Kabanata 29: Overnight ❤
xxx
Kabanata 29: Overnight ❤
Kyle's PoV
Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto ay nagpunta agad ako sa kama ko at nahiga.
"Shit talaga!" frustrated kong sabi at sabay na ginulo ang buhok.
Nagpunta ako sa mall para magpahangin, magpacool at humanap ng chix hindi makasalamuha ng chicksilog. Nagpunta ako dun baka sakali makita ko na yung magandang binibining inilaan sa'kin ni kupido pero puta, bakit halimaw na purong maldita ang nagpakita sa'kin!? Tch.
Napalingon ako sa side table kung nasaan nakapatong yung laptop ko. Agad ko ito kinuha at sumandal sa may headboard.
Makapagredtube at Facebook na lang baka sakaling maibsan ang init ng ulo ko.
Redtube, alam niyo na yun kung ano ang pinapapanood ng isang gwapong katulad ko huehue! Sabi sa'kin ni Hypo kanina ay may latest video ngayon, mapanood nga.
Habang nagloloading yung redtube ay naglog in muna ako sa facebook. Pagkabukas ng pagkabukas ko ng Facebook ay napangisi na lang ako dahil sa sobrang baha ng friend request, message at notification ko.
169 Friend Request. 69 Messages. 6969 Notification.
Tatlong araw pa lang ako hindi nag-online ah, psh. Pero bakit ganun, anung trip ng facebook ko at puro 69. Pwe, siguro ganyan talaga kapag pogi.
Pinindot ko muna yung notification at messages ng mabilisan ng hindi tinitignan ang mga pangalan.
Dali-dali ko naman pinindot yung friend request at nagscroll-sroll. Accept kapag chix at hot, ignore kapag hindi.
Habang nagsroll ako ay nahagip nang gwapong mukha ko yung isang account na pamilyar ang pangalan.
Stanley?
Habang inaalala ko kung saan lumpalop ng mundo narinig itong pangalan ay may biglang nagpop up na message.
8:26pm
Stanley: HOY ACCEPT MO FR KO! KUNG HINDI, SASAKALIN KITA!
Accept | Ignore
Paano niya nalaman Facebook-- pangalan ko!? Kilala ko ba siya!?
Oo, siya yung babaeng halimaw sa mall. Yung babaeng pinatos yung ari ko at yung babaeng bastos na 'yun! Siya yung babae kanina! Yung kinaiinisan ko!
Tinignan ko uli yung message niya.
Accept | Ignore
Tss. Pipindutin ko na sana yung ignore nang may message uli siya.
Stanley: Subukan mong iignore, hahuntingin kita! Alam ko sex life mo, oy! Subukan mo lang iignore kapre, mawawalan ka ng TI forever.
Napakunot-noo ako sa mga pinagsasabi niya. Nanakot pa ah! Putcha!
Stanley: Thank you sa pagaccept ng friend request ko at pag-accept sa buhay mo ^___^.
Seen 8:34pm
Namilog ang mata kong singkit. Anong pinagsasabi ng isang ito!?
Ay shit ka talaga, Kyle.
Hindi ko namalayan na inaccept ko yung FR niya at yung message niya, puta. Shit naman e!
Bahala na nga siya at maglalog-out na ko. Mamuti sana ang mata niya sa kakahintay. Tae! Naalala ko na naman ang ginawa niya kanina!
Stanley: Hindi mo na ba ko nakikilala??
Seen 8:36pm
Napanganga ako sa sinabi niya. E? May naencounter na ba akong halimaw na payat noon bukod kanina?
Bukod kay Khaile na payat at amazona na kilala ko ay wala ng iba.
8:37pm
Stanley: Hoy kapre! Wag mo kong isisiseen d'yan, alam kong maganda ako at nakakatunaw ang dp ko pero please! Magchat ka kung gusto mong bigwasan kita!
Kyle: Nice! Kapal ng peslak mo, oy! Stalker ba kita!? Sino ka ba??
Stanley: Stanley Irene Neal! Call me Stanley. Gorgeous for short. ^^
Kyle: Ahh.
Stanley: Tangina 'yan!
Kyle: Same to you.
Stanley is typing..
Putek! Bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa halimaw na tulad niya!? Pero shit naman! Bakit ayaw tumigil ng kamay ko kakatype!?
