Kabanata 13 : Lola's Boy

Kabanata 13 : Lola's Boy

Manila


"Alam kong laruan ka lang ng apo ko, kaya pumayag ako magkasama kayo sa kuwarto at bihisan ka niya." sabi ni Joyce.

Napalingon si Adira sa nagsalita at napatitig ito sa matandang babae. Ilang oras matapos siya magising, nadatnan niya ang pagkain sa kama at ang akala niya iniwan siya ni Shadow pero naligo lamang pala ito na ikinangiti niya.

Sabay sila kumain ng nobyo, at matapos kumain hinintay pa siya nito makapaligo. Matapos maligo, nakahanda na ang susuutin niya sa kama na ikinangiti ni Adira dahil totoo ang sinabi ni Shadow may mga damit ngang pambabae sa walk-in cabinet nito at hindi lang isa. Nagulat pa si Adira dahil maraming damit na pambabae na naroroon at hindi lang damit kundi pati mga sapatos at sandals.

"Hindi naman ako nangangamba sa kung anong mangyayari sa inyo kasi bata pa si Shadow at alam kong curiuos siya sayo, na ibinibigay ko lang para sa kaligayahan ng apo ko. Pero tandaan mo, huwag na huwag kang gagawa ng kuwento para maging pangit ako sa mata ng apo ko. Totoo lang akong tao." sabi ni Joyce ng makita nito si Adira sa garden na nag-iisa at nakabihis na.

Bahagya pa ni Joyce pinasadahan ng tingin ang dalagita, maganda ang suot ni Adira, mamahalin, bago at may class at alam niyang bili iyon ng apo niyang si Shadow.

Nakita niya kasi ang walk in cabinet ng apo niya na maraming pambabaeng damit na ang akala niya ng una ay binabae ito, pero ng magsiyasat pa siya nalaman niya na may tinatago itong babae na hindi naman niya ikinasisita sa apo dahil ayaw niyang magtampo ito sa kanya.

Iyon nga lang hindi niya akalain na para kay Adira ang damit na pinagbibili ni Shadow.

"Salamat po sa pagpapatuloy." sabi ni Adira na pilit kinakalma ang sarili sa sinabi ng lola ni Shadow at sa mapanuring tingin nito na kahit mayaman siya, tila siya dukha kung uriin ng aristokratang mga mata nito.

"Kilala kita, ang nanay mo. Pasaway tulad mo, matigas ang ulo, nasa loob ang kulo, at mukhang namana mo rin pati ang hilig sa bar na kung gumalaw tila walang bukas. Maharot, magaslaw at mapang-akit sa lahat." sabi ni Joyce na ikinaiwas ng tingin ni Adira kaya nagpatuloy magsalita si Joyce.


"Nauunawaan kita, kilala ko ang grupo niyo. Mahigpit sa babae, lalo na at isa kang Valiente. Pero hindi maiitanggi na may tinatago kang kaharutan.

Huh! Alam mo ba na ang ina ng lola Patty mo ay iniwan ng asawa nito at sumama sa ina ng lola Marie mo dahil sa ganyang ugali. Nakita ng tatay ni Patty ang ina nito sa isang bar." panimula ni Joyce na ikinatahimik ni Adira dahil hindi niya alam ang kuwentong iyon.

Ang alam ni Adira. Half sister ang lola niyang si Patty at Marie. Malalaki na ang mga ito ng mapagtanto ng magkaibigan na magkapatid ang mga ito. Iniwan ang ina ng lola Patty niya ng ama nito at sumama sa ina ng lola Marie niya. At ang pagkakaalam niya, inakit ng ina ng lola Marie niya ang ama ng lola Patty niya.

At ang kuwento ay sinasabing naulit sa tiyahin niyang si Jade na anak ng lola Patty niya, at kapatid ng ina niyang si Athena. At kay Denise na anak naman ni Marie.

