Kabanata 34: Fire!

xxx

Kabanata 34: Fire!

Spy's PoV

  Bumaba ako ng kotse at agad na lumingon sa likod ko na sinisigurado ko na walang sumunod sa'kin rito.

  Ayoko sila madamay.

  Matapos nun ay pumasok na ko sa lumang bahay kung saan magkikita kami.

  Nilibot ko ang aking tingin sa bahay na 'to. Madilim. Puno ng kadiliman.

  Puro sirang gamit ang makikita mo rito sa loob. Halatang matagal ng walang tumitira dito dahilan sa sobrang dami ng dumi, alikabok at napupuno ng mga iba't ibang insekto. Wasak ang hagdanan at taas nito. Malaki rin ang naging butas ng bubungan na nasa gitna kaya ang buwan ang nagsisilbi ilaw dito sa malaking lumang bahay.

  "Mabuti naman at dumating ka," kasing lamig ng yelo na sabi niya. Lumingon ako sa direksyon kung saan nagmumula ang boses na iyon.

  Siya nga.

  "Ano na naman ang kailangan mo?" seryoso kong tanong.

  Nginisihan niya ako.

  Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako. "Kailangan agad? Hindi ba pwedeng pinapunta lang kita dito dahil na-miss lang kita bigla?"

  Tinanggal ko agad ang pagkaka-akbay nito at winisik ang kamay niya paalis sa'kin. "Woah, 'wag naman ganyan, Spy," tugon niya na may halong pang-aasar. "Hindi mo ba ko na-miss?" pahabol niya.

  Lumayo siya sa'kin ng kaunti. Patuloy ko lang siya inoobserbahan.

  Napatawa siya ng mahina. "Hindi mo nga talaga ako na-miss. Ikaw kasi, miss na miss na kita," singhal niya na may malademonyong ngiti.

  Ngumisi ako, "Bakla ka ba?" Nawala ang ngiti niya.

  "Ikaw, tanga ka ba?" usal niya na may malalim na paghuhugot.

  Napahinto ako, "Ano sabi mo?" pagdidiin ko.

  Lumapit siya sa'kin. Nasa harapan ko na siya. Nginitian niya ko ng malademonyo habang ang kanan niyang kamay ay nasa balikat ko.

  "Tanga ka ba?" ulit nito. Sinarado ko ang aking kamao ng mahigpit at pumikit.

  Kalma, Spy. Hindi dapat sinasayang ang oras at lakas sa taong walang kakwenta-kwenta.

  Bulong ni Khaile sa isip ko. Bulong niya sa'kin noong bata pa kami.

  "Teka, ba't ba ko nagtatanong? Tanga ka naman talaga," singhal niya kaya dinuraan ko siya sa mukha.

  Napapunas siya sa mukha niya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

  Masamang tingin ang ibinato ko sa kanya. Ganoon din siya. Hinawakan ko siya sa kaliwang braso niya ng mahigpit. Hinawakan rin niya ko sa kaliwang braso ng mahigpit. Pahigpitan.

  "'Wag mo siyang sasaktan," may diin na sabi ko sa kanya, kay Demon.

  "You know me too well."

  Napahigpit lalo ang hawak ko sa kanya. "Tigilan mo na kami!" sigaw ko.

  Napamura ako nang bigla akong tumalsik at agad na napahiga sa sahig na dahilan ng mabilis at matinding pagsuntok ng demonyong ulul.

  Napaupo ako at tumingin sa kanya ng masama habang pinupunas ko ang ilong at labi ko na napupuno ng dugo dahil sa malakas niyang pagsuntok.

  Nginisihan ko siya na talaga ikinagulat niya. "Iyan lang ba kaya mo?" tanong ko na may halong pang-aasar.

  "Ano sabi mo?!" pagalit niyang sabi habang papalapit sa'kin.

  Mabilis pa sa alas kwatro na pinagsusuntok niya ko. Walang tigil sa pagsuntok siya sa'kin. Puno na ng dugo ang buong katawan ko dahil sa kanya.