Seen 8:39pm
Kyle: Feeling Close ka talaga e 'no!? Sobra ko bang gwapo kaya naakit ka kaagad?
Seen 8:40pm
Uy, grabi siya oh. Makapaglog out na nga!
Stanley: I love you..
Seen 8:41pm
Namilog ang aking mata habang literal na napanganga ako sa chat niya. Talagang napanganga ako, buka ang bibig.
Pumikit muna ako at nagbilang ng limang segundo at huminga ng malalim. Pagkatapos ay dumilat na ko at mariin kong tinignan ang screen ng laptop kung tama ba ang nabasa ko.
Stanley: I love you..
Shit! Ano ba itong babaeng ito! Napakabilis naman niya ata.
Kanina, nagkabanggaan lang kami. Natapunan ko siya, nagsamaan kami ng tingin. Binatuhan niya ko ng matigas na bagay plus pinunching bag yung ari ko. Nginitian niya ko na para bang nang aasar, minura ko siya sa isip ko ng sunod-sunod. Nagkita na naman kami, ngumisi siya sa'kin, nasira ang araw ko! At ngayon I love you na agad!?
Ano iyan? Mala-aldub ang peg?? Shungang babae at gwapong nilalang na lalaking pinagtagpo ng tadhana!?
That's insane!
Pero puta, ano ba nangyayari sa'yo Kyle!?
Bakit ngumingiti ka mag-isa! Hindi ka naman ganyan!
Baliw na ata ako. Epekto ng porno siguro.
Stanley: Ay shit! Wrong send! Sorry :)
Seen 8:46pm
Muntik ko ng mabalibag ang laptop sa sobra-sobrang frustration.
E tangina pala itong babaeng ito e! Paasa! Ayan tuloy, pati ako nabiktima ng Columbianzone, shit!
Dahil sa sobrang badtrip ko, isama mo pa yung pagmumukha niya at ang chat niya. Tch! Nawalan tuloy ako ng gana manood ng porno dahil sa babaeng iyon!
"Bwiset ka babae!!" sigaw ko.
Sigaw. Sigaw lang ang nagpapakalma sa'kin.
Ginulo ko uli ang aking koreanong buhok dahilan na rin sa sobrang frustration. Shit naman, Kyle! Bakit ka ganyan!? Masyado mong dinamdam!
Napangisi ako sa huling sinabi ng utak ko.. dahil siguro wala pang ni isa nagsabi sa'kin iyun..
*****
Khaile's PoV (10:02pm)
"Khaile!" Tawag sa'kin ni Spy.
Nilingunan ko siya saglit at tumingin uli sa tv.
Nanonood kami ng movie habang nasa mahabang sofa kami nila kuya, mga pinsan ko, at ni Spy na kanina pa ko kinukulit.
Yung arrangement namin sa sofa ay nasa pinakadulo si kuya Hyro sumunod si kuya Hypo then si kuya Hyrus tapos ako at sa kabilang dulo naman ay si Spy na katabi ko ngayon.
"Oh?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa t.v. Happy Feet ang palabas. Yung mga penguin na kamag-anak ni Spy, lel!
Dito na nga pala matutulog si Spy dahil gabi na rin daw sabi tita at baka mapahamak pa siya sa labas kuno lalo na't dis-oras na ng gabi.
Oo, mukhang bakla at pandak man 'yang si guyabano ay matapang 'yan, hindi nga lang halata. Grabe ko ba? Sorna.
"Khaile, anong tawag sa maraming bears?" tanong nito.
"Ano?"
"Edi BEARkada! Hahaha!!"
Napatingin ako sa kanya. "Ang corny mo," saad ko at nanood nalang uli.
"E Khaile, ano naman tawag sa mas maraming bears?"
"What?"
"Edi syempre, BEARangay!"
"Che," saad ko at binatukan siya. Napailing-iling na lang ako sa kakornihan niya.
"E saan naman nag-aaral ang mga bears ha?" tanong niya sa'kin.
Nginisihan ko siya, "Sige saan?"
"Edi sa uniBEARsidad! Hahaha!"
"Gago ka talaga!" Tatawang sabi ko at hinampas siya sa balikat.
"Grabe sila oh! PDA lang?" usal ni kuya Hyrus. Nakatingin na pala silang tatlo sa amin.