"Kaya nga noong magkagulo ang grupo nila sa kasal nila Jade at Ice, dahil kay Denise. Idiniin ng ina mo at tiyahin mong si Jade si Denise, na halos idikdik nila sa simbahan ang kawawang babae, na kung saan tumanggi na si Ice magpakasal kay Jade. Pero kung tutuusin wala kasalanan ang kampo ni Marie dahil ang mismong lola ng ina mong si Patty ang siyang nagkasala." sabi pa ni Joyce habang nakayuko lang si Adira.

Alam din ni Adira ang kuwentong iyon, bukas naman kasi ang pamilya at grupo sa mga kuwento ng lahat. Pero hindi ang ibang detalye, siguro dahil natabunan na, o dahil nalimutan na.

"Bar hoping din ang hilig niya tulad ng mommy mo at tulad mo." sabi ni Joyce.


"Lola, patay na po ang mga binanggit niyo. At sa pagkakaalam ko, masaya naman nagsasama sila Tita Jade at tito Rain."
sabi ni Adira.

"Hindi nakuha ni Jade ang ugali ng ina ni Patty, dahil mukhang si Patty at ang anak niyang si Jade ay magkaugali. Pero ang anak ni Patty na si Athena ang nagmana ng kaharutan ng ina niya at pinasa sayo." sabi ni Joyce na ikinatahimik ni Adira kaya muling nagsalita si Joyce.

"Hindi ko hahayaan na isang tulad mo, ang sisira sa apo ko." sabi ni Joyce.

"Galit po ba kayo sa akin? Kasi pakiramdam niyo nahahati ang pagmamahal ni Shadow sayo?" sabi ni Adira sabay tingin sa matandang babae na kahit may edad na ito, ang tayo, ang awra ay nakakatakot pa rin. Isama pa na hindi maitatangging may ikakaangas ito. Paano ba naman, nag-uwi lang naman ito ng karangalan sa bansa, bilang beauty queen, at super model din ito na napanalunan nito sa ibang bansa.

"Hahaha! Hanggat hindi ka niya naipapakilala sa lahat bilang kung sino ka sa buhay niya ay hindi ako naniniwala na gusto ka niya o importante ka sa kanya. Kaya huwag kang assuming na nagseselos ako sayo o galit ako. Gusto ko lang naman kasi ipaalala kung sino ka, at ang dugo mo para hindi na tayo magulat kung dumating araw na humarot ka." matalas na dilang sabi ni Joyce.

Hindi umimik si Adira kaya muling nagsalita si Joyce.

"Alam kong tinatago ni Shadow pati ang pagkakaibigan niyo mula pa dati. Huh! Hindi ko hangad na maliitin ka, dahil alam ko naman na nasa level kita kahit papaano.

Iyon nga lang, iba ang gusto ko para sa apo ko at naniniwala ako na si Shadow ang tipo ng tao na ipagmamalaki ka niya sa lahat kung mahal ka niya. Pero mukhang kahit pagkakaibigan niyo may doubt siya sayo kaya hindi ka niya kaya ipangalandakan." sabi ni Joyce.

Tila mga patalim ang binibitawan na mga salita ni Joyce kay Adira at para sa dalagita kalabisan iyon.

"Lola, huwag naman po kayo ganyan sa akin. Wala naman po akong ginagawa sa inyo. At sige po, kung sa tingin niyo laruan lang ako ng apo niyo. Okay lang.

Basta hindi ko babaguhin ang pagtitiwala ko sa kanya. Iba-iba tayo ng pagpapakilala sa tao, at naniniwala po ako. May dahilan si Shadow kung bakit tago kami, at alam ko binabase din niya iyon sa kalagayan ko.

Ayoko magkaroon ng galit sayo sa mga pinagsasabi mo sa akin, dahil lola ka ni Shadow. Pero sana naman po kung ang iniisip niyo nga ay kung laruan lang ako ng apo niyo, so mawawala din naman ako sa landas mo. Di ba po mas mabuting, hindi tayo makasakit ng kalooban ng iba, at hayaan natin ang proseso ng buhay ang gumawa nun at huwag natin pangunahan." sabi ni Adira na ikinatitig ni Joyce sa dalagita.


