Kabanata 38: Unpredictable

xxx

Kabanata 38: Unpredictable

Kyle's PoV

  "Oh naririto ka pala Irene," usal ni Hypo na kakatapos lang maligo. Lumapit siya sa sofa kung saan nakaupo ang hinayupak.

  "Hindi, wala siya rito. Salamin lang ito," sarkastiko kong sabi at ngumisi.

  "Affected ka lang," bulong nitong sabi nang dumaan sa gilid ko.

  Ano sabi ng loko?

  Umupo si Hypo sa sofa, katabi ni Irene.

  "Nasabi na ba sa'yo ni Kyle na kung pwedeng magperform ka sa event na gaganapin sa school namin?" tanong nito.

  "Obvious ba?" singhal ko kay Hypo na parang wala ako rito.

  "Payag ka na ba Irene? Please, kailangan na namin makumpleto ang list na magpeperform. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan na sumali dahil may nakaabang na premyo na mangyayari sa buhay mo," seryosong sabi ni Hypo sa kanya.

  Nakaabang na premyo?

  Ngumiti si Irene sa kanya. "Kailan ba ko magsisimula?"

  "Yes!" sabi ng aking isip.

  "Kung gusto mo ngayon na," nakangiting sabi ni Hypo.

  Tumingin siya sa direksyon ko at nginitian ako. Nginitian ako ng isang anghel.

  "Ikaw Kyle, gusto mo ngayon na tayo magpractice?"

  "Ta-tayo?" napakashunga kong tanong.

  "Ehem! Maiiwan ko muna kayo at dahil marami pa kong gagawin. Ehem!" ubo-ubuhan na sabi ni Hypo at walang pang segunda ay parang kidlat kung umalis. Sarap batukan amputs.

  Umupo na ko sa tabi ni Irene.

  Napakunot ang aking noo dahil sa kanina pa niya ko tinititigan.

  "May dumi ba ko sa mukha?" tanong ko rito.

  Umiling lang siya at patuloy lang sa pagtitig sa akin.

  "Parang.. may nagbago sa'yo," mahina niyang sabi.

  "Ano?"

  "Basta..," saad niya.

  Habang patuloy pa rin siya sa pagtitig sa'kin ay bigla kong naalala ang huling chat niya sa'kin.

  "Irene.."

  "H-huh?"

  Huminga muna ko ng malalim, "Anong ibig mong sabihin sa huling sinabi mo kagabi? Na.. gusto mo ko?" tanong ko rito.

  Napataas ang kilay niya at inaalala ang kagabi.

  Napahagikhik naman siya agad ng bigla iyon naalala. "Papikit pikit na ang mata ko that time dahil sa sobrang antok. Kaya kapag ganun ay lagi ko nasasabi ang mga bagay na hindi ko na namamalayan sabihin. Minsan kulang pa nasasabi ko. Parang lasing lang e 'no? Kung iyon ay hindi pa ko lasing, more what kung lasing ako, 'di ba? Baka kung ano pa gawin ko.."

  "Pakialam ko?" tanong ko.

  Anong connect kaya sa tanong ko sa kwento niya?

  Napanguso siya, "Sinasabi ko lang. Ang sama mo lagi sa'kin! May ginawa ba ko sa'yo na mali kaya laging mainit ang ulo mo sa'kin ha?" tanong nito at umirap.

  Oo, meron. Ginulo mo ang nanahimik kong buhay!

  Tinignan niya ko. Ngumisi ito at lumapit sa akin. Sobrang lapit na akala mo maghahalikan na kaya napaatras ako ng kaunti. "Ayan, hindi na kunot ang noo mo," aniya Irene at ngumiti ng malawak. Ilang segundo ang lumipas ay lumayo na rin siya ng kaunti. "Gusto kita, Kyle.. maging kaibigan. Pwede ba?" tanong nito at itinaas ang kanan kamay na parang makikipagshake hands.

   Kaibigan?

  "Teka, nakalimutan kong maghugas ng kamay. Naalala ko bigla na kakatae ko lang pala kanina," pagsisinungaling ko at tumakbo papuntang kusina.

  Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga.

  Tiniis ko na lang ang biglang pagkirot ng puso ko at dumeretso sa refrigerator para kumuha ng tubig.

  "Pinapunta mo siya?" Matapos kong uminom ay inilagay ko sa mesa ang basong ginamit at ang pitchel. Lumingon ako sa direksyon kung saan nagmumula ang boses na iyon.

  "Oo, may problema ka ba dun?" tanong ko kay Hyro at ngumisi.

  Masamang tingin lang ang ibinato niya sa'kin.

  "Ilan beses ko ba sasabihin sa'yo na may hika siya, Kyle," seryosong sabi nito.

