Kabanata 22: Lola Katrina

xxx

Kabanata 22: Lola Katrina 

Khaile's PoV

    "Hoy Spy," tawag ko.

   "Bakit?" Lumapit siya dala ang dirty ice cream na bili niya. "Here." Binigay niya sa akin ito.

    "Bakit bigla kang nawala pala ng isang linggo? MIA ka e!"

    Tumabi siya ng upo sa'kin.

  Nakakainis kaya 'yun, missing in action yung taong, siyang dahilan kaya ka nabaliw! Na siya ang dahilan ng pagtibok ng puso mo ng mabilis na siya ang dahilan na.. mainlove ka ng sobra!

  "Sorna asawa ko.."

  "Hmp!" Minsan lang magtampo dapat pagbigyan.

  "Halikan na lang kita para mawala galit mo."

  "Leche! Manyak talaga nito!" Binelatan ko siya sabay dila ng dirty ice cream.

  Tumingin na lang ako sa mga batang naglalaro sa playground.

  Naalala ko tuloy kaninang umaga na dumating ng ala syete ng umaga itong mokong na ito. Kakagising lang namin lahat ng bigla siyang mangbubulabog. Nakakainis nga e pero nakakakilig rin dahil may dala siyang limang rosas at chocolate na sila kuya lang kumain.

  Limang rosas daw para I love you so much. Shet!

  Pagkatapos niya ko bigyan, ay nag-aya siya na lumabas kaming dalawa. Dahil slow ako at dahil na rin kakagising ko lang ay lumabas kami ng gate at sinabi sa kanya na "Ayan nakalabas na tayo.. happy?" Ayun! Pitik sa ilong ang aking inabot, leche 'yan!

  "Khaile..," tawag ni Spy.

  "Problema mo?"

  "Naalala mo ba yung gabing nandito tayo sa playgroun--" Tumingin ako sa kanya at binatukan. "Shut up!"

  "Yung sa loob ng slide na.."

  "Argh! Ano ba!" Kinurot ko siya sa braso pero ang walanghiya makatawa ay wagas.

  That kamanyakan thingy na nangyari sa amin ni Spy sa loob ng slide.

  "Sa slide na.. hahaha!"

  "Talk to my hand! Gago!" Tinapat ko yung kamay ko sa mukha niya.

  "Hahaha uy.."

  "Nakakapikon ka ah! Manahimik ka!" sigaw ko at tumayo na mula sa bench.

  Iniwan ko ang baklang gangster na sobrang makahagalpak sa katatawa. Lumingon ako sa likod at pinakyuhan siya.

  Bwiset na tusok na tumilis na 'yan! Pakshet!

*****

Kyle's PoV

  "Lola?" Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni lola.

  Siya, siya si lola Katrina. Siya na rin ang tumayong ina't lola ko nang iwan ako ng aking tatay nung baby pa ako. Hanggang ngayon galit pa rin ako sa aking tatay dahil sa pag-iwan niya sa akin.. Dahil sa pagabanduna sa'kin. 

  Nakakainis. Nakakaasar. Nakakabwisit.

  Napailing na lang ako sa mga pangyayaring sinabi sa'kin ni lola kung paano ako itinakwil ng aking ama. Nang aking sariling ama..!

  Kumatok uli ako pero walang nagbubukas ng pinto kaya ipinihit ko ito at bukas pala. "Lola..?" tawag ko at pumasok na sa kanyang kwarto.

  Ang sabi ni lola magpapahinga lang siya..

  Napakunot-noo ako sa daming kalat sa baba. Napatingin ako sa kama na puno ng damit at may maleta?

  Lumapit ako rito nang may napansin akong papel. Kinuha ko ito at binasa.

  "DNA?" Nasabi ko na lang. "Anong gagawin ni lola dito? Khaile L--"

  "Anong ginagawa mo dito Kyle?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita kaya napaharap ako sa likod habang ang papel ay hawak ko na nakalagay sa likuran ko. "Lola.."

  Lumapit siya sa'kin. Nagulat ako ng bigla niyang inagaw sa kamay ko ang papel. "Diba sabi ko sa'yo na 'wag mangingialam nang gamit ng hindi sa kanya?"