"Aminado po ako, hindi ko sigurado kung mahal ko ang apo niyo. Dahil nga siguro wala naman akong ibang nakakasama na lalaki sa buhay ko bukod sa mga kagrupo ko at pamilya. Pero, sana naman hayaan niyo na kung magkahiwalay kaming dalawa ng apo niyo, nasa proseso. At malaya ko naman po tatanggapin." sabi ni Adira na ikinangisi ni Joyce.

"Lumabas din sa bibig mo, na hindi ka sigurado sa kanya. Pero ano nga ba talaga kayo? Magkaibigan? Magkasintahan? O magkalaro lang?" mapanuyang sabi ni Joyce.

"Sinabi niyo rin naman po, na hindi sigurado si Shadow sa akin at tingin niyo laruan lang niya ako. So quits lang naman." sabi ni Adira.

"Ang idealismo mo ay nakakatakot, para kang babaeng nakakulong sa hawla, at once na nakalaya lilipad ng matayog at pupunta sa malayo. Ang tulad mo ay ibong hindi bumabalik sa pugad at nasisiguro ko, kapag lumaya ka sa pamilya mo, hindi kay Shadow ang punta mo. Pero sabagay hindi naman niya maamin na nobya ka niya. Huh! Wala ka lang para sa kanya." sarkastikong sabi ni Joyce.

"Tama po kayo, dahil kahit ako ay hindi ko alam. Na kapag nakalaya ang ibon ay kung nanaisin pa niyang balikan ang pugad niya, na may mabangis na hayop na tulad niyo." sabi ni Adira na ikinanlaki ng mga mata ni Joyce sa sinabi ni Adira.

"Lola." masayang tawag ni Shadow na hindi napansin ang tensyon ng lola at ng nobya nito.

Napahingang malalim si Joyce at nagbago ang awra nito na ikinataas ng kilay ni Adira.

"Ihahatid mo na ba siya?" nakangiting sabi ni Joyce ng lingunin nito si Shadow.


"Opo. Sasabay na po ako sa kanila ni Althea sa chopper."
sabi ni Shadow.

"Okay, mag-ingat kayo, lalo ka na." sabi ni Joyce sa apo.

Napangiti si Shadow pero napabaling ang tingin nito kay Adira.

"Uuwi na tayo." sabi ni Shadow sa nobya.

Napatingin si Adira kay Shadow halatang masaya ito, nakatulog pa sila kanina na magkatabi sa kama at kapag nalaman iyon ng pamilya niya tiyak lagot siya.

"Huwag kang mag-alala hindi magsusumbong si Lola. Mahal ako nito. At alam na niyang nobya na kita." sabi ni Shadow na ikinanlaki ng mga mata ni Adira.

"Huh! Umalis na kayo." sabi ni Joyce sabay iwas ng tingin.

"Hahaha! Alam ni lola na bawal ka pa magkanobyo kaya lihim-lihim muna." nakangiting sabi ni Shadow.


"Alam niya na nobya mo na ako? Sinabi mo sa kanya?"
di makapaniwalang sabi ni Adira dahil kasasabi lang ng matandang babae na hindi sinasabi ni Shadow dito kung ano sila.


"Oo, sinabi ko kahapon ng dinala kita dito. Umiyak ako kasi ayaw niya tayo papasukin sa bahay niya."
sabi ni Shadow na ikinaiwas lalo ng tingin ni Joyce.

Napatingin si Adira sa lola ni Shadow. Ang pagkakaunawa niya kanina, wala itong alam at babae lang ang turing ni Shadow sa kanya. Babaeng kinakama, iyon ang pagkakaunawa niya at iyon ang tukoy ng lola ng nobyo niya.

"Umalis na kayo." sabi ni Joyce na ikinangiti ni Shadow sabay lapit kay Joyce at inakbayan ito.

"Mabait si lola, kahit alam kong ayaw niya sa babaeng hindi niya inirereto pero dahil mahal niya ako pinapasok niya tayo kagabi." masayang sabi ni Shadow na tila bata uli ito na nabilhan ng maganda at mamahaling regalo.

