Kabanata 40: That girl
Dyosugh note: Isinali ko ang "Guyabanong Baklang Gangster!" sa #Wattys2016 kaya I hope na sana ay suportahan niyo ang aking pagsali sa malaking paligsahan. Isa itong favor ( ^∇^)❤. 'Wag na po kayo mahiya na magcomment at simpleng pagvote ❤ para malaki ang chance na manalo ang GBG ^^ first time kong sumali kaya nae-excite ako HAHAHA ayun lang, maraming salamat. Advance thank you rin sabi nila Spy at Khaile ❤
xxx
Kabanata 40: That girl
Irene's PoV
"Irene, pwede ba kita makausap?" ulit nito.
Nilapitan ko siya.
"Akala ko ba.. ayaw mo na ko makausap?" tanong ko rito na may bahid na hinanakit.
"Sabi ko, ayaw ko na magmahal uli. Mali. Dapat pala sinabi ko, 'wag na sana uli tayo magkita,'" aniya Hyro na nagpabiyak ng puso ko.
"Hyro.."
Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad paalis.
"Roro," mahina kong tawag habang humihikbi. Napahinto siya sa paglalakad kaya tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ito mula sa likod. "Roro..," bulong ko.
Humiwalay na ako sa yakap pero siya ay ganun pa rin ang posisyon. "Pwede ba tayo mag-usap?" tanong ko.
Humarap ito at ngumisi.
"Ang 'tayo' binubuo ng tatlo o higit pa na tao o hayop.. pero ang tayo na pagdating sa love ay dapat binubuo ng dalawa. Pero ang 'tayo' ay hindi na dapat binubuo kung binalewala na pala ito noong una, kaya dapat rito ay hindi na binabalikan pa. Dahil hindi lahat ng 'tayo' ay masaya talaga," singhal niya. "Sana ay ito na ang maging huling pag-uusapan natin, Stanley Irene Neal," malamig na sabi nito at tuluyan umalis.
"Pwede na ba ko umalis?" walang emosyon na sabi ko.
Napaatras siya bigla na parang binibigyan ako ng daan.
Bago pa ko tuluyan umalis ay hinarap ko muna siya at napasinghap, "Sinunod ko lang ang utos mo, Mr. Rule Breaker. At isa pa, hindi ko intensyon na saktan at iwan ka dahil may mga rason ako kung bakit ko ginawa 'yon. Hindi nga lang ngayon ang tamang oras para sabihin..," usal ko at bumaba ng hagdan.
"Sandali!" sigaw ko habang hinihingal dahilan ng pagtakbo ko.
"Shit! Magpapakamatay ka ba?" iritadong tanong niya.
Nagpunta ako sa harap ng driver's seat at piningot siya sa tenga.
"Aray shit! Inaano ba kita?!"
"Sinong nagsabi sa'yo na iwanan mo ko? Sinong nagsabi sa'yo na hindi ako sasama? Sinong nagsabi sa'yo n--asdfghjk--!"
"Nakakarindi 'yang bibig mo! Sumakay ka na nga lang! Dalian mo, hinayupak ka!"
Napa-pout ako, "Bakit ka naninigaw?"
"Nag-eexplain lang ako!!"
Napasimangot na lang ako at sumakay sa passenger seat.
Wala ka talaga pinagbago, halimaw. Ikaw at ikaw pa rin yung batang nognog na nakilala ko..
---
Khaile's PoV
"Khaile! Khaile!"
Naalimpungatan ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"KHAILEE!"
"Tangina. Bundok lang, Spy?" singhal ko at tumayo. Kinusot ko ang mata ko at pagkatapos ay iritadong tumingin sa kanya.
"Ayos ka lang ba?!" nag-aalalang sabi nito. Napatingin ako sa mangiyak-ngiyak niyang mga mata. "Oo.. ayos lang ako," mahina kong sabi.
Lumingon ako sa likod ko at napatakip na lang ako ng bibig sa nakita ko, "Spy! Yung bata!" sigaw ko rito at tinuro ang batang nasa sahig na may dugo sa ulo.
