Kabanata 10 : BF to GF
Kabanata 10 : BF to GF
"Bakit ganyan ang suot mo?" inis na sabi ni Shadow ng makalapit kay Adira.
Napangiti si Adira, isa sa ugali niya ang makaramdam ng saya kapag nakikita niyang naiinis ang lalaki sa kanya bukod na lamang siyempre sa pamilya niya.
Mas tipo niya ang competition sa lalaki, pakiramdam niya kasi malakas siya at magagawa niya rin kung anong kaya ng lalaki. Lalo na kapag kay Shadow niya nakikita ang kompetisyon dahil napipikon ito agad na pakiramdam niya wagi siya.
"Feel ko lang." nakangiting sabi ni Adira sabay ikot nito sa harapan ni Shadow.
"May binili akong swimsuit sayo at sabi ko iyon lang ang susuutin mo." sabi ni Shadow na ikinalingon ni Adira sabay harap muli kay Shadow.
"Naisip ko, lagi na lang kayo ng grupo ang nakakakita sa sexy body ko. Ano ba naman na patikimin ko sila." napangiting pilyang sabi ni Adira na ikinatiim ng bagang ni Shadow.
"Hindi puwede." sabi ni Shadow.
Napangiti si Adira lalo, alam naman niyang fling lang ang mga nagiging babae ni Shadow dahil sinasabi naman ng binata sa kanya ang lahat at tiwala siya dito. Isama pa na, best friend niya ito kaya naniniwala siya sa lahat ng sasabihin nito sa kanya. Wala naman din kasi mawawala sa kanya kung may nobya nga itong totoo dahil hindi siya ang tipo ng babaeng selosa o sabi nga niya feeling nobya dahil alam niyang lumugar.
"Ngayon lang, makikipagbonding ako." sabi ni Adira at akmang maglalakad ito papunta sa team ng biglang hawakan ni Shadow ang kamay niya at hinarang nito ang katawan para hindi siya makita ng mga ka-team nila.
"Magpalit ka." sabi ni Shadow.
"Tssss. Ang pangit mo kabonding." sabi ni Adira.
"Hindi ka puwede ng ganyan." sabi ni Shadow.
"Aissst. Para kang sila Kuya Autumn." sabi ni Adira na bahagyang nainis dahil kung tutuusin hindi naman siya nakakapagsuot ng swimsuit kaharap ng iba kundi sa tuwing may swimming lang ang buong grupo which is mga lalaki sa grupo lang ang nakikita niya o nila ng mga pinsan niya na minsan nakakabagot para sa kanya.
"Ayaw mo?" sabi ni Shadow na bahagyang nainis sa inaasta ni Adira pero kung tutuusin simula pa lang ng maging magakaibigan sila, nakilala niya ito bilang babaeng may malakas na personalidad. Hindi ito kagaya ng ibang babae na mahina, o damsel in distress ang awra. Iba si Adira, bagay na minsan naiinis siya dahil kahit minsan nga hindi nito nakuhang kuwestiyunin siya sa mga ginagawa niyang kaharutan at kapag nagkukuwento siya dito sa mga nagugustuhan niyang babae, ito pa ang nagsusuhestiyon na dapat niyang gawin, nagpapayo pa ito na tila mentor niya.
"Tsss! Alam mo ba kaya ako sumali sa team noon dahil tipo ko ang ganitong attire?" sabi ni Adira sabay tingin sa suot niya.
Tiningnan ni Shadow ang oras, alam niyang mahabang diskusyon ang magaganap dahil si Adira ang tipo ng babae na hindi rin nagpapatalo, unless na lang kung magpapakumbaba siya na madalas niyang gawin, iyong tipong nakakaawa siya sa paningin nito. Pero ayaw niyang gawin iyon ngayon dahil para sa kanya nasa katwiran siya.
"Hindi ko alam, at hindi ko balak alamin." sabi ni Shadow at ng makita ang oras napatiim bagang ito dahil parating na ang coach nila at wala ng oras magpalit si Adira kapag dumating na ang coach nila.
"Lumangoy na tayo." nakangiting sabi ni Adira sabay liyad pa nito na tila nang-iinis.