..............

Flashback

Hours ago

"Lola." umiiyak na sabi ni Shadow habang buhat nito ang walang malay na si Adira sa kalasingan. Ayaw kasi sila papasukin sa loob ng bahay ng lola niya.

"Hindi kita tinuruan na magdala ng babaeng lasengga sa bahay ko." galit na sabi ni Joyce na makita ang babaeng buhat ni Shadow, nakasuot ito ng damit na sa hinagap hindi niya nanaisin suutin ng magiging malalapit na babae lalo na nobya ng apo niya.

Mas prefer kasi niya ang mapapangasawa ng apo na may pagkaconservative, iyong tipo mahinhin, at mapapamo niya at mapapasunod niya. Iyong tipong akay lang ni Shadow at hindi buhat dahil sa kalasingan.

"Lola, nobya ko siya." umiiyak na sabi ni Shadow ng hindi pa rin siya pagbuksan ng pintuan ng lola niya kahit na nga ba pinapasok na sa gate ang kotse niya.

"Huh! Kung alam ko lang na may kasama ka kanina sa kotse mo. Sa gate pa lang pinasaraduhan na kita." inis na sabi ni Joyce sa apo na first time magdala ng babae sa bahay niya at babaeng hindi niya sinabi dito at dumaan sa kanya para kilatisin.

Napaiyak si Shadow, kanina pa siya pinapagalitan ng lola niya at pagod na siya habang buhat si Adira na wala yatang balak gumising sa kalasingan. Iniuwi niya ito sa bahay ng lola niya dahil iyon lang ang safe na lugar na walang makakakita sa kanila. Kung sa mamahaling hotel naman kasi panigurado may magsusumbong at ayaw naman niya sa pipitsuging lugar dalhin si Adira.

"Hindi mo ba ako mahal, lola?" umiiyak na sabi ni Shadow na ikinatigil ni Joyce sa katarayan.

"Nakita ko si Adira sa bar, kasama ang mga pinsan niya. Wala naman silang kasamang lalaki. Kumakanta siya ng...." udlot ni Shadow ng tumikhim ito at nanlaki ang mga mata ni Joyce ng kumanta si Shadow.


https://youtu.be/LwT5nKI75qI

Shadow : Sometimes you think you'll be find by yourself

"Hala! Kumanta ang apo ko." sabi ni Joyce dahil hindi kumakanta si Shadow. Hate ni Shadow kumanta o kung kumanta man ito sa harap lang ng mga kabayo nito.

Kaya nga hindi niya ito pinilit na umatend sa music class nito kung saan ang mga kagrupo nito ay nagpaenrol.

Shadow : Cause a dream is a wish you make all alone

"Uyyyy. Tinuloy niya." sabi ni Joyce sa isip ng itinuloy ni Shadow ang pagkanta kahit umiiyak ito.

Shadow : It's easy to feel like you don't need help

Pagpapatuloy na kanta ni Shadow hang buhat nito si Adira at lumuluha.

"Uyyy, may drama ang apo ko." sabi ni Joyce sa isip.

Shadow : But it's harder to walk on your own

You'll change inside

When you, realize

"Uyyyy, pumiyok." usal na sabi ni Joyce ng pumiyok sa pagkanta si Shadow kasi aminado siya hindi naman ganoon kagandahan ang boses ng apo niya.

Shadow : The world comes to life

And everything's alright

Napatingin si Shadow sa lola niya habang lumuluha buhat si Adira, pakiramdam niya iniwan siya ng lahat at ayaw niya ang pakiramdam na iyon. Dahil ang lola niya ang nandiyan lang parati sa kanya.

Shadow : From beginning to end

When you have a friend

By your side

Nakuha pang yakapin ni Shadow ang natutulog na si Adira habang kumakanta ito at buhat na ikinataas ng kilay ni Joyce.

Shadow : That helps you to find

The beauty of all

When you'll open your heart and

Believe in

The gift of a friend

Pagtatapos na kanta ni Shadow sabay pagluha nito.

