Kabanata 1 : Strong Enough
Kabanata 1 : Strong Enough
El Emperio Bar
Years later
Sa Kanya
MYMP
Kim : Namulat ako at ngayo'y nag-iisa
Kanina pa nasa sulok ng bar si Ion habang pinagmamasdan si Kim na kumakanta sa naturang bar ng pag-aari ng grupo niya.
Kim : Pagkatapos ng ulan
Bagama't nakalipas na ang mga sandali
Naggigitara si Kim, isa sa bagay na itinuro ni Ion sa babae. Bukod sa pagkanta na inenrol pa niya ito sa isang sikat na Music school sa bansa.
Kim : Ay nagmumuni kung ako'y nagwagi
Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin
Ilang taon mula ng mabuntis ni Ion si Kim, hindi na siya nagpakita dito bukod sa patuloy ang sustento niya sa anak niya sa babae.
Kim : Nguni't bakit hanggang ngayon, nagdurugo pa rin?
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Dose anyos na ang anak nila, ganoon katagal na taon na ang lumipas na hinayaan niya ito mamuhay matapos ang isang taon na inilaan niya kay Kim para maging isa sa babae niya.
Kim : Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Babae. Dahil ilang babae na ang dumaan sa buhay ni Ion. Pinagsabay-sabay pa niya, pero lahat naman nakatikim ng saya sa kanya. At siniguro niya pati ang babaeng nasa stage na kumakanta.
Kim : Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya
At sa hating-gabi ay nag-iisa na lang
Ang hindi lang niya inaasahan ang mabuntis ito, na hindi niya nakuha makabuntis sa iba. Sa dinami-dami niyang babae kay Kim lang siya nagkaanak at may nakalusot na semilya niya. Si Uno.
Kim : Ay minamasdan ang larawan mo
At ngayo'y bumalik nang siya'y kapiling pa
Alaala ng buong magdamag
Sakto matapos ang isang taon na relasyon nila nakabuo sila at sa una hindi niya alam na nakabuo sila. Nalaman na lamang niya ng minsan na nakita niya uli ito, pero huli na dahil may nobyo na si Kim na siyang umaako sa anak niya.
Kim : Kung sakali mang isipin na ito'y wala sa akin
Sana'y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin
Simula noong araw na iyon, iniwan niya si Kim ng tuluyan at hindi na niya ginambala pa. Nagpapadala lang siya ng sustento sa bata, at dahil sa bahay naman niya pa rin nakatira ang pamilya nito kaya hindi nahirapan si Ion para makibalita sa anak niya.
Kim : Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Hindi siya nakibalita kay Kim basta ang iniisip ni Ion makapagbigay siya ng sustento, pero nitong nakaraan taon nalaman niya na hindi ito kinasal at niloko din ito ng lalaking sasalo dapat sa anak niya.
Kim : Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya
Una na niyang nakita ang Heather Island at nagulat din siya ng doon nakapisan at nanirahan ang pamilya ni Wine, na matalik niyang kaibigan.
Minsan ng tinanong ni Wine sa kanya ang tungkol sa bata na may pagkakahawig sa kanya pero tinawanan lang ni Ion ang bagay na iyon, dahil kung tutuusin may pagkakapareho ang mukha ng mga Valiente bukod kay Heaven na pinsan niya, na prominente ang mukha ng Lopez.
Kim : Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Nang ikasal ang matalik na kaibigan na si Wine sa pinsan niyang si Elle, hindi nagawa ni Ion tingnan ang kalagayan ni Kim. Sa takot na rin na malaman ng pamilya na may anak siya. Hindi pa siya handa malaman ng grupo ang tungkol sa ginawa niya bukod kasi na ang akala niya may asawa na si Kim ng taon na iyon.
Kim : Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin
Isang taon sila nagsama ng patago ni Kim sa isla. Taon na naging masaya ang lahat sa kanila, hindi rin kasi alam ni Kim na bukod dito may binabahay pang iba si Ion.