"Ayaw mo? So, ako magbibihis sayo." sabi ni Shadow at mabilis nitong binuhat si Adira na ikinagulat ng lahat.
"Uyyyy, makikitaan ako." sabi ni Adira ng bigla siyang buhatin ng binata, na ikinangisi ni Shadow dahil imposible makitaan ito dahil marunong siyang magtago ever since.
...............
Girl's Locker Room
"Ibaba mo ako at bawal ka dito." sabi ni Adira ng nasa loob na sila ng locker room ni Shadow.
Binaba ni Shadow si Adira sa tapat mismo ng locker room ng dalaga pero imbes na umalis si Shadow iniharang nito ang mga kamay kay Adira.
Napalunok si Adira tila siya nakakulong nang ang magkabilaang kamay ni Shadow ay nakatungkod sa locker at nasa pagitan siya ng mga ito.
"Magbibihis na tayo." sabi ni Shadow sabay yuko nito para ilapit ang mukha sa mukha ni Adira.
"May sasabihin ako sayo." sabi bigla ni Adira habang nakatitig sa mga mata ni Shadow.
Matangkad siya pero hamak na mas matangkad si Shadow sa kanya kaya nakatingala pa rin siya dito.
"Ano?" naiinis na sabi ni Shadow.
"Disa sais na ako." sabi ni Adira.
"And so?" sabi ni Shadow.
Napangiti ng pilya si Adira at nagulat si Shadow ng ikawit ni Adira ang mga kamay sa batok niya saka ito tumingkayad na halos magkadikit na ang mga mukha nila.
"Best, at iyon ang sabi mo sa akin, at alam kong marami ka ng naging babae kaya alam kong marunong ka ng humalik. Ang gusto ko sana, ang unang halik ko ay best din." sabi ni Adira na ikinanlaki ng mga mata ni Shadow at akmang iiwas nito ang mukha ng mahigpit na yakapin pa lalo ni Adira ang leeg niya kaya wala siyang kawala.
"BF tayo, besties at lahat the best. Kaya bilang babae dapat best ang first kiss ko, tutal walang malisya sa akin o sa iyo." nakangiting sabi ni Adira.
"Ohhh shit. May sapi din ito." sabi ni Shadow sa isip ng makitang kuminang ang mata ng isang Valiente kay Adira.
"Kiss lang, hindi kita pipikutin at wala akong balak. Sa ganda kong ito, langya never akong luluhod sa lalaki at magmamakaawa. Huh! Dahil sila ang luluhod sa alindog ko." sabi ni Adira sabay liyad nito na ikinalunok ni Shadow ng sumayad ang dibdib ni Adira sa dibdib niya na hubad.
"Kiss me, ranchero. Lagi na lang ang mga kabayo mo ang nahahalikan ko." sabi ni Adira sabay pikit nito at nguso na ikinalunok ni Shadow.
"Langya, iyong kaba ko daig pa ang first time ko makipagsex. Ano ba itong babaeng ito habang tumatagal lalong lumalala." sabi ni Shadow sa isip dahil kung tutuusin, sa pagiging mahigpit ng pamilya ni Adira sa dalaga pakiramdam ni Shadow naiipon ang mga bagay na gusto gawin ng dalaga na hindi nito magawa, mga bagay na magiging rason na puwede itong magrebelde.
"Kapag hindi mo ako kiniss magpapakiss ako sa iba para maranasan ko na ang first kiss ko. Pero sabi ko nga best lang din dapat kaya sa best friend ko unang gagawin." sabi ni Adira ng biglang nagulat si Shadow ng ingudngud ni Adira ang labi sa labi niya na ikinapula ng buong mukha, tenga at umabot pa sa leeg at dibdib ni Shadow na tila siya nasilihan sa init at tensyon.
Sa paglapat ni Adira ng labi kay Shadow ang balak sana niya inisin ito pero mali siya dahil hindi niya alam na iba pala ang pakiramdam na mahalikan sa labi.
Mabilis na humiwalay si Adira ng makaramdam ng kakaiba, at ng biglang bumilis ang tumibok ng puso niya.
Napatitig si Shadow kay Adira at nakita nito ang takot at kaba sa mga mata ng dalaga. Sa nakita ni Shadow nakaramdam siya ng kakaibang takot at bigla niyang naisip ang posibilidad na iwasan siya ng dalaga.