"The gift of a friend" dugtong pang sabi ni Shadow sabay upo nito sa semento habang buhat pa rin si Adira.

Nakatitig lang si Joyce sa apo, nakuha pa nito pamaywangan ang apo.

"Lola, hindi mo na ba ako mahal? Aalis na lang po ako." umiiyak na sabi ni Shadow na napahikbi na.

Napalunok si Joyce, sa lahat ng ayaw niya ang makita ang apo niyang umiiyak at kahit na malaking tao ito at disi sais anyos na iyakin pa rin si Shadow. At kapag ganoon, pakiramdam niya mawawala ang nag-iisang apo niya sa kanya.

"Nobya ko siya, hindi ko masabi sa magulang niya, sa pamilya niya at sa inyo dati. Hindi ko siya mapakilala kasi bata pa siya. Natatakot ako, baka ihiwalay siya sa akin. Baka itago siya, baka ipakasal siya sa iba ng mga Valiente." napaiyak pang lalo na sabi ni Shadow

"Hindi ko rin naman siya mapaglaban kasi ang totoo hindi ko sure kung kami na ba talaga. Natatakot ako na baka mali ako, o baka mali siya. Baka hindi kami, pero ayoko mawala siya. Gusto ko akin lang siya. Gusto ko ako lang ang kaibigan niya, naiinis ako kapag may kasama siyang iba kapag kinakantahan niya iyong iba dahil gusto ko ako lang." lumuluhang sabi ni Shadow sabay tingin kay Joyce.

"...parang ikaw. Gusto ko ako lang ang apo mo, gusto ko nasa tabi kita lagi. Ayoko din mawala ka. Parang si Adira. Duwag ako lola. Pero lumalakas ako kapag nandiyan ka, at nararamdaman ko rin iyon kapag kasama ko si Adira. Lagi ako nananalo sa karera sa mga kabayo ko, hindi ako natatakot mahulog, hindi ako natatakot patakbuhin ng mabilis ang kabayo ko, nalilimutan ko lahat ng takot." umiiyak na sabi ni Shadow na ikinatitig ni Joyce sa apo.

"Hindi ko maamin sa lahat, kasi natatakot ako na baka may mali. Pero kapag ganito kasama ko siya na kami lang dalawa, tahimik walang sisita, panatag ako." sabi muli ni Shadow.

"Infatuation lang ang nararamdaman mo sa kanya." sabi ni Joyce sa apo.

"Gusto ko siya lola, at kung anuman ang damdamin na iyon gusto ko alamin. Sa ngayon gusto ko po siya sa tabi ko. Pero kung ayaw mo, aalis na lang ako." sabi ni Shadow na ikinatitig ni Joyce sa apo.

"Ipagpapalit mo ang lola mo sa kaibigan mo?" sabi ni Joyce na ikinatitig ni Shadow kay Joyce.

"Ayaw mo ako papasukin sa bahay mo. Ang sabi mo po sa akin dati lahat ng gusto ko ibibigay mo, ang sabi mo po sa akin poprotektahan mo po ako kahit anong mangyari. Sabi mo po hindi mo hahayaan na masaktan ako." sabi ni Shadow sabay tayo nito.

"Saan ka pupunta kasama ng lasenggang iyan?" sabi ni Joyce ng tumayo si Shadow habang buhat pa rin si Adira.

"Magmomotel na lang kami. Baka kasi makita kami sa mamahaling hotel." sabi ni Shadow sabay punas sa balikat nito ng mga mata.

Tumalikod si Shadow at akmang aalis ito ng mabilis na nakababa si Joyce at hinarangan ang apo. Hindi niya hahayaan na tumuntong sa mumurahing motel ang apo niya at baka matetano ito.

"Iiwan mo ako? Dahil sa babaeng iyan?" di makapaniwalang sabi ni Joyce.

"Ikaw ang nagtaboy sa akin at hindi ako. Pinuntahan kita, pero ayaw mo akong papasukin." lumuluhang sabi ni Shadow na ikinalunok ni Joyce.