"Manood na nga lang kayo!" Bitter na tugon ni kuya Hyro.
"Get a room," sabi naman ni kuya Hypo.
"Bitter ata kayo mga chong haha!" Nang aasar na sabi ni Spy kaya nakatanggap siya ng dos por dos na batok na nagmumula sa mga kuya ko.
"Manood ka na nga lang kasi! Puro ka bear!" singhal ko kay Spy.
"Sorry naman. E kasi naman yang mga penguin e," sisi niya.
"Ano naman ginawa ng mga penguin na 'yan sa'yo?"tanong ko sa kanya at sabay turo ko sa t.v pero nagshrug lang siya.
Hindi ko alam kung shunga ba itong si Spy o tanga? Anong connect ng bears sa penguins at 'yun pa ang sinisi? Diba shunga, buti na lang dyosa ako, pakiconnect lol.
"Khaile! Use russia in a sentence. Dali, use it!"
"Che! Sige ikaw muna."
Ngumiti sa'kin si Spy, "Hindi siya smooth, russia."
This time, kinurot ko na siya sa tagiliran kaya napasigaw siya sa sakit. Sorna, ang corny kasi e!
Ayan tuloy, pinagsasamaan kami nila kuya ng tingin.
"Wait Spy, Russia? Diba 'yun yung tawag sa mga pulubi?" tanong ko. "Wew? Wonderful!" Masayang saad niya.
"Taong-russia?"
"Amazing!" saad niya habang ginagaya niya ang boses ni Coco Martin sa palabas na Beauty and the Bestie.
"Oh yeah!" masayang tugon ko kaya pareho kami ni Spy nakatanggap ng batok galing kanila kuya.
"Para kayong tanga!" saad ni kuya Hypo.
"Para ka naman shunga!" bulalas ko sa kanya.
"Tss! Tama na nga 'yan!" singhal ni kuya Hyro.
"Hyro, pabebe girl lang?" segunda ni Spy kaya binatukan ko. "Pabebe boy 'yan, tanga!" singhal ko.
"Ay rude!" ani Hyrus.
"Rude? Diba ice cream 'yun? Rocky rude?" giit ni Spy kaya tumingin ako sa kanya.
"Uy hindi ah, diba daanan ng mga sasakyan 'yun?" Tanong ko, "Rude."
"Gagi, Khaile! Road 'yun," pagtatama sa'kin ni Spy.
"Ay.. napalitan na pala?" tanong ko at parehong napahagalpak kami ni Spy sa kakatawa.
Napansin kong tumingin si kuya Hypo sa amin. "May saltik na ata pareho."
"Agree ako sa'yo, nalasing siguro ng pagmamahal," segunda ni kuya Hyrus kaya binatukan ko.
"Hay na ko!" saad ni kuya Hyro habang iiling-iling.
"Shit!" Napatingin kami lahat sa may hagdanan nang may biglang sumigaw habang pumapababa.
"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo?" masungit na tanong ni Kyle sa'min.
"Wala!" Pare-parehong bulyaw namin sa kanya.
Masama bang tignan siya? Nako-nako Kyle, nakakaasar ka kapag nagagalit!
"Bakit kayo naninigaw!" singhal niya sabay kagat niya ng apple na nakuha niya sa lamesa. Lumapit siya sa amin.
Inirapan na lang namin siya. Mahirap pakalmahin ang isang alien tulad niya.
"Tss!" saad niya at nagpunta sa kusina.
"Anong nangyare dun?" tanong ni Spy na naguguluhan, hindi pa nga niya pala masyado kilala ang ugali ng isang iyun dahil ngayon lang sila nagkakilala.
Nagshrug ako, "Malay ko dun? Tanong mo sa kanya baka alam niya," pagbara ko at tumayo para mag-inat.
Nawalan na ko ng gana manood kaya umakyat na lang ako at nagpunta sa kwarto ko. Gabi na rin naman.
---
Pagkatapos ko maghalf bath ay humiga na ko sa kama para matulog.
Pero dahil hindi pa ko tinatablan ng antok ay tumayo uli ako at umakyat sa rooftop, tambayan naming magpipinsan.
Umupo ako sa may bubungan, tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin.
"Ang gaganda..," mangha kong sabi.
Ang ganda ng sky, ang daming bituin..
Nakakamangh--
"Miss me?"
