Kabanata 1 : Sa likuran
Kabanata 1 : Sa likuran
6 years later
Montemayor Ranch
"Uyyy." gulat na sabi ng dose anyos na si Adira ng sa paglingon niya mukha ng kabayo ang bumungad sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" nakangising sabi Shadow kay Adira habang nakasakay ang dose anyos na batang lalaki sa mamahaling kabayo nito. Nang makita si Adira na nagtatago sa puno at tila may sinisilip o hinahanap agad itong nilapitan ng batang lalaki.
"Aissst. Ilayo mo muna si Fighter." sabi ni Adira pero lalong idinikit ni Shadow ang mukha ng kabayo nito sa mukha ni Adira.
"Kiss daw muna. Hahaha." pilyong natawang sabi ni Shadow na hindi inalis ang mukha ng kabayo sa harap ng mukha ni Adira.
Napaatras si Adira at dahil puno ang nasa likuran niya kaya napasandal siya doon at hindi na siya nakaiwas sa kabayo na halos halikan siya sa paglapit ni Shadow sa kabayo papunta sa kanya.
"Baka kagatin niya ako." natakot na sabi ni Adira habang nakatitig sa mukha ng kabayo.
"Hahaha! Mabait si Fighter at hindi ito mangangagat. Iyon nga lang minsan naiisip niyang sumipa o mangagat kasi namimili siya, lalo na kapag pangit ka." sabi ni Shadow.
Napatitig si Adira sa kabayo, ilang linggo pa lang iyon sa rancho ng mga Montemayor dahil regalo iyon ng lola ni Shadow sa batang lalaki. Galing pa iyon sa ibang bansa at alam ni Adira na hindi basta-basta ang presyo ng kabayo.
"Natatakot ka sa kanya?" sabi ni Shadow habang nakatitig kay Adira.
Ilang taon na si Shadow sa Pilipinas at sa mga taon na iyon, napalapit siya sa grupo lalo na sa mga batang miyembro nito. At bukod doon, naging masaya ang mga araw at taon niya bilang bata lalo na at namalagi si Rhythm sa Isla na galing pang Manila at ang pinsang Ciao mula sa Isla Verde mula ng lumalagi na ito sa Villa Montemayor kung nasaan ang flower farm na pag-aari ng mga magulang nito.
"Hindi naman, may kabayo din naman sila Kuya at Ash." sabi ni Adira na totoo naman kaso mas hilig ng kapatid at mga pinsan ay mga mamahaling kotse na siyang nasa El Casa.
"Iyon naman pala, so halikan mo si Fighter." sabi ni Shadow.
Napatitig si Adira sa kabayo saka nito hinawakan ang mukha ng kabayo na ikinaungol ng kabayo kaya umatras ng bahagya si Adira.
"Hahaha. Ayaw niya sayo." natawang sabi ni Shadow pero natahimik ito ng muling hawakan ni Adira ang kabayo at haplusin ang mukha niyon.
"Fighter, good boy iyan." nakangiting sabi ni Adira at ng maramdaman na kalmado ang kabayo, idinikit ni Adira ang mukha sa mukha ng kabayo na ikinatitig ni Shadow sa kababata.
"Good boy, baby." nakangiting sabi ni Adira sabay yakap sa mukha ng kabayo habang ang mukha nito ay hinahaplos sa mukha ng kabayo.
"Bakit ka nandito?" sabi ni Shadow sa batang babae ng mapaamo ni Adira ang kabayo niya.
Napangiti si Adira at sumagot ito kahit nakadikit pa ang pisnge nito sa kabayo at nakayakap sa mukha niyon.
"Darating sila Elle galing NYC at nandito ako para sunduin ka." sabi ni Adira.
Napatingin si Shadow sa paligid, walang kasama si Adira kaya nagtaka ito.
"Pumunta ka dito mag-isa?" tanong ni Shadow.
Sa unang bayan ang bahay nila Adira at malayo layo iyon sa Montemayor Ranch na nasa ikalawang bayan.