Mga taon na ang akala ni Kim, seryoso siya dahil napaamo niya ito ng todo. Tipong tulad ng isang babae na siya lang ang sinasamba pero hindi....
.. dahil bukod kay Kim kabilaan ang mga naging babae ni Ion.
Kim : Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin kanya
Sa kanya
Sa kanya, ooh
Sa kanya, ooh
Sa kanya, ooh
"Whoaaaah!" sigawan ng mga tao mula sa El Emperio Bar ng matapos magsagawa ng performance si Kim Madlangbayan o mas kilala sa tawag na Golden.
"Salamat. Para mabuhay ang dugo natin lahat.
Magparty na tayo." nakangiting sabi ni Kim na ikinasigaw ng lahat ng tanggalin ni Kim ang pang-ibabaw na damit nito at tumambad ang seksing katawan ng dalaga.
Mula sa malayo nakatanaw lang si Ion at napatiim ng bagang ito ng makita ang suot ni Kim. Nakasuot si Kim ng maikling shorts na pinatungan ng mahaba ngang t-shirt pero butas butas iyon na nagpakita sa tiyan nito na kapag sumayaw si Kim panigurado kita ang bra nito na kulay itim at ang mayamang dibdib o cleavage ng dalaga na sumusungaw.
Pati ang shorts nito ay kita ang pisnge na lalo nagpakita sa makinis nitong puwetan na hindi mo aakalain na anak mahirap ito dahil bukod sa makinis maputi at pantay ang kulay ni Kim. Bagay na lalong ikinaakit ni Ion kay Kim dati.
Samantalang napatingin si Kim sa mga tao, siya na ang star ng bar na iyon mula ng palitan niya si Diez. At ang kontrata niya milyon ang halaga, na sa hinagap hindi niya aakalain na makakakuha siya ng ganoon kalaking halaga. Kaya ngayon kayod kalabaw siya at lahat ng pinapagawa ng Casa, ginagawa niya ultimo kahit panty at bra na lang ang suutin niya.
Isang entertainer si Kim, at sa susunod na buwan magiging escort na siya kung saan puwede na siyang kunin ng isang client at ilabas bilang ka-date nito na kasama sa lahat ng gathering nadadaluhan nila
May extra service ang pagiging escort at iyon ang pinaghandaan ni Kim. Malaki ang kita, bukod sa tip na matatanggap niya. Kinakabahan siya pero excited sa napipintong pagyaman niya bilang escort.
"More!" sigaw ng mga tao na ikinangiti ni Kim.
"Okay!" nakangiting sigaw ni Kim saka nito tinaas ang kamay na ikinasigaw ng mga lalaki sa bar na iyon na halos gabi-gabi ay punuan dahil sa bagong mukha ng Casa
"Golden!" sigaw ng mga lalaking hayok sa laman, mga mayayamang kabataan na walang ginawa kundi maglustay ng pera ng mga magulang na bilyonaryo na naghahangad na makasama siya sa isang gabi.
Isang gabi. Na pupunuin ni Kim ng saya kapalit ng malaking kita na ikakahango ng pamilya niya sa hirap na hindi niya nagawa dati dahil nagpakatanga siya sa isang lalaking inakala niyang sineseryoso siya.
Samantalang napalunok si Ion ng magsimula sumayaw si Kim sa stage.
"Strongest"
"Ohhhhhh!" sigawan ng lahat ng magsimula sumayaw si Kim.
Kim : You sit there with that look on your face like you won
Flashback (Years ago)
"Para sa akin ba iyan?" tanong ni Kim kay Ion ng harangan siya nito palabas ng exit ng campus na pinapasukan niya sa kolehiyo.
"Oo." sabi ni Ion sabay bigay ng bulaklak kay Kim.
Napatingin si Kim kay Ion ilang taon na itong hindi nagpakita sa kanila mula ng masunog ang Silungan, at ngayon nasa harapan na naman niya ito.
