Kabanata 31: Painful Love
xxx
Kabanata 31: Painful Love
Khaile's PoV
Nang ihinto ni Guyabano yung sasakyan ay ini-ayos ko agad yung mga pinamili namin ni Spy, ng mahal ko.. syet! Kinilig obaryo ko.
Matapos ay tumingin ako sa kanya. "Oh. Deretso uwi ah!" usal ko.
Napakunot ang aking noo nang biglang siyang ngumisi. "Bakit?" tanong ko, "May problema ka ba sa height mo? E 'di hamak na mas pandak ka pa kaysa kay dagul?" mataray kong saad.
"Grabe siya oh!" singhal niya.
Binelatan ko siya, "Bakit nga kasi? Pinapauwi na kita--"
Hindi pa ko natatapos sa pagsasalita nang nagsalita na naman siya, potek. Napakabastos talaga oh--teka e matagal na siyang bastos e! Psh.
"Matagal na kong umuwi, tae. Matagal na kong umuwi.. d'yan sa puso mo!"
Pinagsingkitan ko siya at pinalo sa braso.
Kung ganyan lang lalaki na mamahalin ka at araw-araw ka pakikiligin ay aba! Napakaswerte ko na talagang tao sa buong mundo. Dahil.. yung bang lalaking out of nowhere kung magsalita pero may halong romansa sa bawat bigkas ng bibig? Akala ko sa pelikula, palabas o lalo na sa wattpad ko lang makikita ang ganitong tao pero hindi pala.. sadyang impatient lang tayo at kung sino-sino inaasawa natin na hindi naman tayo kilala na halimbawa na lang ng K-Pop, J-Pop, Anime, ang 1D at kung sino-sino pang pinagpapantasyahan.
"Oh Khaile, natahimik ka ata?"
Napatingin ako sa kanya. "Leche! Basta umuwi ka na.. sa bahay niyo! A-ayoko masisi na kapag nawala ka, aba! Ako pa naman huli mong kasama, tch. Ayokong makulong 'no," singhal ko pero nginisihan na naman niya uli ako na talaga ikinatunaw ng puso ko.
"Napaka-OA Khaile ah pero siguro, oo nga. Kasi naman, matagal na kitang kinulong sa puso't isipan ko," maamong saad niya habang nakangiti.
Putcha, ang hawt ng tempura! 'Wag kang ganyan Spy! Patay na patay na yung puso ko! 'Wag kang ganyan at baka marape kita na walang pagdadalawang-isip.
"Psh. Uuwi na ko, ayan na bahay ko oh," tugon ko at sabay tinuro ko yung bahay namin.
"Mamaya na, wala rin naman ako gagawin sa bahay," ani Spy.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"Sa pagiging leader mo bilang gangster? Ano? Teka, parang hindi na kita napapansin na pumupunta sa usual place at time niyo nila Finn ah, kapag nasa school?"
"Syempre good boy na ko!" Binatukan ko siya sa sinabi niya.
Utut niya, green. "Oo, good boy ka na hindi naman halata? Hahaha! Bakit nga?"
Napanguso siya sa sinabi ko. "Hindi ka naniniwala sa'ki--" Binigyan ko siya ng halik sa pisnge ng mabilis. "Oo na, naniniwala na ko."
Tumingin siya sa mga mata ko. Isang kislap lang ay parang nangamatis ang buong mukha niya kaya umiwas agad siya ng tingin.
Napangiti ako.
Noon. Siya, siya si Spy, ang Guyabanong Manyak. Ang gangster na walang sinasanto. Ang gangster na halimaw sa iba pero tuta pagdating sa'kin. Siya ang gangster na magaling magtago. Siya ang gangster na maraming pinapakita na emosyon pero siya ang nag-iisang gangster na minahal ko. Pero ngayon. Siya, siya si Spy Giovannie Palmer, ang totoong Guyabanong Manyak. Ang gangster na lagi ng nakangiti at araw-araw ng nakatawa. Ang gangster na walang kinikimkim na sakit. Ang gangster na hindi na umiiyak bago matulog. Siya ang gangster na sobra-sobra kong minahal at siya rin ang gangster na hindi na marunong magtago at ito, ito siya ngayon sa harapan ko, namumula sa sinabi ko.
