Kabanata 36: Kyle vs Kyle
Dedicate kay BOOKLOVER_3133 ❤. Hi Tin, mahal ka ni bwi XD at dedicate sa iyo itong kabanata.
By the way, guys 'wag niyo sana i-skip ang "IMPORTANT NOTE" ko sa dulo, importante nga diba? So, ayun lang. ENJOY READING! ❤
xxx
Kabanata 36: Kyle vs Kyle
Khaile's PoV
"Khaile.. Khaile..,"
Nagising ako. Napalingon ako sa may bandang kanan ko nang may biglang tumawag sa'kin mula rito. Hinanap ko agad kung saan nagmumula ang boses na iyon. Boses anghel kasi.
"Khaile."
Tumayo ako at nagsimulang maglakad papuntang kusina. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa'kin at bigla na lang ako nagpunta ng kusina. Hindi ko na lang namalayan na naglalakad na pala ko rito dahil sinasabi ng utak ko na kailangan.
Napansin ko agad ang nakaputing babae na nakatayo. May kalayuan sa akin. Napapikit ako nang biglang lumabo ang paningin ko.
"Khaile.."
Kinusot ko ang mata ko at tinignan uli ang babaeng nakangiti sa'kin. Napakusot uli ako ng mata dahil sa hindi ko masyado maaninang ang kanyang mukha.
"Si-sino ka?"
Nasabi ko na lang habang kinukusot ko pa rin ang mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nanglabo ang aking paningin at biglang sumakit.
"Khaile, mag-iingat ka.."
P-po?
Minulat ko ang aking mata dahil sa biglang pag-ingay ng paligid. Pagkadilat ng pagkadilat ko ay bumungad sa'kin ang apat na mukha sa harapan ko.
Napapikit ako at inaalala ang mga pangyayari. Matapos ay idinilat ko uli ang aking mga mata. Nakatingin pa rin sa'kin ang apat na pares na mata. Pinagsingkitan ko ito.
"Huy!" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Hypo.
"Hu-huh?" Nasabi ko na lang.
Napangiwi naman agad ako nang may naramdaman akong mabigat sa tiyan ko. Hinawakan ko ito.
Matigas na legs?
Dahan-dahan ako lumingon sa kanan ko at napasinghap ako sa nakita kong unanong halimaw sa tabi ko.
Napasigaw ako at tinadyakan ito.
Sabay ng pagkahulog niya ay nagmistulang concert ang bahay dahil sa sabay-sabay na pagkanta ng apat na nakatayo.
"SI PALMER! HALA NAHULOG LOG LOG! LO-LO-LOG LOG LOG! LO-LO-LOG LOG LOG! HALA NAHULOG LOG LOG! HAHAHA!"
"Shit ugh!" singhal ni--Spy?
Teka bakit ako nandito, nakahiga sa sofa?
Napaupo na lang agad ako at tinignan kung sino ang nahulog. Si Spy nga, ang nagmistulang unano-este coloring book dahil sa madungis niyang mukha na ginamitan ng pentel pen.
"Trip niyo ko?" iritadong sabi niya sa apat na naririto.
Si kuya Hyrus, Hypo, Hyro at Kyle.
Napatingin rin ako sa apat.
"E ano namang nangyaring kababalaghan ng dis oras ng gabi? Aber?" tanong ni Hyrus.
"Bakit ka nandito?" aniya Kyle.
"Ke-aga aga, harutan agad?" segunda naman ni Hypo.
Tumingin si kuya Hyro sa'kin, "SABI MO MAHAL MO?? BAKIT MO SINAKTAN?!--ARAY!" Napahawak siya sa batok niya nang biglang isa-isang pinagbabatok siya nang tatlo.
"Ke-aga aga nga naman oh, Hyro. Tumigil ka muna sa kakahugot mo, rinding-rindi na ko sa pag-ibig na iyan!" nakapalumbabang sabi ni Hypo.
"Inaano ba kita?" usal ni kuya Hyro pero binelatan lang siya.
Napansin kong napakamot na lang ng ulo si Spy at umupo sa sofa. Pero bago siya napaupo ay sabay-sabay nagsalita na ang apat na talagang nagulat siya at ayun! Nahulog na naman.
