Introduction
The Rancher
"Naging tayo ba?" seryosong tanong ni Shadow kay Adira.
Napatingin si Adira kay Shadow at ngumiti si Adira.
"Sa nakikita ko sayo ngayon, siguro hindi." nakangiting sabi ni Adira
"Hindi? So, hindi mo ako minahal sa panahon na magkasama tayo." seryosong tanong ni Shadow kay Adira.
"Ayokong pumasok sa relasyon na may nakapaloob na damdamin...
...na alam kong may expiration date.
At kung meron man na love
...ang sa atin dalawa mukhang expired na ngayon." nakangiting sabi ni Adira na ikinatitig ni Shadow sa dalaga.
"Niloloko mo lang pala ako." seryosong sabi ni Shadow na ikinanlaki ng mga mata ni Adira.
"Huwaw ha. Ako talaga ang nanloko sayo?" nanlalaking mata na di makapaniwalang sabi ni Adira na tila siya pa ang may kasalanan kahit na nahuli niyang may babae si Shadow.
"Niloko mo lang ako at pinaglaruan mo lang ako." sabi ni Shadow kay Adira ng biglang humikbi si Shadow na ikinanlaki ng mata at ikinagulat pa lalo ni Adira.
"Ayos ka ha. Parang ikaw ang naagrabyado." sabi ni Adira na kahit na siya ang unang nakakita na may kasamang iba si Shadow tila siya pa ang kinokonsensya nito.
"Ang kapal mong saktan ako ng ganito. Isusumbong kita sa lola Joyce ko." umiiyak na sabi ni Shadow sabay tingin sa lalaking kasama ni Adira.
"Isusumbong din kita sa lola ko. Lagot kayong dalawa sa lola ko." umiiyak na sabi ni Shadow sa lalaki.
"Hala! Umiiyak ka talaga?" sabi ni Adira na di makapaniwala sabay dutdut sa mata ni Shadow at ng makumpirma niyang totoo ang iyak nito nanlaki lalo ang mga mata ng dalaga.
"Manloloko ka, isa ka ngang Valiente.
Manlolokong manyak. Nakuha mo ako ipagpalit agad-agad." umiiyak na sabi ni Shadow na ikinapula ng mukha ni Adira.
"Siraulo ka." sabi ni Adira habang namumula ang mukha nito sa hiya.
"Tama nga sila, na kapag Valiente, mahihilig." sabi ni Shadow sabay punas ng luha nito na nakuha pang suminghot.
"Uyyyy. Foul ang sinabi mo." sabi ni Adira ng biglang napalunok ito ng umiyak lalo sa Shadow kahit na malaking lalaki ito. Namumula na ang mata at mukha ng binata at tila wala itong pakialam kahit na pinagtitinginan na sila sa Restaurant kung saan siya nahuli ni Shadow na may kasamang lalaki na ganti lang naman niya dito.
"Mahal kita, tapos ginago mo lang ako." umiiyak na sabi ni Shadow kay Adira.
Napatingin si Adira kay Shadow dahil ang totoo nagselos lang naman siya at balak lang niyang gumanti, kaso sa itsura ni Shadow mukhang magpapakamatay ito kaya....
"Huwag ka ng umiyak. Bati na tayo." sabi ni Adira sabay tanggal sa kamay ng lalaking kasama nito na nakahawak sa kamay niya at niyakap ni Adira si Shadow.
Pagkayakap ni Adira kay Shadow napangisi ang binata saka nito dinilaan ang lalaking kasama ni Adira na ikinatiim ng bagang ng lalaki kay Shadow.
"Bati na tayo." masuyong ulit na sabi ni Adira habang nakayakap kay Shadow.
"Oo bati na tayo." umiiyak na sabi ni Shadow na nakuha pang suminghot pero ang mga mata nito ay nang-aasar sa lalaking kasama ni Adira. Nakuha pang dumila uli ni Shadow sa lalaki.
"Ano ka ngayon?" natatawang sabi ni Shadow sa isip sa lalaki, habang nakasiksik ang ulo ni Adira sa dibdib niya at nakatingin siya sa lalaking namumula na sa galit sa kanya.
"Huwag ka ng iiyak, tayo na uli." sabi ni Adira na ikinangiti ni Shadow sabay yakap kay Adira habang nakatitig ang pilyo mga mata ni Shadow sa lalaking nakakuyom na ang kamao na anumang oras malapit na itong sumabog sa galit para sapakin siya.
Napakunot noo naman si Adira ng maramdaman na tila humahagikhik si Shadow.
Sa ilang taon na nilang lihim na magnobyo kilala na ni Adira ang kilos nito at body language kaya pasimple siyang tumingin sa mukha ni Shadow, nang biglang napangisi si Adira ng makitang dinidilaan ni Shadow ang kasama niyang lalaki habang lumuluha ang nobyo.
"Ay siraulo." sabi ni Adira sa isip ng makuha pa ni Shadow kindatan ang lalaking kasama niya, sabay dila uli ni Shadow sa lalaki habang lumuluha ang nobyo niya
December 30, 2021 1.46pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top