  Lumapit ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Mapanganib na tingin ang bumabalot sa aming dalawa.

  "Hika lang ba ang problema mo kaya nagkakaganyan ka? O may iba pang  rason kaya ayaw mong pumunta siya?"

  "Ano ba ang gusto mong iparating, Christhian?" singhal ni Hyro.

  "May relasyon ba kayo ni Irene noon?" seryosong tanong ko uli.

  Napasinghap ako. Tinitigan niya lang ako ng mariin na para bang walang balak na sagutin ang tanong ko.

  "Kyle?" Napatingin kami pareho sa tumawag. Si Irene

  Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. Lumapit ako sa pwesto niya kaya napatingala siya sa'kin. Hinawakan ko ang kanan kamay niya na ikinagulat niya.

  "Kailangan na natin magpractice, hinayupak. Tara na?"

  Napansin kong napatingin si Hyro sa kamay naming magkahawak.

  "Teka, bakit kailangan pang magkaholding hands?" takhang tanong ni Irene sa akin.

  "Baka kasi maagaw ka pa ng iba," saad ko at hinila na si Irene papalayo sa kusina.

  "Hindi ka pa nga naghuhugas ng kamay e," bulong ni Irene sa tenga ko.

  Paasa ka kasi.

*****

Khaile's PoV

  Ang intensyon ko lang ay kausapin ng mahinahon si Demon dahil sa gulong ginawa niya. Pero nung makita ko ang anino niya ay bigla ako nairita.

  Ang saklap tuloy ng buhay ko ngayon. One week suspension and two days general cleaning. Ugh.

  Napatingin ako sa gilid ko. Nakangisi siyang nakatingin sa akin.

  "Anong tinutunganga mo jan? Tulungan mo kaya ko dito!" singhal ko kay Demon na nakaupo sa upuan na akala mo ay hindi pinarusahan rin.

  "Ikaw gumawa ng gulo kanina kaya bakit kita tutulungan?" nakangising sabi ng baklang mahaba ang baba.

  "Ikaw ang naunang gumawa ng gulo, bopols!" singhal ko at ibinato sa kanya ang basang basahan na puno ng dumi.
 

Napatayo siya bigla. Tinignan niya ko ng masama nang madumihan ang puting damit nito. "Napakamahal ng damit na ito! Tapos dudumihan mo lang?" sigaw nito sa'kin pero nginisahan ko lang ito na talaga nagpairita lalo sa kanya.

  "Mahal? Hindi ko napansin na ginto pala ang damit mo ngayon dahil sa pangmahirap mong ugali! Tara dito uli, basain natin iyang kaliwa para pantay," singhal ko at ibinato uli sa kanya ang basang basahan.

  "Tss! Dahil diyan, maglinis ka mag-isa mo!" sigaw nito at lumabas ng room.

  "Buti sa'yo, bleh! Pero teka.. Hoy Demon! Impakto ka, hindi lang ako nag-iisang pinarusahan!!" sigaw ko at napahilamos na lang ng mukha.

  Napapadyak na lang ako sa inis nang hindi na bumalik si Demon.

  Wala na lang akong nagawa kundi ang umupo sa isang tabi. Ipinatong ko ang dalawang braso sa tuhod at yumuko.

  Napasinghap ako, "Ano klaseng gulo ba ang kinasangkutan mo Khaile?" mahina kong sabi habang humahaguhol sa pag-iyak. "Hindi tama 'to.."

---

  "Khaile, wake up." Napaangat ang ulo ko sa biglang pagtawag sa'kin. Nagulat naman agad ako ng bigla niya ko niyakap. "Khaile, mabuti't ayos ka. Pinag-alala mo ko ng sobra!"

  "Guyabano.."

  Bumitaw na siya sa pagkayakap sa'kin. Hinawakan niya ang dalawa kong pisnge at ipinahid ang mga luha ko.

  "Tara. Sumama ka sa'kin," usal nito at hinila ako palabas ng classroom.

  "Ano ginagawa natin dito?" tanong ko kay Spy habang kinakapos pa rin ng hangin dahil sa malayong pagtakbo namin.

  Napatingin ako sa pinto na nasa gilid ko.

  "Spy, ano ba binabalak mo?" takhang tanong ko rito. "Halika na nga, pinagtitinginan na tayo ng iba pang estudyante dito oh," singhal ko habang hinihila siya. Pero ang mokong, ayaw gumalaw sa kinatatayuan. Hss.

  Sumuko na rin ako agad sa paghila sa kanya at tinignan ito sa mga mata. "Kung balak mo man ipatanggal ang parusa sa'kin. Huwag na Spy, kasalanan ko rin naman. At isa pa, ang parusa ay parusa na hindi pwede bawiin na parang pera lang," usal ko pero isang malaking ngisi lang ang natanggap ko mula sa kanya.

