Kabanata 24: Almusal de leche
Dyosang note: MARAMING NABAGO/NAPALITAN NA SCENE DITO SA KABANATA 24~ YOU MUST RE-READ IT! (Capslock para intense GREEN XD)
xxx
Kabanata 24: Almusal de leche
Khaile's PoV
"Khaile.."
Dahan-dahan ko dinilat ang aking mata para tignan kung sino ang tumawag. Si lola pala.
"Khaile, gising," ani Lola Katrina habang nagmamaneho. Napaupo ako ng maayos sa kotse. Nag-unat at humikab. Nandito na ba kami?
"Lola, malapit na ba tayo?" tanong ko at tumingin sa labas. Medyo pagabi na rin.
Ngumiti si lola at tumango.
Nag-aya nga pala si lola na labas kami dalawa para pumasyal kumbaga date namin ni lola ngayon pero bago iyun ay may dadalawin lang si lola na malapit na kaibigan niya nung kabataan pa niya. Hindi naman ako tumanggi dahil kapag pasyal ang pinag-uusapan at si lola ang nag-aya ay libre na tawag dun. Sarap sa feeling!
Kinuha ko yung phone ko sa hand bag ko.
10 missed call. 34 unread message.
Napasimangot na lang ako sa nabasa ko. Lahat ng messages at calls ay galing kay Spy. Buti na lang ay nakasilent mode ako dahil galit pa rin ako sa kanya at sa kanyang inasta. Nagpunta na lang ako sa music player. Pi-nause yung kantang pinapatugtog at tinanggal ang headset na nakapasak sa aking tainga. Inayos ko ito at nilagay sa bag kasama ang aking phone.
Pagkatapos ng paghahanda sa sarili ay inikot ko ang aking tingin, puro mga puno ang nakikita ko. Napapansin ko ay kakaunting mga bahay lang ang nakatayo dito sa mahabang daan na pinasok namin. Napatingin ako kay lola nang ihinto niya ang sasakyan at tumingin uli sa labas. Napansin ko agad ang malaking bahay sa may kanan bahagi ko. Medyo kalumaan na, na para bang sinaunang panahon itinayo ito. Pero kahit ganun ay nakikita pa rin ang ganda ng pagkakagawa nito. Ang ganda nga pero parang ang creepy tignan? Napabulagta ako nang may pulang mata ako napansin sa silong ng bahay. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong tumakbo ang pusa galing sa silong ng malaking bahay. Ano? May sore eyes na ngayon ang mga kuting?
Napalingon na lang ako kay lola na katabi ko sa driver's seat. Nagulat ako ng wala na siya sa tabi ko. Napaangat ang ulo ko. Nasa labas na siya ng kotse, nakangiting nakatingin siya sa akin. Bumaba na rin ako ng kotse, siguro ay nandito na nga kami. Pero nung bumaba ako ng sasakyan ay bigla ako nakaramdam ng bigat sa puso. Boobs ko lang ata iyun, mabigat e..
Pagkababa ko ay nakatingin pa rin si lola sa akin habang nakangiti. Nababaliw na ata si lola o sadyang excited lang makita yung kababata niya? Nagulat ako ng naglakad palayo si lola sa akin.
"Lola!" tawag ko pero palayong naglalakad pa rin siya.
Ano, iiwanan ako? Ganyan naman talaga. Lahat ng minamahal, iniiwan. Psh, sanay na rin naman ako iwan e pero langya, bakit ang drama ko ngayon?
"Lola Katrina!" tawag ko uli at hinabol siya. Ang layo na niya, ang bilis niya umabot sa kanto.
Humarap siya sa 'kin at nginitian niya uli ako na talagang napahinto ako sa pagtakbo. Iba kasi yung ngiti na binigay sa akin ni lola. Yung bang nakangiti pero parang ang lungkot? Ngiti na para bang ang laki ng problema na tinatago? At parang ngiti na isang beses ko na lang makikita sa kanya.. Ngiting..
"Sorry," bulong niya na nagpaguho ng mundo ko. Napatingin ako sa kanyang gilid na may maliit na ilaw na biglang palaki ng palaki.
Bumilis ang tibok ng puso ko kaya tumakbo ako papalapit sa kanya, "Lola!!" sigaw ko at tinulak siya palayo sa pwesto na 'yun.
Napapikit ako sa unti-unting paglapit ng nakakasilaw na liwanag at dahil na rin sa malakas na busina na papalapit sa'kin.
"Khaile!" Napadilat ang aking mata ng may biglang sumigaw sa aking pangalan. "Khaile!!"
Nabangon ako. Nilibot ko agad ang aking mata, nasa kwarto ako at madilim. Panaginip lang ang lahat..
Nang makarecover ako ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa isang masamang panaginip lang pala ang lahat.