Lumapit kami sa nagkukumpulan. Wala na yung kotseng muntik nang sagasaan si guyabano na tuluyan naman nasagasaan ang batang lalaki.
"Bata..," pabulong kong sabi habang tinatapik. May kaunting galos siya sa braso niya at sugat sa noo.
"Khaile!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
"Kyle? Bakit ka nandito?" tanong ko rito.
"Tinawagan ako ni Spy," usal nito at lumingon sa likod niya. Tinignan ko rin ito.
"Stan?"
Napabaling ang aking tingin sa pwesto ni guyabano.
"Stan? Anong Stan? Kailan ka pa naging hindi magalang sa nakakatanda mo, aber?" mataray na sabi ni ate Irene.
Magkakilala sila?
"Ate..," napatingin kaming apat sa batang lalaki.
"OMG! Gising ka!" masayang sabi ko. Napatingin naman agad ako kay Spy nang bigla niya ito binuhat yung batang lalaki.
"Dalhin na natin siya sa hospital," saad ni Kyle at dumeretso na siya patungong kotse kasunod ni ate Irene. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanila.
---
Hypo's PoV
"Hoy Hyrus!" tawag ko sa nakahilatang prinsepeng palaka sa may sofa.
"KUYA. HYRUS.," may diin na sabi nito.
Sarap ibalibag sa kanya yung kladero, hutaena. Feeling prinsipe sa bahay, mukha namang tiyanak na palaka.
Lumapit ako sa pwesto niya at tinapik ang tuhod.
"Nasaan na si Khaile? Hapon yung uwian niya pero maggagabi na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi?" tanong ko rito.
"Hanapin mo. Hindi ako mapa."
"Tss. Nagugutom na ko Hyrus, tawagan mo kaya si Kyle at para bumili na ng pagkain 'yun, tutal nasa labas siya," utos ko pero binelatan lang ako ng prinsepeng palaka na mahaba ang ilong.
"May kamay ka diba? May cellphone ka rin. Bakit hindi mo gawin?"
"Bakit ba lagi mo kong binabara ha?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Tangina Hypo, hindi ako google! Ang dami mong tanong!" singhal nito at tumagilid ng higa.
"Devergin. Devergin. Pfft!" Napataas ang kilay ko sa mga binubulong ni Hyrus. Ano nangyari dito?
Psh. Nasaan ba si Hyro?
Binaling ko ang aking tingin sa hagdanan. Napasinghap ako. "Hoy!" tawag ko kay Hyro na nakaupo sa unang baitang.
"Hyro Kyle Rocher!" tawag ko sa buong pangalan niya pero ang loko ay parang walang naririnig.
Lumapit ako at puwesto sa gilid niya, "Hoy pangit!" singhal ko pero ngumiti lang siya habang deretso pa rin ang tingin.
Anong nangyari dito?
"Anong ngini-ngiti mo d'yan?!"
Ngumiti uli ito pero mas malawak na kumpara kanina na talagang nagpakilabot sa akin.
"Wala lang naman," sagot nito habang hindi pa rin nawawala ang ngiti.
Putcha! Epekto ba ito ng love? Ginayuma ba sila ng pag-ibig na 'yan kaya sila nagkakaganyan? Si Hyrus, mukhang may pinopormahan na babae na katapat lang namin ng bahay. Si Hyro naman, naging cold, hugotero at naging sobrang ampalaya na ngayon ay nakasinghot ng katol dahil hindi mawala wala ang ngiti.. Yung totoo? Ako na lang ba ang matino sa magkakapatid? Parang gago lang ah..
Ringing..
Kinapa ko yung bulsa ko ng biglang tumunog.
Khaile's calling..
Pinindot ito at sinagot ang tawag.
"Bakit?"
[Nagugutom na ko!]
Napasinghap ako, "Aba! Edi kumain ka! Hawak ko ba yung bunganga mo ha Khaile?"
[Hindi. Pero gutom na gutom na talaga ako, kuya Hypo..]
"Ano magagawa ko? E ako rin naman nagugutom, tinawagan ba kita?" singhal ko. "Ayan lang ba ang itinawag mo? Teka nga, nasaan ka ba at hindi ka na lang bumili ng pagkain?" dugtong ko.