"Ay pandak!" Napasigaw ako dahil sa gulat kaya tinignan ko yung nasa kanan ko kung sino yung nagsalita.
Putek, si guyabano lang pala. "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba jan, bakit hindi kita napansin? Bakit hindi ka pa natutulog?" sunod-sunod na tanong ko agad nang makarecover.
"E diba dapat ako nagtatanong niyan?" tanong niya at tumabi sa'kin.
Napanguso na lang ako. "Hindi ako makatulog e.."
Sa kwarto ni lola Katrina si Spy matutulog ngayon gabi tutal ay wala naman si lola. Ayaw naman ni Spy sa kwarto ni Kyle lalo na sa kwarto nila kuya, mas gusto niya sa kwarto ko pero dahil babae ako at lalaki siya ay sa kwarto na lang ni lola sabi ni tita. Ayaw ko rin naman patulugin siya sa kwarto ko dahil baka paggising ko ay nakahubo't hubad na ko o dikaya manyakin na naman niya ako. May respesto siya sa'kin, dati na pero mas magandang sigurado 'no!
"Khaile?"
"Oh?" Napatingin uli ako sa kanya. "Matulog ka na..," ani Spy.
"Eh hindi pa nga ko inaantok.. mauna ka na," tugon ko.
"Gusto mo patulugin kita?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Pervert!" singhal ko kaya napataas siya ng kamay. "Woah! Pervert agad? Hindi ba pwedeng maalaga lang?"
"Tss, utut mo blue!"
"Utak mo green!" singhal niya kaya inirapan ko siya.
"Dami mong sinabi."
"Pero tatlo lang 'yun?" tanong niya.
Napaisip ako. Oo nga 'no? "Tss.." inirapan ko na lang uli siya at tumingin na lang uli sa langit.
"Ahh Khaile, naalala mo pa ba yung mga bata pa tayo. Nung unang nagkakilala tayo. Nakita kitang umiiyak sa playground. Tinanong kita pero--"
"Binara lang kita?" Natatawa kong tanong, "Naalala ko pa rin 'yun. 12 years ago na ata 'yun e. 5 pa lang ata ako noon. Bakit?" takhang tanong ko at tumingin sa kanya.
"Oo 'yun nga, pero alam mo yung nakakatawa?"
"Ano?" tanong ko kaya huminga siya ng malalim.
Tumingala muna siya at pinagmasdan ang ganda ng mga bituin, ginaya ko siya.
"When my mother died because of an accident, ay naging iba ang pakikitungo sa'kin ng papa ko. So, the next day, he sent me here to the Philippines with my nanny for some reason I wasn't aware of. Of course, I became sad.." Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang huminto sa pagkwe-kwento. Napapikit siya habang nakatingala pa rin. Nagulat ako ng may kaunting luhang lumabas sa gilid ng kanyang mata. Bakit ka ganyan Spy? "Nasa malaking masyon ako kasama lamang ang mga yaya ko at driver ko. I was only 6 years old at that time and I felt I was pretty worthless and that no one ever loved nor cared of me.." Nakatingin pa rin ako sa kanya habang tahimik pa ring nakikinig.
Its almost 12 years nang makilala ko siya. Sa loob ng 12 years na kasama ko siya ay nakilala ko kung paano siya magsalita, manamit, mang-inis, mang-asar, mga gusto at ayaw niya.. at mga kung ano-ano pa maliban sa ngiting nakatago sa nakaraan niya.. kumbaga sa pamilya niya.
Naalala ko nung mga bata pa kami ay tinatanong ko sa kanya kung nasaan yung pamilya niya.. sasabihin lang niya ng 'ewan ko' o di kaya ay iibahin niya agad ang usapan hanggang sa makalimutan.
Napangiti ako ng malungkot.
Napangiti ako dahil sa'kin niya kinekwento ito at alam kong mabigat para ikwento pa. Nakakabilib si Spy.
Ewan ko kung bakit, basta nakakabilib lang.
Tumungo siya, "Para akong guyabano na nakalagay sa refrigerator noon. Pinapalamig para hindi mabulok agad. Nakastock sa malamig at madilim na freezer ng matagal na araw na para bang walang nagaalaga sa'kin.. yung daddy kong nasa ibang bansa na hindi nagpaparamdam. Para tuloy akong nakakulong sa madilim na kwarto. Walang ilaw, walang nagaalala sa'yo, para akong nakulong ng sobrang tagal na dinaig ko pa ang kriminal.."