"So ano nga nangyari kagabi? AH! Edi, HALA NAHULOG LOG LOG!"
Napahilamos na lang ako ng mukha habang natatawa sa reaction ni Spy at nila Kyle.
Spy, kailan ka pa naging magugulatin? Pandak ka talaga, kahit kailan!
*****
Hyrus's PoV
Matapos ng mahaba habang tawanan, sigawan at pag-eexplain ay nag-aya na rin na ako na kumain na ng pang-almusal.
Bilang isang gwapong nakakatanda dito sa bahay ay inuutasan ko sila na magligpit ng pinagkainan, magwalis, mahugas ng pinggan, at maglinis ng bahay.
"Lul mo, Hyrus!" singhal ni Hypo at hinagis sa'kin ang walis. Nasalo ko naman agad ito.
Aray yung abs ko, natamaan! Bwisit na kapatid na ito!
"Hindi ko bahay ito," usal naman ni Kyle at umakyat.
Binaling ko ang tingin ko sa dalawang maglovers na nasa sofa na busy sa paghaharutan. Akala mo naman, ngayon lang nagkita.
"Eto." Napatingin agad ako sa biglang nagsalita. Si Hyro pala na nasa gilid ko. Binigay niya sa'kin ang pamunas sa kisame.
"Kapag may tumawag sayong pangit, 'wag ka muna lilingon. Magpakipot ka muna ha, Hyrus," usal nito.
"Aba at--!"
"Pektus gusto mo? Ilang minuto lang ang agwat natin kaya maglinis ka rin!" singhal nito at naglakad paalis.
Napakamot na lang ako ng ulo.
Utot nila, blue. Maglinis sila. Makalabas na nga lang muna, psh. Bahala sila sa buhay nila.
"'Nay Loring, pabili nga po," saad ko.
"Oh Hyrus, ikaw pala. Ano iyon?"
"Pabili pong gel," usal ko at ngumiti ng pagkatamis.
"Sige wait lang pogi ah."
"Okay lang po, 'nay. Sanay naman akong.."
"Maghintay?"
"Hindi po. Ang masabihan na pogi," saad ko at nagpogi sign.
"Ay ikaw talagang bata ka. Sige, teka lang at hahanapin ko lang. Ay jusko, saan ko na naman kaya nailagay ang del na iyon."
"'Nay, gel po," pagtatama ko.
"Ay nabibingi na naman ako. Teka hanapin ko muna, iho."
"Sige po 'nay. Take your time," nakangiting usal ko.
Habang naghihintay ay napatingin ako sa babaeng papalapit rito.
Infairness, maganda siya.
Ngumiti ako sa kanya pero tinarayan lang ako at tumingin sa tindahan ni 'nay Loring.
"Pogi daw, saan banda?"
Ano sabi?
"Excuse me, miss. May sinasabi ka?" mahinahon kong tanong.
Lumingon siya sa'kin. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. "Oo meron. Ang sabi ko, ang hangin mo."
"Ko?" takhang tanong ko.
"Mo."
"Ko?!"
"Ay hindi ako, ako. Mo nga diba! Bingi ka ba, kuya?" iritadong sabi niya.
Pinagsingkitan ko siya.
"Tss! Pasalamat ka, maganda ka," singhal ko.
"Thank you."
"Kaso mukha kang bakla.."
"Ano sabi mo--!"
"Oh Skye, magkakilala kayo?"
Parehas kami napatingin sa nagsalita.
"'La Loring," usal nung babaeng mukhang bakla at sabay nagmano kay 'Nay Loring.
"Kilala niyo ito, 'nay?" tanong ko na hindi makapaniwala.
"Ano ka ba, Hyrus. Ito yung kinekwento ko sa'yo na nag-aaral sa Cavite na ka-edad mo. Nag-iisang babaeng anak sa bunsoy ko."
Siya?
"Tss. Ang hangin naman lola ng pinapabalato mo sa'kin," bulong niya kay 'nay Loring na naririnig ko naman.
"Excuse me, miss. Hindi ako mahangin. Sadyang nagsasabi lang ako ng totoo," deretsong sabi ko sa kanya.
"As if!" mataray na sabi niya.
Ay leche itong mukhang bakla na 'to! Pigilan niyo ko, imumodmod ko itong makapal na lipstick niya sa semento.
