Kabanata 37: Lagot na
xxx
Kabanata 37: Lagot na
Hypo's PoV
Nagtitigan lang silang dalawa ni Hyro at ni Kyle. Nagpapatayan ng tingin. Ilang minuto ang lumipas ay walang nagsalita sa'min lahat.
Ano ito? Bagong loveteam? Kyro love love love? Pwe.
"Ah guys?" Pagbasag ko sa nakakabinging ingay.
Hindi nila ako pinansin sapagkat ang lakas ng pagkakasabi ko.
Napatingin ako kay Hyro nang bigla ito tumayo. Tumingin siya sa'kin. Walang emosyon tumingin siya sa akin.
"Biglang sumama pakiramdam ko. Ikaw na bahala dito, Hypo. Magpapahinga na ko," kasing lamig ng yelo na sabi niya at tuluyan ng umalis.
"Kuya Hyrus, alin ba ang totoo?" takhang tanong ni Khaile kay Hyrus pero kinibit-balikat lang siya.
"Ano ba iyan, gulo niyo kausap. Makatulog na nga lang," iratadong sabi ni Khaile at padabog na umalis.
Napatingin ako kay Kyle na seryoso lang nakatingin sa kawalan.
Narinig kong nag'tss' siya bago tumayo at nagwalk out rin.
Hay, ano ba itong mga tao ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako at napalumbaba sa mesa.
Napansin kong lumapit ng kaunti si Hyrus sa'kin at umintriga.
"Hoy Hypo, bakit si Irene pa ang naisipan mong imbitahin. Ayan tuloy, ang laki ng gulo ng pinasok mo," usal niya at napalumbaba rin.
Tumingin ako sa kanya at ngumisi.
"Ano ka ba! Love lang ang nagpapagulo sa kanila at hindi ako. Baka nga pasalamatan pa nila ako sa huli kung maaari," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ano ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong nito.
"Papasalamat nila ako na tinulungan ko sila."
"Gago! Paligoy-ligoy ka pa, straight to the point ka na nga," may pagkairitadong sabi niya.
"Easy. Puso mo!"
"Tss."
"Diba, dahil sa pagimbita ko kay Irene ay magkakaalaman na sa feelings na nararamdaman nilang tatlo. Kung hindi sila gumagawa ng action at hindi sila sigurado sa nararamdaman nila ay ako na gagawa ng action para sa kanila at para magkaalaman na kung ano ba ang tama at mali sa pag-ibig! Mga pabebe kasi," saad ko at kinindatan si Hyrus.
"Kung ganun, plinano mo iyon?" Tumango ako sa tanong niya. "Plinano mo ring ganoon ang magiging set-up ngayong gabi? Nila Hyro at Kyle?" tanong uli nito.
Ngumisi ako, "Oo nga lolo, ang kulit!"
Napaisip-isip siya at napangiti rin ng malawak. "Ayos tol ah, nagkaka-utak na si chong," usal ni Hyrus na may halong pang-aasar.
"Ikaw lang kasi ang wala," sarkastiko kong sabi.
"Gago! Sadyang architecture lang course mo kaya madali lang sa'yo ang salita 'plano'. Pero teka nga, bakit hindi mo rin i-plano sa buhay mo ang salitang 'seryosong pagrerelasyon' hindi 'yung nang ba-babae at naghahanap ka jan ng kung sinu-sino. Lima-lima pang babae linggo-linggo pinapaiyak mo. Magplano ka rin minsan ng 'girlfriend' ha sa buhay lovelife mo, 'yung 'totoo' hindi puro landian lang. 'Yung totoong pag-iibigan talaga hindi puro 'sex'."
"Sus, mauna ka muna. Kawawa ka naman, mukhang inaamag ka na. No Girlfriend Since Birth, pfft," natatawa kong sabi at pinitik siya sa tenga.
"Gago. Hinihintay ko lang ang tamang panahon,"
"Hinihintay? Bakit? Kailan pa dadating ang babaeng nararapat sa'yo? Hanggang sa pumuti na ang buhok mo, patawa ka? HAHAHA sakit na ng tiyan ko," sarkastiko kong sabi at nagkukunwaring sumasakit na ang tiyan sa kakatawa.