Tumingin siya sa'kin. Tingin na seryoso na para bang may pinaparating na mensahe siya gamit ang mata. "Nung araw na nakita kita sa playground.. masayang nakikipaglaro sa ibang mga bata. Nakikipaghabulan, nagpapadulasan, naglalaro ng nanay tatay, nagbabahayan.. Nasa kotse lang ako noon habang nakadungaw sa bintana. Alam mo bang araw-araw nagpupunta ako sa playground para masilayan ka lang at makita ang magaganda mong ngiti. Hindi ko alam pero nung unang makita kita dala ng iyong ngiti ay gumaan ang pakiramdam ko. Yung bang yung madilim na kwarto ay unti-unting lumiliwanag.. yung freezer ay unti-unting umiinit na talagang nabuhayan ako ng pag-asa. Sabi nga ni yaya, lumabas dapat ako ng kotse at makipagkaibigan sa inyo pero tumanggi ako dahil nahihiya ako, okey na ko yung araw-araw na hinihintay kita mula sa kotse at inaabangan yang matatamis mong ngiti. Kahit matagal na oras ako maghintay ay sulit naman. Nakakatawang isipin dahil sa mataba, gusgusin, amazona at hyper na bata ay doon pa napako ang tingin ko at sa iyo 'yun.." Ngumiti siya sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin.
Aba gago siya oh! Malamang bata pa kaya gusgusin..
"Kaya nung isang araw na nakita kita sa swing na umiiyak ay nalungkot ako. Hindi ako sanay.. nasanay kasi ako sa pagiging hyper at masiyahin mo kaya nalungkot ako ng masilayan kitang umiiyak. Gulong-gulo yung isip ko at that time at hindi ko namalayan na lumabas ako ng kotse at naglalakad.. papalapit sa iyo. Nasa harapan na kita, nakalahad ang isa kong kamay na may hawak na panyo. Napansin mo ko kaya sinamaan mo ko ng tingin na talagang natakot ako, natakot na baka mawala yung nagliwanag ng mundo ko.. Nauutal akong nagtanong sayo kung bakit ka umiiyak pero binara mo lang ako. Nung araw na iyon na naiinis ka sa'kin ay hindi ko alam pero napangiti mo ako. Baliw ko ba? Tss. Doon siguro nagsimula ang pagkagusto ko sa'yo.. ang pagiging pilosopo at amazona mo."
Napakagat labi ako sa kwento niya.
Ngumisi siya, "Ayan. Kinwentuhan na kita para makatulog ka na. Gabi na oh, tulog na," saad niya at sabay na kinindatan ako at nginitian.
Para ako naestatwa sa isang tabi habang nakatingin pa rin sa kanya. Ano ba, Khaile. Tulog na daw!
"Nasaan yung daddy mo?"
Nagulat siya sa tanong ko, miski ako nagulat rin.
Langya 'yan, Khaile!
Pero kalaunan ay ngumiti siya. He smiled bitterly, "Nasa America, puro trabaho ang nasa harap niya. Pinapapunta niya lang ko doon kapag kailangan ako para sa business.. Nitong a month lang.. nung nawala ako at hindi nakapagpaalam sa'yo harapan dahil pinapapunta agad ako ni daddy sa Japan for a meeting.."
Packing sheet ka talaga Khaile!
Naalala ko yung isang linggong nawala si Spy. Na akala ko namatay na siya dahil sa matagal na hindi pagpaparamdam niya. Nagalit pala ako ng walang ka-kwenta-kwenta noon. Tch!
Ngumiti siya sa'kin kaya nginitian ko siya pabalik.
Paano niya nagagawa 'yun? Ang maging masaya? Kahit ba nang galing siya sa malungkot na buhay.. na walang pamilya nakaatensyon sa kanya, nag-aaruga, nag-aalaga at nagbabantay maliban sa kanyang mga yaya at driver. Paano kaya yung routine ng buhay niya kung hindi niya ko nakilala.. Siguro ganun pa rin siya, malungkot na nakakulong sa loob ng kwarto na walang ilaw, madilim o hindi kaya ay may makikilala siyang ibang babae.