  "Opo pero.. ano po 'yang--"

  "Wala 'yun. Sige iho labas na," malamig na sabi niya.

  Nagulat ako. Hindi naman ganito si lola. Hindi niya kaya maglihim sa akin o sa amin.. pero parang may tinatago si lola.

  "Labas na," Seryosong tugon ni lola na talagang kinilabutan talaga ako.

  Nang makalabas ako, iniisip ko pa rin ang matalim na pagtitig sa'kin ni lola. Ang kanyang seryosong tingin. Gulong-gulo na ko.

  Anong gagawin ni lola sa DNA test ni Khaile? At bakit meron siya nun?

  Parang may mali..

---

  "Apo." Napalingon ako sa likod. "Bakit po?" Nginitian niya ako at lumapit sa'kin.

  "Aalis ako ngayong araw. Babalik ako sa Canada."

  "Po? Ah e--"

  "Ako lang. Dumito ka muna, Kyle. Tumawag kasi yung assistant na lumala ang sakit ni Carlo." Tukoy niya kay lolo, lolo nila Khaile. "At tiyaka may aasikasuhin lang ako pero babalik ako agad."

  "Ngayon na po lola kayo aalis?" tanong ko. "Oo eh."

  "Ihatid ko na po kayo lo--"

  "Hindi na iho, may pinapunta ako dito na maghahatid sa'kin." Tumango ako. "Basta ito tatandaan mo. Bantayan mo si Haidey at ang aking mga apo.. lalo na si Khaile."

  Napakunot-noo ako sa huling sinabi ni lola.. lalo na si Khaile?

  "Sige po lola." Ngumiti lang ako. Niyakap ako ni lola. "Biglaan kaya pasabi kay Haidey ah. Mamimiss ko kayo."

  "Opo," sagot ko.

*****

Khaile's PoV

  "Hoy tomboy!" sigaw ni Guyabano at hinabol ako.

  "Hoy ka rin, Gago!" bulyaw ko ng nasa gilid ko na siya.

  "Khaile!" Mabilis niyang nahawakan ang aking kamay kaya napahinto ako sa paglalakad.

  "Ano ba! Bitawan mo nga ko guyabano!" irita kong saad. "Khaile... ano ba. 'Wag mong dibdibin 'yun dahil wala ka nun!" Bumitaw ako sa pagkapit niya sa kamay ko. "Gago! Iyan! Diyan ka magaling! Sa pagaalaska sa'kin! Tch!"

  "Sorry na nga e."

  "Tss!"

  Nagtuloy na ko sa paglalakad ng hinila na naman niya ako pabalik.

  "Ano ba! Nakakainis ka na ah! Alam mo ba ang meaning na galit ako sa'yo!? Kung hindi mo alam, search mo sa google bobo!"

  "Hss! Nakakainis ka na rin ah! Kanina pa ko nagsosorry pero napakahighblood mo masyado. Hindi nakita maintindihan." 

  "Eh lahat ba naman kasi ng bagay ginagawa mong gaguhan, kamanyakan, kalibugan! Kalokohan at sa pangaalaska sa'kin! Kingina moo!"

  Maangas siyang tumingin sa'kin kaya pinagsingkitan ko siya ng aking mata. "Ano ha! Ano!?" sigaw ko.

  Huminga siya ng malalim. "Sige na! Oo na! Kasalanan ko na! Patawarin mo na ko oh Khaile.. please.."

  "Lehche, mag-isa mo!" giit ko.

  "Sorry na oh bi.."

  "Shut up."

  "Sorry sorry sorry.." pagmamakaawa niya sa'kin. "Sorry na kasi Khaile. 2 days na lang oh magpapasko na.. Give love above christmas naman. Sorry na asawa ko.."

  "Una sa lahat, ang tanga mo dahil sa paulit-ulit na sorry mo ay lalong naiinis ako. Pangalawa dahil ang bobo mo! Give love on christmas 'yun! Hindi give love above christmas bobo!"

  Napaisip siya, "Sorry na kasi.."

  "Talk to my hand!" sigaw ko sabay lumakad paalis.

  Nakaka! Nakaka sobra!

  Nakakainis! Nakakairita! Nakakabwiset!

-dyosang ceventinia- 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top