"Lul mo. Ayan, madali lang sa'yo sabihin ang salitang pag-ibig dahil hindi ka pa nafo-fall!"
Napasinghap ako, "Ayokong ma-FALL, kasi lahat nang nafo-FALL nasasaktan," singhal ko. "Mas gugustuhin ko pang ako ang maging pa-fall kaysa ma-fall. At tiyaka, hindi ko naman sinabi sa kanila na umasa sila sa'kin dahil wala naman akong sinabing umasa sila ng umasa. At isa pa, masisisi ko ba ang sarili ko na pinagpala ako ng diyos ng limpak-limpak na kagwapuhan at katalinuhan para lang pagpantasyahan ako? Ha!"
Napailing na lang si Hyrus, "Hypo, goodluck na lang sa buhay lovelife mo dahil karma is on the way na dahil sa limpak-limpak na babaeng pinaiyak mo," usal niya habang tina-tap ang balikat ko.
"Edi shing shang fu! Arigatou," nasabi ko na lang at bineletan siya.
Karma? Anong klaseng karma naman iyan?
*****
Kyle's PoV
Pagkapasok ko ng kwarto ay isinalampak ko ang aking sarili sa kama. Binuksan ko ang phone ko at pinindot ang messenger.
9:13pm
Stanley: Hoy Halimaw! Busy?
Stanley: Kakatapos ko lang maghalf bath. Kumain ka na?
Stanley: Pakyu ka.
Stanley: OYYY!
Stanley: Edi shing!
Seen 9:16pm
Stanley: Seenzone. Gago!
Kyle: Bakit?
Stanley: Pangit ka rin!
Seen 9:18pm
Stanley is typing..
Kyle! Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit kanina ka pa tahimik?
"Shit." Nasabi ko na lang at pinatong ko ang ulo ko sa headboard. Napapikit na lang ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Iba ang pakiramdam.. nakakapanibago.
Napatingin uli ako sa phone ko ng bigla ito nagvibrate.
Notification sa facebook.
Stanley update her status..
Pinindot ko ito.
'Ang hirap maging masaya, ang dami laging kontra.'
110 people like this.
Tss. Seriously? May pinapatamaan ba siya?
9:30pm
Stanley: Kyle?
Kyle: Inimbita ka pala ni Hypo na kung pwede ay magperform ka sa event na gaganapin sa school nila, in the end of February. Free ka ba sa araw na iyun? Dahil kulang sila ng performance at sila ang umaasikaso sa event na 'yon, kaya naisipan niya na magperform TAYO. Oo, bawal single performer. Walang halong malisya ito, kaya payag ka ba? Hoy Irene.
Send..
Nanginginig kong pinindot ang send. Pinasmado na naman ako.
Sinungaling.
Seen 9:33pm
Stanley: K.
Tangina. Sa hinahaba ng message ko, isang letra lang sinend? Tangina. Tangina talaga.
Stanley: Kyle..
Kyle: Bakit? -_-
Stanley: Gusto kita..
Kyle: Ano?!?!
Seen 9:35pm
Stanley Irene Neal
Active 5 minutes ago
Tangina talaga! Ano iyon?
~~~
Matapos kong punasan ang buhok ko ay napatingin ako sa whole body mirror. Lumapit ako rito.
" Ang alamat ng POGI.. Isang araw pinanganak AKO. The End." Napangisi ako sa sinabi ko.
Sinuklayan ko ang aking buhok gamit ang kamay at kinindatan ang salamin. Napahinto naman agad ako sa pagpapagwapo sa salamin nang may bigla akong maalala. Napahawak ako sa labi ko.
"Bakit ba ayaw mawala wala ang ngiti ko?" tanong ko sa salamin. Hinawakan ko ang pisnge ko ng dalawang kamay at pinagsasampal ang sarili. "Ano ginawa mo sa'kin, hinayupak ka," usal ko habang sinasampal pa rin ang sarili ko. "Tss. Umalis ka na nga ngiti ka! Hindi magandang idea iyan!" parang baliw na sabi ko sa sarili.
