Kabanata 39: Tamang Landas?
PAKIBASA NUNG AUTHOR'S NOTE KO SA DULO! THIS. IS. A. MUST. xoxo
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED ( ^∇^)❤
xxx
Kabanata 39: Tamang landas?
Hyrus's PoV
"Huy!" tawag ko kay Hyro.
"Problema mo?" nakapalumbaba niyang sabi.
"Gising na maliwanag na! Maliwanag ng hindi ka niya talaga mahal," bulong ni Hypo sa tenga ni Hyro.
"Tss," singhal nito at tinaboy ang mukha ni Hyro na nasa gilid niya.
"Ano Hyro? Nganga lang ba tayo ngayon? 'Wag mo kami idamay oy!" singhal ko rito at tinignan ang invitation para sa event. "Tae. Ang dami pang mali oh."
"Hyro Kyle Rocher, kapag nagmahal ka, mahal lang. Hindi yung mahal na mahal. Para kapag nasaktan ka, masakit lang. Hindi masakit na masakit."
Napatingin ako kay Hypo at ibinato ang papel na hawak ko.
"Babaero ka kasi!" usal ko.
"Matanda ka na kasi!" bulyaw nito sa'kin at sabay na ibinato pabalik ang papel.
"Tumahimik nga kayo!"
"Ikaw ang tumahimik! Problema mo, nagiging problema rin namin dahil kakambal ka namin!" sabay na sigaw namin ni Hypo.
Natahimik siya at napapikit. Napa-buntong hininga na lang ako.
"Bakit? Masisisi niyo ba ko?"
Walang ni isa sumagot sa tanong niya bagkus ay napalumbaba na lang kami ni Hypo.
"Ang gamot sa sakit na nararamdaman ay ACCEPTANCE," seryoso sabi ni Hypo habang humihiga sa sofa.
Tumayo ako at tinignan si Hyro. "Tanggapin mo na lang na hindi pa siguro siya ang best para sa'yo," usal ko habang umiinat.
"Ang daming alam. At dahil ang dami mong alam at nakatayo ka na rin ay bumili ka ng soft drinks at ako'y nauuhaw," singhal ni Hypo habang nakapikit at preskong nakahiga sa sofa.
"Aba! Utusan? Sino mas matanda sa'tin aber?"
"Ikaw. Kaya nga lolo! Bili ka na ng soft drinks dali at para na rin malamigan ang puso ni Hyro at malamigan iyang panot mong ulo," nakangising sabi ng monggoloid.
"Aba at--!"
"Dali na!"
"Tch." Nasabi ko na lang at padabog na lumabas ng bahay.
"Pabili po," usal ko.
"Ano?"
"Ay mahal!" gulat kong sabi ng biglang bumulaga sa harap ko magandang binibini.
"Mahal?" tanong nito habang pumapasok sa tindahan. Ang baklang makapal ang labi lang naman ang nanggulat sa'kin.
"Ang sabi ko. Mahal ito, ang kapogian ko."
"Mahal? Edi ibenta mo na," singhal nito.
"Excuse me, miss?!"
"Tss. Ano ba bibilhin mo?" iratadong tanong nito. Binaling niya ang tingin niya sa radyo na nasa tabi nito. Inopen niya at tumingin uli sa'kin.
🎶 Know you love me girl
So that I love you
Know you love me boy
So that I love you 🎶
🎶 sam nyeonina i gyeote
isseojwoseo cham gomawo 🎶
"Ano pa tinutunganga mo, oy? Ano ba kasi kailangan mo?"
🎶 Know you love me girl
So that I love you
Know you love me boy
So that I love you 🎶
"Ikaw-este dalawang soft drinks." Say what, Hyrus?!
Bakit ba kasi na-distract ako sa kantang iyan?! Korean language pa naman ang side course ko ngayon kaya lalo akong na-distract.
"Ipla-plastik?" tanong nito. Napatingin ako sa masungit niyang singkit na mata.
"Isako mo na at baka makawala pa, sungit," singhal ko.
"Kung ikaw kaya isako ko, Mister?"
"Gawa?" panghahamon ko pero tinarayan lang ako at tumalikod.
"Skye Jimenez Devergin.. mas bagay sa'yo Miss Sungit!"
"Tss!" singhal nito at tuluyang pumunta sa harap ng refrigarator para kumuha ng soft drinks.
"Eto na, Mister," usal nito at sabay inilahad ang kamay.
Itinaas ko ang kamay ko para kunin ang dalawang plastik na soft drinks sa kamay niya. Napatingin siya sa kamay naming dalawa at nakakunot-noo na tumingin uli sa'kin.