"Magbibihis na ako." sabi ni Adira na unang nakabawi at akmang itutulak niya si Shadow ng inilpait pa ni Shadow ang katawan kay Adira at yumuko pa ito lalo.
Napalunok si Adira at pilit kinakalma ang sarili.
"Magpapalit na ako." sabi ni Adira sabay titig kay Shadow.
Napatitig si Shadow kay Adira, hindi siya puwede layuan ni Adira iyon ang bagay na hindi pa niya alam kung matatanggap niya o kung ano ang gagawin niya kapag naganap ang araw na iyon.
"Hindi iyon ang best ko." sabi ni Shadow at nagulat si Adira ng mabilis na ilagay ni Shadow ang kanang kamay nito sa batok ng dalaga saka nito inilapit ang labi nila sa isa't isa.
"Sha..." udlot na usal ni Adira ng ipasok ni Shadow ang dila nito sa loob ng bibig niya na ikinapikit ni Adira at ikinakapit ng kamay nito sa leeg muli ng binata.
"hmmmn." ungol ni Adira habang ginagalugad ni Shadow ang loob ng bibig niya at nakuha pa nitong lasahan ng salitan ang lower at upper lip niya.
Hindi tinigilan ni Shadow halikan ang malambot na labi ni Adira hanggat hindi ito tumutugon.
Ilang sandali pa ng madala si Adira at matutong sumabay sa halik ni Shadow.
Nang magsimula gumalaw ang labi ni Adira hinayaan ito ni Shadow na lasahan ang labi niya. Ginaya ni Adira ang paraan ng halik ni Shadow, pero dahil unang beses nito mahalikan kaya hindi nito magaya ang halik ng binata, na ikinahinto ng dalaga.
"Hindi ako best kisser." napakagat labi na sabi ni Adira na ikinangiti ni Shadow.
"Ikaw ang best, kasi ikaw ang sweetest lips at best student." sabi ni Shadow saka nito idinampi ang labi sa labi ni Adira at sinimulan uli halikan ang dalaga na ikinapikit muli ni Adira. Ilang minuto din sa halikan ang dalawa ng huminto si Shadow ng maramdaman ang paghinga ni Adira na tila mapupugto.
Hinihingal si Adira ng huminto si Shadow tila siya lumangoy ng pabalik balik sa bilis ng paghingal niya.
"Tayo na." sabi ni Shadow.
"Magbibihis pa ako." mahinang hinihingal na sabi ni Adira.
"Hahaha! Ang sabi ko tayo na." natawang sabi ni Shadow sabay lapit ng katawan nito kay Adira.
"Tayo na. Hindi na ako magpapalit?" nalilitong sabi ni Adira ng yayain siya ni Shadow sa labas habang nakasuot pa rin siya ng sexy swimsuit niya.
"Hahaha!" natawang sabi ni Shadow.
Hinawakan ni Shadow ang mukha ni Adira saka nito inilapit ang mukha kay Adira.
"Bf to Gf." sabi ni Shadow na ikinakunot noo ni Adira dahil malakas ang tibok ng puso niya at wala siyang maunawaan.
"BF to GF. Ahmmmm! Good friend na lang tayo at hindi na best friend." napakagat labi na sabi ni Adira na tila napahiya ito, na ikinatawa ng malakas ni Shadow.
"Oo." natawang sabi ni Shadow na ikinaiwas ng tingin ni Adira sa pag-aakalang pinuputol na ni Shadow ang pakikipagkaibigan sa kanya.
Natigil sa pagtawa si Shadow ng sumeryoso ang mukha ni Adira. Agad naman natanggap ni Adira ang sitwasyon dahil ganoon siya mabilis niyang matanggap ang lahat kahit na masakit dahil isang taon din sila naging best friend ni Shadow. Pero wala siyang magagawa, kaysa umiyak siyang parang baliw tulad ng kuya Autumn niya, na ayaw niyang mangyari sa kanya.
"Okay. Baka may nakita ka ng ibang best. Okay lang." nakangiting sabi ni Adira sabay titig kay Shadow.