"Salamat." nakangiting sabi ni Kim.
Kim : Like nothing that I say is gonna change how you feel now
Flashback (Years Ago)
"May gusto ka sa akin?" di makapaniwalang sabi ni Kim ng sabihin ni Ion na gusto siya nito pormahan
"Oo. Bakit bawal ba? " sabi ni Ion.
Napangiti si Kim, isang taon mula noong araw na nagpakita muli si Ion, nagsimula na ito nagbabalik-balik mula sa El Paradiso kung saan ang bahay nito papunta sa Heather Island kung nasaaan siya nakatira.
At sa taon na iyon, mabait naman ito sa kanya at sa pamilya niya, bagay na nakuha nga ni Ion ang loob ng pamilya niya at...siya.
Kim : You sit there and you tell me you fell outta love
Flashback (Years Ago)
"Tayo na?" tanong ni Ion kay Kim isang taon matapos siyang ligawan nito.
"Oo." nakangiting sabi ni Kim dahil consistent manligaw si Ion at nakaramdam siya ng pagmamahal dito at naramdaman naman niya ang sincerity ng binata.
Kim ; And we are in your way so you just gotta leave now
Flash back (years ago)
"Ano? Bakit?" gulat na sabi ni Kim matapos ang isang taon na pagiging magkasintahan nila ni Ion nakikipagbreak ang binata sa kanya, na wala naman siya ginagawa o hindi niya alam ang rason kung may mali ba siyang ginawa.
"Para makakita ka ng mas okay kaysa sa akin." sabi ni Ion na hindi makatingin sa nalilitong reaksyon ni Kim.
"May iba ka ba?" tanong ni Kim dahil kung siya ang tatanungin ni Ion. Wala siyang naging relasyon, ng sila ni Ion. Ang akala nga ni Kim sila na ni Ion hanggang huli.
Kim : And we just need to understand your reasons
"Baka kasi nabigla ka lang ng ligawan kita at baka iyon nararamdaman mo utang na loob lang kaya mo ako sinagot." sabi ni Ion na ikinakunot ng noo ni Kim sa pagkalito kung saan siya nagkamali.
Kim : And you are gonna justify this treason
"Baka mas maganda kung maghiwalay na tayo." sabi ni Ion.
"May nangyari sa atin. Paano iyon?" pigil na luha na sabi ni Kim.
"Virginity lang naman ang nawala." sabi ni Ion na ikinalunok ni Kim sa sakit na naramdaman niya.
Kim : By telling me the promises that we sworn ain't enough
"Iyong sinabi mong mahal mo ako. Hindi ako aalis dahil babalik ka? Para saan iyon?" napaluhang sabi ni Kim na ikinaiwas lang ng tingin ni Ion.
Kim : So now you gonna be another person?
"May makikita ka pa na higit sa akin, at ang sa atin ay simpleng relasyon lang." sabi ni Ion na ikinaluha ni Kim sabay hawak sa puson niya.
Kim : And how do I explain this shit to our son?
"Okay. Wala lang tayo, simpleng relasyon lang ang namagitan sa atin...
....kahit binigay ko sayo." napaiyak na sabi ni Kim.
Kim : How'd you tell a toddler about a girlfriend?
Daddy's gone
(Present day) Napalunok si Ion, dahil hindi niya nakuhang dalawin ang mag-ina sa nakalipas na ilang taon.
Kim : Well, I will be the strongest that he ever knew
"Ohhhhh!" sigawan ng lahat ng sumayaw pa lalo si KIm na halos ikinasilip ng maselang katawan ni Kim sa manipis na telang nakabalot dito.
Kim : And I will be there when he needs a love strong enough
Don't worry I will carry your share for us
(Flashback years ago)
"Buntis ako." lumuhang sabi ni Kim sa mga magulang.
