Kabanata 16: Galawang breezy
xxx
Kabanata 16: Galawang breezy
Khaile's PoV
"Mga anak, Khaile, Kyle nanjan na si Spy," sigaw ni tita, "Khaile ang tagal mo naman bumaba."
"Sandali tita! Mukhang mas excited ka pa kaysa sa amin." Bumaba na 'ko ng hagdanan.
Nasa labas na sila insan at Kyle. Pagkalabas 'ko, ngiting nakakaasar ang bumungad sa 'kin.
"Magandang umaga sa 'yo, binibini," saad ni Spy. "Anong kinaganda ng umaga aber?"
"Mas maganda ka pa sa umaga," usal niya saka at saka kinindatan ako. "Dahil jan ikaw magdala nito." at sabay hagis sa kanya ng bag na puno ng mga pagkain.
"Aye aye!" Masiglang tugon niya.
Inirapan ko lang siya at lumabas ng gate. Sa totoo lang kanina pa ako natutunaw sa kanyang mga ngiti at titig sa'kin. Ang gwapo niya ngayon!
"Kasya pa ba ang mga dala?" tanong ni Spy kanila kuya Hypo na busy sa pag-aayos ng mga bagahe.
Bwiset, bakit ang gwapo niya ngayon? Naka-black pants siya na suot, naka-black na t-shirt with matching jacket na puti na nakasuot sa may bandang waist niya. Napakasimple ng suot niya pero ang lakas ng impact sa'kin. Bagay na bagay talaga sa kanya kapag naka-black siya.. Ang gwapo niya pakshet ngayon. Ang gwapo ni Guyabano. Ang hot niya!
"Khaile.." Nagulat ako sa pagtawag ni Spy sa'kin. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala siya tinititigan. Leche, nasobrahan ata ako sa pagpuri niya.. baka lumaki ulo.
Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Bakit?" tanong ko pero napangisi lang siya.
Problema niya? Psh, nababaliw.
Lumapit na ako sa sasakyan naming van. "Khaile, dito ka tabi tayo." Napatingala ako, si Kyle pala. Nakaupo na sa gitna ng van.
Van nga pala nila Spy ang gamit namin ngayon at tutal naman marami kami.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Sure." Sumakay na ko sa Van at pwe-pwesto na sana ng may humawak sa 'kin braso.
Napalingon ako sa likod. "Problema mo?" tanong ko kay Spy. "Dito ka sa kabilang upuan," utos niya at hinila ako pababa.
"Magkatabi tayo," giit niya. Natakot ako sa bigla pagkaseryoso ng kanyang aura kaya sinunod ko na lang. Ano na naman nangyare sa isang 'to?
"Wala kang katabi? Tayo na lang tabi." saad ni kuya Hypo kay Kyle ng walang kagana-gana.
"Hoy mga lalaki mag-iingat kayo ah at t'yaka bantayan niyo 'yan si Khaile," saad ni tita.
Tumango kaming lahat.
"Mag-iingat kayo mga apo."
"Opo lola," saad namin at sinarado na yung pinto ng Van. "Oh paano ba 'yan, prinsesa niyo ko ngayon araw," saad ko sabay nginitian silang lahat.
"Naman prinsesa ko," at sabay kinindatan ako ni Kyle.
May apat na row 'yung Van. Sa unahan row ay 'yung driver nila Spy. Sumunod na row, magkatabi sila Kyle at kuya Hypo. Sa pangatlo row naman ay kami ni Guyabano at sa last row naman ay sila kuya Hyrus at Hyro. Walang nakaupo sa may passenger seat maliban sa bag namin na puno ng pagkain.
Balak ko muna matulog dahil mahaba-haba ang biyahe ng bigla akong sinundot ni Spy sa tagiliran.
Tumingin ako sa kanya at pinanliitan ng mata. Ayoko yung bigla-bigla ako sinusundot sa tagiliran e!
Bumulong siya, "Kung sila prinsesa ka lang. Ako, reyna ka ng buhay ko at sa magiging anak natin."
Sinikuhan ko siya. Muntik na 'kong magwala dito sa Van dahil sa sobrang kilig! Tangina ka Spy!
*****
Kyle's PoV
Nandito na kami sa aming destinasyon. Lumingon ako sa likod. Mahimbing natutulog sila ni Khaile.. Napangisi ako ng mapait dahil pareho magkapatong ang kanilang mga ulo.