"As if naman na maiinlove ako sa'yo.."
Napataas ang aking kilay sa huling sinabi niya.
"Excuse me, miss?!" Medyo may kalakasan ang pagkakasabi ko.
Humarap siya sa'kin at tinaas niya ang kanan kamay niya na parang nakikipagshake hands.
"Hindi miss ang pangalan ko at mas lalong hindi 'Excuse Me' ang apelido ko," singhal niya at ngumisi. "Skye Jiminez Devergin nga pala."
Napanganga na lang ako sa huling sinabi niya. What the.
******
Khaile's PoV
8:45pm
Nang matapos ng kumain si Spy ay inalalayan ko na siya na umakyat ng hagdan at dinala sa kwarto ni lola. Dito na siya matutulog.
Maaga pa pero kailangan na niyang matulog para bumawi ng lakas. Hindi na nga ko pumasok ngayon para lang alagaan siya. Nagpaalam na rin naman siya kay Manong Gardio na dumito muna siya for a vacation, hindi niya sinabi ang totoo dahil ayaw lang niya mag-alala ito na nag-alaga sa kanya mula pagkabata niya.
"Boss Khaile.."
"Drop that, boss."
"Psh!"
Pinagsingkitan ko siya. Kanina pa siya tawag ng tawag sa'kin ng boss. Hindi ako mapalagay! Ang pangit pakinggan kasi tapos ngayon siya pa ang naiinis? Wow, just wow.
"Hindi ako sanay na tawaging boss, Spy," usal ko.
"Okay okay, sorry," napasinghap siya. "Asawa ko.."
Napahinto ako sa pag-aayos ng kumot. Napatingin ako sa kanya. Yung tingin puno ng emosyon sa mata.
"Mahal kita," aniya Spy at hinawakan ang aking kamay.
Simpleng salita at pagdampi lang ay buong sistema ko ang naapektuhan.
Grabe ang epekto ng guyabano sa'kin.
Ngumiti ako, "Mahal na mahal din kita, Spy," bulong ko at hinalikan siya sa pisnge. "Matulog ka na."
Pumikit na siya habang nangiti. Cute.
.
.
.
Habang natutulog si Spy ay hindi ko na mapigilang mapaluha.
Bakit sa mga love story na nababasa ko at napapanood. Yung babae ay kayang ipaglaban ang lalaking minamahal kahit ano o sino pa ito.
Bakit ako? Nakikita ko pa lang ang mga hadlang at pagsubok naming dalawa ay parang nanghihina na ko.
Isang gangster ang minahal ko.
Gangster. Nakakatakot at mapanganib ang ginagawa.
Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung dumating man ang araw na iyon. Kung masosolusyunan ba naming dalawa. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.. na baka higit pa ang gawin nila kay Spy o sa amin.
Hindi ko alam kung anong gulo ba ang ipinasok ko. Pero isa lang ang alam ko. Mahal ko siya.. mahal ko si Spy, ang gangster, ang lider, ang sikat sa unibersidad at ang nag-iisang lalaki na minamahal ko. Period.
---
Nang mapansin kong malalim na ang tulog ni guyabano ay dahan-dahan na kong lumabas ng kwarto at bumaba.
Nadatnan ko sila pinsan at si Kyle na nagce-cellphone.
Tumabi ako ng upo kay Kyle. Nasa sofa kaming lahat at ang kalat ngayon ng table dahil sa puno ng mga papel.
"Hyro, kulang pa rin tayo ng dalawang performance para sa festival sa school na gaganapin na sa End of February!" problemadong sabi ni kuya Hypo kay kuya Hyro na nakatingin sa mga papel.
"Eh sa wala na ngang makuha na magpeperform pa," mahinahong saad naman ni kuya Hyro. Binaling nito ang tingin niya kay kuya Hyrus na kanina pang nakatulala.
"Hyrus!" sigaw ni Hypo na nakatingin na rin sa kanya.
"Ay hindi virgin!" gulat na sigaw nito kaya napatawa ako ng mahina.
"Anong hindi virgin? Langya ka, mawawalan ka talaga ng virgin kapag hindi natin ito natapos agad!" singhal ni Hypo.
