The Play Boy : Introduction

Introduction :

Ilang taon mula ng nasunog ang tinitirhan ni Kim Madlangbayan sa Laguman. Napadpad ang pamilya niya sa Heather Island kung saan doon sila dinala ng isa sa kasapi ng bulung-bulungan na grupo na nagpasunog ng lugar nila na isang squatter site.

Si Ion Valiente, ang taong naging bayani ng buong pamilya niya sa panahon na kumakalat ang napakalaking sunog sa Laguman na halos naging impyerno ang dating sa lahat.

Natatandaan pa ni Kim ang lahat ng pangyayari dati, habang pinagmamasdan ngayon ang batang yakap niya.

Mula sa mga nagkakagulong residente ng mga nasusunugan, may humawak kay Kim sa braso at sa pagbaling niya ng tingin laking gulat niya ng makita ang binata na ang huling kita niya ay noong samahan niya ang kaibigan na si Muddy sa Isla Verde, kung saan naroroon ang pinsan ng binatang nasa harapan niya na inakala nilang patay na

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Kim ng makita si Ion.

"Hindi na kayo puwede dito dahil lahat ng nakikita mo ay pag-aari na ng grupo namin." sabi ni Ion kay Kim.

"Sa Silungan kami, pupunta." sabi ni Kim na hindi naman siya nagtaka kung pinasunog ang squatter site dahil gawain iyon ng mga mayayaman para paalisin ang mga mahihirap sa lugar ng mga ito na parang mga bangaw.

"Susunugin din ang lugar na iyon ilang oras mula ngayon." bulong ni Ion na ikinanlaki ng mga mata ni Kim.

"Ano?! Ba...bakit ka nandito?" sabi ni Kim na nagulat sa sinabi ni Ion dahil tila tama ang mga haka-haka at kompirmado nga na may kinalaman ang grupo ni Ion sa malaimpyernong sunog na tumutupok sa mga ng residente ng Laguman.

Pero ang malaman na pati ang Silungan ay susunugin ng mga ito ay nakakahindik sa sistema ni Kim.

"Para hindi ka madamay sa galit ng leader namin na ngayon ay tila demonyo na naghahanap ng mga taong may kaugnayan sa pagpapalit ng anak nila ng kapatid niya." sabi ni Ion

"Hindi kita maunawaan pero wala akong kinalaman sa sinasabi mo." sabi ni Kim

"Wala kang kinalaman sa ngayon....

....pero magkakaroon ka ng kinalaman dahil ang kaibigan mong si Muddy ay pupuntahan ka at kapag nangyari iyon. Sangkot ka na sa krimen niya." sabi ni Ion.

"Si Muddy?" nagtatakang tanong ni Kim.

"Kasama si Muddy ni Run ng itago nila ni Ash si Diez at ang anak ni Autumn na si Burn. At nang palabasin ng mga kapatid ni Autumn na anak si Burn ni Winter." sabi ni Ion

"Ano ngayon ang kinalaman ko sa bagay ng problema ng grupo niyo?" sabi ni Kim.

"Si Muddy ang magiging dagok sa buhay mo. Kaya mamili ka ang proteksyon na ibibigay ko sa buong pamilya mo o ang pagbibigay mo ng proteksyon sa kaibigan mo kapalit ng katahimikan mo at ng pamilya mo, dahil si Autumn ay nasa pag-iisip ngayon na daig pa ang nababaliw." sabi ni Ion.

Napatingin si Kim sa mga magulang at dalawang kapatid na mas bata pa sa kanya. Mahirap lang sila pero tahimik naman ang buhay nila at masaya bagay na suwerte niyang maituturing sa sarili.

"Muddy, babalikan kita. Ilalagay ko lang sa ligtas ang pamilya ko. Pangako, hahanapin kita sa oras na mangyari ang sinasabi ng siraulong katabi ko." sabi ni Kim sa isip habang lihim na pinagmamasdan si Ion na nakatingin sa nasusunog na tila nanonood lang ito ng live show.

"Ano nakapagdesisyon ka na ba? Gumagana ang oras." sabi ni Ion habang nakatingin sa naglalagablab na apoy ng nasusunog na mga kabahayan sa Laguman.

"Okay. Saan mo kami dadalhin?" sabi ni Kim na ikinatingin ni Ion sa dalaga.

"Sa Heather Island." nakangiting sabi ni Ion.

"Saan iyon?" sabi ni Kim.

"Sa islang nadiskubre ko." sabi ni Ion na ikinatitig ni Kim sa binata.

December 22, 2021 8.05pm

Fifth Street

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top