Kabanata 20: Best Friend
xxx
Kabanata 20: Best Friend
Khaile's PoV
Matapos kong kumain ng panggabihan ay nagpunta ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Tinitigan ko yung ceiling.
Limang araw na lang pasko na at mag-iisang linggo na pala nakalipas yung bakasyon namin.
Napabangon ako at huminga ng malalim. Ba't ganun? Isang linggo ng hindi nagpaparamdam si Spy. Anong na kaya nangyare sa bugok na 'yun!?
Binuksan ko yung laptop ko at ineexpect kong icha-chat niya ko.. pero ang sakit pala umasa. Nakaoffline pa rin siya hanggang ngayon. Lumingon ako sa gilid ng table ko kung nasaan ang aking phone. Wala man lang siyang tawag o kahit text man lang!?
Nakakainsulto na ang pagkawala niya ng ilan araw ah! Hindi nagpaparamdam ang hinayupak.
Napatingin ako sa pinto ng may biglang kumatok. "Pasok."
Pumasok siya. Si Kyle pala. Ngayon ko lang napagtanto na ilang araw na kong hindi iniimikan ni Kyle dahil ba na kay Spy yung atensyon ko? Pero sa totoo lang, inaamin ko na namiss ko ang bestfriend ko! Namiss ko ang alien!
"Bati na tayo?" tanong ko. Sana bati na kami..
Sumandal lang siya sa pinto. "Siya ba? Kayo na di'ba?" Napakunot noo ako sa sinabi niya pero kalaunan ay nagets ko ang point niya.
Si Spy. Hindi ko alam kung ako lang ba ito pero langya, napansin ko sa gilid ng mata niya na may basa basa na parang pabagsak na luha..
Napansin ko rin na iba siya ngayon.. napakaseryosong tao yung kaharap ko. Ni anino na alien na bumabalot sa kanya ay wala akong nakikita! Hindi ito bestfriend ko. Hindi ito yung makulit kong bff.. si Kyle ito na mahal ako..
"Khaile, mahal kita! Ano ba ang hindi mo maintindihan!"
"Bestfriend kita! Hindi mo ko pwedeng mahalin Kyle dahil bestfriend kita!"
"Shit ka naman e! Manhid ka ba o tatanga lang!?" sigaw niya. Basang basa na kami ng ulan.
"E gago ka b--" Nabigla ako sa paghalik niya sa labi ko..
Wala ako sa sarili! Giniginaw na ko dahil sa sobrang lamig ng ulan!
Pero nalaman ko na lang nung bumalik ang sistema ko ay nasampal ko na pala siya sa mukha niya ng malakas. Bumitaw siya sa paghalik. Kahit umuulan ng malakas ay naramdaman kong may tumulong luha galing sa mata ko.
Napatungo siya habang hawak-hawak niya yung dalawa kong balikat. "Ma-mahal kita Khaile.." Pahikbi niyang usal.
Oo! Umiiyak rin siya kaya naaawa ako sa kanya.. Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako dahil hindi ko man lang mapantayan yung pagmamahal niya sa 'kin.
Wala akong karapatan na saktan yung bestfriend ko! Wala!
"Kaibigan na lang ba talaga ang turing mo sa akin?" Kyle.. "Ka-kasi ako, ang turing ko sa'yo higit pa dun e.." Hinawakan ko 'yung baba niya at itinaas ng kaunti.
"Kyle, bwisit naman e! Tigilan mo na 'to. Nasasaktan ako, nasasaktan bestfriend mo!"
"Ayoko!"
"May mahal na ko. Gumising ka Kyle!" Nagulat ako sa sinabi ko.
Napangisi siya. "Bullshit!" Tumalikod siya sa'kin. "Si Spy nga! Ugh fuck! Kingina!" Lumingon siya sa 'kin habang naggagalaiti sa galit.
Napaatras ako dahil sa nakakatakot niyang tingin.. natatakot ako sa nakikita ko. Ibang side 'to ni Kyle!
Lamunin mo na ko lupa, please. Gulong-gulo na ko.
Nagulat ako ng hinatak niya ako papalapit sa kanya at niyakap. "Tss.. pasensya na Khaile ah kung nagseselos ako sa inyo, hindi ko lang kasi mapigilan!"
"So-sorry.." Iyan lang ang nasabi ko.
Naalala ko tuloy yung hugot na sinabi sa 'kin ni kuya Hyro nung mga nakaraang araw na.. "Kung hindi mo kayang mahalin ang taong nagmamahal sa 'yo, ingatan mo na lang siya bilang kaibigan." Hay..
Inangat ko yung kanang kamay ko at naramdaman ko na lang na naglakbay ito sa likod ni Kyle. "Mahal kita Kyle.. Mahal kita bilang bestfriend, kapatid at tunay na kaibigan. Kahit alien ka man nandito lang ako sa tabi mo. At ayaw na ayaw ko na masira ang matagal na pagkakaibigan natin. Maraming ibang babae pa jan na mamahalin ka pabalik, siguro hindi tayo para sa isa't isa kaya sana matanggap mo ng buong buo Kyle na may parte talaga na hindi magiging sa 'tin.. kaya Kyle please.."
Hindi ko alam kung saan ko nahugot yung huling sinabi ko sa kanya pero nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng lakas loob na sabihin kay Kyle 'yun.
"Kamusta na kayo?" Biglang panibagong tanong niya.
Ako at ni Spy? Kami..
*****
Kyle's PoV
Yung tanggap mo na yung mga binitawan salita ni Khaile pero hanggang ngayon masakit pa rin..
"Kamusta na kayo?" Pag-iiba kong tanong.
Pake ko ba kung ano na status nila?
Ano ba Kyle, sinasaktan mo lang yung sarili mo! Tama na. Move on na! Tama na ang ka-alienan Kyle! Minsan naman clown!
"Ah kalimutan mo na yung tanong ko. Si-sige ali--"
"Ewan ko." Ewan?
Lumingon ako sa kanya. "Tss ewan! Gago 'yun e! Mag-iisang linggo na hindi nagpapakita. Walang text, walang chat o tawag. Wala nga akong balita sa kanya e.. Paano ko kaya masasabi na kamusta na siya o kami.." Bumuntong hininga siya, "Hmm siguro nag-abroad o baka namatay na 'yun.." Napahinto siya sa pagsasalita na parang may inaalala.
Yung mata niya na kanina'y malungkot at naiinis, ngayon naman parang hindi mapakali at parang kinakabahan.
*****
Khaile's PoV
Napahinto ako sa akin sinasabi. Hindi! Hindi pwede.. Biro lang iyun.
Hindi pwedeng mangyari iyun.
Spy? Nasaan ka na ba?
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top