[Nandito kasi ako sa kwarto--]
"KWARTO?! KWARTO NA MAY KAMA?!! KANINONG KWARTO 'YAN? KAY SPY?" sunod-sunod na tanong ko.
"Anong ginagawa ni Khaile sa kwarto ni Spy?" napatingin ako bigla sa gilid ko nang magtanong si Hyrus. Hindi ko man lang napansin na nandito siya sa gilid ko pero teka nga, anong ginagawa ni Khaile sa kwarto ni Spy? Hindi kaya..
"Khaile! Bata ka pa, tandaan mo 'yan! Umuwi ka na! Lagot 'yan si Spy sa akin!" sigaw ni Hyro.
Ni-loud speaker ko naman agad yung phone ko para marinig nila.
[Kwarto? Kama? Spy agad?! Ganyan ba tingin niyo sa akin ha Hyrus, Hypo, Hyro??]
Sigaw ni.. Spy sa kabilang linya.
"Khaile?? Nasaan kayo? Nasaan na si Spy?" tanong ko.
[HAHAHAHA ayun! Nagpunta sa c.r--para hugasan yung apple]
Narinig ko sa kabilang linya ang sunod-sunod na tawa.
"Nasaan ba kayo at sino ang kasama niyo?" sabay na tanong nila Hyro at Hyrus.
[Nasa hospital kami mga pinsan! Ang O-OA niyo! Kung ano-ano iniisip niyo! Nagtampo tuloy si guyabano!]
Hospital?
"Magkakaanak ka na Khaile?! Tito na kami?!" sabay-sabay na tanong naming tatlo.
[PFFT. OO! OO!]
Hutaena.
---
Pagkarating ko ng hospital ay dumiretso agad ako counter.
"Nurse, excuse me."
Pinapunta ako ni pinsan dito sa hospital para magbayad ng bill nung batang lalaki na muntik ng mabundol. Salamat sa diyos ay okay na ang kalagayan ng bata. Hindi na nga pala sumama papunta dito ang dalawa kong magaling na kapatid dahil tinatamad lalo na nung malaman nilang pinagloloko sila ni Khaile kanina sa phone. Tamad o luma-lovelife?
"Yes sir?" nakangiting tanong nung babaeng malaki ang boobs. Ngiting aso ng makita ako.
Tss. Gwapo ako e.
Nginisihan ko siya. Fresh grad 'to ah. Pwede labasan ito--este makipagkaibigan.
Kinuha ko yung kamay niya na nakalagay sa taas ng maliit na mahabang desk.
"Magkano ba yung bill ng room 269? Batang lalaki yung pasyente. Magbabayad na ako," nakangisi kong sabi at tinanggal yung paghawak ko sa kanyang kamay.
"Room 269? Ohh teka lang pogi, hingin ko lang yung receipt."
Nag-nod na lang ako. Maganda nga pero parang ahas. Nanunuklaw ng tingin e..
"Doktor? Nasaan po yung kapatid ko?" Napatingin ako sa gilid ko nang may sumundot sa tagiliran ko.
Babae siya. Mahaba ang buhok, maliit ang mukha, mapula ang labi at may singkit na mata. In short.. simple ang ganda .
"Uy doctor!" sigaw nito.
"Hu-huh?" tanong ko at luminga-linga sa likod. "Ako ba kausap mo?" pagsisigurado ko.
"Huh? Wala naman akong nakikitang multo ah!"
"Multo?" takhang tanong ko rito.
Napahawak siya sa baba niya na para ba siyang nag-iisip, "Bukod sa'yo," sabi nito habang tuma-tango.
Napataas ang kilay ko, "Hindi kita maintindihan. Ako? Multo? Paano mo naman nasabi?"
"Nakaputi ka kasi!"
Napangisi ako.
Imbis na sumagot ay binaling ko na lang ang tingin ko sa labas. Ayokong ayoko talaga makipag-usap sa babaeng hindi mo malaman kung saang mundo nakatira.
"Nababaliw na babae.. tss," bulong ko.
"Uyy, doktor ka ba?" tanong nito habang tinutusok ang pisngi ko.