Tatapikin ko sana sila pareho dahil nandito na kami ng pigilan ako ni Hyro.
"'Wag, hayaan mo muna sila,"
"Hahayaan??" Nginitian niya lang ako.
Wala na lang ako magawa kundi lumabas at magpahangin.
"Alam mo.." panimula ni Hyro. Tumingala siya at tinitigan ang langit, ganoon rin ako.
Medyo dumidilim ang kalangitan dahil sa mga itim na ulap na bumabalot, mukhang uulan.
"Ang hirap hulaan nitong ulan kung babagsak ba o hindi," napatingin ako sa kanya habang siya ay nakatingin pa rin sa langit. "Parang sa love, ang hirap mag-assume kung na fall na siya sayo o hindi."
Napatingin na lang uli ako sa langit. "Hyro bitter ka ba?" tanong ko.
"Hindi ako bitter, nasaktan lang.."
Pareho pala kami.. pero shit naman! Tinanong ko ng matino tapos HUGOT ang sagot.
"Sige Hyro pahangin lang ako dun." Tumango lang siya habang nakatingin pa rin sa langit.
Biglang sumagi na naman sa utak ko yung imahe ni Khaile. Napapadyak na lang ako sa inis.
Haist! Naiinis ako dahil wala akong magawa. Naiinis ako dahil hindi man lang ako makaimik. Naiinis ako dahil wala akong lakas na loob. Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako.
"Naman prinsesa ko," nginitian ko si Khaile at kinindatan.
"Hahaha baliw!" Silent na tugon niya.
"Kyle ang landi," bulong ni Hypo. Nginisihan ko lang siya at humarap sa harapan.
"Khaile.." tawag ng Spy na 'yun.
Pinatong ko yung braso ko sa bintana at nagtulog-manok.
"Kung sila prinsesa ka lang. Ako, reyna ka ng buhay ko at sa magiging anak natin."
Napadilat ako. "Gago ka! Letche oo na," bulong ni Khaile na talagang hindi namin maririnig.
Naiinis rin ako dahil wala akong karapatan para magselos!
*****
Khaile's PoV
Nagising ako sa ingay ng paligid. Napamulat ako. Wala ng tao sa unahan namin. Babangon na sana ako pero ang bigat ng nasa ulo ko.
Napansin kong nakapatong yung ulo ni Spy sa ulo ko. Naalala ko na pinapapatong niya yung ulo ko sa balikat niya kesa magkabukol-bukol yung ulo ko sa bintana.
Ang sweet ng Guyabano 'no? Pakshet lang. Dahan-dahan ko tinanggal sa pagkakapatong yung ulo ko sa balikat niya. Nabigla ako dahil lumanding yung ulo niya sa may likod ko. Langya, tulog na tulog lang ah. Pagod? Dahil mabait ako ay inayos ko yung ulo niya at pinatong ito sa sandalan ng upuan.
Balak ko na sana siyang gisingin ng bigla ako napahinto at napatingin sa kanyang mapupulang labi..
Napunta yung tingin ko sa mahabang pilik mata niya.. nahiya naman yung putanginang pilik mata ko! Ang linis ng kanyang mukha, ang kinis nakakainggit lang. Mas babae pa siya manamit ngmaayos kaysa sa 'kin na pambasahan lagi yung damit kapag nasa bahay. Ang tangos ng ilong niya, e ako? Pango geez! Pero hindi naman yung sobrang pango, hinding-hindi ko magiging ama si kokey 'no! Nahiya naman yung tanginang pimple ko sa gilid ng pisnge ko sa kinis ng mukha niya!
Sinuntok ko siya sa tiyan niya kaya bigla siyang napaaray. Naiinis ako dahil naiinggit ako sa perfectionist ng boyfriend ko! Boyfriend pwe!
"Hoy! Hoy!"
"Hoy!! Nandito na tayo leche, ang bigat ng ulo mo."
"Oo na! TLangya, para kang manok na putak ng putak nakakarindi sa tainga," beastmode na saad niya. "Para ka naman si kokey, kamukha mo."
"Tss!"
Humikab siya sa pagmumukha ko. Bastos!
Napahawak ako sa ilong ko. "Takpan mo nga 'yang bibig mo."