"Oo, sumakay ako ng tricycle. Tumakas ako kila Papa. Hahaha!" natawang sabi ni Adira.
"Puwede ka naman tumawag." sabi ni Shadow.
"Kinuha ni Papa iyong cellphone ko." sabi ni Adira.
"Kinuha? Bakit?" sabi ni Shadow na bumaba na ng kabayo pero si Adira nanatiling nakayakap sa mukha ng kabayo na tila naman natutuwa ang kabayo sa paghaplos sa mukha ng batang babae.
"Nalaman niyang nililigawan ako ni Tony." sabi ni Adira.
"Nililigawan ka na?" sabi ni Shadow.
"Oo. Nalaman ni daddy ng hiramin niya ang cellphone ko at nabasa iyong mga messages ni Tony sa akin." sabi ni Adira sabay yakap ng mahigpit sa kabayo na ikinaungol na ikinadila ng kabayo sa mukha ni Adira.
"Hahaha. Good boy." nakangiting sabi ni Adira.
Napatitig si Shadow kay Adira, alam niyang sa edad na sampu pa lang may umaaligid na dito at lihim lang iyon na sa kanya lang sinasabi ng batang babae dahil alam niyang mahigpit mga Valiente sa mga babae sa pamilya ng mga ito.
Naging matalik silang magkaibigan ni Adira para sa batang babae pero hindi para sa kanya. Kagrupo lang ang turing niya dito at hindi totally na kaibigan pero kahit ganoon, mula ng pumasok siya sa grupo lagi siyang kinukuwentuhan ni Adira sa mga bagay na tungkol dito o sa nangyayari sa lahat. Kaya naman hindi maiwasan na magkuwento rin siya, iyon nga lang kapag sila lang dalawa at iyon ay kapag nasa classroom sila.
Magkatabi kasi sila ng upuan sa loob ng silid aralan, naging magkaklase simula ng mamalagi siya sa Pinas, magkasama sa iisang grupo.
"So wala kang cellphone?" sabi ni Shadow ng makababa na ito ng kabayo.
"Wala nga. Ang kulit kasi ni Tony kaka-message, tapos pinagalitan pa ako ni tito Orion." sabi ni Adira
"Bakit naman?" sabi ni Shadow.
"Kasi nakita niya ako kasama si Emmanuel sa canteen noong bumisita si Tito Orion sa St Therese. Kumakain lang naman kami ni Emmanuel." sabi ni Adira.
"Bakit ka kasi kumakain kasama siya?" sabi ni Shadow.
"Sabado iyon, at wala naman sila Kuya at Yummy. May practice kami sa volleyball tapos may basketball practice sila Emmanuel, niyaya niya ako kumain sa canteen noong nagbreak, sumama ako. Wala naman masama kung kumain lang naman. Kaso si Tito Orion nagalit bigla, at sabi niya huwag daw ako sasama sa mga lalaki." sabi ni Adira.
"Dapat naman talaga." sabi ni Shadow.
"Hmph. Alam ko naman kung bakit nila ako pinagbabawalan." nakangusong sabi ni Adira sabay yakap muli sa kabayo na ikinatitig ni Shadow dito.
"Bakit?" tanong ni Shadow.
"Narinig ko sila minsan nagkukuwentuhan." sabi ni Adira.
"Sino at ano?" sabi ni Shadow.
"Sila Tito Orion at daddy tungkol kay mommy." sabi ni Adira.
"Ano naman ang narinig mo?" tanong ni Shadow.
Napatingin si Adira kay Shadow saka nito hininto ang pagyakap sa ulo ng kabayo.
"Sabi nila baka daw matulad ako kay Mommy and worst baka daw sa akin hindi ko mapigilan." malungkot na sabi ni Adira.
"Ano?" sabi ni Shadow na naguluhan sa sinabi ni Adira.
