

"Hindi mo naman sinabi, kasi hindi ka naman tanga na aakayin ang lalaki at sabihin ligawan ka. Siyempre ang lalaki ang gagawa ng move para ligawan ang babae." natawang sabi ni Arthur na ikinangisi ni Joyce.

"Bata.." udlot na sabi ni Joyce nag unahan siyang magsalita ni Arthur.

"Hindi na ako bata, disi sais na ako at tuli na ako. At puwede ba apat na taon lang ang tanda ng edad mo sa akin. Na kung tutuusin numero lang iyon. Kumbaga sa math nagbabago ang halaga at kahulugan nito na minsan mas mataas ang uno kahit na mababa ang numerong ito. Gets mo? Alam kong nakuha mo dahil matalino ka, kaya nga nananalo ka lagi sa mga Beauty pageant at napapataob ang lahat sa question and answer portion." nakangiting sabi ni Arthur.

"Tsss, kagraduate na ako sa kolehiyo. Mauuna ako sayo umalis. Kumikita na ako, ikaw hindi pa. May bahay na ko ikaw nagbubungkal pa lang at higit sa lahat. May milyones na ako ikaw barya pa lang." sabi ni Joyce.


"Hindi iyan totoo, dahil sa buhay ng tao wala iyan sa taon, ito ay nasa kung paano mo hawakan ang oras mo. May mga nakatapos ng maaga sa pag-aaral pero hindi mo ba naiisip minsan ang manager nila mas bata sa kanila. Iyon ang matibay na halimbawa na ang edad ay numero lamang."
sabi ni Arthur.

"Aissst. Wala akong balak makipag-usap sayo ng mahaba." sabi ni Joyce saka ito tumayo at kinuha ang libro pero akmang aalis ito ng ilapag ni Arthur ang nilagang mani sa mesa sa ilalim ng puno saka muling nagwika.

"Ako ang aalis dahil ako ang lumapit. Hayaan mo, hihintayin kong pumantay sayo. Madali lang iyon, kayang-kaya ko." nakangiting sabi ni Arthur saka ito nagmamadaling umalis.

Napatingin si Joyce sa maning inilapag ni Arthur. Nilagang mani na nasa plastic na sa hinagap, hindi ni Joyce makuhang kumain na nasa pipitsuging lalagyanan.

"Aissst. Ang cheap." sabi ni Joyce.


Naupo muli si Joyce sa upuan at kinuha ang bag niya saka kinuha mula roon ang mamahaling lalagyanan niya.

"Dito ka dapat nakalagay hindi sa supot." sabi ni Joyce saka nito tinanggal ang mani sa supot at inilagay sa mamahaling lalagyanan niya kasama ang mamahaling chocolate.


April 16, 2022 11.30 am

Fifth Street

Dreame Acct

Rose Chua Novels



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top