"Iniwan ka niya?" tanong ng ama ni Kim tukoy nito kay Ion.
"Hindi niya alam na buntis ako. Hiniwalayan niya po ako, bago pa man niya nalaman sa unang anibersaryo sana namin bilang magkasintahan." lumuluhang sabi ni Kim na pakiramdam niya isa siya malaking failure sa mga magulang lalo na at kakagraduate niya pa lang at wala pa siyang trabaho.
Kim : No matter how bad the storm
I will be the strongest that he ever knew
And we'll leave you alone
"Hayaan mo na, bayad na tayo sa kanya." napaluhang sabi ng ama ni Kim na ikinaluha ni Kim lalo.
(Present day)
Halos hindi na magkarinigan sa El Emperio bar sa hiyawan ng umindak sa pagsayaw si Kim na ikinalunok ni Ion dahil tila mahuhubaran ang dalaga sa stage sa ginagawa nitong steps sa pagsayaw.
"Golden we love you!" sigaw ng mga tao sa bar ng gabing iyon na ikinangiti ni Kim.
Kim : You sit there with your phone in your hands and you're hurt
You tell me that you feel like you lost me when he came
"May bago na siya." lumuluhang sabi ni Kim ng makita ang bagong kasama ni Ion sa isang gathering ng grupo nito. Ilang buwan mula ng makipaghiwalay ito sa kanya.
Napahawak si Kim sa puson niya at humagolhol ito sa sinapit na panloloko sa kanya ni Ion.
Kim : I'm sorry but I cannot connect with your words
'Cause right now what matters isn't yours but it is his name
Flashback
"Buntis ka." gulat na sabi ni Ion ng makita si Kim sa bayan ng Heather Island na noo'y malaki na ang tiyan ng maisipan niyang pumunta sa islang iyon.
Hindi nagsalita si Kim habang nakatitig kay Ion na may kasamang babae.
"Kim."
Napatingin si Ion ng may tumawag kay Kim, isang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa kanya.
"Halika na." sabi ni Kim sa lalaki.
"Sino siya?" sabi ni Ion.
"Nobyo ako ni Kim at ang baby namin ay on the way na." nakangiting sabi ng lalaki kay Ion.
"Halika na." sabi ni Kim sa lalaki at nauna itong naglakad.
Sinundan ni Ion ng tingin si Kim. Sumunod dito ang lalaking nagpakilala na nobyo ni Kim at inakbayan ang dalaga.
Kim : And we just need to find another income
'Cause she wants you to help her with her own one
"Kilala ko ang babaeng iyon." sabi ni Jin ang nobyo ni Kim ng makalayo sila kila Ion at sa babaeng kasama ni Ion.
"Talaga." sabi ni Kim.
"Babae iyon sa bar sa may bayan." sabi ni Jin na ikinalunok ni Kim.
KIM : And you want me to tell me that what you've done is okay
"Pinagpalit niya ako sa isang puta lang. Shit. Mas mababa pa ako sa paningin niya." sabi ni Kim sa isip na pigil ang pag-iyak nito sa harap ni Jin
"Ang balita sa bayan buntis si Eloisa ang babaeng kasama ng lalaki kanina." sabi pa ni Jin ng hindi umimik si Kim.
Napahawak si Kim sa tiyan niya at hindi nito napigilan lumuha na ikinatingin ni Jin sa nobya.
KIM : So now you gonna be another father?
And I will be a different kind of mother?
And how do you tell a toddler 'bout step brothers?
Daddy's strayed
(Present day)
Nanatiling nakatitig si Ion kay Kim habang patuloy itong sumasayaw at kumakanta sa stage. Nasa mata nito ang kakaibang awra lalo na ng napangisi si Kim habang kumakanta.
Kim : Well, I will be the strongest that he ever knew
"Ohhhhh!" sigaw ng mga tao sa bar ng halos ibigay ni Kim ang lahat sa performance, na gabi-gabi nito ginagawa, na ikinangiti ng mga milyonaryong parokyano sa El Casa na nasa private room nakamasid.
