Kabanata 42: Outing
xxx
Kabanata 42: Outing
"Wew? Pektus gusto mo?" singhal ko kay Spy at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Naka-sando at short na suot kasi siya ngayon na akala mo summer na.
Tinanggal niya ang sumbrero at salamin niya.
"Ayaw mo maniwala?" tanong nito.
"Masyado ka lang kasi malibog kaya naiinitan ka at gusto mo magswimming!" Nginisihan lang niya ako at tumingin sa harapan ko.
Lumingon ako likod ko at napatalon sa gulat ng nakapangbihis na sando at shorts rin ang aking mga pinsan at si Kyle.
"Pogi ba?" tanong ni Hyrus sa'kin.
"Cute?" segunda naman ni Hypo.
"Ako Khaile, hot ba?" bulong ni Spy sa gilid ng tenga ko.
"Seryoso kayo? Mag-a-outing ngayon?" tanong ko uli at kinusot ang aking mga mata.
Tangna, three o'clock pa lang ng umaga. Tulog pa ang mga tao pero ang mga kasama ko sa bahay ay pinaghandaan talaga.
"Ano Khaile? Sumama ka na, ayoko naman ako lang ang babae 'di ba?" Napatingin ako sa nagsalita.
Nandito rin si ate Irene na naka-t-shirt at naka-mini skirt. Pak ang ganda ng pinsan ni Spy.
"Sige pero maghahanda lang ako ng dadalhin kong gami--"
"Kanina pa nakahanda Khaile yung mga dadalhin mo!" sigaw ni Kyle at sabay pinakita yung gamit ko.
Pinagsingkitan ko ito ng tingin, "Ginalaw mo gamit ko?"
"Sabi ni Spy eh," saad nito at itinuro si Guyabano na nakangiting pang-asar.
Sinamaan ko ito ng tingin.
Nilihis naman agad ni Spy ang tingin sa'kin, "Tara na! Let's party party!" sigaw nito at kinuha ang gamit ko sabay lumabas ng pinto.
"GUYABANOO!!" matinis kong sigaw at sinugod ito.
*****
Hyrus's PoV
"Oh dito ako ah!" sigaw ko at pinakita sa mga kapatid ko ang dalawang upuan sa bandang likod.
"Oo na! Puntahan mo na siya bago ko maagaw 'yang pwesto mo," singhal ni Hyro habang inilalagay niya sa van ang kanyang gamit.
"Wala ka lang kasi katabi bukod sa gamit mo!" singhal ko at binelatan.
"Atleast hindi pa-fall!" sigaw naman nito sa'kin.
"Huwag mo ko itulad kay Hypo."
"Oy! Bakit narinig ko ang aking gwapong pangalan ha? Ako ba'y pinag-uusapan niyo?" tanong ni Hypo na nasa likod lang pala namin.
Iniharap namin ito at sinamaan ng tingin.
"Feelingero!" sabay na sigaw namin ni Hyro.
Pagkatapos nun ay umalis na ko at naglakad papuntang tindahan.
"Seryoso ka talaga, mister?" mataray nitong sabi nung kinuha ko sa kamay niya ang dala-dala niyang gamit.
Nginitian ko ito ng pagkalaki-laki.
"Alam mo na ang mangyayari, misis."
"Lola oh!" sigaw ni Skye sa loob.
"Sumama ka na lang para naman magkaroon kayo ng closure ni Hyrus," sigaw namin ni Nay Loring na nasa loob.
"Narinig mo sinabi? Sumama ka daw para may mangyari," bulong ko sa kanya.
Pinagsingkitan niya ko ng tingin, "Pervert!" singhal nito at nginisihan rin ako na nagpakaba sa akin.
"Aray! Shit," daing ko ng sipain niya ang aking ari.
"Tara na bago pa tayo iwanan ng van," natatawang sabi nito habang naglalakad ito paalis.
Ang hard nun ah. Tignan natin kung hanggang saan ang tigas mo, Devergin.
*****
Kyle's PoV
"Sa wakas nandito na rin tayo!" sigaw ni Hypo ng makababa ng van.
Paano ba naman almost twelve hours kami nakatengga sa van makapunta lang rito sa Bicol. Nakakaumay.
Nakita ko si Khaile na bumaba rin kasunod ni Spy. Napangisi ako ng sipain ni Khaile sa binti si Spy na nagpaluhod sa kanya, "Tangna, sa susunod kung mag-a-aya ka ng bakasyon sa'min ay huwag sobrang layo ha? Talagang sa Bicol pa ang pinurtirya mo? Napakalupet guyabano," naiinis na sabi ni Khaile sa kanya pero napahinto naman agad ito ng nakawan ni Spy ng halik sa pisnge si Khaile.
"Maghintay kasi," singhal ni Spy sa gilid ng tenga ni Khaile.
"Nako si boss, hokage!" sigaw bigla ng magkambal na Finn and Jake.
"Tara na nga! Iwanan na natin ang KhaSpy lovers na 'yan rito," sigaw ni Hyrus at pasimpleng umakbay kay Skye.
"Tatanggalin mo ang akbay mo sa'kin o tatanggalan kita ng braso? Madali lang ako kausap," iratadong sabi agad ni Skye sa kanya.
Tinanggal naman niya agad ito. Natakot eh.