"....nandito lang ako kapag kailangan mo ng kaibigan." sabi ni Adira at akmang itutulak nito si Shadow ng hapitin ni Shadow ang baywang ni Adira.
"Tayo na, BF to GF means Bestfriend to girlfriend." sabi ni Shadow na ikinabilog ng mga mata ni Adira.
"A---ano?" nautal na sabi ni Adira
"Girlfriend." sabi ni Shadow.
"Girl friend? So, girl friend na lang ako? Ahhhm! Okay mukhang bumaba ang rank ko sayo at nasama na ako sa girl friends mo na lang.
Sige okay lang baka may best ka ng nakita." napalunok na sabi ni Adira na tila nasaktan siya dahil pakiramdam niya isa na lamang siyang pangkaraniwan kay Shadow. Pero muli kailangan niyang tanggapin dahil hindi siya puwede magalit, o masaktan sa takot na maging kagaya siya ni Autumn.
"Ayaw mo?" sabi ni Shadow na natatawa sa reaksyon ni Adira pero bahagya siyang nainis ng tila madaling natatanggap ni Adira kung sakali ngang mag-iba sa kanila ang lahat o maging pangkaraniwan na lamang sila sa isa't isa.
"Sabi ko nga okay lang di ba." nakangiting sabi ni Adira ng biglang tumalikod ito.
Napatitig si Shadow kay Adira ng humarap ito sa pintuan ng locker, huminga ng malalim ang dalaga kaya napakunot ang noo ni Shadow.
"Lumabas ka na, susunod na lang ako." sabi ni Adira sabay hawak sa dibdib nito.
"Naiiyak ka pero pinipigilan mo." inis na sai ni Shadow.
"Hindi ako iyakin tulad mo." nakangiting sabi ni Adira saka muling humarap kay Shadow.
Natahimik si Shadow, ng maalala ang pagtawag niya kay Adira habang umiiyak kausap niya ito sa phone dati.
"Sorry, alam kong masakit iyon. Ang pagkawala ni Fighter dati." mahinang sabi ni Adira ng makita ang lungkot sa mga mata ni Shadow.
"Ayaw mo bang maging GF kita?" ulit na tanong ni Shadow.
"Okay na nga di ba." sabi muli ni Adira.
"Okay lang maging gf kita?" sabi ni Shadow.
"Oo." nakangiting sabi ni Adira.
"So, tayo na?" napangiting sabi ni Shadow habang nakatitig kay Adira.
"Okay, mapilit ka. So, hindi na ako magbibihis, lumabas na tayo." sabi ni Adira. Bahagya nitong tinulak si Shadow para makalabas ng locker room pero akmang mauuna siyang lumabas ng yakapin siya ni Shadow sa baywang habang nakatalikod siya dito.
"Girlfriend na kita. Walang bawian. Ako na ang nobyo mo kaya may karapatan na akong sitahin ka sa mga isusuot mo." malamyos na bulong ni Shadow sa tenga ni Adira na ikinasinghap ng dalaga.
"Bawal pa ako magkanobyo." sabi ni Adira na nanlalaki ang mga mata ng mahinuha ang lahat sabay lingon nito kay Shadow.
"Itago natin." sabi ni Shadow na ikinatitig ng mga mata ni Adira sa labi ni Shadow.
"....hanggang ready ka na at ako." sabi ni Shadow.
"....hanggang maging best na ang lahat o nasa best na ang paligid natin." dugtong pang sabi ni Shadow.
"Okay." sabi ni Adira na ikinanlaki naman ng mga mata ni Shadow dahil hindi niya iyon inaasahan. Dahil alam niya sa una hindi nakuha ni Adira ang sinabi niya.
"Talaga?" sabi ni Shadow na hindi makapaniwala.
"Oo." nakangiting sabi ni Adira sabay harap kay Shadow.
"...best ka sa akin at ako sayo, sapat na iyon. Wala ng tataas pa sa best." nakangiting dugtong na sabi ni Adira na ikinangiti ni Shadow saka nito inilapat ang labi sa labi ni Adira at muling naghalikan ang dalawa.
April 14, 2022 12.05pm
Fifth Street
Dreame Acct'
Rose Chua Novels
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top