Kabanata 32: 3 Words. 3 Hearts

xxx

Kabanata 32: 3 Words. 3 Hearts.

Hindi pagkalimot ang solusyon sa bawat heartbreak, isang magandang solusyon ay ang pagtanggap na natapos na ito, natapos na ang storya niyo. Acceptance. - Hyro Kyle Rocher

Hyro's PoV

  "Uy, Hyro nandito ka pala?" usal ni Hypo na kararating lang galing basketball. Lumingon ako sa kanya. Kumuha siya ng tubig sa refrigarator at uminom.

  "Umalis rin si Khaile?" tanong niya.

  "Nagdate kasama ang nobyo."

  "Parang kagabi lang, nagdate sila ah. Walang kasawaan? Baka mamaya magkapalit na sila mukha."

  Ganoon talaga kapag inlove ka.

  Itinuon ko na lang uli ang atensyon ko sa pagluluto ng kaldereta. Naghiwa ako ng karot at nilagay ito sa kaldero.

  Habang naghahanda para sa tanghalian ay napansin ko sa gilid ng mata ko na lumapit siya sa'kin at sumandal sa lababo.

  "Nakausap mo na ba siya? Si Irene?" Napahinto ako sa paghalo ng kaldereta nang biglang nagtanong si Hypo.

  Nilingunan ko siya, "Bakit? Babalik ba kami sa dati kapag nakausap ko siya?"

  Napaisip siya, "Hindi, per--"

  "Wala ng pero-pero. Kapag wala na, wala na. Siya na ang nagsabi," mahinang sabi ko.

  "Bakit? Hindi ba pwedeng magsimula ng bago? Magsimula sa hi o hello? Magsimula sa una kung saan o paano kayo una nagkakilala?"

  "Para saan pa?"

  "Naging magkaibigan rin naman kayo. Kakalimutan mo ba ang lahat ng iyon?"

  "Kakalimutan?" napatawa ako, "Bakit hindi mo sabihin sa kanya iyan? For sure kinalimutan na niya ako, ng lahat, at for sure, nakamove-on na rin siya. So ano pa ang puwang para kausapin pa siya?" tanong ko at hinarap siya. "Ah! Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa gabing iyon na iniwan niya ko. Yung gabing iyon na umuulan pa. Yung gabing iyon na nagconfront siya sa'kin na mahigit apat na taon na ang nakalipas. Ganun ba? Napakabait ko naman masyado."

  Napasinghap ako, "Pero sabi nila, madalas daw masaktan ang mga mababait. Bakit? Ganun na ba ko kabait para masaktan ng paulit-ulit?"

  Hinawakan ni Hypo ang balikat ko at bumuntong hininga.

  "Hyro..," panimula niya. "Bakit ang bitter mo?" mangiyak-ngiyak niyang tanong. "Ang ikli lang ng sinabi ko, nobela na agad ang natanggap ko? 'Wag ganun! Hindi ko keri e!" usal niya at nagkunwari na naiiyak. Sinapok ko siya, epal e.

  Binaling ko na lang uli ang sarili ko sa niluluto ko. Nang malaman kong malambot na ang karne ay isinara ko na ang kalan.

  "Pero alam mo," aniya Hypo at sabay inakbayan ako, "Kaya siguro tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi.. 'di tayo sumama." Tinanggal ko ang pagkakaakbay nito at sinapok uli.

  "Kalokohan," singhal ko.

  "Bakit ba kasi nagpapakatanga kayo sa pag-ibig na 'yan?" tanong ni Hypo.

  Playboy nga pala itong kapatid ko.

  "Simple lang, tinamaan ka ng lintik na pana ni kupido," singhal ko at kinuha sa kanya yung baso ng tubig at ininom.

  "Ang tagal ng kaldereta ah. Oy kayo, ako ba pinag-uusapan niyo?" sabat ni Hyrus.

  Kapal.

  "Aist! Sakit sa ulo. Hindi ko talaga maintindihan ang salitang pag-ibig na 'yan!" iritang sabi ni Hypo.

  Binatukan ni Hyrus si Hypo, "Hinding hindi mo talaga maiintindihan ang salitang pag-ibig kasi hindi mo pa ito nararamdaman," tugon ni Hyrus kay Hypo.

  "Inlove ka, Hyrus?" out of the blue na tanong ko. Napasinghap siya. "Inlove ako sa taong hinding hindi pwedeng maging akin," naglakad na siya palayo, "Pakibilisan nga yung kaldereta at kanina pa ko nagugutom," Pahabol niya at tuluyan ng umalis.