Sumeryoso na ko ng tingin sa salamin, "Wala lang 'to. Gutom lang ako," usal ko at umalis na sa harap ng salamin.
Pababa pa lang ako ng hagdan ay nadatnan ko si Spy na nagmamadaling bumaba at dali-daling lumabas ng bahay na nakadamit pang-alis.
"Hyrus," tawag ko sa kanya na nakaupo sa gilid ng hagdan. "Hmm," saad niya habang humihigop ng kape. "Bakit umalis iyun?" tanong ko rito.
Pero ang loko ay busy lang sa paghigop ng kape habang may tinitignan na kung ano man iyon.
"Huy!" sigaw ko rito at hinarangan ang tingin nito. Tumingala siya at sinamaan niya ko ng tingin. Dahil nga nakaupo siya sa hagdan at ako naman ay nakatayo sa harapan niya. "Ang sabi ko, saan pupunta si Palmer?"
"Doon..," usal niya habang nanguso, "Doon sa puso ni pinsan. Umalis ka nga jan," iratadong sabi niya habang hinahawi ako papaalis sa harap niya.
"TSS!"
Pumasok na ata si Khaile ngayon. Si Irene kaya? Pumapasok rin ba?
Napatingin ako kay Hyrus nang bigla ito humagikhik. Hanggang ngayon ay busy pa rin siya sa tinitignan niya kaya tinignan ko rin ito. Mula rito sa hagdan ay may malaking glass wall kaya kitang kita ang labas. Ang magandang napansin ko lang sa labas ay isang babaeng nagbabasa ng libro na nakatayo sa tindahan.
"Hoy Hyrus, kaya ka ba tulala jan dahil sa babaeng sexy na 'yun?"
"Yang mukhang bakla?" saad niya at itinuro ito habang hindi tumitingin sa'kin.
"Mukhang bakla pero parang naglalaway ka na jan?"
Napahawak siya sa bibig niya at pinunas punas iyon, "Gago, natapon lang kape ko!"
"Oo na lang ako."
"Hindi ko siya gusto 'no!" sigaw niya kaya napangisi ako, "Walang nagtatanong pero halata ka," singhal ko at tumawa ng mahina.
"Aba at--!"
Umalis na ko sa pwestong iyon. Habang naglalakad ay napatingin ako sa pinto nang biglang may nagdoorbell. Pinuntahan ko ito. Pagkabukas ko ay inulawa nito ang magandang binibini na may dalang matamis na ngiti.
Ang babaeng hindi ko inaasahan na pupunta dito, ang babaeng dumating sa buhay ko at ang babaeng gumulo sa utak at.. puso ko.
"Hi Kyle!" masayang bati ng dalaga.
"Anong ginagawa mo di-dito?" tanong ko rito, kay Irene.
*****
Khaile's PoV
"Goodbye class!"
Pagkapaalam ng pagkapaalam ni Mrs. Dizon, ang masungit naming guro sa Social ay dali-dali ako lumabas ng room.
Recess na namin ngayon at atat na atat na ko makipagkita sa kanya. Inikot ko ang buong school miski ang library, comfort room, gym, court pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Hindi na rin sumagi sa isip ko na kumain muna dahil nga sa recess ngayon pero gustong gusto ko na siyang makita talaga para mabigyan ng mahigpit na yakap.
Huli kong pinuntahan ang field at ayun siya. Nasa pinakadulo ng eskwelahan ito. Nakatalikod sa akin. Nakikipagtawanan sa kasamahan niya habang kumakain. Hmm, sarap pektusan ang mukha.
Napatingin ako sa baba nang may naramdaman akong gumulong na bagay papunta sa'kin. Bola. Hindi ko alam kung saan galing ito pero dinampot ko agad ito at napangisi.