"Hindi mister ang pangalan ko," ngumisi ako. "Hyrus Kail Rocher nga pala. Poging kapit-bahay at your service," singhal ko at kinindatan ito.
Nagsalubong ang kilay niya at biglang hinila nito ang kamay niya na hawak ko.
"Hyrus Kail Rocher.. mas bagay sa'yo Mister Yolanda!"
"Mas bagay tayo," nakangising sabi ko.
"Ano sabi mo, Mister yolanda?!"
"Ang sabi ko, kamukha mo si pokwang," saad ko at inilagay sa kanyang kamay ang isang plastik ng softdrinks. "By the way, kamsahamnida," usal ko at hinigop na ang soft drinks.
Napangiwi siya, "Pakyu ka rin."
Nginisihan ko uli siya at kinindatan. "Nice meeting you, Miss Sungit."
*****
Kyle's PoV
🎶🎶 Nothing like I did before
Will love you more
I need to be with you
"Ex-boyfriend ko siya.." Napabaling ang tingin ko sa malungkot na Irene na nakaupo sa sahig. "Masaya ka na?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay binaling ko na lang ang tingin ko sa gitara at nagsimulang magstrum.
Save the rest of all the love I've given you..
Keep the memories recall them if you want to learn
"Huy!" tawag nito.
Take my heart and I'll hide behind to see you close
I'll be watching you 🎶🎶
Tahimik ang buong silid. Nakakarelax tignan ang paligid dahil sa puno ng libro. Naririto nga pala kami sa maliit na aklatan para magrehearsal. Ilang oras na ang nakakalipas ay wala pa rin kaming naiisip na magandang kanta na isasalang sa entablado.
"Ikaw? Masaya ka ba?" tanong ko rito habang nagstrum ng gitara. Napansin ko sa gilid ng mata ko ay nakatingin siya sa akin. "'Wag mo na sagutin. Kitang-kita naman sa mukha mo na hindi ka masaya talaga.."
"Masaya ako," pagtatanggol nito kaya napakunot-noo ako na tumingin sa kanya. "Hindi nga lang halata. Pero masaya ako.. masaya ako na kasama kita ngayon," nakangiti nitong usal na nagpakaba sa'kin.
But it feels like nothings gonna cross our ways
I'ts alright, I'm never giving up on you again
Napailing na lang ako sa pinagsasabi ng babaeng ito at nagtuloy na lang sa pagii-strum ng gitara.
"Kyle?"
"Hmm?"
"Pwede pahiram nung gitara?"
"Ano gagawin mo?" takhang tanong ko.
"Ipupukpok ko lang sa ulo mo para tignan kung bubukol ba. Aba s'yempre mag-ii-strum rin ng gitara baka sakaling makabuo ng tono," pilosopong sabi nito kaya napangisi na lang ako at inabot sa kanya.
"Marunong ka ba?" tanong ko rito.
"S'yempre tuturuan mo ko. Halika rito! Ngayon pa lang ako makakagamit nito," eksayted na sabi niya.
Wala na lang akong nagawa kundi ang lumapit sa tabi niya at pumwesto sa likod niya.
"Ayan! Dali, paano ba ito?" tanong niya habang hinahawakan niya ang nga strings.
"Sheez. 'Wag mo hilahin ang strings!" singhal ko.
Pinagkamalan ba naman na goma?!
"Hindi 'yan garter, oy. Baka pumitik pa sa'yo 'yan. Dito mo ilagay itong kamay mo," usal ko at kinuha ang kaliwang kamay niya at inilagay ito sa tuktok nung guitar. "Tapos ito naman kanan mong kamay ay dito sa mga strings. Hawi mo lang yung strings para makagawa ka ng tono. Tapo--"
"Ahmm.."
Napahinto ako sa paghawi nung kamay niya sa strings nang mapansin ko kung gaano ako sobrang lapit sa kanya. Halos makadikit na ang katawan ko sa likod niya. Ang ulo ko naman ay nasa balikat na niya kaya dahan-dahan ako lumayo sa kanya at tumabi sa gilid.
"A-akin na nga muna iyang gitara," usal ko at inagaw sa kanya ito.
Pagkatapos ko kunin ay nagstrum lang ako ng nagstrum habang hindi siya tinitignan. Habang tinuturuan ko kasi siya ay hindi ko namamalayan na nagkatitigan na pala kami sa isa't isa na hindi man lang tumitingin sa gitara.
"Hokage ka pala..," bulong nito.
