Kabanata 18: Kiss Sabay Hug
Insert note: Pakisaloobin ang kanilang NARARAMDAMAN para mafeel niyo at MAIMAGINE ❤
xxx
Kabanata 18: Kiss Sabay Hug
Khaile's PoV
"A-aray Spy yung buhok ko!"
Pagkapasok ng pagkapasok namin sa dungeon halos mapasigaw ako sa sobrang pagkapit ni Spy sa 'kin! Leche, yung buhok ko nahihila. Masakit.
"Sorry," paumanhin niya. "Akala ko ba 'di ka takot? Tara na!" Hinila ko na siya papasok.
Puro kalabog at sigawan ng mga babae ang naririnig 'ko.
"Ano ba, gago! Kaya nga tayo pumasok para maenjoy e. 'Wag ka nga magtago sa damit ko dahil hindi ka kasya jan!"
"Tangina ka pala Khaile e. Anong enjoyment 'to? Halos mabaliw na yung mga pumasok!"
"Bakla!"
Lumayo bigla si Spy sa 'kin." Sinong bakla ha! Sino Khaile!" Hindi takot na tugon niya.
"Tanong mo kay mangbabara baka alam niya." Tinuro ko yung katabi niya na nakaitim.
Nanigas siya at dahan-dahan na lumingon sa likod niya.
"Putangina! Kai--aray Khaile!" Hinila ko 'yung buhok niya papalayo sa tao na nananakot dito sa horror house.
Muntik ba naman suntukin ni Spy, dyusko! Nakakahiya kasama!
"Paumanhin po, tara na nga Spy!"
"Khaile! Ano ba! Papatayin ko yung walanghiya na iyun!"
"Sige patayin mo! Iiwan kita!"
"Sabi ko nga tabi lang tayo," ani Guyabano at sabay kapit niya sa leeg ko at pinulupot.
"Iba na 'yan Spy, iba na nahahawakan mo."
"Ay sorry sorry." Leche, galawang breezy ang impakto.
"Ack ack! Sp--aahh!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Spy syempre mura 'yung sinigaw.
"Ack! Ack ano ba Spy! Nasasakal ako ack!" gigil na gigil pa rin si Spy sa leeg ko.
"Kha--aray! Aray!"
"Sabing nasasakal ako!" Ginilid ko siya at sinakal sakal, "Grr!"
"Tama na iyan ack!" sigaw n'ya.
"Leche!"
---
"Spy!"
"Yes?" Magkahawak kamay kami habang naglalakad. "Uwi na ko.."
"Khaile.. Matagal ka ng nakauwi sa puso ko." Binatukan ko s'ya. "Manahimik ka ngang gago ka! Uwi na tayo baka hinahanap na ko nila kuya."
"Sus mamaya na.."
Bumitaw ako. "Iuuwi mo ko o sisipain ko 'yang pagmumukha mo?"
"Sabi ko nga iuuwi na kita baka nag-aalala na sila." Hinawakan niya uli yung kamay ko at pinagintertwined.
Naglakad na uli kami.
"Ang liit lang pala ng kamay mo 'no.." Tinignan ko siya na may pagtataka.
Tinaas niya yung kamay naming magkahawak.
"May problema ka sa maliliit?"
"Maliit rin ako! 'Wag ka nga! Langya!"
"Wow! Pinagmalaki. Ayos ah!"
Sinamaan niya ako ng tingin. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Nagsamaan kami ng tingin. Tumingin na lang uli siya sa kamay namin. Lah.
"Ang liit lang pala ng kamay mo pero paano mo nahawakan ang mundo ko?"
Tinarayan ko siya pero nginitian niya lang ako at nagtuloy sa paglalakad.
Asdfghjkl!! Ang hot ng puso ko! Shet!
"Oh Khaile.. Natahimik ka ata." Lumingon ako sa kanya. "Gago ka kasi!" Binelatan ko siya.
Nakalabas na kami ng Star City. "Tangina naman kita.." Kinindatan niya ko.
"Trip mo talaga ako 'no?"
"Trip na trip ka ng puso ko. Hahaha!"
"Ang baduy mo.." Nasaan na ba kasi 'yung van nila Spy!?
Kanina pa nagsasayaw yung rectum ko sa sobrang kilig e! "Kasalanan mo.." Napatingin ako sa kanya.
"Walanghiya! Sira ulo ka ah!"
"Kung ganon, ikaw ang may problema."
"Leche! Bakit ako?"
"Sira ulo ako, eh ikaw lang naman ang laman nito.."
"Kupal! Ano, diyan. Diyan ka magaling sa pang-aasar, sa pagaalaska sa 'kin! Langya, Spy. Wala kang pinalipas na araw na hindi mo ko inasar. Wala kang puso! Bushit!"