Tumansya muna ako at bumwelo at sabay bato nung bola sa pwesto niya. Got my 3 point shot! Tinamaan siya sa ulo kaya napangisi uli ako. Napahinto siya sa kinakain niya. Lumapit naman ako ng kaunti pa sa pwesto nila, sa teritoryo nila, sa teritoryo ng grupong EXOtic.
Masamang tingin lang ang ibinato ko sa demonyong nasa harapan ko.
"Siraulo ka," singhal ko sa kanya.
Napasinghap siya at lumapit sa akin. Tumingala ako dahil nasa harapan ko na siya.
"Hss.. inutusan ka siguro ni Giovannie na pumunta ka rito 'no? Hays, duwag talaga iyon kahit kailan," singhal niya at tumawa ng mahina. "Ay teka, nasaktan ba kita sa sinabi ko? Ganun siguro iyun. Masakit. Kasi. Totoo."
"Ahh ganun?" singhal ko rin at mabilis na sinapak siya sa mukha.
Napansin ko nagsilapit ang grupong EXOtic nang pigilan niya ito gamit ang pagsenyas niya sa kamay. Tss.
"Walang kung sino man nag-utos sa'kin na pumunta dito maliban sa utak ko kaya 'wag kang shunga!" sigaw ko rito at sinapak uli siya sa kabilang pisnge. "'Yan! Para 'yan sa kabobohan mo! Kagaguhan mo! Kabaklaan mo! Kaduwagan mo!" Sinikmuraan ko naman siya sa tiyan na talagang napasinghap siya. "Para naman iyan kay Spy! Hindi makatarungan iyon hayop ka! Binugbog niyong walang kalaban-laban! Hindi patas! At ito naman ay para sa'kin!" Buong lakas kong tinadyakan ang ari niya na talagang napasigaw siya. "Binugbog mo mahal ko! Dinumihan mo ang gwapo niyang mukha! Nagkanda-leche leche pa ko kung paano ba mag-alaga ng sakit! Tapos ganunan lang? Happy happy lang? Hindi pwede sa'kin iyon! Bawian lang, bwisit na demonyong baklang ito!" singhal ko at ngumisi.
Tumalikod na ko.
Teka paano ko nagawa ang lahat na iyon? Ginawa ko ba talaga ang lahat ng iyon? Pero salamat naman sa diyos ay hindi nila ako sinugod. Mabuti na rin ay hindi lumaban si Demon dahil kung hindi ay, kanina pa ko siguro pinaglalamayan ng lahat.
"Khaile!" Napahinto ako sa paglalakad nang bigla niya ko tinawag. "Kasing talim mo rin pala siya 'no? Walang duda! Kasing bangis ka rin niya! Pareho kayong halimaw! Malandi!" sigaw nito. Lumingon ako pero napaatras ako ng kaunti ng nasa harapan ko na agad siya. "Anong sabi mo?" tanong ko. Hinawakan ko siya sa kwelyo at itinaas ang aking kamao.
Nginisihan niya ko, "Ang sabi ko.. MALANDI. KA. PO."
Sinapak ko agad siya dahil sa huling sinabi niya. Nanggigigil na ko sa pagmumukha niya ah!
"You! Both of you! Sumama kayo sa'kin, ngayon din!" Napatingin ako sa gilid ko na hindi masyado kalayuan sa amin. Si Mrs. Dizon. Ang aming masungit na titser.
Huli ka balbon. Lagot na.
~~~
A/N: Bilis ko ba mag-update XD ? Pagpasensyahan, ginanahan lang ❤ By the way, twice a week ang update ko lagi, 'kay? Kung busy ako ay isa lang ang update. May buhay rin ako sa labas ng wattpad at kung minsan ay tinatamaan ako ng katamaran o writer's block. Masanay na rin kayong laging magkakaroon ng POV ang iba pang character pero syempre hindi mawawala ang KhaSpy ❤ kasi sila ang bida sa kwento ^^
'Wag mahiyang mag-iwan ng votes at comments ^___^, simple lang iyan pero kinikilig na agad ko ❤
- dyosang an(j)hel -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top