".....hindi kita kinakalimutan pero mukhang may bago ka ng apo, ayaw mo na sa akin. Baka may apo ka na sa modelling agency mo." umiiyak na sabi ni Shadow na halata ang selos sa mukha nito.

Hindi umimik si Joyce dahil bata pa lang si Shadow seloso na ito, ayaw nitong may lumalapit sa kanyang mga bata o tatawagin niyang apo. Kaya nga hindi na rin siya madalas pumupunta sa mga gathering ng Lopez dahil ayaw ng apo na may tatawagin siyang apo o may tatawag sa kanyang lola.

"Aalis na kami ng best girl friend ko." sabi ni Shadow.

"Sandali lang." sabi ni Joyce dahil hindi niya matiis ang apo. Kahit naiinis siya sa babaeng karga nito na sa unang pagkakataon tila may kahati siya sa apo niya.

Huminto si Shadow sa akmang paglalakad saka tumingin sa lola niya.

"Hindi ko kayo iniwan, kayo ang tumaboy sa akin." sabi ni Shadow.

"Aissst! Hindi kita magagawang itaboy." sabi ni Joyce sabay tingin kay Adira at sa suot nitong seksi.

"Ayaw mo kami papasukin sa bahay mo. Okay lang, basta ikaw ang tumaboy sa akin hindi ako ang umiwan sayo." pangongonsensya ni Shadow sa lola niya.


"Aissst. Okay sige pumasok na kayo."
sabi ni Joyce na ikinakinang ng mga mata ni Shadow.


"Talaga po?"
sabi ni Shadow na tila bata ito na napagbigyan pumunta ng mall.

"Oo." nakangiting sabi ni Joyce ng makita ang masayang mukha ng apo. Nakuha pa ni Joyce haplusin ang mukha ng apo at punasan ang pawis sa noo ni Shadow.

"Ang bait talaga ng lola ko." sabi ni Shadow saka nito hinalikan sa pisnge si Joyce.


"Sayo lang ako mabait dahil hindi kita matitiis."
nakangiting sabi ni Joyce.

"Mabait ka rin sa kanya lola. Kasi nobya ko po siya." sabi ni Shadow kay Joyce.

Napatingin si Joyce kay Adira, nakaramdam siya ng selos dahil sa pinapakitang kakaiba ni Shadow sa dalagitang buhat nito pero muli napangisi lang siya dahil alam niyang istrikto ang mga Valiente lalo na si LJ Gonzalez na lolo ni Adira kaya may naisip siyang plano.

"Iipitin ko kayo hanggang masakal kayo sa sikip at dilim ng pagtatago niyo." sabi ni Joyce sa isip.

"Oo sige." nakangiting sabi ni Joyce.


"Yes. Kiss mo nobya ko sa pisnge. Kung talaga okay sayo." sabi ni Shadow na abot tenga nag ngiti.

"Ano?" sabi ni Joyce na napalaki ang mga mata.

"Kiss mo siya, lola. Para seal na okay siya sayo." sabi ni Shadow na tila bata ito.

"Apo lang ang kinikiss ko at ikaw lang iyon." sabi ni Joyce.

"Ayaw mo sa kanya? So, nagbibiro ka lang na okay na kami sa bahay mo pumasok?" sabi ni Shadow.

"Aisssst. Okay sige." sabi ni Joyce saka nito taas kilay na hinalikan sa pisnge ang amoy alak na babaeng buhat ng pinakamamahal niyang apo.

"Ayan, okay ka talaga lola. Puwede na po ba kami pumasok sa loob ng bahay mo?" sabi ni Shadow.

Napatingin si Joyce kay Shadow, saka ito napangiti ng makita ang masayang mukha ng apo na hindi niya ipagdadamot ang kaligayahang gusto lamang niya makita sa apo.

"Oo naman." sabi ni Joyce na ikinangiti pa lalo ni Shadow.

"Sige po lola. Salamat. Kapag tumawag sila tito Aquila, huwag mo kami isumbong baka itago nila si Adira." sabi ni Shadow.