"Problema mo na naman tomboy?" tanong niya at sabay inat. Halatang pagod buong magdamag. Alam na lol!
"Ang baho kasi!"
"Hininga mo lang 'yun," tugon niya. "Aba gago ka a! Porket mabaho ka jan," inirapan ko s'ya, "lagi kasing hindi nagpapalit ng brief!"
"Nakita mo?"
"Ulul! Baka naamoy ko?"
Nagsisimula na naman kami! Ayaw magpatalo ng bugok na 'to!
"Aso ka? Daig mo pa ang malakas ang pang-amoy."
"Tigre ako gago! Magsalamin ka nga."
"Nagmahal pala ako ng tigre?"
"Ay hindi baka gorilya, maglinis ka nga ng ilong mo baka barado."
"Putcha! Akala ko tae yung minahal ko." Binatukan ko s'ya. "Aray tangna! Anong connect pala ng ilong sa tainga?"
"Search mo sa google, gago!" Umuusok na naman ang kanyang ilong. Napafaced palm na lang ako.
"Ang baho talaga putcha!" irita ko.
"Bakit? Mabango ba ang tae??" sarkastikong tugon niya.
Putanginaaa!
Epal oh! Pigilan niyo ko sasapatusan ko 'tong kasama ko.
"Bakit kausap ka?!"
"Narinig mo pangalan mo??"
"Gago!"
"Feeler mo tomboy."
Aba! "Sino kaya unang feeler sa 'tin?"
"Sinong unang minahal ko?" Napahinto ako, "edi ikaw."
"Ang lakas mo makadrama, wala sa lugar," tugon ko sabay pinalo siya sa braso, "tabi nga! Hinihintay na tayo nila kuya!"
"Khaile, dito na lang tayo sa van."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Nag-a-aya ka jan na magstar city tapos ikaw pa ang gumusto na sa van na lang?"
"Ikaw lang naman ang niyaya ko! Para masolo kita," giit niya.
"Ienjoy mo na lang, masaya naman sila kasam--"
Nagkibit balikat s'ya. "Iba ang feeling ko sa gagong Kyle na 'yun." Napatingin ako sa kanya. "Mabait naman siya ah."
"Pakitang tao.." bulong niya.
"Oy hindi ah!"
"Pinagtatanggol mo pa siya, kanina ka pa kaya niya tinititigan!" Nagpout siya.
Napataas yung kilay ko sa sinabi niya. Inakbayan ko siya.
"Drama mo! Tara na nga!" Tinutulak ko siya palabas. Habang lumalabas kami ng van, may binulong ako sa kanya. "Ikaw lang, sapat na."
Napalihis yung tingin niya bigla pero nahuli ko na napangiti siya.
"Nasaan na sila?" Pagkalabas namin ng van ay wala sila kuya at Kyle maski ang driver.
Inikot ko ang aking tingin pero ni anino nila ay wala.
"Alam mo ba Khaile na ang KAIBIGAN ay isang makahulugang salita."
"Oh tapos?" Palingon-lingon pa rin ako.
"Edi tapos." Napatingin ako sa kanya. "Gago lang?"
"Gwapo naman."
"Letche!"
"Khaile.. Sapagkat paano na ang IBIGAN kapag wala KA ?" Napahinto ako.
Tumalikod ako sa kanya at pasimpleng may kinukuha sa van dahil epal oh, nangingisay ako sa kilig!
"Aray leche!" Dahil sa napakalikot kong kamay ay nahiwa yung hintuturo ko.
"Hoy anong nangyare sa 'yo?"
Lumingon ako. "Nasugatan kamay ko eh. Bushit!"
"Akin na kiss ko.." Nilayo ko sa kanya bigla yung kamay ko baka makita kami nila kuya. Pero kanina ko pa sila hindi makita.
"Para nga gumaling." Mabilis niyang nahablot yung kanan kong kamay at hinalikan yung hintuturo na nasugatan.
"Ulul! Pero salamat."
"Sa labi ba hindi ka nasugatan?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman. Bakit?"
"Para makiss ko din." Binatukan ko s'ya.
"Galawang breezy amputs!"
"Mahal mo naman." Kinindatan niya ako kaya binatukan ko uli s'ya.
Kainis! Kinikilig ako putcha!
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top