"Mukha ba kong manggagamot?" iritado kong tanong sa kanya pero bago pa siya uli magsalita ay tinakpan ko agad ang bibig niya gamit ang aking hintuturo. "Kasi nakaputi na naman ako?!" dugtong ko.
"Oo!" nakangiti nitong sabi.
"Tss. Insane. Eh ikaw nga? Bakit ka nakaputi? Kasi hindi ka doktor??"
"Hindi, dahil isa akong anghel.."
"Anghel?"
"Angel nga pala ang pangalan ko, 'wag mo kalimutan ah!"
"Pakealam ko? Tinatanong ko ba?"
"Mukha kang mabait!" sabi nito.
Napangisi ako, "Mukha lang akong pogi. 'Yun lang 'yon," singhal ko.
"Ahm sir?"
Napatingin kami pareho nung babaeng abnormal nang biglang nagsalita ang nurse sa gilid namin.
"Gilmer Ethan Corpus ang pangalan ng batang lalaki. Eto na yung receipt."
"Salamat," matipid kong sagot at kumuha ng pera sa wallet at ibinayad sa cashier.
Matapos ay naglakad na ko papuntang elevator.
"Pasabay!"
"Sinusundan mo ba ko?"
"Mabait ka pero 'wag kang feeler dahil nakakabawas ng kagwapuhan 'yan," masungit na sabi nito.
Aba at! Sino nagsabi na sungitan ako?
Pagkabukas ng elevator ay lumabas agad ito. Lumabas na rin ako at tinignan ang babaeng abnormal.
"Miss nurse, kilala mo ba kapatid ko?? Mataba siya, chubby ang cheeks, singkit, medyo mahaba ang buhok at moreno. Lalaki 'yon!" tanong nito sa babaeng nadaanan niya.
"Ano ba pangalan ng kapatid mo?"
"Gino po!"
"Hindi ko po kilala siya ate dahil hindi naman ako nurse. Maputi lang ako pero hindi ako nurse," sabi nung babaeng maputi at umalis.
Ano bang utak ang mayroon ito?
Lumapit ako sa kanya at hinila ang braso niya.
Puta, bakit ako lumapit sa babaeng abnormal na Angel ang pangalan? 'Di ba dapat umalis na ko kasi wala naman akong pakealam sa kanya. 'Di ba dapat pinabayaan ko na lang siya dahil baka mahawa pa ko sa kaslowpoke-an niya?
"Bakit?"
"Hu-huh?" tanong nito.
"Ate Angel?" Napatingin kami pareho sa tumawag.
"Gino!" sigaw ni Angel at kumalas sa paghawak ko.
Tumakbo ito at niyakap yung bata na nakahospital gown.
"Ano ba! Tinakot mo si ate.. Akala ko mawawalay ka na sa akin. Ayoko.. Ayokong-ayoko," nangingiyak na tugon ni Angel.
Wala akong pake na marami na kong pinaiyak at nakitang umiiyak na babae kahit saan.
Wala akong pakealam. Wala talaga dahil nilalampasan ko lang ito ng tingin pero.. mukhang nag-iba ata ang ihip ng hangin..
"Here," matipid na sabi ko habang inaabot ang panyo ko.
Napatingala sila pareho sa akin.
"Why? Tatanggapin mo ba o hindi? Nangangalay na 'ko."
Nahihiyang tinatanggap naman niya ito.
"Hindi bagay sa'yo na umiyak kaya tumahan ka na at ngumiti. Mabuti't ayos na ang kapatid mo," sabi ko at tumingin sa batang lalaki.
"Ano ang pangalan mo, iho?"
"Gilmer Ethan Corpus po kuya.."
Gi-gilmer?
Napalingon ako bigla kay abnormal. "Kapatid mo itong si Gilmer? Yung muntik ng mabundol kanina na dinala ni Khaile dito sa hospital na binayaran ko ng bill?" takhang tanong ko rito.
"Ay weh? Kapatid ko si Gilmer? Sino 'yun?"
Ay. Abnormal nga. Ang sakit sa ulo ang babaeng ito!
- dyosang an(j)hel -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top