  Bigla niya ko kwinelyuhan. Galit na galit na mukha ang bumungad sa'kin.

  "Bakit ayaw mo lumaban ha?! Ikaw ata ang bakla sa'tin dalawa ha! Lumaban ka! Lumaban ka!" nanggagalaiti niyang sabi.

  "Tumigil ka na," nanghihina kong sabi na may pagdidiin.

  "Tumigil?" tanong niya at ngumisi. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong, "Nagsisimula pa lang ang lahat, Spy. Nagsisimula pa lang. Kaya maghanda ka na."

  Dahan-dahan ako napalingon sa gilid ko. Pinapalibutan ako ng mga lalaking may hawak na malalapad na kahoy habang pinagbabato nila ako ng malalaking ngisi.
Tumayo na si Demon at tumalikod.

  "Tuluyan niyo na ang isang mangmang tulad niya," usal nito at naglakad paalis.
Dahan-dahan nagsilapitan sila Felix kasama ang grupo nito.

  "Nagkita na naman uli tayo, Spy," sabi iyan ni Deim na nasa likod ko.

  Dahan dahan ako lumingon sa likod pero huli na ang lahat nang sinugod na nila ako isa-isa. Napasinghap ako sa lakas ng impact nang paghampas sa gilid ng mukha ko. Napapikit naman muli ako nang may sumunod na paghampas sa likod ko na talaga napahiga ako.

  "Tama na.. Itigil niyo na 'to," nanghihina kong sabi na walang hangin na lumalabas sa bibig ko habang umuubo ng dugo.

  "Ugh!" daing ko sa sunod sunod na pagpalo nila sa'kin.

  Wala na lang ako magawa kundi tiisin ang sakit na idinudulot nila sa'kin nang may bigla akong narinig na malakas na kalampag na nagmumula sa malaking pinto ng malaking bahay na 'to.
"Boss!" sigaw nito na hindi ko na malaman kung kaninong boses iyon.

  "Guyabano!!" boses ni Khaile iyon.. Hindi ko na maaninag ang mga papalapit na tao dahil unti-unti na ko nanghihina.

  "Guyabano.."

  Hindi ko na malaman kung ano na nangyayari sa paligid ko. Kung mabubuhay pa ba ako.

  Basta ang alam ko lang e mahal ko si Khaile, mahal na mahal ko siya.

  I love you so much, Khaile. My thirteen KS..

  And then everything went black.

*****

Khaile's PoV

  "Spy!" Nagising ako bigla nang sumagi sa isip ko si guyabano na puno ng dugo sa katawan. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

  "Nananaginip lang ba ko? Parang totoo..," bulong ko sa sarili ko habang hinihingal pa rin.

  Napatingin ako sa bintana nang may narinig akong kaliskis. Hinahawi ng hangin ang kurtina nito. Napakunot ang aking noo ng marinig ko na naman ang kaliskis.

  Bumaba ako ng kama at dahan-dahan na nagpunta sa bintana. Nagtago agad ako sa kurtina nitong bintana at sumilip rito. Tinignan ko ng maigi ang baba at hinanap kung saan nagmumula ang kaliskis nang mapako ang aking pares na mata sa gate. Pinagsingkitan ko ang aking mata nang may anino ng tao akong nakita.

  Anong ginagawa niya?

  Namilog naman agad ang aking mata nang biglang tumingin siya sa direksyon kung nasaan ako kaya agad-agad ako nagtago. Napahawak na naman muli ako sa dibdib ko nang maramdaman ko na naman ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ako nagkakamali. Si lola iyon.. Ang pinagtataka ko lang, bakit ang sama ng tingin niya. Baki--

  "Khaile!" Napatingin ako sa gilid ng bintana ko. Si lola Katrina..

  Pa-paano siya nakapasok?

  Binigyan niya ko ng malaking ngisi at mabilis pa sa alas kwarto na tumalon siya sa bintana ko.

  "Lola!" Napatakbo agad ako sa harap ng bintana at tinignan ang baba.

  "Lola Katrina!" sigaw ko muli at napaupo sa higaan. Pa-panaginip na naman?