"Liberated daw si mommy kaya minsan na itong nasampal ni lolo LJ, pero hanggang flirting lang si mommy at ako baka daw hindi. Kasi, alam mo iyon hindi naman daw ako si mommy. At baka hindi ko daw alam ang limitasyon ko." sabi ni Adira.
"Bata ka pa, at naglalaro ka pa lang naman." sabi ni Shadow.
"Maraming nanliligaw sa akin, minsan pinapadaan nila kay Yummy o kaya kay Ate Winter iyong mga sulat kaso nahuhuli nila kuya Autumn.
Aissst! Nakakasakal minsan, pakiramdam ko wala silang tiwala sa akin." sabi ni Adira na ikinangisi ni Shadow.
"Bakit mo naman sila iintindihin kung hindi naman totoo? I mean, kung kilala mo ang sarili mo hindi ka matatakot o maaawa o kahit na makaramdam ng galit. Sabi ni lola Joyce sa akin, ikaw ang gagawa ng sarili mo at hindi sila. Enjoyin mo ang buhay mo dahil maraming araw kang mabubuhay pero ang kamatayan mo ay isa lang. Gets mo?" sabi ni Shadow.
"Tsss. Basta, makikipagkaibigan ako sa kung sino gusto kong kaibiganin." sabi ni Adira.
"Kaso nga puro lalaki ang kaibigan mo." sabi ni Shadow.
Napangiti si Adira, saka ito lumapit kay Shadow na nakatayo katabi ng kabayo nito saka muling nagsalita.
"Masarap maging kaibigan ang lalaki, walang arte, pakiramdam ko baby ako, at saka gusto ko kapag nakikipagbiruan sa kanila iba kasi ang saya ng lalaki kaysa sa babae." sabi ni Adira.
"Tomboy ka ba?" sabi ni Shadow.
"Hahaha. Siraulo! Hindi 'no. May crush nga ako sa school kaso huwag kang maingay." sabi ni Adira.
Hindi kumibo si Shadow, close sila ni Adira o close si Adira sa kanya, iyong tipong hindi niya tinuturing na matalik itong kaibigan pero ang batang babae sa harap niya iyon ang turing sa kanya. Madalas siyang sabihan ng sikreto nito kahit nga ang pagkakaroon nito ng buwanang dalaw nakuha ni Adira sabihin sa kanya. Mga bagay na hindi ito nahihiya sa kanya o pakiramdam niya tiwala ito sa kanya.
"Si Brendan ng high school building, crush ko iyon kaso may nobya na at balita ko galit sa akin ang nobya niya kasi may nagtsutsu sa akin na may gusto sa akin si Brendan at balak hiwalayan nito iyong gf niya." nakangiting kinikilig na sabi ni Adira.
Nanatiling nakatitig si Shadow kay Adira, kahit siya natatakot para sa batang babae mabilis kasi ito magkaroon ng crush at lapitin talaga ito ng mga lalaki.
"Uyyy! Hindi ka na nagsalita." sabi ni Adira ng hindi nagreact si Shadow.
"Aisssst! Bata ka pa umaalembong ka na." sabi ni Shadow.
"Hahaha. Hindi alembong iyon." sabi ni Adira saka ito hinaplos ang katawan ng kabayo.
"Gusto mo sumakay?" sabi ni Shadow na wala naman siyang balak sabihan si Adira dahil una, pakiramdam niya wala naman silang koneksyon na dapat niyang pigilan ito sa gusto nitong gawin.
"Puwede ba? O baka si Elle ang gusto mo pasakayin." sabi ni Adira.
"Hahaha! Puwede ko rin naman siya pasakayin pagkatapos mo." sabi ni Shadow.
"Okay sige. Hindi ko tatanggihan." sabi ni Adira.
Napangiti si Shadow saka nito inalalayan makasakay sa kabayo si Adira saka ito sumunod sumakay.
Nasa likuran si Adira ni Shadow kaya napakunot noo si Adira.
"Bakit ako nandito? Bakit kapag si Elle sa harapan mo pinapasakay?" sabi ni Adira.