Kinikilig ngayon sa harapan ko ang maangas na si Spy Giovannie Palmer, ang gangster, ang sikat na lider, at ang anak ng unibersidad ng paaralang pinapasukan namin.
Siya, siya ang mahal ko.
---
Nang makaalis na yung kotse ni Spy ay pumasok na ko ng gate.
Huminto muna ko sa paglalakad, napatungo at ngumiti uli. Napailing ako. Nakakailang ngiti na ba ko ngayong araw? Nababaliw na ata ko.
Malapit na. Malapit ng mapunit ang labi ko sa sobrang ngiti, leche 'yan. Dumeretso na lang ako sa paglalakad hanggang sa nasa harapan ko na ang pinto ng bahay.
Tumingala ako ng mapansin kong bukas ang pinto. Tinulak ko ito ng mahina at bumungad sa'kin ang mala-higante ang tangkad.
"Anong meron?" bulong ko sa aking sarili. Bakit nandito sila sa tapat ng pinto?
"Stanley..," tawag ni Hyro. Stanley? Si Khaile po ito, kuya.
Lumakad na lang uli ako ng kaunti para tignan kung sino ang tinitignan nilang apat.
Magandang babae. Ito ba yung tinatawag ni kuya Hyro na Stanley? At bakit ang hot ng gabi ngayon? Nahuli ba ko sa balit--
"Kamusta ka na?/Nagbalik ka." Sabay na sabi nung babae at ni Hyro.
Meron ba kong dapat malaman ngayong gabi? Ang intense e.
*****
Hyro's PoV
Ang pinakamasakit na goodbye, yung hindi pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng puso mo.
'Yan. 'Yan ang naramdaman ko 4 years ago. Nakakatawang isipin 'no? After 4 years, nagkita uli kami.
"Oh Hyro anak, bakit hindi mo pa ginagalaw iyang pagkain mo?" Napatingala ako ng biglang umimik si mama.
"Ah e--"
"Oo nga! Kaarawan nating tatlo, tapos ganyan ka?" sumbat ni Hypo na nasa kaliwa ko.
"'Wag mo nga ipakita iyang pagmumukha mo. Dapat ganito," segunda ni Hyrus at hinawakan niya ang magkabilang pisnge niya at pinaangat ito para ngumiti. "'Wag mo kami hawaan ng pagkabad vibes mo jan," singhal ni Hyrus. Baliw.
Kapatid ko ba itong dalawa? Nakakaasar ah.
Ngumiti ako, pero pilit.
"Khaile, siya nga pala. Bakit pinauwi mo agad yung boyfriend mo?" tanong ni mama kay Khaile. Lahat ng tingin nila sa'kin ay napunta kay Khaile.
Namula si Khaile. Sumulyap ako kay Stanley. Nakatingin siya sa'kin pero umiwas agad siya ng tingin at tumungo.
"Huy," pabulong na tawag sa'kin ni Hypo matapos na isiko niya ko. "Ba't ang tahimik mo? " tanong nito.
Sasagot pa lang sana ako sa tanong niya ng may kasunod na tanong na naman siya. "Si Tata mo ba?" pabulong na tanong niya kaya siniko ko siya.
Ang ingay talaga nito kahit kailan. Alam naman niyang katapat ko lang upuan si Tata. Hss.
"Oo na, sorry na." bulong ni Hypo.
Napatingin kaming lahat ng biglang tumayo si Stanley. "Salamat po sa pagkain, mauna na po ako," usal nito. Masakit pa paa niya ah.
"Mabuti pa nga, hatid na kita sa labas," aniya ni Kyle.