Pareho kami ni Spy na nawalan ng pamilya bukod sa may tatay siya.. Ako, namatay ng maaga yung pamilya ko dahil sa car accident kaya hindi ko nakilala dahil sanggol pa lang ako noon. Pero kahit ganun ang nangyari ay may naggagabay at nag-aalaga sa'kin at ang tita Haidey at Lola Katrina ko 'yun. Siya, namatay sa aksidente yung mommy niya kaso laging nakatutok sa trabaho yung tatay niya imbis sa kanya.. Hay.
Naging barumbado siya dahil walang naggagabay sa kanya. Naging masama siya dahil walang nagpapangaral sa kanya ng kabutihang asal. Laging bagsak yung grade niya dahil walang nagtuturo sa kanya.. mga tama at mali. Pero kahit ganun ay nagpatatag siya, naging matapang, kahit masakit ay nakaya niyang itago ang masalimuot na nakaraan mula sa ngiti na binibigay niya sa'min.
Ngayon, alam ko na sa sarili ko kung bakit bilib na ko sa kanya.
"Ho-hoy! Natatakot na ko sa pangiti-ngiti mo mag-isa jan ah!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya.
"Bundok lang Spy!? Naninigaw ka?"
"Kasi bingi ka? Langya, dami mong tanong." giit niya.
"E isa lang naman tanong ko, shunga!"
"Hss, matulog ka na nga," malumanay na tugon niya.
Napahikab ako. "Ayan, inaantok na ko.. Salamat sa kwento Spy.. Salamat dahil opisyal na naging parte na ko sa buhay mo," ani ko at nginitian siya.
[PLAYING: Tulad mo by TJ Monterde]
Napangiwi siya, "Ang creepy ng ngiti mo ah.. pero sandali may bayad 'yung kwento ko!"
Pinagsingkitan ko siya, "Tse! Pero dahil mahaba-haba ang kwento mo. Sige magkano?" Ngumiti siya nang nakakaloko, "Hindi magkano. Ilan!" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"Sige, ilan?"
"Doseng halik!" Napanguso ako, "Asa!"
"Dali na. Hindi pa tapos yung 1st monthsary natin oh! 11:48pm pa lang!" saad niya at sabay pinakita niya sa'kin yung relo niya.
"Tse!
"Ayaw mo? Bahala ka tatalon ako dito," pananakot niya at sabay tumayo pero hinawakan ko agad siya sa braso niya at pinaupo uli.
"Gago ka talaga e 'no?"
"Tsk. Gwapo naman,"
"Leche!" singhal ko.
"Leche ka rin..," singhal niya din.
"Ah ganu--!" Namilog ang aking mata sa pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Bumitaw siya at ngumisi, "Sabi ko sa'yo doseng halik lang e.."
"Nakaw ha-halik ka ah!" ani ko pero nginitian niya lang ako.
Nilapit niya ang mukha niya sa'kin.. 2 inch apart, syet!
"Doseng halik lang para..," maamo niyang sabi at hinalikan na naman niya ko sa labi.
"Ikaw Lang--" Hinalikan niya uli ako sa labi ng dalawang beses.. again! "Sapat Na,--" Hinalikan niya naman ako sa ilong at sa magkabilang pisnge na ikinamatis nito. "--Khaile Lynch Palmer." Nagulat ako ng mabilis na pinaghahalik niya yung gilid ng mata ko, gilid ng labi ko sa buhok sa leeg ko na katulad ng dati niyang ginawa.. "Mahal Na Mahal Kita.."
Hinawakan niya ang kanan kong pisnge at tumingin na uli siya sa'kin. Nginitian niya ko na talagang nagpatigil ng mundo namin, "Kulang pa oy..," ani Spy at hinalikan niya ko sa noo ko na talagang napapikit ako dahil ramdam ko yung pagmamahal niya sa'kin.. "Sobra--" Napatigil siya sa pagsalita ng ako naman ang gumanti ng halik. "Sobra.." pabulong kong sabi.
Pinagdikit namin ang aming mga noo.. "Thirteen KS?" tanong niya sa'kin kaya napangiti ako.
"Thirteen KS.. Isa pa nga Khaile--!" Aaakmang hahalikan niya uli ako ng sinubsob ko siya sa kamay ko.
"Aba sineswerte ka mokong!"