"Kasi baby pa si Elle at ikaw ay malaki na." sabi ni Shadow.
"Hmmn, sabagay si Wine kasi sa harapan din niya pinapasakay si Elle. At sabi nila kapag sa harap sumakay ang babae ibig sabihin special ito." sabi ni Adira.
"Bakit mo naman nasabi?" sabi ni Shaodw
"Kasi, niyayakap nila ang babae mula sa likuran nito. Kaya siguro sa harapan mo rin pinapasakay si Elle kasi di ba? Crush mo siya dati pa." sabi ni Adira.
"Sino may sabi sayo?" sabi ni Shadow na simulan ng patakbuhin ng mabagal ang kabayo.
"Na crush mo si Elle? Di ba ikaw, at alam din nila kuya at Wine iyon. Tingnan mo si Kuya sa harapan din niya ako pinapasakay kasi sabi nila ang mga babaeng pinapasakay sa harapan ay mga babaeng iniingatan ng lalaki in a way na nobya nila o kapatid nila para hindi ito mahulog o maalalayan nila ito." nakangiting sabi ni Adira.
"Kalokohan. Ang mga babaeng sa likuran nakasakay ng lalaki kapag sakay sila ng kabayo ay nangangahulugan na pinagkakatiwalaan ng lalaki ang babae at iyon ang paniniwala ko." sabi ni Shadow.
Bahagyang umangat sa pagkakaupo si Adira sa kabayo at tiningnan ang mukha ni Shadow.
"So, pinagkakatiwalaan mo ako?" sabi ni Adira.
"Hindi. Hahaha." natawang sabi ni Shadow.
"Ang labo mo." sabi ni Adira sabay upo at yakap sa likuran ni Shadow ng magsimulang bumilis ng bahagya ang takbo ng kabayo
"Hindi kita pinagkakatiwalaan pero pinagkakatiwalaan mo ako." sabi ni Shadow.
Napangisi si Adira saka nito isinubsub ang mukha sa likuran ni Shadow saka nagsalita.
"Ang labo ng mga sinasabi mo." sabi ni Adira.
"Nasa likuran kita pero hindi ka natatakot na baka mahulog ka, kasi may tiwala ka sa akin na hindi kita ihuhulog kahit na..." udlot na sabi ni Shadow ng bigla nito bilisan ang takbo ng kabayo na ikinakapit ng mahigpit sa yakap ni Adira sa katawan Shadow sabay ng pagsubsub ng ulo nito sa likuran ng batang lalaki.
"...kahit na puwede kitang ihulog anytime." sabi ni Shadow sabay ng mabilis pang pagpapatakbo ng kabayo na ikinangisi ni Adira sabay nagsalita.
"Kaibigan kita, tulad nila Wine at iba pa. At ang turo ni lolo Ramon ang pagkakaibigan hindi ka ihuhulog, at sa pagkakaibigan kahit buhay mo puwede mong ibigay tulad ng ginawa niya dati.
At naniniwala ako mahulog man ako dito sa likuran mo, hindi mo iyon sinasadya tulad ng hindi rin sinasadya ni Tito Rod ng mabaril si lolo dati ng dahil sa kanya." sabi ni Adira.
Napangiti si Shadow ng marinig ang sinabi ni Adira na halos umecho ang ang boses nito sa dibdib niya ng magsalita ito habang nakasubsub ang mukha nito sa likuran niya.
Ilang sandali pa ng nasa unang bayan na ang dalawa. Namataan ni Shadow ang grupo kaya mabilis nitong pinahinto ang kabayo.
"Shadow!" sigaw ni Elle na ilang taon din ang tanda niya dito lima o anim.
"Bumaba ka na." sabi ni Shadow kay Adira sabay tanggal ng pasimple ng mga kamay ni Adira na nakayakap sa katawan niya.
Napangiti si Adira ng makita si Elle at ang mga pinsan at kuya niya na nakatingin sa kanya.
