Kabanata 23: Murahan Couple
xxx
Kabanata 23: Murahan Couple
Hyro's PoV
"Khaile! Mag-usap tayo." Napatingin ako sa pagbiglang pagbukas ng pinto. Si lang Khaile pala at kasunod niya sa likod si Spy. Problema ng lovers na 'to.
"Oh Khaile, nanjan ka na pala?" tanong ni Hypo na kakalabas lang ng CR. Tinignan niya si Hypo. "Hindi kuya, picture ko lang ito,"
Napahinto si Hypo sa pagpupunas niya ng kanyang buhok. "Sige! Ganyan naman kayo. Lagi na lang ako binabasag. Nagtatanong lang ng maayos," irita niyang saad sabay pasok niya sa kwarto.
"Hoy Khaile, para kang pinagbagsakan ng tae ah," saad ko. Lumingon siya sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin at padabog na umakyat sa taas.
"Khaile! Sorry na o--"
"Hep!" Hinarangan ko si Spy na parang may balak siyang sundan sa taas si Khaile.
"Anong nangyari?" tanong ko agad. "Eh kasi.."
"Ginalit mo 'no?" tanong ko uli.
"Pinikon ko lang.."
"Pero nainis?" Dahan-dahan siyang tumango kaya napailing ako.
Nagpunta ako sa kitchen para ituloy ang aking binabake. Napansin ko sa gilid ng mata ko na sinundan niya ko.
"Eh Hyro.. ang gulo niya kaya, ewan ko ba kung naiinis o nagpapainis lang. Oh baka trip lang ako. Per--" Napatahimik siya nang padabog kong binaba ang kutsilyo sa lamesa.
Tumingin ako sa kanya kaya napalunok siya. "Hindi ka na nasanay sa insan ko."
"Eh ang gulo ng utak niya kasi!"
"Alam mo Spy.." saad ko habang inaayos ko ang cupcake na binake ko.
"Gwapo ako Hyro, alam ko iyun." Napatingin ako sa kanya. "Gusto mong mamatay ng maaga?" tanong ko habang nakatutok sa kanya ang hawak kong kutsilyo.
"Sabi ko nga, mas gwapo ka."
"Tss.." Binaling ko na lang ang tingin ko sa cupcake. "Ang mga babae parang pirma ng doctor."
"Kung ganun dapat sa doctor siya magalit hindi sa 'kin. Aba sino bang doctor 'yan para mabasag ko ang bungo nun!"
"Tatahimik ka o isasalvage kita at papakainin sa aswang namin aso?"
"Meron kayong aswang na aso?" Manghang tugon niya.
Napaface palm na lang ako, "Oo, nag-aalaga kami ng aswang na aso para ipakain sa'yo."
"Hmm kung ganun, hindi pala tigre ang kapatid ni Khaile kundi aswang na aso.. Hmm not bad."
Napabuntong hininga na lang ako sa slowpoke na pabo na 'to.
Kinuha ko ang isa sa cupcake na ginawa ko at ibinigay sa kanya dahil hindi na talaga ako makakapagtagal sa pabo na ito. "Magsorry ka sa sinabi o ginawa mo tapos ito ibigay mo sa kanya, choco cupcake paborito niya 'to. Kapag galit pa rin, pakamatay na Palmer ha? Kapag hindi na, edi wow siopao, tatay mo si pacquio, nakatira sa mindanao, ang carabao," nang-aasar kong sabi. "Sige ibigay mo na 'yan," tugon ko at nagpunta sa sofa.
"E Hyro ikaw na lang kaya magbigay baka masampal pa 'ko ng braso niya."
Lumingon ako at tinuro ang aking sarili. "Boyfriend ako? Takte Palmer malaki ka na, kaya mo na iyan." Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at umakyat sa taas.
Napailing-iling ako ng bigla kong maalala ang babaeng.. "Hss!"
Ginulo ko ang aking buhok. "Ano ba Hyro! Move on na!" Nabaling ang tingin ko sa cupcake na ginawa ko.
Cupcake. Isa sa paborito ni Tata..
*****
Khaile's PoV
"Knock knock." Napatingin ako sa pinto. "Who's there?" walang ganang saad ko.
"Puso," saad ni Spy.
Napabangon ako sa kama at huminga ng malalim. "Umuwi ka na nga! Hss!" sigaw ko.
"Khail--"
"Uuwi ka o itatapon kita sa pluto?"
Nabigla ako ng bumukas yung pinto. Ay tanga, bakit hindi mo nilock Khaile!? Sira na tuloy yung drama moment mwehehehe.
"Mag-usap naman tayo oh." Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Sorry na kasi e.." pagmamakaawa niya pero nagmamatigas pa rin ako dahil walang epekto eh.
"Lumabas ka na," saad ko at humiga na sa kama. "Wala ako sa mood ano ba! Labas!" sigaw ko habang nakatalikod sa kanya ng higa.
Ilang minuto ng katahimikan ay narinig ko ang yabag papalabas at ang pagsara ng pinto.
Napailing na lang ako.. Tss! Hayop ka kasi Spy!
Alam mo bang ilang araw na kong naninibago sa'yo..
*****
Spy's PoV
"Ang mga babae parang pirma ng doctor. Magulo, hindi maintindihan pero mahalaga ito." Napatingin ako kay Hyro na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo. "Minsan, ang mga babae parang tubig sa ilog Pasig. Ang labo!" dugtong ko.
"Napakakomplikado naman," tugon ko at lumapit sa kanya.
Tumingin siya sa'kin. "Nagtatampo lang iyun, isang linggo ka ba naman na parang bula na nawala tapos kahit ako napapansin ko ay nagbabago ka pero parang hindi ata nagustuhan ni Khaile.."
E.. "Ano Spy? Nasaan na ang dating Spy? Nasaan na ang murahan couple? Bangayan session? Trashtalk exclusive slash brutalan?" Tumayo siya at iniharap niya ko. "Sila tangina, kingina, gago?" Nagulat ako sa mga sinabing mura ni Hyro.
Hindi ako makapaniwala na nagmumura na siya? Good boy kasi siya simula pagkabata pero.. "Alam mo bang simula pagkabata ay may chemistry na kayong dalawa? Dahil sa pagmumurahan niyo ay naging fandom ko kayo na couple." Ngumiti siya sa'kin kaya napangiwi ako.
Sa totoo lang, parang nababakla na ata si Hyro dahil sa pagtitig niya sa'kin ng seryoso. Shut up! Lalaki ako 'no! 'Di ako pumapatol sa lalaki rin 'no!
Lumayo ako ng kaunti sa kanya.
Bakit? Makaluma na ba ang pagiging sweet? Binabawas bawas ko na ang pakikipagmurahan ko sa kanya kasi.. "Walang KhaSpy couple kung walang murahan na nagaganap.. Hindi niyo malalaman na mahal niyo na ang isa't isa kung walang brutalan na ginagawa at trashtalkan na nagaganap." saad niya at umakyat na sa taas.
Napatulala lang ako sa mga binitawan niyang salita..
Ilang minuto ang nakalipas ay napangisi ako sa aking naisip. Lumabas na ko sa bahay nila Khaile. Nagpunta sa aking kotse at umupo. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Hyro.
/Bakit?/
Ngumisi ako, "Favor Hyro.." Mala-astig kong saad at pinaandar na ang kotse.
/'Yan ang gusto ko!/
Masayang tugon niya kaya napangisi uli ako.
Khaile.. Putangina ka, maghanda ka sa gwapong 'to. Mahal ka ata ng gagong 'to!
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top