"Eh 'di ipahiram mo sa 'kin yung sayo."
"Heh! Adik ka talaga!"
"Sayo lang naman.." Pinisil niya 'yung kamay ko. "Leche!" Bumitaw na ko sa pagkakahawak ng kamay namin. "Flan."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bulkan ba labi mo?" tanong ko.
"Pwede!" Nginitian niya ako ng nakakaasar.
"Ang sarap kasi pasabugin e."
"Basta ba labi mo lang ang sasabog sa labi ko."
"Pakyu!" Pinakyuhan ko siya. "Hoy gago! Nasaa--ahh!" Napalundag ako nang may biglang umatake kay Guyabano.
Napasigaw ako dahil sa bilis ng pangyayari. Bumagsak si Spy sa sahig na may dugo sa gilid ng labi.
"Hayop ka! Saan mo dinala si Khaile ha!" Sinuntok uli siya.
"Kyle!" sigaw ko pero wala ata siya narinig dahil tuloy lang siya sa pagsusuntok kay Spy. "Saan mo siya dinala, hayop ka! Kanina pa kami nag-a-alala kung anong nangyare sa kanya!" Sinuntok uli niya.
"Tama na 'yan Kyle!!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig.
Gusto ko man hatakin si Kyle palayo kay Spy pero parang ibang Kyle ang nakikita ko ngayon. Ang dilim ng aura niya. Nakakakilabot. Nakakatakot.
"Makikita ko na lang na kasama mo siya, tangina ka!!"
"Kyle!!" Napatili ako dahil biglang tumalsik si Kyle sa lakas ng pagkakasuntok ni Spy.
Sinusubukan ko iawat sila pero babae lang ako, hindi ko kaya sila!
"Spy!! Kyle!!" sigaw ko sa kanila. Tuloy-tuloy lang sa pagsuntok si Spy kay Kyle.
"Ho-ho-hoy!"
"Tama na 'yan! Hoy!"
"Awat na! Kyle!"
Mabilis na nagsidatingin sila kuya Hyrus. Pilit nilang pinaglalayo silang dalawa.
"Ano ba!!" sigaw ko ng malakas. Nandito na rin pala 'yung mga guard.
"Umalis na nga kayo! Kyle!! Umuwi ka na! Spy! Lagot ka sa 'kin mamaya," sigaw ko.
Nagpaumanhin ako sa mga guards na kunwari naglalaro lang sila. Mga chismosong guard.
"Ano ba! Tangina! Siya nauna!" galit na sigaw ni Spy.
"Spy! Tumigil ka na!"
"Hoy gago! Hindi mo siya pagmamay-ari! Dahil hindi siya sayo! Tandaan mo 'yan! 'Wag na wag kang aaligid sa bestfriend ko!!" bulyaw ni Kyle.
"Ano ba Kyle!!"
"Aba gago ka pala e!" At aakmang susugudin na naman ni Spy si Kyle, mabuti naging alerto si kuya Hypo at kuya Hyro kaya nahawakan nila 'to.
"Putangina ka!" Napamura na lang si Spy.
"Mga insan. Umuwi na kayo nila Kyle," saad ko.
"Paano ka Khaile?"
"Kay Spy ako sasabay. Kaya ko na sarili ko," Tumingin ako sa Guyabano. "Leleksyunan ko muna 'to."
"Sige sige. Tara na tara na!" saad ni kuya Hyrus, ang mas matanda sa magkakapatid.
Pilit na tinutulak nila insan si Kyle palayo.
Hay..
Nang makalayo na sila bigla ko sinamaan ng tingin si Spy.
"Oh! Bakit ako? Kingina! Siya yung unang sumugod! Langya, ako ba ang may kasalanan dito?"
"Gago! Deffensive! Iuwi mo na ko!!"
"Tss!"
*****
Hyro's PoV
"Bakit niyo pinabayaan si Khaile dun sa gagong 'yun ha!" inis na tugon ni Kyle sa 'min.
Binuksan ko 'yung gate ng bahay namin. "Kilala namin si Sp--"
"E tangina pala kayo eh! Paano kung may mangyaring masama sa ka--"
"Tumahimik ka muna pwede!?" Naiinis na saad rin ni Hypo. "Bakit ka ba nagaalburoto ha? Mabuti na lang kasama ni Spy si Khai--"
"Eh paano kung hindi pala kasama!"
"Eh gago ka rin pala e!!" bulyaw ni Hypo at aakmang susuntukin si Kyle kaya pumagitna ako sa kanila.
"Ano ba! Para kayong bakla!!" sigaw ko. Nahawakan ni Hyrus si Hypo.
"Hyro?" Narinig ko 'yung boses ni lola.
Pare-pareho kami lumingon sa may pinto ng bahay.