"Nandiyan na pala si Elle. Good luck sa pagpapapogi mo." mahinang sabi ni Adira saka nitong naisipang bumaba ng kabayo na hindi na hinintay na alalayan ni Shadow.
"Pasakay!" sigaw ng batang babae na si Elle na ikinangiti ni Shadow.
"Sige ba." sabi ni Shadow na hindi namalayan na pababa pa lamang si Adira sa kasabikan nito na maisakay si Elle sa kabayo niya.
Pinatakbo ni Shadow ang kabayo papunta kay Elle, na ikinasigaw nila Winter at Yummy ng sumabit ang paa ni Adira na pababa pa lang kabayo.
"Dahan-dahan!" sigaw ni Aqua ng makita ang pinsang si Adira na sumabit ang paa sa kabayo at patuwad itong nahulog.
"Ihinto mo!" sigaw ni Heaven ng makita ang itsura ng pinsang si Adira na nakatuwad habang ang paa nito ay nasabit sa upuan ng kabayo.
Sa pagtingin ni Shadow sa likuran nagulat ito ng makita ang itsura ni Adira na nakasabit sa kabayo ang paa nito.
Agad naman napahinto ni Shadow ang kabayo at akmang bababa ito, ng may bumuhat ng mabilis kay Adira, at sa pagtingin ni Shadow galit na mga maiitim na mata ni Autumn ang bumungad sa kanya.
"Kung hindi mo kaya buhatin at panindigan o kaya bantayan huwag mong ipasakay sa kabayo mo." galit na sabi ni Autumn saka nito hinila ang tali na pumulupot sa mga paa ni Adira.
"Uyyy, kuya hindi niya sinasadya. Natuwa lang siya makita si Elle." sabi ni Adira na namula ang mga paa at may gasgas ang binti, balikat at pisnge nito.
Hindi umimik si Autumn ng maialis ang tali at maibaba nito ang pinsang si Adira.
"Bakit ka umalis?" sabi ni Autumn kay Adira.
"Sinundo ko siya, kasi siya na lang ang kulang." nakangiting sabi ni Adira kay Autumn sabay turo kay Shadow na tila wala lang sa batang babae ang nangyari.
"Okay ka lang Adira?" sabi ni Elle habang nakasunod dito si Wine.
"Oo." nakangiting sabi ni Adira kay Elle.
"Hello Shadow." nakangiting sabi ni Elle na ikinangiti ni Shadow.
"Halika na Elle." sabi ni Wine sabay hawak sa kamay ni Elle at hinila ito palayo kay Shadow.
"Hahaha. Hindi ka makakasingit." natawang sabi ni Adira na ikinatingin ni Shadow kay Adira.
"Adira halika na." sabi ni Chhaya ng sundan nito si Autumn.
"Okay." sabi ni Adira saka ito umalis kasama sila Chhaya at Autumn.
"Hinulog mo pare!" sigaw ni Rhythm kay Shadow.
"Pasalamat ka hindi napuruhan." inis na sabi ni Ion.
"Huwag ka kasi excited sa ibang babae kung may sakay ka pang babae." natawang sabi ni Ciao sa pinsan na ikinangisi ni Shadow.
.......................
St Therese University
One week later
"Wala akong cellphone." sabi ni Adira kay Emmanuel ng lapitan siya nito sa classroom
"Ganoon ba? Bakit naman?" sabi ni Emmanuel habang pasimple ang dalawa tumitingin kay Wine at Ion na nakikipagkuwentuhan sa iba nilang kaklase.
"Kinuha nila Papa kasi nabasa nila ang message mo at ni Tony. Nagsabi ka pa ng I love you." sabi ni Adira.
"Hahaha. Mahal naman talaga kita." sabi ni Emmanuel sabay hawak sa kamay ni Adira.
"Bata pa ako." sabi ni Adira at akmang magsasalita si Emmanuel ng magulat ang dalawa ng may humila sa kamay ni Adira at wisikan ito ng alcohol.