"Tss," napasinghap na lang si kuya Hyrus habang lumalapit kila kuya Hyro para tulungan ito.
Kapag 'task' talaga ang pinaguusapan ay game na game iyan si kuya Hypo kahit nga hindi niya project o assignment basta gusto niya ay tutulungan niya talaga ang taong iyon at talaga pursigido siya sa kanyang ginagawa. Oo, babaero iyan pero kapag work at task ang pag-uusapan ay maiinlove ka talaga dahil sa sobrang kasipagan niya. Architecture ang kinuha niyang course at tamang tama lang sa kanya dahil sa pagiging 'busy person' niya. Naalala ko nga nung may sakit si tita Haidey ay pinangako niya na kapag natapos niya ang kursong architect ay papagawan niya agad ng malaking bahay si tita. Ang sweet nga e. Ang swerte talaga ni tita dahil may tatlo siyang anak na matatalino.
Kamusta na nga pala si tita Haidey?
"Bakit hindi na lang kaya natin imbitahan si Irene na magperform?"
Lahat ng tingin ay napunta kay kuya Hypo ng bigla ito nagsalita na miski si Kyle na busy sa pagce-cellphone ay napatingin rin.
"Baka busy iyon," sagot ni kuya Hyro sa tanong ni kuya Hypo.
"Pwede naman tanungin siya kung free siya sa araw na iyun, diba?" segundo ko.
"Sus. Malayo bahay nun, Khaile," aniya Kyle.
"Edi sunduin mo!" singhal ko rito.
"Ako pa ha!"
"Tiyaka hinihika siya kapag siksikan at maraming tao," usal uli ni kuya Hyro.
"Magpeperform naman siya e, hindi makikipaggitgitan sa maraming tao," ani kuya Hyrus na uma-gree ako. Binaling niya ang tingin kay kuya Hypo. "Pero Hypo, hindi pwede solo performor. Kailangan may kasama siya," aniya at dinampot ang ballpen.
Napasulayap si kuya Hypo kay Kyle, "Ang pagkakaalam ko ay magaling magpiano at maggitara si Kyle. Narinig ko na rin ang boses ni Irene nung nandito pa siya, at parang boses ibon kung umawit. Bagay na bagay siguro na duet sila ni Kyle. Okay lang ba sa'yo iyun, Kyle?" tanong nito ni kuya Hypo kay alien.
"Oo nga, par. Pwede 'yun," pagsasang-ayon ni kuya Hyrus..
Tumango rin ako.
"Pag-iisipan ko," seryosong sabi ni Kyle at pinagpatuloy ang pagkakalikot sa cellphone niya.
"Pero hikain nga siya," aniya Hyro.
"Uy, nag-aalala si kuya," usal ko na parang kinikilig.
"Pero siya na lang ang solusyon natin," sabay na sabi ni kuya Hyrus at Hypo.
Napansin kong sumulyap ng tingin si Kyle kay kuya Hyro.
"Paano mo nalaman?" seryosong tanong ni Kyle sa kanya.
"Eh diba malapit na kaibigan sila nung highschool? Edi malamang alam niya. Sa tagal ba naman na magkasama sila," sabat ko.
Napataas ang kilay ni Kyle. "Akala ko, ngayon lang kayo nagkakilala Hyro?" seryosong tanong ni Kyle na may malalim na paghuhugot.
Ngayon lang nagkakilala?
~~~
Important Note: Cliffhanger? Bitin? Try ko mag-update uli ngayon week :). Feedbacks guys? Para naman ganahan ako. Ayoko yung comment na "bitin, update na!" dahil nakakawalang gana po talaga iyon, swear. Malapit na ang kagimbal-gimbal na 'TWIST' ng GBG kaya abangan ❤. Dahil sa malalapit na 'TWIST' ay pagbigyan niyo ko na ko na 'wag magpakasilent reader, lewls. 'Wag mahiyang magcomment/feedback o whatsoever. Ano masasabi niyo sa kwentong ito. Mapamura o ano man iyan. I'll accept it ^^. Kailangan ko lang ng feedbacks para naman hindi ko kayo mabigo hanggang sa matapos ito ❤
So kita kits tayo sa susunod na kabanata ❤
- dyosang an(j)hel -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top