"Nanjan na pala kayo mga iho. Ba't ayaw niyo pang pumasok?" tanong ni lola sa amin.
"Ah e.." Napakamot na lang sa ulo si Hyrus. "Teka, nasaan pala si Khaile?"
"Ah nas--" Pinutol ko 'yung sasabihin ni Hyrus. "Kasama ni Spy lola. Nagkahiwalay kami pero makakauwi na po 'yun.. 'Wag na po kayo mag-alala.."
"Hmm.. Kung ganun ba't ayaw niyo pa pumasok. Halina't kumain, nagluto ako ng adobo para sa inyo."
Nag-unahang nagsitakbuhan sila Hypo at Hyrus. Nang makapasok sila ay tumingin ako kay Kyle.
"Tanga ba ko?" imik niya.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa gate. "Walang taong tanga, nagmamahal lang talaga.."
Napayuko na lang siya. "Pero.."
"Kyle ba't ganun.. Bakit mo isisiksik ang sarili mo sa taong wala namang pake sa 'yo?"
Napatingin siya sa 'kin. Namumula siya ngayon sa sobrang galit at.. selos.
"Yun na nga e..," Napatadyak siya, "pero puta nakakainis lang! Nakakai--"
"Minsan, hindi ka naman talaga naiinis e. Naseselos ka lang!"
Napahinto siya. "Wala ako sa posisyon para magselos Hyro.. wala dahil wala akong karapatan para magselos!"
"Oo wala kang karapatan Kyle pero.. Hindi ka masasaktan kung wala kang pakialam. At hindi ka rin magseselos kung wala kang nararamdaman."
Napailing ako nang may tumulong luha galing sa mata niya.
Masakit umasa, oo. Pero mahal mo ee.. Ano pa nga ba ang magagawa mo?
"Hyro! Hyro! Please! Lubayan mo na ko.. hindi na kita ma-mahal!"
Nabitawan ko yung papel na hawak ko. Niyakap ko siya.
"No! No! Nagsisinungaling ka lang! Please Tata mahal na mahal kita.."
"Bi-bitawan mo ko!" bumitaw siya. "'Wag ka na umasa Hyro so-sorry.."
"Tata! Paano na tayo yu--"
"Walang tayo.." Tumalikod na siya sa 'kin. Niyakap ko siya mula sa likod ng mahigpit. Pareho na kami umiiyak habang ang ulan ay nakikisabay. "Hindi ko kaya na mawala ka Ta.. Mahal na mahal kita.. "
Pilit niyang tinatanggal yung kamay ko sa tiyan niya. "Hindi.. Bata pa tayo. Sorry." Natanggal yung pagkakayakap ko sa kanya at mabilis na umalis. Napaluhod na lang ako.
Bakit? Bakit ngayon pa?
Napangisi na lang ako nang maalala ko na naman yung nakaraan.. Apat taon na rin pala ang nakalipas..
Pagtapos ng gabing iyun hindi ko na siya nakita pa.. Apat na taon na rin pala, dapat na nga ba ako magmove on at humanap ng kaligayahan ko. O aasa ako na babalikan niya ko..
*****
Kyle's PoV
Inakbayan ako ni Hyro. "Bakit kaya ganun 'no? Nagmamahal lang naman tayo pero bakit tayo pa yung mas nasasaktan," tugon niya at pumasok na siya sa bahay.
Ewan ko rin e.. Ewan.
"Madapa na nga lang, masakit na e. Eh yung ma-fall pa kaya na walang sumasalo..," bulong ko sa sarili.
*****
Khaile's PoV
Nasa may van na kami. Hindi kami nagpapansinan ni Spy. Nakadungaw ako sa bintana habang siya'y may kinakalikot sa cellphone niya.
"Khaile.." Maamong tugon niya.
Akala ko hindi na niya ko papansinin.
Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin sa pagtingin sa labas. "Huy.." Sinundot niya ko sa tagiliran pero wala pa rin akong kibo.
"Huy tumingin ka nga sa 'kin tomboy!" sigaw niya at pinaharap niya ko sa kanya.
"Bakit ba!"
"Kingina!"
"Minumura mo ko??"
"Okay! Okay sorry.."
"Ba't ka nagsosorry ha?"
Ginulo niya yung buhok niya. "Tss! Sorry na nga e diba! Nagtanong ka pa!" sigaw niya.
"Ba't ka naninigaw ha!"
"Argh!" Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik uli ako sa pagdungaw sa bintana.
Ang gulo niya! Nakakainis! Bakit? Masama ba magtanong!? Tss!
Lumipas ng ilang minuto na katahimikan..
Ugh! Pinipilit kong 'wag kang pansinin pero hindi ko kaya! Hindi ko kaya!! Bwisit!