"Dirty." sabi ni Shadow sabay wisik ng alcohol sa mukha ni Emmanuel na ikinasigaw ni Adira.
"Shadow!" sabi ni Adira.
"Aray." sigaw ni Emmanuel ng mawisikan ang mga mata nito na ikinatingin ng buong klase sa tatlo.
"Bakit mo ginawa iyon?" sabi ni Adira sabay bawi ng kamay niya na basa ng alcohol
Akmang kukunin ni Adira ang towel ni Emmanuel na nasa mesa nito para ipampunas sa kamay niya ng hatakin iyon ni Shadow at gawing basahan sa sahig.
"Sabi ko sayo gagamit ka lang ng best." sabi ni Shadow sabay bunot ng mamahaling panyo sa bulsa nito at ibinigay kay Adira, na ikinatawa nila Wine at Ion.
"Iyong mata ko masakit." sabi ni Emmanuel
"Owwwss! Ayos iyan para wala nang makita ang dukha mong mga mata." sabi ni Shadow sabay wisik muli ng alcohol kay Emmanuel
"Uyyy, baka mabulag na iyan ng tuluyan." sabi ni Adira at akmang hahawakan nito si Emmanuel para tulungan ng biglang takluban ito ni Shadow ng trash bag na kulay gold si Emmanuel.
"Hahahaha! Saan galing iyan?" sabi ni Ion habang tumatawa ito sa ginagawa ni Shadow.
"Sa bahay, gold ang mga trash bag doon at naisip ko kagabi baka kailangan ng color gold na trash bag sa school." nakangising sabi ni Shadow habang pilit na isinusuot ang trashbag sa ulo ni Emmanuel
"Tama na at baka ma-guidance ka." sabi ni Adira kay Shadow.
"Lumayas ka sa upuan ko" sabi ni Shadow kay Emmanuel at muling natawa sila Wine at Ion ng kumuha ng hand plastic si Shadow na ginagamit kapag kumakain ng nakakamay sa bag nito. Sinuot iyon ni Shadow saka hinawakan si Emmanuel
"Hahaha. Siraulo ka." tumatawang sabi ni Ion sa ginagawa ni Shadow.
"Mas okay ito para hindi dumikit ang dirty niyang katawan sa kamay ko." sabi ni Shadow saka nito hinila si Emmanuel paalis sa upuan nito.
Pagkatapos mapaalis si Emmanuel winisikan ng alcohol ni Shadow ang upuan at palibot nito na muling ikinatawa nila Wine at Ion.
"Tama naman na ang kakawisik mo ng alcohol. Nakakaubo na at masakit sa ilong." sabi ni Adira.
"Sabi ng lola ko dapat malinis ang paligid ng hindi dapuan ng mikrobyo." sabi ni Shadow saka ito umupo sa tabi ni Adira.
"Late ka." sabi ni Adira ng makaupo si Shadow.
Napatingin si Shadow sa paligid at ng makitang nakikipagkuwentuhan na sila Ion at Wine sa iba nilang kaklase kasama si Rhythm na kararating lang din. Muli itong napatingin kay Adira.
"Ano? Bakit ka late?" sabi ni Adira.
"Naglaro kami ni Elle. Pumunta ako sa bahay nila kasama si Lola." sabi ni Shadow
"Hindi ka pumasok ng umaga para lang makipaglaro kay Elle?" di makapaniwalang sabi ni Adira.
"Oo. Para walang sagabal dahil nasa school ang lahat ng bantay niya." sabi ni Shadow
"Tsss, siraulo." sabi ni Adira
"Ikaw, bakit ka nagpapaligaw?" sabi ni Shadow.
"Nagtatanong lang siya." sabi ni Adira at akmang lilingunin nito si Emmanuel ng akbayan ito ni Shadow.
"Huwag mong tingnan dahil virus iyon." sabi ni Shadow.
"Ay grabe ka." sabi ni Adira.
"May ibibigay pala ako sayo." sabi ni Shadow.
