Introduction : King's Memory


Introduction : King's Memory


"Ohhh! Ughhh!" malakas na ungol ni Chhaya ng muling silang magsalubong ni Autumn.

Napatitig si Autumn kay Chhaya halatang pagod na ito sa ilang oras na pagniniig nila mula pa kagabi at ngayon papaumaga na, hindi niya pa rin ito nilulubayan.

"Mahal mo ba ako?" hinihingal na sabi ni Chhaya habang tagaktag ang pawis sa mukha, leeg o buong katawan nito. Basang basa na rin ang kama nila sa maraming likidong inilabas nila ni Autumn mula pa kagabi.

Hindi umimik si Autumn, si Chhaya ang isa sa tinuturong kasabwat sa trahedya sa mga report na pinasa sa kanya ng mga secret agent niya na hanggang ngayon hindi niya mapaniwalaan at hindi pa rin alam ng lahat.

Napaluha si Chhaya nang hindi magsalita si Autumn. Bakas ang pagdududa sa mukha ni Autumn, at ang galit nito na unti-unti na namang umuusbong para sa kanya.

"Mahal kita at nauunawaan ko kung bakit ka ganyan sa akin...." nakangiting sabi ni Chhaya saka nito hinawakan ang mukha ni Autumn at muling umusal.

"...pero sana gumising ka naman." napaluhang sabi ni Chhaya na kanina pa niya nataramdaman ang pagod sa pagniniig nila ni Autumn at kapag nagtagal iyon at umulit ng umulit hindi niya kakayanin dahil ngayon pa lang ramdam niya ang kakaibang panghihina ng katawan niya.

Napalunok si Autumn saka ito idinikit ang mukha sa mukha ni Chhaya habang nakapatong pa rin siya sa katawan nito at nakahiga sa kama nila.

"Magsabi ka ng totoo. Pakiusap tulungan mo ako, Queen." napaluhang sabi ni Autumn na bakas ang pagdadalamhati sa mukha nito at kaguluhan sa ilang araw ng paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa utak niya.

"Tutulungan kita, pero kikilos ka ng tama. Kasi natatakot ako." sabi ni Chhaya.

"Saan?" sabi ni Autumn na nanatiling nakadikit ang mga mukha nila ni Chhaya.

Alam ni Autumn pagod na si Chhaya, at alam niyang kapag pinagpatuloy niya ang ginagawa dito mawawala ito sa kanya... at ang mga anak nila.

"Sa kanila, sa inyo, sa pamilya natin. Baka mawala ka, ang mga anak natin o baka ikaw lang ang matira at alam kong hindi mo kakayanin kaya pakiusap...

.... gumising ka, King." sabi ni Chhaya habang nakatitig kay Autumn.

"Kapag nagpatuloy ka sa ganyan, baka matulad si AJ sayo. Please, gumising ka." napaluhang sabi ni Chhaya na ikinatitig lalo ni Autumn dito.

"Anong ginagawa mo noong araw na iyon sa ikalawang bayan? Nakita ka nila yakap mo si Ralph Cheung habang naghihingalo. Bakit ka naroroon? Anong ginawa mo?" sabi ni Autumn.

Napangiti si Chhaya saka nito masuyong hinalikan ang labi ni Autumn.

"Niligtas kita." sabi ni Chhaya.

"Ano?" naguguluhang sabi ni Autumn.

"Noong araw na iyon, ikaw ang papatay dapat kay Ralph Cheung ng malaman mong may gusto siya sa akin. Wala ka sa tamang pag-iisip noon. Sinundan kita at nakita mo ako, pero hindi mo maalala ang panahon na iyon dahil hindi ikaw iyon." sabi ni Chhaya na bumakas ang takot sa mukha nito.

Napakunot noo si Autumn, wala siyang matandaan.

Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Chhaya ng makita ang kaguluhan sa mukha ni Autumn.

"Pumunta ka sa lugar ng ambush bago pa man maganap iyon. Sumisigaw ka, may dala kang baril, at ang sabi mo papatayin mo si Ralph Cheung. Pero nagpakita ako sayo, nagpahabol ako kasi alam kong tototohanin mong patayin siya, sa galit mo sa akin." sabi ni Chhaya.

Naguguluhang tumingin si Autumn kay Chhaya at pilit inaalala ang lahat.

"Nalaman mong may gusto si Ralph sa akin. Pero nalimutan mo iyon, ng mamatay siya sa ambush. Kaya lahat ng galit mo ay sa akin mo itinuon." sabi ni Chhaya.

Napaisip si Autumn, dahil kung tutuusin sa pagkakatanda niya si Chhaya ang nagsabi sa kanya noon na may gusto dito ang lolo niya, at hindi niya matandaan ngayon na siya ang nakaalam ng bagay na iyon.

"Pero iyong baril na dala mo bago ang ambush pinaputok mo sa galit mo." sabi ni Chhaya.

"Pinaputok ko? Sayo?" sabi ni Autumn.

"Hindi kundi sa direksyon ni Shadow." sabi ni Chhaya na ikinapikit ni Autumn na pilit inaalala ang lahat.

"Nabaril mo iyong kabayo niya. Nakita ka niya kaya alam kong ikaw ang isa sa suspect niya sa pagpatay sa lolo mo." sabi ni Chhaya


"Ano?"
di makapaniwalang sabi ni Autumn.

"Ikaw at ang isa sa grupo ng lolo Rod mo, at hindi ko alam kung may sanga iyon sa grupo mo. Nasisiguro ko na nakita niya ang naganap na ambush dahil galing siya sa direksyon ng insidente." sabi ni Chhaya saka ito napayakap ng mahigpit kay Autumn.


"Natatakot ako, baka magaya ako kay Shadow. Baka mawala kayo sa akin."
sabi ni Chhaya habang ang mga kamay niya ay nakayakap sa katawan ni Autumn.

"Mawawala kami sayo?" sabi ni Autumn.

"May posibilidad na kunin din nila kayo sa akin, dahil kung sa mga mata mo isa ako sa suspect..." hinhingal na sabi ni Chhaya na tila kakapusin ito ng hininga dala ng pagod.

Napatingin si Autumn sa asawa pero muling nagsalita si Chhaya.

...... sa mga mata nila puwedeng isa akong witness. Pero ang totoo, si Shadow ang natitirang primary witness na itinuturo ng grupo nila Elijah at si..." hinihingal na sabi ni Chhaya

"Sino?" sabi ni Autumn habang nakatitig sa asawa na namumutla sa pagod.

"....si Adira." mahinang sabi ni Chhaya bago ito himatayin sa pagod habang nasa loob pa nito ang pagkalalaki ni Autumn.


"Queen?"
mahinang usal ni Autumn ng nagpadausdos ang mga kamay ni Chhaya na nakayakap sa kanya.


May 10, 2022 8.26am

Fifth Street

For more teasers of new episode chapters just 

FOLLOW. LIKE. and COMMENT in my FB Page and  tiktok 

para update ka sa kuwento... 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top