"Ano rason mo.. I mean anung rason mo ka-kaya ka nagsosorry?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas.
Napansin ko sa aking peripheral vision na tumingin siya sa 'kin.
"Lahat ng bagay may rason katulad ko may rason ako para mahalin ka."
"Ano ba! Hindi lahat ng oras nakikipagikutan ako sa mga banat mo!" walang gana kong saad at inirapan.
"So-sorry..," tugon niya. Bumuntong hininga na lang ako.
"Okay..," ani Spy, "I'm moody like Squidward. Sometimes selfish like Mr. Crabs. A bit dumb like Patrick.." Bigla niya kinuha yung right hand ko sa bintana. "But I'll be there for you like Spongebob.."
Hindi ko pa rin siya tinitignan. Naramdaman ko na lang na nilagay niya yung kamay ko sa puso niya.
Ang bilis ng tibok ng puso niya na akala mo'y may nakikipagkarerahan sa kama--ng mga kabayo.
Lumingon ako sa kanya, "Alam mo ba 'yung salitang ' Galit ako sa 'yo ' ?" Lalong bumilis yung tibok ng puso niya. "'Yun yung ayaw kitang pansinin pero hindi kita kayang TIISIN!" Hinalikan ko siya sa kanyang pisnge ng mabilis.
Nginitian ko siya pero nagulat ako ng yakapin niya ko ng mahigpit. "Mahal na mahal kita Khaile.. Gagawin ko ang lahat para mapasa'kin ka lang habang buhay. Gagawin ko ang lahat para ipaglaban ka. Kahit ano pa ang harapin na pagsubok. Mahal kita at gagawin ko ang lahat para ipaglaban ka!"
"Mahal na mahal rin kita bi! Asawa ko.. Gagong gangster sa buhay ko! Guyabanong baklang gangster ko!" Kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin.
Nabigla ako sa pagsmack kiss niya sa 'kin.
"Isa." Hinalikan niya uli ako sa labi.
"Dalawa." "Tatlo." Hinalikan niya uli ako.
"Apat.."
"Hmm.. kulang p--" Hinawakan ko yung hoody niya na nakasuot sa ulo niya gamit ang dalawa kong kamay. Hinila ko siya papalapit sa akin. Nginitian siya at ako na ang humalik sa panglima.. "Lima," tugon ko.
Nginitian niya rin ako. "I love you so much! Khaile.." At hinalikan na naman ako pero this time hindi na smack kiss kundi passionate kiss..
"Ehem!" Napahiwalay ako sa paghahalikan namin. "Manong Gardio naman eh!" maktol ni Spy sa driver at nagpout. "Naiinggit ako.."
"Edi umuwi ka sa pamilya mo at wala kang magiging sweldo."
"Sir naman." at sabay kamot ni kuya Gardio sa ulo niya.
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Para lang sila mag-ama.. Mula pagkabata, si Kuya Gardio ang laging hatid sundo namin ni Spy kahit saan.
"Joke lang, sige umuwi ka na muna manong sa pamilya niyo ako na bahala sa bahay."
"Talaga?"
"Oo na! Mamaya. Just drive kung ayaw mong mabago ang isip ko." Sinikuhan ko siya. "What?"
"Wala ka talagang galang e 'no? Pero nakakapanibago, bumabait.. Ayiiieh!" saad ko at sinusundot sundot siya sa tagiliran.
"Basta ikaw," usal niya at kinindatan ko.
"Gago!"
"Gwapo naman." Nginisihan niya ko.
"Encyclopedia ka ba? Ang KAPAL mo kasi eh."
"Wew," binelatan ko siya, "Grabe, ang dami mong banat Khaile."
"Tss! Leche! Ikaw nga jan ang dami mong baon na pick up line! Wala na nga akong maisip na iba. Kundi ikaw."
"Asus! Kinilig naman ako! Pakiss sabay hug naman jan!" Aakmang yayakapin at hahalikan niya ko kaya bigla ako umiwas.
"Gagi!"
"Haha! Kiss sabay hug nga jan Khaile. 5x mabilis.."
"Ako ba'y niloloko mo?"
"Dali na! Mabilis na kiss sabay hug. Go!"
Pinagsingkitan ko siya ng aking mga mata. "Kiss sabay hug. Kiss sabay hug. Kiss sabay hug. Kiss sabay hug. Kiss sabay h--ang bastos mo ah!!" binatukan ko siya.
Tangina! Nadale ako dun ah!
"Bastos bastos!"
"Hahahaha!" Nakitawa na rin si Kuya Gardio.
"Ang bastos mo!! Pakshet! Pakyu pakyu!"
"Sayo lang.. hahaha!!" saad niya habang iniilagan niya yung mga pagpalo ko sa kanya.
Kiss sabay hug. Kiss sa bayag!?
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top