Lumingon ako sa gilid ko ng may narinig ako na hikbi. "Lola?" Tumingala siya at dahan-dahan tumingin sa'kin.
"Sino ka?" Napakunot ang aking noo sa tanong ni lola.
"Lola joke ba 'yun?"
"Sino ka sabi!" Napatalon ako sa pagsigaw ni lola sa'kin. "S-si Khaile po.. a-apo niyo."
"Hss! Sinungaling!" sigaw niya sa'kin na talagang nagpabiyak ng aking puso.
"Lo-lola.." pahikbi kong usal.
"Bitawan mo nga ko! Wala akong apo na masama!"
"Lo-lola, si Khaile po ito yung apo niy--"
"Sinungaling! Sinungaling! Khaile! Khaile! Khaile! Wala akong apo na ganyan ang pangalan!"
Napapikit na lang ako sa paulit-ulit na sigaw ni lola.
"Sinungaling! Sinungaling! Wala akong apo na pangalan ay Khaile! Khaile! Khaile!!"
Parang sirang plaka na paulit-ulit. Tinakpan ko ang aking tainga dahil sa paulit-ulit na sigaw.
"Khaile! Khaile! Khaile!"
"Lola.. si Khaile 'to apo niyo.." halos pabulong ko ng sabi dahil sa sobrang pag-iyak ko. Ang sakit! Ang sakit sakit.
"Hoy Khaile!" Nagising ako dahil sa malakas na pagsampal sa aking mukha.
Napabangon ako.
"Khaile.. shit! Sorry sorry Khaile. Sorry, sorry sorry Khaile." Nagulat ako sa pagyakap ni Spy sa'kin habang hinihimas himas niya ang aking kaliwang pisnge.
"Sorry sorry! Tangina! Pinangako ko na hindi kita sasaktan pero puta sorry talaga Khaile hindi na mauulit. Natakot lang kasi ako..natakot sa naging panaginip mo kung ano man 'yun.. sorry sorry sorry bi.."
Panaginip? Ha?
"Ayokong mawala ka.. ayoko.. Sorry Khaile kung nasaktan kita o nasaktan man kita.." bumitaw na siya sa pagkakayakap. "Masakit pa ba ha? Khaile ano?" Sunod-sunod na tanong niya habang hawak niya ang aking pisnge.
Napangiwi ako ng diinan niya ang kamay niya sa pisnge ko. "Tangina! Ang gago mo talaga Spy! Pwede naman buhusan ng malamig na tubig itong kinginang babaeng ito ah! Bakit kasi sinampal mo!?" Kunot-noo ko siyang tinignan.
Ilang minuto niya kong tinignan este tinititigan, "PUTANGINA!" Malutong na sigaw niya na talagang nagsalubong ang aking kilay.
"Naninigaw ka!" sigaw ko. Namilog ang singkit niyang mata. "Okay ka na?"
"Mukha ba kong may sakit!?"
"Hindi.. mukha lang may allergic." Sabay turo niya sa kaliwa kong pisnge.
"Hss! Ba't ka ba kasi nanampal!"
"Wala naman sa plano ko na sampalin ka pero putangina! Inaano ka ng kamay ko eh nanaginip ka ng masama!" Napahinto ako ng maalala ko..
Panaginip lang 'yun!?
Kinilabutan ako nang nagreplay ang boses ni lola sa utak ko. Napailing-iling ako habang kinakalimutan ang bagay na iyon.
Tumingin ako kay Spy na biglang natameme.. "Anyare sa'yo Guyabano!?" Masungit kong usal.
Bakit pinagpapawisan itong kupal na ito!? Malamig naman yung kwarto dahil sa aircon. Tumingin ako sa tinitignan niyang.. Napatingin ako sa baba ko pabalik sa mukha niya at tumingin uli ako sa baba.
"KINGINA KA! LUMAYAS KA! TANGINA! ANG MANYAK MO GUYABANO!!" sigaw ko habang binabato sa kanya yung mga unan ko.
Futaena! "Ho-hoy! Wala ako nakita!!" Painosenteng saad niya. "Gago! Manyaaak!!!" Inis ko at tinakpan ng kaliwa kong kamay ang aking hinaharap.
Futaena ka naman Khaile! Sabing magbra ka na rin tuwing gabi!! TUWING MATUTULOG! Dyusko! Kahit saan lumpalop ng lugar nanjan ang pandak na manyak na nagngangalang Spy Guyabanong Baklang Palmer na Gangster na kingina the leche!!
"Ho-hoy! Aray! Langya, wala nga sabi dahil wala naman laman iyan bundok mo! A-aray!"
"Leche! Ang manyak mo gagoo!!"
"Sandali! Hindi pala bundok, patag lang aray, tae!!"
Kinurot ko siya sa tagiliran niya sa sinigaw niya. Aba grabe makasigaw! Bundok lang!? Ay patag lang pal--walang hiya!! Ba't patag!?