"Kyle!" nakakatakot na pagtawag ni mama. Tumingin siya sa gawi ni Stanley. "Masakit pa ang paa mo, iha 'diba?" tanong ni mama sa kanya, sa babaeng minahal ko 4 years ago.
Hindi alam ni mama kung sino ang kausap niya. Kung sinong babae ang kausap niya na napakalaking impact sa'kin, sa kanyang anak. Hindi niya alam na magiging manugang na niya sana si Stanley, pero sana kaso nag-iba ang ihip ng hangin. Ang alam lang ni mama, Khaile, at Kyle ay mayroon akong girlfriend noon pero hindi pa nila ito nakikita dahil ang plano ko ay ipakilala siya 'pag tungtong niya ng 18 kaso ang planong iyon ay nasira.
Tumango si Stanley at tumungo, "Nakakahiya na po," nahihiyang sabi ni Stanley.
"Ay dapat lang mahiya ka, nakikain ka pa oh," sabat ni Kyle.
"Kyle!" This time ako naman ang tumawag sa kanya.
How come? Pinagtatanggol ko pa ang ex ko.
Ex? Psh.
"Te-teka, nandito tayo para icelebrate ang kaarawan naming tatlo hindi para magsigawan. Walang hiya-hiya dito kaya maupo ka na uli Irene..right?" tugon ni Hyrus. Ngumiti sa kanya ito at tumango.
Maka-right right siya e kilala na niya matagal na si Irene. Actually, si nay Loring at ang dalawa kong kapatid lang ang nakakaalam kay Stanley dahil sakanila ko lang pinagkwe-kwentuhan about sa kanya.
"Gabi na rin Irene. Dito ka na matulog kahit isang gabi lang. Doon ka iha, matulog sa kwarto ni Khaile," saad ni mama.
"Ay huwag na po," pagtanggi na sabi ni Stanley.
Hanggang ngayon, makulit pa rin siya.
"Huwag ng matigas ang ulo. Masakit pa paa mo, dapat ipahinga mo iyan. Bukas ka na umuwi," malamig na sabi ko at tumayo, "Busog na ko ma, akyat na po ako." saad ko at umalis na sa hapag-kainan.
*****
Stanley Irene's PoV
[Playing: Pasensya ka na by Silent Sanctuary]
"Bakit ganun, ang awkward kanina sa hapag-kainan 'no? Tapos si kuya Hyro kanina, parang naninibago ako sa kanya at sa kanyang inasal.. Hindi naman siya ganun."
Hindi ko naman talaga intensyon na saktan ka.
"Ate Irene?" Napaangat ang aking tingin nang may tumawag sa pangalan ko. "Ba-bakit? Tawag mo ko?" tanong ko kay Khaile.
"Okey ka lang po ba?" nag-aalalang tanong nito.
Ngumiti ako at tumango, "Oo naman. May iniisip lang."
Napatango lang siya. "Hmm, okey lang po ba talaga sa inyo na sa baba ka matutulog? Kasya pa naman tayo sa kama ko e. Okey lang naman po sa'kin na tabi ta--"
"Okey lang talaga, Khaile. Salamat na lang," saad ko. Huminga ako ng malalim.
"Ate, ano niyo po si kuya Hyro?" seryosong tanong niya kaya napatingin uli ako sa kanya.
"U-uh?"
Ano nga ba? Sasabi ko bang.. ex ko nga pala ang pinsan mo, angal ka?
*erase erase*
Masyadong rude.
Ex ko si Hyro. Yung Hyro na iniwan ko sa ere. Yung Hyro na pinagpalit ko sa pangarap. Yung Hyro na mapagmahal. Yung Hyro n--
*erase erase*
Napakadrama naman.
Ako nga pala yung magandang babae na dumating sa buhay ng pinsan mo. Just call me Stanley, gorgeous for shor--
*erase erase*
Anong connect?
"Ahm, okey lang po kung 'wag niyo na lang sagutin," saad niya na parang nahihiya pa.