"Tanggalan na ng braso 'yan pati ang ari para hindi na makapangloko ng mga babae," patama ni Hypo.
"Nagsalita ang hindi babaero! Halika rito!" singhal ni Hyrus at hinabol si Hypo na tumatakbo papunta sa beach.
Tumingin ako kay Irene na katabi ko ng upuan na nakasandal sa balikat ko habang mahimbing ito na natutulog.
"Gisingin mo na Kyle si ate Irene at para sabay-sabay na tayo pumunta sa resort," usal ni Khaile habang kinukuha niya ang kanyang gamit sa van.
"Susunod na lang kami doon. Ngayon-ngayon lang kasi nakatulog itong si hinayupak at ayaw ko naman istorbohin," aniya ko.
Tumango ito. "Mauna na kami Kyle ha? Yung pinsan ko, bantayan mo 'yan. Huwag mo gahasain," saad ni Spy at inakbayan nito si Khaile.
"Ulol."
Nang maka-alis na sila ay tinitigan ko si Irene na mahimbing na natutulog.
"Christhian." Napatingin ako sa nagsalita. Si Hyro pala.
"Hmm." Tinitigan niya ko ng ilang segundo at tumingin rin siya sa natutulog na si Irene.
Kinuha niya ang bag ni Irene na walang pasabi at sabay na umalis.
"Akala ko ba bati na kayo?" Napangisi ako sa nagsalita. Tinignan ko ang natutulog na si Irene.
"Akala ko rin e. Pero hindi pa ata," bulong ko. Minulat naman agad ni Irene ang kanyang mga mata at nagtama ang aming mga tingin.
"Kyle..," tawag ni Irene sa pangalan ko.
Tinitigan lang niya ko pero parang biglang umurong ang dila ko.
Napasinghap ito. Ilang segundo ang lumipas ay nagkaroon ng mabigat na atmospera sa pagitan namin hanggang sa nanglumo ako sa mga binitawan niyang salita.
"Mahal ko pa ata si Hyro, Christhian."
*****
Unknown's PoV
"Masusunod po, master," tumango ako rito at hinintay siyang sumakay ng kotse at umalis.
Madilim na ang eskinita kaya napagpasyahan ko ng umalis na rin.
Habang naglalakad ay bigla ako napahinto nang may maramdaman akong may sumusunod sa'kin.
"Ano ang kailangan mo?" deretsang tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya.
Alam ko naman na kanina pang umaga niya ko sinusundan at minamatyag.
"'Wag kang magpakita sa kanya!" singhal nito.
Napangisi ako at humarap sa kanya. "Bakit? Natatakot ka bang malaman niya?"
"Hindi mo na siya anak!" Nawala ang aking ngiti sa binitawan niyang salita.
"Gago," matipid kong sabi.
"Akin siya," aniya nito, ni Pusa.
Napangisi ako, "Edi shing!"
Sinamaan niya ko ng tingin habang papalapit. Napasinghap naman agad ako at sinamaan rin ito ng tingin, "Lahat naman, kinukuha mo, inaagaw mo at lahat na lang ay nasusunod sa mga utos mo. Pwede ba? Tama na dahil hindi lahat ng mga bagay o tao ay umiikot sa'yo," singhal ko rito at tumalikod. "Madamot," pahabol ko pa at naglakad palayo.
"Nate!"
Patuloy pa rin ako sa paglalakad. "Nate! Nandito siya! Nandito rin ang anak niya!"
Napahinto ako.
Lumingon ako sa pwesto niya at tumingin sa kanyang mga mata kung totoo ba ang sinasabi niya.
Lumapit pa ito ng kaunti, "Nate, kailangan ko ang tulong mo."
"Isagad mo Khaile! Isagad mo yung tali!"
"Tangna Spy! Mananalo na sila Kyle! Bilisan mo!"
"Ayan na Khaile, hila pa!"
"Yes! Panalo tayo Kyle! Paano ba 'yan guyabano, ililibre mo kami ng shake hahaha!"
"Para kang bakla, Giovannie!
"Isa pang round, Hyrus!"
"Oh nanghahamon si Spy!"
Nakadungaw ako sa bintana at pinagmamasdan silang masayang naglalaro sa gilid ng beach. Masayang naglalaro ang aking anak kaya nagpagpasyahan kong pumasok na sa loob.
Matapos ang gabi na nakausap ko si Pusa nung nakaraan linggo ay hindi na ko nagpapakita sa aking anak maliban ngayon.
Kinuha ko ang phone ko sa taas ng table at dinial ang number na nakasulat sa maliit na papel.
"Hello? Who's this?" tanong nito sa kabilang linya.
Napangisi ako, "Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang marinig ko ang boses mo."
Napahinto ito ng ilang segundo, "Nakabalik ka na pala?" pahabol ko pa.
"N-nate?"
"Yes. Ang pinakamatalik mong kaibigan, Sun."
Itutuloy..
~~~
A/N: I feel sorry sa lahat ng readers na naghintay ng matagal sa pag-update ko rito sa GBG TT__TT babawi ako ngayong week at next month ❤ antayin lang ang rebelasyon ♡ Tumutok lang palagi para sa mga sekretong ibubunyag sa sumusunod na kabanata =) ciao ~
- dyosang an(j)hel -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top