KIM : And I will be there when he needs a love strong enough
Flashback years ago
"Kaya ko palakihin ka mag-isa anak kahit na....
.... wala silang lahat." sabi ni Kim ng masilayan ang bagong silang na sanggol.
KIM : Don't worry I will carry your share for us
No matter how bad the storm
I will be the strongest that he ever knew
And we'll leave you alone
"Whoaahhhh!" sigawan muli ng lahat na hindi magkamayaw ng biglang umakyat sa stage si Dave at sinabayan sumayaw si Kim.
Napatiim ng bagang si Ion ng hawakan ni Kim ang hubad na katawan ni Dave na ang tanging suot lamang ay pantalon na ikinasigaw lalo ng mga tao dahil maganda ang katawan ng binatang ama na kasama ni Kim sa kontrata nito bilang escort.
KIM : Let's talk about family
Let's talk about family
Let's talk of the ties and the lies
Flashback Years ago
"Sino siya?" umiiyak na sabi ni Kim ng makita ang kahalikan ni Jin sa likod mismo bahay ng nobyo ng puntahan niya ito.
"Nobya niya. Eh ikaw sino ka?" sabi ng babae na ikinahingang malalim ni Kim na hindi nakuhang sumagot at tinalikuran nito ang dalawa,
KIM : And the love that we had in this family
Let's talk about honesty
(Flashback years ago)
"Wala na sila ng nobyo niya at tulad mo niloko din ni Jin ang ate ko." sabi ng kapatid ni Kim kay Ion ng makita ni Ion ang bata sa labas ng pinapasukan nitong eskuwelahan sa Heather Island ng tanungin ni Ion kung kamusta na si Kim.
KIM : You know nothing about honesty
Let go of your hands and our plans
And the chance that we had with this family
"Buo na kami, huwag ka na magpakita sa ate namin." sabi ng kapatid ni Kim kay Ion na ikinatingin ni Ion sa kambal saka ito nagsitakbuhan palayo sa kanya.
KIM : Well, I will be the strongest that he ever knew
And I will be there when he needs a love strong enough
Flashback Months ago
"Okay na ako Mama." sabi ni Uno ng puntahan ito ni Kim sa eskuwelahan kung saan nakipag-away ito sa sixtuplets na hindi alam ni Uno na mga pinsan nito.
KIM : Don't worry I will carry your share for us
"Bakit ka nakipag-away? At sa anim pa talaga." sabi ni Kim sa anak.
"Isa lang ang nobya nila at nahuli ko sila kung paano nila lokohin ang babae....
.... kaya ang ginawa ko, sinulot ko ang nag-iisang nobya ng anim na ikinainis ng sixtuplets na iyon." nakangiting sabi ni Uno na ikinatitig ni Kim sa anak.
Kim : No matter how bad the storm
I will be the strongest that he ever knew
"Hindi ko hahayaa,n na ang ginawa sayo ng ama ko ay makikita ko sa ibang babae. Sasagipin ko sila at susulutin ko lahat ng magiging nobya ng sixtuplets na iyon." nakangiting sabi ni Uno na ikinatingin lang ni Kim sa anak.
KIM : And we'll leave you alone
Oh na na, we'll leave you alone
"Kukunin niyo po ba Cation?" tanong ng tauhan ng Bar kay Ion.
"Oo, isang milyon sa gabing ito." sabi ni Ion habang nakatitig kay Kim na halos hubad na ang dalaga sa
stage sa suot nitong damit na ikinawala sa puwesto sa pagsayaw kanina.
"Sir may nag hit ng dalawang milyon." sabi ng tauhan kay Ion.
"Limang milyon." seryosong sabi ni Ion.
"Okay Sir." sabi ng tauhan bago ito umalis.
December 22, 2021 7.05pm
FifthStreet1883
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top