"Oo." sabi ni Joyce.


"Secret lang natin ha. Huwag kang maingay."
sabi ni Shadow na ikinatitig ni Joyce sa apo ng may maalala.

"Oo naman. Secret lang natin." nakangiting sabi ni Joyce ng maalala ang dose anyos na apo sa kuwadra yakap ang kabayo nitong walang buhay.

"Hindi mo ako isusumbong?" sabi ni Shadow

"Kailan ba kita sinumbong?"
nakangiting sabi ni Joyce na ikinangiti ni Shadow.


"Diyan ka lang sa tabi ko lola at huwag kang aalis. Baka kunin nila ako."
napaluhang sabi ni Shadow na ikinatango ni Joyce saka nito niyakap si Shadow.

"Nandito lang si lola." masuyong sabi ni Joyce na ikinangiti ni Shadow.

.................

Present Day

"Mabait ito si lola kaya wala tayong problema sa kanya. Hindi siya magsusumbong." masayang sabi ni Shadow na ikinangiti ni Adira pero napatingin ito kay Joyce.

"Aalis na ba kayo?" sabi ni Joyce sa apo sabay haplos sa mukha ni Shadow.

Nakatitig lang si Adira sa maglola, halatang close ang dalawa. Pero halata din na kakaiba ang pagmamahal ng lola ni Shadow sa binata.

"Pupunta pa kami sa surpresa ko sa kanya." sabi ni Shadow na ikinangiti ni Joyce.

"Okay, pinasara ko na para walang makakita sa inyo." nakangiting sabi ni Joyce na ikinakunot noo ni Adira

"Talaga po?" sabi ni Shadow.

"Oo naman. Ayoko mapahamak ka o malungkot ka. Ayokong iiyak ka, at lalo ng ayokong masasaktan ka." sabi ni Joyce sabay tingin kay Adira ng kakaiba na ikinalunok ni Adira.

"Ang bait mo po talaga lola." sabi ni Shadow.

"Walang mananakit sayo. Kapag may nanakit man sayo, malalagot sa akin." nakangising sabi ni Joyce habang nakatitig ng matalim kay Adira.

"Salamat lola." nakangiting sabi ni Shadow sabay yakap sa lola nito na ikinatitig ni Adira kay Shadow.

Tila bata ang nobyo sa gawi nito, bagay na kahinaan muli para sa kanya. Pero kahit ganoon, wala siyang nararamdaman na turn off siya.

"Umalis na kayo. Nakatutok lang ako." sabi ni Joyce kay Shadow pero isa iyong babala para kay Adira.

"Okay, pero may nalimutan po pala ako sa loob. Sandali lang babalikan ko." sabi ni Shadow at masaya itong bumalik sa loob ng bahay na ikinalunok muli ni Adira ng maiwan sila ng lola ng nobyo.

Napataas ang kilay ni Joyce ng maiwan sila ni Adira nilapitan nito ang dalagita at tiningnan ito mula ulo hanggang paa pabalik.

"Huwag mong sasaktan ang apo ko. At kapag nagawa mong paiyakin siya, hindi kita patatahimikin." bantang sabi ni Joyce kay Adira.

"Hindi ba siya ang puwede manakit sa akin?" sabi ni Adira.

"Alam kong hindi gagawin ng apo ko iyon. Huwag kang mangingiming baguhin ang lahat o gumawa ng hakbang na ikasisisi mo. Hindi ako takot sa pamilya mo o sa grupo mo. Babantayan kita para sa apo ko, at kung dumating ang araw na hiwalayan ka niya. Malaya ka na sa akin." sabi ni Joyce.

"Tinutulungan mo siya pero labag sa kalooban mo." sabi ni Adira

"Dahil mahal ko ang apo ko, at lahat gagawin ko para maging masaya siya. Ganoon ko siya kamahal na walang makakatumbas kahit ikaw." sabi ni Joyce.