"Gago!! Manyak manyak manyak!! Hindi patag 'to bastos!! Labas bwiset 'to!!" sigaw ko habang pinagtutulakan ko siya palabas ng aking kwarto.
"Sandali nga!!" sigaw niya kaya napatigil ang aking kamay sa pagkukurot sa kanya. Pinagsingkitan ko siya. "Ano! Hihirit ka pa ha!!" giit ko.
Tumingin siya sa aking hinaharap kaya tinakpan ko uli ito. Pero bwiset na flash na ito! Bago ko takpan ay.. "Hmm.. Burol pala Khaile.. Burol hindi bundok o patag. Kundi burol!!" Namilog ang aking mata. "Matulog ka na uli Khaile.. HAHAHAHA!" Mabilis pa sa alas kwarto kung lumabas itong guyabano.
Huminga ako ng malalim. "PUTANGINA KANG GAGONG PALMER KA!! ANG MANYAK SLASH BASTOS SLASH PANDAK SLASH KUNG ANONG SLASH PA 'YAN!! KINGINA MO LUL!!" Abot hanggang jupiter na sigaw ko. Jupiter lang, hindi ko na kaya kung pluto hwueh!
HINAWAKAN NIYA ANG MALABIRHEN KONG BUROOOL!!
Mommy kong nasa langit-langitan, kunin niyo na po si pandak na unano na pangit na PUP(Pandak na Unano na Pangit)!! Dyusko hindi ko na kaya!!!
Kahit ba masarap ang pagkapa.. pero puta!! Medyo lang huehue!
---
Ilang oras bago ako makarecover ay bumaba na rin ako with protection!
Bra plus panjama plus jacket!
"HOY! ANONG GINAGAWA MO SA PAPAMAHAY KO!!" sigaw ko sa kanya na nakahilata sa sofa.
Tinignan lang ako at nginisihan sabay nanood uli ng tv.
"Bahay mo? May pangalan mo?" Aba gago siya ah! "Tss! Alam mo, walang mangyayare sa pagmomodel mo jan sa hagdanan kaya kumain ka na lang diyan! At dahil na rin walang mapapala ng bibig mo ang sobrang pagputak.. O baka gusto mong halikan kita?" Maamong tugon niya habang nakatingin pa rin sa tv.
Aba style like a prince ang peg? E mas style like a beast e, sa beauty and the beast!
Inirapan ko siya at nagpunta na lang ako sa kusina. "Hoy Spy!!" sigaw ko. "Bakit tomboy? Ang aga-aga akala mo may gera!!" inis niya.
"Ano 'to?" Turo ko sa sunog na hotdog, sinamurai na ham at sinangag na may shell pa ng itlog na naiwan.
"Pagkain." Bored niyang sagot. "Mukha bang pagkain iyan?"
"Atleast meron at nakaluto, ang arte mo!" singhal niya. "Ah ganun? Maarte? Sige nga itry mo kainin iyan!"
"Sabi ko nga ang arte natin!" Inirapan ko na lang siya at tumingin sa hinandang pagkain na nagMUKHA lang. "Ho-hoy! Okay pa naman iyan ah! Lalo na yung hotdog! Pwede pang pagtiyagaan at kainin!"
Tinignan ko yung limang sunog na hotdog.. eh kung supalpalan ko kaya sa kanya itong negrong hotdog!? Makakain pa ba 'yang ita na nabilad sa araw? Eh kung sa kanyang hotdog na lang kaya ang kainin ko!?
"Tss! Gago mag-isa ka kumain niyan!" sigaw ko at tumalikod sa kanya.
"SORRY HA!!" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sigaw niya. "Sorry sa effort na pagluto ko ng almusal na hindi mo man lang naappreciate!!"
Lumingon ako sa kanya, "So ako pa may kasalanan?"
"Sabi ko nga ako may kasalanan, highblood masyado!!" saad niya at inayos ang mesa.
Habang nililigpit niya ang mga niluto niya ay pinigilan ko siya at kinuha ko ang isang sunog na hotdog na talagang ikinabigla niya.
Kinain ko ito at naglakad palabas ng kusina.
Oo harsh man ako.. pero kahit highblood, hard or harsh ako ay may puso pa rin ako 'no! Kahit manyak pa 'yan! Kahit kaaway ko pa rin siya!
Tao pa rin 'yan! Hindi lang halata..
"Ang sarap ng hotdog ko 'no?" Napahinto ako dahil sa kamanyakan niyang sinabi, lumingon ako. "I mean yung niluto ko.." Paninigurado niya pero may halong pagngisi.
Pinakyuhan ko siya, "Ulul! Utut mo blue!" singhal ko at naglakad palayo.
"Burol!!" Pahabol na sigaw niya na talaga ikinabismud ko! Ugh!
Hayop kang pandak ka! Nakakainis ka swear! Bushit!!
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top