"Kaibigan ko siya," tugon ko.
"P-po?"
"I mean, malapit na kaibigan nung Highschool."
"Kung ganun, kilala niyo po si Tata?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Ah I mean, yung girlfriend niya po? Kung nakita niyo na po ba siya sa personal o close ka rin po ba sa kanya? Ayaw pa kasi ipakilala ni kuya Hyro sa'kin e, napakadamot! Gusto ko na makilala yung Tata na iyun, gusto ko ng magkaroon ng ate! Kaso.. biglang nag-iba si kuya Hyro, ang sabi nila kuya Hyrus broken hearted ata. Tinatanong ko si kuya Hyro naman kung ano ang problema pero babanatan lang ako ng hugot. Kaya ayun, hindi ko alam kung ano na nangyari sa kanila," usal niya at nagkibit-balikat.
Hanggang ngayon pala, hindi mo pa rin ipinapaalam?
"Paumanhin po ate. Ang daldal ko na po ba?"
"Hindi, okey lang hahaha," saad ko at ngumiti. "At yung tanong mo kanina kung kilala ko ba yung Tata na iyun.. hindi e, masyadong malihim talaga si Hyro."
"Ay tumpak po ate! Sobrang malihim nun! Pero ano na kaya nangyari sa happy ending nilang dalawa nung Tata na iyun? Ano na kaya nangyari kay Tata?" tanong niya sa sarili.
"Siguro iniwan ni Tata si kuya Hyro na walang paalam kaya nagkaganun si kuya Hyro? Hay, lahat talaga ng taong minamahal, nangiiwan," pagkadismaya niyang sabi.
"Lahat naman ng nangiiwan ay may dahilan o may rason."
Tumingin siya sa'kin na parang nabigla, "Siguro. Baka. Depende." sabay na sabi namin kaya napahinto kami at napatawa.
"Hahaha, pero alam niyo po. Akala ko ikaw yung Tata na girlfriend ni kuya Hyro. Kasi napaka-oa ng react niya e! Pero akala ko lang pala iyon."
Kung alam mo lang, Khaile. Kung alam mo lang.
"Pero sa totoo lang, ate Irene. Bagay kayo ni kuya Hyro! Sana kayo na lang," masayang sabi niya na ikinabigla ko.
---
12:32am
Argh! Wrong timing.
*prut prut*
Ang sakit ng t'yan ko, pakshet.
Bumangon ako sa higaan. Kinuha ko sa ilalim ng unan yung phone ko at binukas yung flashlight nito. Binukas ko ang pinto at lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nagtuloy-tuloy sa kubeta.
Nang matapos ako makapagbawas ay paakyat na sana ako ng hagdan nang biglang tumunog ang aking phone.
12:49am
Kyle: Hoy, sorry nga pala kanina.
Napangiti ako sa nabasa kong chat niya. I-cha-chat back ko na dapat sana nang biglang bumukas yung ilaw. Napatingala ako, pero dapat pala hindi ko na lang ginawa.. "Hyro."
Ngumiti siya.
Yung ngiti na nasasaktan. Yung ngiting ayaw na ayaw ko makita.
🎶 Pasensya ka na at 'di ko na rin madama
Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na at kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay 🎶🎶
"Sabi ko, ayaw ko nang magmahal uli. Mali. Dapat pala ang sinabi ko, ''wag na sana uli tayo magkita.'," aniya Hyro na nagpabiyak ng puso ko.
🎶 Pasensya ka na
Pasensya ka na 🎶
~~~
A/N: Labas-labas mga readers ng GBG, HAHAHA! Nagbabalik na naman ang dyosa 💜❤ mwehehe, miss niyo agad ako este sila? Masyado bang intense yung mga scene? Hugot na hugot ba XD? By the way, matanong ko lang. Ilan taon na pala kayo? ^^ Curious lang ako hihi ^^
Don't forget to votes, comments, feedbacks :) it's highly appreciated~ ❤
- dyosang an(j)hel -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top