Kabanata 21: Tulad Mo ❤

xxx

Kabanata 21: Tulad Mo 

Khaile's PoV

[Playing: Tulad Mo by Tj Monterde]

https://youtu.be/p4DpjEvcWpw

  Napalingon ako sa bintana ng may biglang may nagpapatugtog. Nagkatinginan kami ni Kyle at parehong nagpunta sa bintana ko.

  Naaninag ko agad yung taong mahal ko na gago kung magpakilig. Naghahallucinate lang ba ako o nananaginip?

  "November pa rin ba kaya, kaya hanggang ngayon tinatakot pa rin ako ng mga kaluluwa?" tanong ko kay Kyle na nasa tabi. "Pati si Spy, minumulto rin ak--aray! Ba't ka nang babatok ha!"

  "Gagi, para gumising ka na! Shit ka naman eh tignan mo oh! Hinaharana ka ng mahal mo!"

  Binatukan ko siya. "Bakit ang sakit mo mangbatok!? Shit ka rin! Letche 'to parang may galit ka pa rin sa 'kin e!"

  Binelatan lang ako ng alien kaya inirapan ko na lang siya at tumingin na lang sa baba. Lumingon si Spy dito sa amin habang nagtutugtog siya ng gitara. Nasa likod niya yung dalawang bugok na kasa-kasama niya lagi na naggigitara rin.

🎶🎶  Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may
Nobyo ka na ba
Sana nama'y wala 🎶

  "Khaileee! Bumaba ka riyan!" sigaw ni tita sa baba kaya napalingon ako.

  Sila kuya, lola at tita nanunuod rin ng concert sa labas este ng harana ni Spy sa akin..

  Harana!? Sa akin!? Wew? Pwede na bang mamatay ako sa kilig!?

  Dali-dali kami bumaba ni Kyle, I mean ako tumatakbo pababa pero si Kyle ay pa-cool na akala mo walang nagaganap. Thug life~

🎶 Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O kay ganda o binibini 🎶

  Kinindatan ako ni Guyabano kaya inilahad ko yung kamao ko sabay binelatan nang bigla ako siniko ni tita habang masayang pumapalapak sa harana ni Spy. Nagmake face na lang ako ng biglang nginisihan ako ni Spy at nagtuloy na siya sa pagkanta..

🎶🎶 O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan 🎶🎶

  Nginitian ko siya. Waaah mommy naiihi ako sa kilig! Pasapak nga po 69x de joke lang po, labyu mommy kong nasa langit langitan!

  Habang nangangalangsay ako sa kilig ay bigla na naman ako siniko ni tita. "Uy kilig siya."

  "Hindi ako kinikiligin tita. Umiiyak ako dahil ang panget ng boses ng impaktong guyabanong 'yan!" sarkastiko ko.

  "Asus!" Letche! Panira sa kilig si tita! "Ako nga kinikilig pamaks e," usal niya habang kinikilig.

🎶 Aalagaan ka't di papabayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa 🎶

  Napataas yung kilay ko ng bigla ako pinalo ni tita sa balikat. Aba! Nagdadalaga si tita, dinaig pa ko. Sino ba hinaharana ng baklang gangster na 'to? Si tita o ako?

  Napaface plam na lang ako pero nahuli ko ang pagkindat na naman sa 'kin ni Spy. Shet!

🎶🎶 O magandang DIWATA
Sana'y may PAGASA
PAGIBIG ko'y aking sinulat
At ikaw ang pamagat 🎶

  Napahinto ako sa pagkilig nang bigla ko naalala si lola na nanonood rin. Lumingon ako kay lola na katabi ni tita na ngayon ay nakangiti lang na nakatingin kay Spy.

🎶 Sana naman ay Mapansin
Himig nitong damdamin
Na walang iba pang hinihiling
Kundi Ikaw ay maging akin ~ 🎶🎶

  "Punta na dun, Khaile!" Nabigla ako ng bigla ako tinulak ni kuya Hypo.

  "Oo nga! 'Wag na pabebe haha!" segunda ni kuya Hyrus.

  "Go go insan!" sigaw nilang tatlo.

  Sinamaan ko sila ng tingin at lumingon kay Spy. Napatikom ako ng bibig dahil sa sobrang lapit ko na pala kay Spy. Siguro 3 inch na lang ang pagitan at isang galaw lang namin ay dadampi na ang labi ko sa labi niya.

🎶🎶 O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan, 🎶

  Umiwas ako ng tingin ng bigla niya akong nginitian ng pagkatamis.

🎶 Aalagaan at di ka't pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa 🎶

  "Anong ginagawa mo?" pabulong kong tanong. "Tumatae."

Di ako naglalaro
Di ako nagbibiro 🎶🎶

  "Pinagloloko mo ba ko?"

  "Tumatae ng pagmamahal ko sa'yo. Langya, malamang hinaharana kita!" giit niya.