"I'm not!"
"Alam mo ba 'yun?"
Napatigil ako sa pagstrum dahil sa tanong niya, "Hindi. Ano ba 'yun?"
"Wala!"
"Meron!"
"Alam mo ba?"
"Ang alin?" tanong ko.
"Na hindi mo na ko sinu-sungitan.."
"Asa ka!" singhal ko.
"At alam mo ba--!"
"Ano?"
"Na alam kong safe ako sa piling mo," nakangiting sabi ni hinayupak. Nilihis ko agad ang aking tingin at pinagtuunan na lang ng pansin sa pagstrum ng gitara.
🎶🎶 Will you soar and lift up my sorrows
Let me free until tomorrow
"~Nothing like I did before will love you more. I need to be with you~" kanta ko habang nagstrum.
"Woah! Ikaw ba 'yan Kyle?" mangha nitong sabi.
"Hindi ako 'yon," biro ko.
"Sinong niloko mo?"
"Yung ex mo," singhal ko.
Napahinto siya miski ako ay napahinto rin. Shit ka, Kyle.
"Kyle.."
"H-huh?"
"Pwede ba kita maging bestfriend?" seryosong tanong nito.
"Bestfriend?" Para akong nakalunok ng libo-libong kutsilyo sa lalamunan ko.
"Oo. Yung laging nand'yan sa tabi ko kapag may problema ako. Yung pwede ko pagsabihan ng kung ano-ano. Pwede ko iyakan. Yung higit pa sa kaibigan.."
~~ Get ugly! Yeah, get ugly, baby
Get ugly! You're too sexy to me
Sexy to me ~~
Napatingin kami pareho sa biglang pagtugtog ng phone na nasa gilid ko.
Ringing..
****
Stanley Irene's PoV
Kinuha niya agad sa lapag ang phone at sinagot ang tawag.
"Hello Khaile? Ano?! Nasaan kayo? Sige sige papunta na ako," kabadong sabi nito at sabay tumayo. Tumayo na rin ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya pero hindi niya o pinansin bagkus ay tumakbo siya patungong pinto at lumabas na hindi man lang naisara.
"Irene.." Nang pagkabukas ng pinto ay niluwa nito ang lalaking kakadaan lamang na ikinagulat ko.
"Hyro.." tawag ko rito.
"Irene.."
"Ano kailangan mo?"
"Pwede ba kita makausap?" tanong nito. May halong lungkot na tanong niya, ni Roro..
*****
Spy's PoV
"Tumakbo ka lang kanina?!" gulat nitong sabi.
Natawa ako sa reaction niya kaya kinurot ko ang pisnge nito. Ang cute! "Opo," usal ko at tumango.
"Hay bakit kaya ang traffic ngayong araw? Ay Spy, bakit nga pala naglalakad tayo ngayon?" tanong ni Khaile habang kumakain ng ice cream.
"Kasi wala akong dalang kotse?"
"Teka bakit hindi tayo magjeep o tricycle man lang para hindi nakakapagod maglakad patungo sa bahay namin na napakalayo," singhal nito.
"'Wag na, mas magandang maglakad na lang tayo.."
"Anong ikinaganda nun guyabano? Ang masunog at mabilad sa araw habang naglalakad ng isang kilometro? Pinagloloko mo ba ko?!"
Nginisihan ko siya. "Aray tangina! Bakit ka namimitik sa ilong?!" singhal niya at binawian ako ng batok.
"Puta! Hindi mo kasi ako pinapatapos magsalita. Ang ibig kong sabihin ay mas magandang maglakad na lang tayo para makasama kita ng mas matagal."
"Anong connect?"
"Para ma-solo kita."
"Ahh--ay guyabano!" sigaw nito at sabay na lumapit sa pwesto ko.
Napatalong sa gulat si tomboy ng biglang bumusina ang truck na nasa gilid lang namin. Napangisi naman agad ako kasabay ng pagusad ng mga kotse dahil sa traffic.
Nilapit ko ang bibig ko sa gilid ng tenga niya.
"Akala mo lumindol 'no? Kinilig lang 'yung mundo kasi pinagsigawan kong 'Mahal ko ang taong nagngangalang Khaile Lynch'."
"Pakyu! Hindi porket magaling galing na 'yang sugat mo! Akala mo hindi ka na makakatakas sa pagbubugbog ko sa'yo!" singhal niya na nagpakilabot sa akin.
"Ang brutal mo pa rin talaga kahit kailan!"
"Ano sabi mo? Paki-ulit nga," usal nito habang nilalapit pa ang tenga sa mukha ko.