  "Alam ko iyon," bulong nito at tumingin sa tatlong lalaki na hindi kalayuan sa pwesto namin na  nagtatawanan habang nakaupo sa kahoy.

  "Psst," sita ni Spy sa naglalakihang lalaki sabay sumenyas na lumapit dito sa pwesto namin. Sinunod naman siya nito.

  "Layo tomboy!" Kasabay ng pagsigaw niya ay napasinghap ako ng biglang sinuntok ni Spy ang isang lalaking nakasalamin. Napa-aray naman ang lalaking naka-blonde nang sikmuraan niya ito.

  "Spy!/Mr. Palmer!" Kasabay nung pagsigaw ay parang nagsiestatwa ang lahat. Pati na rin ang mga babaeng nagsitilian dahil sa gulong ginawa ni Spy at sa mga nagsisitakbuhan na estudyante. 

  Napatingin ako kanya, nakaangat lang ang kamay nito na aakmang susuntukin na rin sana niya ang isa pang lalaki na sa ngayon ay nakataas ang kamay na parang nagmamakaawa habang nakayuko ito.

  "Mr. Spy Giovannie Palmer! Stop that or else--!"

  Binitawan na ni Spy ang kwelyo nung lalaki at lumingon sa direksyon ko na katabi ko na ngayon ang nakakatakot na principal namin na si Mrs. Go.

  "Or else what?" Nakangising tanong nito kay Mrs. Go. "Imbis na isumbong mo ko kay dad ay bakit hindi mo na lang ako bigyan ng 1 week suspension tutal wala naman pake sa'kin iyon?"

  "Nababaliw ka na ba Spy?" bulong ko sa aking isipan.

  Napatingin ako kay Mrs. Go. Naguusok na ang ilong niya dahil sa sobrang gulat at galit habang matalim na nakatingin kay Spy.

  "Now." May pagdidiin na pagkakasabi ng aming principal. Kasabay nun ay tumalikod na ito at pumasok na ng tuluyan sa opisina.

  Isang salita lang iyon pero kinilabutan na agad ako.

  Napatingin ako kay guyabano. Nakangiti siya ng malawak na akala mo ay wala lang sa kanya ang pagbiglang pagsuntok, gulo at ang makausap ang principal.

  Parang baligtad?

  Ang simpleng salita na "NOW" ay pinapapasok na siya ngayon sa principal's office para ipaalam ang parusa nito.

  "Gago ka ba, Spy? Nahihibang ka na ba? Gusto mo magkaroon ka ng parusa? Kung biyakin ko kaya iyang itlog mo bilang parusa sa paggulpi ng kung sino-sino?"

  "Mas masakit kung mabibiyak ang murahang couple, 'diba?"

  "Talaga lang ha?" singhal ko at aakmang tatadyakan ko na ang bandang baba nito.

  "Syempre joke lang iyun," pagbabawi niya. "Ayoko na ikaw lang ang maparusahan dahil sa hindi paglaban kay Demon. Dahil nga sa 'parusa ay parusa rule' na hindi pwede bawiin ang parusa ay mas gustuhin ko pa gumawa ng kalokohan para maparusahan. Kaya magsasama tayo buong bakasyon!" masayang sabi ng monggoloid.

  Binatukan ko siya dahil sa katarantaduhang ginawa niya ngayong araw, "Baliw ka. Pero ang alam ko ay mali itong gulong ginawa mo pero hindi ko mapigilan ang mapangiti!" singhal ko sa kanya. "Nakakainis ka talaga!"

  "Mahal din kita!" nakangising sabi nito kasabay ng pagnakaw ng halik sa pisnge ko at tuluyan na ring sumunod na pumasok sa opisina.

Natawa ako ng mahina dahil sa flashback na nangyari at nangyayari ngayong araw.

  Akala ko sunod-sunod na ang kamalasan sa buhay ko dahil sa ibinigay na punishment pero laking tuwa ay nandiyan si Spy para damayan ako. Nandiyan siya kapag kailangan ko. Nandiyan si Spy para pangitiin ako araw-araw, oras-oras, minu-minuto.

  Tadhana ba ang dahilan kaya hanggang ngayon ay matatag pa rin kami. Kung ganoon.. ay naniniwala na ko na talagang mapaglaro ang tadhana dahil maaaring mayroong pangyayari na hindi ko inaasahan o kaya naman, malapit sa inaasahan kong pangyayari.

  Minsan, nakakatuwa talaga makipaglaro ng tadhana, pero madalas hindi. Madalas hindi..

- dyosang an(j)hel -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top