🎶 Pagbigyan mo lang SINTA

  Tumigil siya sa paggitara. Nagulat ako ng hinigit niya ako papalapit sa kanya na parang magkayakap kami. Anong ginagawa niya!? Nandito pamilya ko!

🎶 Nang sayo'y mapakita

  "Hindi ko na matiis.. gusto ko na talagang malaman nila kung ano ang meron TAYO."

" Na ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Pangako kong pag naging tayo
Araw araw kitang liligawan " Bulong niyang kanta habang nakatitig sa aking mga mata..

  Shet! Anghel ba 'to o gangster na minahal ko!?

🎶🎶O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan,
Aalagaan at di ka't pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa 🎶

  Shet!

Prinsesa... 🎶

  Nagulat ako sa paglapit ng mukha niya sa 'kin kaya inilayo ko yung mukha ko.

Prinsesa... 🎶

  Inilapit niya uli.

Prinsesa... 🎶

  Nagpunta yung labi niya sa gilid ng taenga ko at bumulong ng.. " Tulad mo... "

  "Wooh!! Shet! Kinikilig ako!!" Parang dalaga tili ni tita.

  Lumayo na ko kay Spy.

  "Magandang gabi po sa inyo.. Lalo na po sa inyo lola." Magalang na tugon ni Spy sa pamilya ko at nagbow siya. "Ako'y naririto para formal na hingiin ang kamay ng apo niyo." Tumingin siya sa 'kin.

  Pinagsingkitan ko siya pero kinindatan lang ako.

  Shit!

  "Ano 'to Khaile?" Seryosong tugon ni lola kaya napalingon ako sa kanya.

  "Anong ano ito lola?" Napailing na lang siya at tumalikod.

  "Pasok. Lalo ka na iho." utos niya kaya isa-isa kami pumasok sa bahay.

  "Gagi ka Spy! Pinainit mo ulo ni lola!" Pagtakot ko.

  Napalunok siya, "Kaya ko iyan."

---

  Pumabilog kami nila Spy at lola sa pabilog na table habang ang dalawa kong kuya na si kuya Hyrus at Hypo ay nakatayo sa likod ni lola.

  Si tita naman nagtitimpla ng juice habang si Kyle at kuya Hyro ay nasa taas.

  "Kaya mo bang buhayin yang pinsan namin?" biglang tanong ni Hyrus.

  "Kaya mo bang pakainin?" tanong naman ni kuya Hypo.

  "Kayang alagaan?"

  "Kayang pasayahin?"

  "Kayang protektahan?"

  "Hindi paiiyakin?"

  "Hindi sasaktan?"

  "Hindi.."

  Napalingon-lingon na lang kami ni Spy sa sunod-sunod na tanong nila insan. Aba! Anong klaseng mga tanong 'yan tangna! Magtatanan na ba kami? Nililigawan pa lang ako ni Spy hoy!! 'Wag kayo!

  "Mahal mo ba si Khaile?" Napalingon ako kay lola na biglang umimik.

  "Opo mahal ko po siya, madame," seryosong usal ni Spy. 

  "Mamahalin mo ba ng tapat at totoo? Maipapangako mo ba sa amin na hindi mo siya iiwan kahit anong mangyari? Kahit ano man ang pagsubok na pagdaanin? Na nandyan ka lang sa kanyang tabi.." Napansin kong may pinanghuhugutan si lola pero binalewala ko na lang.

  "Opo mamahalin ko siya ng tapat at totoo kahit ano man ang mangyari at sa mangyayari. Ipaglalaban ko siya at nandito lang ako sa kanya para suportahan, mahalin, at alagaan at hindi sasaktan.."

  Lumingon siya sa akin kaya nginitian ko siya. Ang sweet ni guyabano! Nakakadiabetes ang kanyang ngiti, leche.

  Tumayo si lola at ngumiti sa amin. "Iho 'wag salita lang, dapat mo rin gawin ang lahat ng sinabi mo." usal niya.

  Tumalikod na siya at nagpunta ng kusina. Kinalabit ko si Spy at tinumbs up. Aakmang yayakapin niya ko ng biglang sumigaw si kuya Hypo.

  "Hep!" Napalingon kami pareho sa kanya.

  "Kaya mo bang mabuhay ng wala siya, Spy?" Malalim na tanong ni kuya Hyrus at Hypo sa kanya.

  "Hindi ko masasabi na kaya kong mabuhay ng wala siya.." Napakunot-noo silang dalawa maski ako. "Kasi nabuhay na ko bago ko pa siya nakilala." Lumingon siya sa akin at tinitigan ako ng mariin. "Siguro mas magandang sabihin.. Ayokong mawala ka, kasi mas masarap mabuhay kasama ka.. Khaile."

  Kaunting katahimikan sa namatay kong puso dahil kay Spy.

  "Gago ka.."

  "Mahal mo naman.."

  "Sige na kayo na ang may lovelife." sabay nilang sabi. Natawa na lang kaming dalawa ni Spy.