  Napatingin agad ako sa bintana nang may narinig akong tumawag sa'kin.

  "Khaile!" mahinang sigaw nito na nagmumula sa baba. "Khaile!" ulit nito.

  Dahan-dahan ako nagpunta sa bintana ko.

  May kotse sa tapat ng gate namin. May naaninag akong dalawang tao na nakatayo.

  "Khaile!" Napansin kong kumaway ang isa.

  Inalog ko muna ang ulo ko at kinurot ang sarili na nagbabakasakali na nananaginip na naman ako pero pagdilat ko ay nandoon pa rin ang kotse at ang dalawang tao na nakatayo habang kumakaway sa'kin.

  "Khaile!" boses ni Finn iyon. "Si Spy..," bulong na sigaw niya.

  Nagulat ako nang mapansin kong tatlo pala sila. Buhat buhat nilang dalawa si--"Spy!"

  Dali-dali agad ako lumabas ng kwarto ko at bumaba.

  "Gu-guyabano..," nasabi ko na lang nang makita kong puno ng dugo ang buong mukha at katawan niya.

  Napatakip ako ng bibig sa nakita ko at hindi ko na namalayan na nagsiunahan na pala magsilabasan ang mga luha ko.

  Lumapit ako sa direksyon nila at hinawakan ang mukha ni Spy.

  "S-spy," pabulong kong sabi.

  Dahan-dahan siyang dumilat. Tinignan niya at nginitian. Ngiting malungkot..

  "Shh..," usal niya at dahan dahan inilapit niya ang kanyang kaliwang kamay sa pisnge ko at tinanggal nito ang luha ko.

  "Ma-may gana ka pang ngumiti? Ano ha Spy, para wala lang sa'yo na bugbugin ka lang ng kung sino? Ba-bakit 'di ka lumaban..," pautal kong sabi habang nangingiyak.

  Nginitian niya uli ako at pumikit, "Masaya lang ako dahil binigyan ako ng pagkakataon na makita ka muli.."

  "S-spy!" sigaw ko. Tumingin ako kay Finn at kay Jake, nakayuko lang silang dalawa habang buhat buhat si Spy. "Ano ba nangyari?!"

  "Ma-mahabang istorya, Khaile," aniya Jake.

  "Kailangan na natin gamutin si boss," dugtong ni Finn kaya binigyan ko sila ng daan para makapasok sa bahay.

  Sumunod ako papasok pero napahinto agad ako. Napahigpit ang hawak ko sa laylayin ng damit ko at galit na galit ako tumingin sa sahig. Pinunas ko agad ang mga luha ko na kanina pa umaagos.

  "Kung sino man gumawa sa'yo 'to, Spy. Sisiguraduhin kong magtatago na siya sa lungga niya dahil hindi ko papalampasin ang araw na 'to.. Hindi ko papalampasin."

  Masunog sana ang kaluluwa niya sa impyerno.

Itutuloy..

~~~

Madramang Note: Syet, pakshet yung feels! Nakakavaog! Nilalandi kasi ako ni pandak kaya ayan nangyari sa kanya XD. Ang daming lumilipad na ideas sa isip ko kaso tinatamad isulat dahil sa sobrang ineeet!! Pakshet na mga dialogues na iyan waaa! Pero mas pakshet yung comeback ng BTS!! Tanginugh nung FIRE!! Napanood niyo na ba?? Ang hawt nila lalo na ni Jimin ❤ Nakakaloka. Nakakabaliw! Oxygen please, lol! Kaso #TeamBahay pa rin ako. Concert nila dito sa Pilipinas ngayong July 30, 2016! Taena!! Kailan kaya ako magiging #TeamConcert waaah! Sino ba pupunta ng concert ng bangtan? Libre niyo ko lewls T__T. Ngayon lang, dali na. Pupuntahan ko lang ang tatay ng anim na pu't siyam(69) kong anak. Walang pang gatas e, lel! Sasama na ko sa kanila, pag-uwi nila mwehehe!


- dyosang an(j)hel -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top