Sa'kin? Thirteen KS ko.. 'Ikaw lang sapat na, Spy Giovannie Palmer. Mahal na mahal kita sobra.. sobra!'
*****
Spy's PoV (12:34pm)
"Khaile..," tawag ko.
Nandito pa rin kami sa may rooftop, nakahiga sa yero habang nagstargazing. Naka-akbay ako kay Khaile habang siya ay nakahiga sa dibdib ko.
Nakakalanggam bang tignan? Wala e, ganyan kami katamis!
"Hmm.."
"Khaile, bakit nagbabra ka pa e wala naman sinasalo..," tanong ko.
Oo, nakabra siya ngayon. Matutulog na may bra..
Naalala ko tuloy nung mga araw na wala siyang bra na--ayoko na tapusin baka mainggit lang kayo at sabihan niyo ko ng malibog. Manyak lang hindi malibog..
Tumingala siya sa'kin at binatukan ako ng malakas. "Tangina! E kung tanungin rin kaya kita. Bakit nagbibrief ka pa e wala naman bumabakat!?" inis niyang sabi.
"Baka gustong ipakita ko sa'yo 'to para malaman mo?"
"Tss, pandak!" ani niya at kinurot ako sa tagiliran kaya napa-aray ako.
Bakit laging ganyan kayong mga babae laging nananakit!
Ganun ba 'yun? Kapag lalaki naglalambing, yumayakap pero kapag ang babae naglalambing.. KUROT, HAMPAS, SUNTOK, BATOK at KAGAT! Grabe naman kayo maglambing. Sobrang ramdam namin, physically!
"Spy..," bulong niya habang nakatingin sa langit. "Bakit?"
"Alam mo ba.. Isa lang ang nagmamay-ari ng puso ko," mahinang sabi niya at humikab.
Ngumiti ako, "Sino?" tanong ko. Humikab uli siya, "Tanga! Edi ako lang. Alangan naman ikaw diba? Edi namatay namn ako?"
Oo nga naman Spy. Siya nga naman, tama naman siya pero putangina naman oh! Nabasag pa ko.
"Hoy Khaile.."
"Hmm," antok niyang tugon.
Tinungkod ko yung siko ko at tinignan siya. Tulog na. Napailing na lang ako na may ngiti sa labi.
My Thirteen KS.. 'Ikaw lang sapat na, Khaile Lynch Palmer. Mahal na mahal kita sobra.. sobra!'
---
Nang makatulog si Khaile sa dibdib ko ay binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya, inihiga ko siya ng dahan-dahan. Kinumutan ko at lumapit sa mukha niya para halikan ito sa noo.. "Hayop ka talaga Spy.. Gago," bulong niya.
Pati ba naman Khaile sa panaginip, binabalibag at minumura mo ko?
"I love you.." she whispered na napangiti ako.
Lumabas ako sa kwarto niya ng may ngiti sa labi. Pumasok ako sa kwarto na tinutulugan ko ngayon, kwarto ni lola Katrina. Simple lang yung kwarto at pansin ko na green yung forte nito dahil na rin sa green walls, green carpet, kama at kahit saan ako lumingon ay green. Masarap sa pakiramdam yung kulay.
Nagpunta muna ko sa banyo para maghalf bath ng mabilisan. Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko yung damit ni Hyro na pinahiram niya sa'kin. Umupo muna ako sa kama para magpatuyo ng buhok nang may mapansin akong nakalitaw na kulay puti na papel sa ilalim ng kama.
Nalaglag ata kaya dinampot ko ito habang pinupunasan ko yung buhok ko gamit ang towel.
Ilalagay ko sana sa drawer nang may nakita akong pangalan na sobrang pamilyar sa'kin. Napatigil ako sa pagpunas ng buhok nang mapansin kong hindi lang ito simpleng papel..
Sun Grey Palmer, ang nakasulat. Tinaklob ko ang papel. Namilog ang singkit kong mata nang bumungad sa'kin ay isang picture na may X na mark. Na may X mark gamit ang dugo na pinangguhit.
Nakakapagtaka naman. Bakit meron si lola Katrina nito? Bakit may dugo na X mark sa picture na ito.
Pero ang mas nakakapagtaka ay.. bakit magkasama si daddy at lola Katrina sa isang picture?
Nagkakilala na ba sila dati ?
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top