  "Ugh! Yung kapatid kong si Hyrus, inlove. Ikaw naman na kapatid ko, broken hearted--bitter kuno. Aist, ano ba nangyayari sa mga kapatid ko at tinamaan ng lintek na kupido na 'yan! Kaya ayaw na ayaw ko mainlove, putch--asdfhjkl!!" Sinupalpalan ko siya ng sinandokan na kaldereta.

  "Kumain ka na nga lang, ang dami mong satsat. Maglagay ka na nga ng pinggan at kutsara sa lamesa, para naman may kwenta ka hindi yung kain ka ng kain," singhal ko at sabay na tinanggal ko yung sandok sa bibig niya. "At sa sinabi mo na ayaw mo mainlove? Psh, tignan natin at baka makain mo 'yang sinabi mo,"

  "Tss! Pero alam mo, ang sarap mo talaga magluto Hyro. Tama talaga na Culinary Arts ang kinuha mong kurso." ani Hypo at naglakad paalis.

  "Masarap nga ang luto ko, single serving naman," bulong ko sa sarili.

*****

Kyle's PoV

  Bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko si Irene sa sala, nakaupo sa sofa habang busy sa binabasa niya ng kung anong libro.

  Ngumisi ako.

  Dahan-dahan akong lumakad papunta sa direksyon niya na sinisigurado ko na wala akong ginagawang ingay. Nagpunta ako sa likod ng sofa at ginulat siya.

  "Ay gago!" gulat na sigaw niya.

  "Ano 'yan ha," usal ko na may halong pang-aasar. Sinamaan lang niya ko ng tingin.

  Napatingin ako sa librong hawak niya. Inagaw ko sa kanya ito.

  Tumayo siya bigla kaya tinaas ko yung kamay ko na may hawak na libro.

  "Hoy! Akin na 'yan!" singhal niya habang inaabot niyang yung libro tinaas ko.

  "Ayoko nga."

  "Sabing akin na 'yan!!" Naiinis na sabi niya.

  "Ano ba itong binabasa mo?" tanong ko habang pinapalipat lipat ko sa kamay yung libro na hanggang ngayon ay inaabot pa rin niya. Binaba ko ito para mabasa yung title ng libro na nilalayo pa rin sa kanya.

  "Ano ito? Ha! Ano bang kalokohan binabasa mo hinayupak k--"

  "Bwisit ka halimaw! Sabing akin na 'yan!" mala-demonyo sigaw niya at sinugod niya ko.

  Yung fact na nakatayo siya sa sofa habang ako ay nasa likod ng sofa. Sinugod niya ko or should i say tinulak niya ko ng malakas and yet napahawak ako sa kanya kaya nabitawan ko yung libro at ang masaklap ay na-out of balanced ako at ang ending?

  Nahulog kaming pareho sa sahig.

  Nasa taas ko siya, nakapatong. Nakatingin siya ng masama sa'kin pero napalitan agad ito ng maamong mukha.

  Nagkatitig lang siya sa'kin. At ako? Natulala sa kanya. Ngayon ko lang kasi napansin ang mapupungay niyang singkit na mata, meron siyang mahabang pilik mata, matangos na ilong, makinis ang mukha, at ang kanyang mapupulang labi.. manipis at kissable. And I admit it, maganda si Irene.

  "Done examining my face?" Nagulat ako nang bigla siya na nagsalita.

  "Kakain na tay--"

  "PDA! PDA!"

  "Oy, nakakalanggam kayo tignan!"

  Napalingon kami sa tatlong nagsalita na ganitong pa rin ang sitwasyon.

  Ang triplets pala.

  Bumangon agad si Irene at yumuko. Bumangon na rin ako at naglakad papuntang dining table alangan naman magmodel pa sa sahig.

  Hindi na nila kami pinansin except si Hyro na nakatingin kay hinayupak.

  Lumingon ako sa likod ko. Hanggang ngayon ay nakayuko pa rin si Irene habang mahigpit na nakahawak sa libro.

  Tinignan ko uli si Hyro. Napabaling ang tingin nito sa hawak na libro ni Irene.

  Ano ba meron sa kanilang dalawa? Ano ba sila na hindi ko alam?

  Naalala ko tuloy yung pamagat ng librong hawak niya.

  Paano ba magmove-on?

- dyosang an(j)hel -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top