*****

Lola Katrina's PoV

  "Oh ma, nandito ka pala. Kamusta dun?" tanong ng aking anak.

  Kumuha muna ko ng juice sa mga tinimpla niya bago magsalita. "Ayun nagpangako si Palmer na mamahalin niya yung apo ko."

  "Ganun naman pala pero bakit parang hindi po kayo masaya?"

  Lumunok muna 'ko. "Hmm masaya naman ako Haidey."

  "Hindi halata ma."

  "Hmm.. siguro natatakot lang ako sa magiging kapalaran nila.."

  "Natatakot? Bakit ma, may mangyayari bang masama?" Kunot-noong tanong niya sa 'kin.

  Inalala ko yung sinabi ko kaya napaiwas ako ng tingin. "Wala anak. Ibigay mo na nga 'yang juice at kanina pa sila nanghihingi."

  "Ay oo nga pala," sambit niya at dali-dali lumabas ng kusina.

  Palmer. Napahawak na lang sa ulo sa dami ng problema.

  Sana.. sana walang gulo, walang pagbagsak at walang paghiganti.

  Spy Giovannie Palmer, sana gawin mo. Gawin mo yung sinabi at ipinangako mo. Dahil kung hindi.. hindi kita mapapatawad na saktan mo ang aking paboritong apo.

  Hinding hindi..

*****

Spy's PoV

Next Day.

~Hoy! May tawag ka! Hoy gago! Gago, may tawag ka! Hoy! May tawag ka! Hoy gago! Gago, may tawag ka!~

  Napamulat ako sa maingay na tunog ng aking phone. Kinuha ko ito sa side table at nakapikit na sinagot.

  "Hello?" Mahina kong tugon.

/Hoy Guyabano!/

  Narindi ako sa sigaw ng babaeng mahal ko. "Sorry. Kakagising ko lang ba't napatawag ka?"

/Tanghali na ah! Siguro nagpuyat ka naman kakanood ng spongebob?/

  "Lul! Mabait na ata ito," ngumisi ako. "Kasi naman.. Napuyat ako kakaisip sa taong mahal ko na nagngangalang Khaile Lynch," sambit ko habang nahagong.

/Lol! Ganun ba?/

  "Langya iyan, 'yun lang ba ang itinawag mo Khaile Lynch Palmer?"

/Leche! Anung Palmer ka jan!/

  "Sus! Kinilig ka lang e!" Tumawa ako ng nakakaasar.

/Gago!/

  Nagstraight ako ng higa at tumingin sa ceiling. "Ba't ka ba kasi napatawag ha?"

/Masama ba? Sige ba-by--/

  "Hindi naman. Kinilig nga ako dahil ikaw rin ang gumising sa patay na patay kong puso sa iyo e."

/Pakyu. Ulul!/

  "'Wag ngayon Khaile may period ako..," pilyo kong tugon sabay dumapa ng higa.

/What the f!?/

  "Hahaha.." Natawa na lang ako nang maimagine ko ang kanyang mukha na pulang-pula sa sobrang inis.

/Nang-aasar ka ba!?/

  "Hindi, nagmamahal lang."

/Leche bahala ka nga! Sayang! May knock knock pa naman ako sana sa 'yo kaso bye na, nang-iinis ka e--/

  "Haha joke lang mahal kong Khaile Lynch Palmer. Sige nga ano knock knock mo sa asawa mo?"

/Leche./

  "Sorna. Sige ano na nga?"

/Leche! Seryoso na kupal.. Knock knock!/

  "Okay okay. Who's there? Mahal ko.."

/Puso./

  "Puso, who?"

  🎶 "O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan~" 🎶

  Malambing na pagkanta niya, sarap halikan! Pero sandali nasaan..

  "Oh.. Nasaan yung puso doon?" takhang tanong ko.

/E? Nasa iyo di'ba?/

*****

Khaile's PoV

  Ilang minutong hindi nakaimik si Spy. Napangiti ako ng pagkalaki laki. "Hello? Hello Spy?"

  Pinakinggan ko yung nangyayari sa kabilang linya.

  Ano 'yun? Nahimatay sa sinabi ko? Pfft!

  "Hoy Guyabano! Bakla! Hoy! Bakla, tomboy, butiki, baboy, pandak! Hoy guyabanong baklang gangster!" sigaw ko sa kabilang linya pero walang kahit anung boses ni Spy ang narinig ko maliban sa pa uga-uga na kama niya?

  Napailing na lang ako at inedd call.

  Siguro.. gumugulong at tumatalon na iyun sa sobrang kilig? Pfft!

  Sayang-saya ang kupal!

  Khaile Lynch Palmer?   Naramdaman ko na naman ang pamumula ng aking pisnge.

  "Argh! Nakakabaliw ka talaga Spy!" sigaw ko at nagtalukbong ng kumot.

-dyosang ceventinia-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top