"Ano iyon?" sabi ni Adira.
Inalis ni Shadow ang pagkakaakbay kay Adira at may hinanap ito sa sariling bag.
"Akin na ang bag mo." mahinang sabi ni Shadow.
"Bakit? Ano ba 'yan?" sabi ni Adira.
"Basta. Akin na muna ang bag mo." sabi ni Shadow
"Okay." sabi ni Adira saka nito kinuha ang bag sa upuan.
"Buksan mo." sabi ni Shadow.
"Ano ba iyan?" sabi ni Adira sabay bukas ng bag niya.
Napatingin si Shadow sa paligid at ng makitang busy ang lahat pati si Emmanuel na mukhang nabulag sa winisik niyang alcohol mabilis nitong inilagay ang bagay sa loob ng bag ni Adira.
"Uyyy." sabi ni Adira ng ilagay ni Shadow ang box ng cellphone.
"Shhhh. Huwag kang maingay. Narinig ko kasi ang Papa mo at Tito Orion mo na wala na rin cellphone sila Winter at Yummy tapos narinig ko baka for the whole year wala kayong cellphone kaya naisip kong bilhan ka." mahinang sabi ni Shadow.
"Makikita ito ni Daddy." mahinang sabi ni Adira.
"Marunong ka naman magtago. Kukunin ko na lang iyong box para hindi ka mahalata." sabi ni Shadow.
"Huwag na kasi baka lumingon sila kuya at Wine." sabi ni Adira.
"Okay, basta ako lang ang tatawagan mo. Kasi kapag tumawag ka sa iba at nahuli ka. Idedeny kita kapag tinuro mo ako na nagbigay ng cellphone na iyan." sabi ni Shadow.
"Okay." nakangiting sabi ni Adira.
"Huwag kang tatawag sa iba kahit magsesend ng message." sabi ni Shadow.
"Grabe. Pero sige." sabi ni Adira sabay sara ng bag nito.
"Bumaba ako kanina sa mall at nagpabili ako kay lola ng cellphone na iyan." sabi ni Shadow.
"Lola mo pa ang bumili nito?" gulat na sabi ni Adira sabay bukas sa bag dahil hindi naman niya nakita ang tatak at model ng cellphone.
"Oo, malamang." sabi ni Shadow
"Uyyy. Mahal ito." sabi ni Adira ng makita ang latest cellphone ng mamahaling brand na ikinangisi ni Shadow.
"Sabi ni lola ang bibilhin ko lang dapat ay the best. Lalo na kapag the best ang gagamit." sabi ni Shadow.
"Ikaw ang alam niyang gagamit kaya best." sabi ni Adira.
"Ibibigay ko sayo kaya best din dapat." mahinang sabi ni Shadow na halos magbulungan sila ni Adira.
"Bakit hindi si Elle ang bigyan mo?" sabi ni Adira ng bulungan niya si Shadow.
"Hahaha! Bata pa iyon, nagdedede pa nga sa tsupon." sabi ni Shadow.
"Sabagay, bigyan mo na lang siya kapag malaki na siya." sabi ni Adira.
"Oo, kapag nakasingit ako at saka...." sabi ni Shadow na naudlot ng biglang may sumingit sa gitna ng mga mukha nila ni Adira habang nagbubulungan sila galing sa likuran.
"Adira." tawag ni Emmanuel at akmang pupuntahan nito si Adira ng mabilis na kinuha ni Shadow ang alcohol at winisik wisik iyon kay Emmanuel.
"Shadow, tama na at mabubulag na iyan." sabi ni Adira pero hindi tinatantanan ni Shadow ang kakawisik ng alcohol sa batang lalaki.
"Nakakaasar nga pala talaga kapag may sumisingit." inis na sabi ni Shadow habang hindi tinatantanan ang kakawisik ng alcohol kay Emmanuel.
April 11, 2022 3.49pm
Fifth Street
2 chapters ang katumbas nito.
Dreame Acct
Rose Chua Novels
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top