"Huwag po kayo mag-alala, may tiwala ako sa apo niya at hanggang narororoon ang tiwala ko hindi ako magbabago. At tandaan niyo kung magbago ako at masaktan ko siya, hindi sa akin galing iyon, kundi sa kanya. Dahil umaakto lang ako kung ano ang tao na nasa harap ko o kasama ko." sabi ni Adira.

"Huh! Matapang ka nga tulad ng ina mo. Huwag kang mangingiming magdalawang nobyo at lokohin ang apo ko, dahil makikita mo ang galit ko." sabi ni Joyce.

"Hindi ko po gagawin iyon, at sabi ko nga po may mangyayaring ganoon nakabase iyon sa kung ano ang apo niyo. Sa kung anong ipapakita niya, at ikikilos niya." nakangiting sabi ni Adira.

"Okay, hindi ko kayo isusumbong. Hahayaan ko ang apo ko magdesisyon kung ano ka nga ba sa buhay niya." sabi ni Joyce.


"Salamat po."
sabi ni Adira.

"Huwag kang magpasalamat dahil ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa apo ko." sabi ni Joyce

"Lola." nakangiting tawag ni Shadow.

Napalingon sila Adira at Joyce at napangiti ang dalawa ng may dalang bulaklak si Shadow.

"Para sa inyong dalawa." nakangiting sabi ni Shadow

"Wow, ang sweet naman." nakangiting sabi ni Joyce.

"Best iyan, para sayo." nakangiting sabi ni Shadow kay Joyce ng kunin ng lola niya ang bulaklak.

"Salamat." nakangiting sabi ni Joyce.

"Ito naman sayo." nakangiting sabi ni Shadow na ikinangiti ni Adira ng makita ang mapupulang rosas.

"....pinapitas ko iyan sa farm." bulong ni Shadow na ikinangiti ni Adira at ikinataas ng kilay ni Joyce ng bumulong ang apo kay Adira na ikinangiti ng dalaga.

"Hmmmn. Lola aalis na po kami." sabi ni Shadow.

"Okay sige." sabi ni Joyce.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin." sabi ni Adira na ikinangisi lang ni Joyce.

"Hahaha. Kiss mo nga siya lola." sabi ni Shadow na ikinanlaki ng mga mata ni Adira at Joyce.

"Ano?" sabi ni Joyce na napataas ang boses kaya nawala ang ngiti sa labi ni Shadow.


"Ayaw mo po?"
sabi ni Shadow kay Joyce sabay bumakas ang lungkot sa mukha nito, na lihim na ikinangiti ni Adira sa paraan na pagiging spoiled ni Shadow.

"Okay, kiss lang pala." sabi ni Joyce sabay halik sa pisnge ni Adira.

"Iyan, masaya na ako. Aalis na po kami. Salamat." sabi ni Shadow sabay yakap ng mahigpit kay Joyce na ikinangiti ng matandang babae.

"Salamat po uli." napangiting sabi ni Adira ng makita ang pagbabago sa mukha ng matandang babae kapag kaharap si Shadow.

"Okay ingat." sabi ni Joyce pero para kay Shadow.

Umalis sila Adira at Shadow na ikinataas ng kilay ni Joyce saka ito tinawag ang driver.

"Fidel!" sigaw ni Joyce sa driver

"Yes, senyora." sabi ng driver.

"Iyong kotse ilabas mo susundan natin sila." sabi ni Joyce na ikinatango ng driver saka mabilis na sumunod.

"Kailangan, nakikita ko lahat ang gagawin niyo. Hindi puwedeng mahuli ako." sabi ni Joyce saka ito nagmamadaling sumakay sa kotse ng mabilis iyon naihanda ng driver.

"Aissst! Ang lalaki sa akin ngayon, dapat maganda ang lahi na lumabas hindi baliw na tulad ni Autumn. My God! May saltik ang magiging apo ko sa tuhod kung sakali." sabi ni Joyce sa isip.


April 15, 2022 8.55pm

Fifth Street

2 chapters ang katumbas nito.

Good night stay healthy and happy


DReame Acct

Rose Chua Novels


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top