"Ikaw nga lang talaga ang mahal ko." Kasabay ng pagkasabi ko at bago pa siya humarap ay ninakawan ko agad siya ng halik sa pisnge.
Nginisihan lang niya ko habang masama ang tingin sa akin.
"Alam mo ba kung ano ang pangarap ko," bulong ko sa kanya.
"Ang yumaman pa lalo at makapagbakasyon sa iba't ibang bansa?"
"Hindi."
"Eh ano?"
"Ayun." Napatingin siya sa tinuro ko, "Ang sumakay kasama ka sa jeep."
"'Yun lang? Nahihibang ka na ba, Palmer? Sabi ko na nga ba nagda-drugs ka e," singhal nito.
"Tapos ang sasabihin ko.. 'Bayad oh? Dalawang senior citizen'..," saad ko na nakapagtahimik sa kanya.
"Blumentritt.. Blumentritt.. Dalawa na lang, sakay na kayo para makaalis na."
"Sumakay na nga lang tayo," usal nito habang hindi pinansin ang sinabi ko.
"Akin na ang kamay mo," deretsong sabi ko sa kanya at inilahad ang aking kamay.
"Bakit? Ano gagawin mo?"
"'Wala akong gagawin. Hahawakan ko lang," nakangising sabi ko at kinuha sa kanya ang kanan niyang kamay.
"Halika na?" tanong ko at tinignan ang jeep. Nagsimula na kami maglakad sa tamang tawiran nang biglang namali ng landas..
Napatingin ako sa humaharurot na kotse na nasa gilid ko na palapit ng palapit, "Spy!" sigaw nito at nagulat na lang ako nang bigla niya ko tinulak palayo. "Guyabano!!"
"Hala yung bata!"
"Kawawa naman.."
"Jusko! Dugo!!"
"Ugh!" daing ko ng biglang tumama ang ulo ko sa bato. Dahan-dahan ako napaupo at laking gulat ko ng makita kong nakahiga sa sahig si "Khaile!"
---
Author's Note:
Ang tamang pagbigkas ng mga pangalan. (Oo na. Sige na. Late na ito, pasensya XD kaya kung may tanong about sa pronunciation ng mga names nila 'wag mahiya MAGCOMMENT.)
- Khaile (Keyl not Khay-li) Lynch(Li-yench not Linch)
- Spy Giovannie (Gi-yo-va-ni not Ji-yo-va-ni) Palmer
- Demon Spiere (Is-pir not Spayr nor Is-pyer)
- Hyrus Kail (Kha-hil not Keyl) Rocher
- Hypo Kayle (Khey-la not Kayl nor Keyl) Rocher
- Stanley (Stan-li not Stenli) Irene Neal (Nyal not Nyel)
- Skye Jiminez Devergin (Di-ver-jin)
Sige na. Perpekto na kung perpekto. Kailangan lang talaga itama ang mga MALI XD. Kahit ako rin naman nagkakamali ng bigkas MWAHAHA!
By the way, kailangan ko lang ipaalam na June 20 na ang pasukan namin, incoming Grade 10 T_T. At sa malalapit na week, June 14 or 15 maybe? HULING BAKASYON ko na ito bago ang pasukan ヽ('▽`)/ dahil pupunta ako ng Samar, Leyte (first time ko makakapunta plus probinsya nila mama). Doon kasi ipagdidiriwan ang sixteen birthday ng dyosang author niyo XD ( June 17 ❤ ) kasabay rin ng fiesta doon sa Leyte (June 17-18-19). Kaway kaway sa mga taga-Leyte ✋. Ang masasabi ko lang.. WALANG WIFI SA BAHAY NA PAGTUTULUYAN NAMIN T__T BAKA DI RIN AKO MAGKAPAG-UPDATE DAHIL SA HEAVY BYAHE(hindi airplane gamit namin, sorna poor me) AT PAGKABUSY DAHIL ILANG DAYS AKO NA NASA LEYTE KASUNOD PA NA PASUKAN NA RIN NAMIN. Sana ay maintindihan niyo ko, you know the feeling naman diba? Kapag pasukan ay masyado nang busy, saklaf! Pero 'wag kayo mag-alala. BAKA lang. Baka makapag-update pa ako NEXT WEEK. Gulatin ko na lang kayo XD.
Mahaba-haba na ang naisulat ko na A/N pero ang masasabi ko lang I LOVE YOU GBG READERS! Kapit lang ❤ malalampasan rin natin ito ( ^∇^)!
-dyosang an(j)hel-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top