Kabanata 15: Post

xxx

Kabanata 15: Post

Khaile's PoV

  "Oh ano? Tutunganga na lang ba tayo dito?" tanong ko habang nakapamaywang.

  Lumayo kami sa bahay, gusto ko rin kasi makausap ang lesheng Guyabano na 'to.

  "Wala ka bang sasabihin kingina ka?" Nginitian lang ako ng loko. "Okay. Kausap ko sarili ko." Nginitian niya uli ako.

  "Ang cute mo," maamo niyang tugon.

  Napataas ang aking kilay sa sinabi niya. "So?" nginitian niya uli ako.

  Hay! "Anong eksena iyon?" tanong ko pero nginitian lang ako.

  Seriously? May sayad ata siya ngayon.

  "Okay! Ilan bang katol 'yung nasinghot mo sa bahay namin?"

  "Pfft! Hahaha!"

  Tinaasan ko na naman siya ng kilay, "Okay ka lang Spy? Ilan palabas ba ng spongebob ang napanood mo?"

  Naalala ko bigla 'yung sinabi ko sa kanya nung bago pa ako umuwi ng bahay nung nasa condo pa ako ni Spy, "Kung nalilibog ka o namimiss mo ako, manood ka lang ng spongebob."

  Spongebob means porn, ang meaning ko lol!

  "Gagu! Tomboy, kilala mo si peter pan?"

  "Oh anong meron sa kanya? Sabay ba kayo nanood?"

  Hanggang kailan matatapos itong corny na usapan?

  "Hindi langya! Diba sabi niya.. sabi ni Peter Pan, when you think happy thoughts, you'll fly? Eh ba't pag iniisip kita.. I fall?"

  Imbis na barahin ko 'yung sinabi niya ay napatikom na lang ako ng bibig.

 Pasimple kong kinagat 'yung labi ko dahil muntik nang mahulog 'yung matris ko sa sobrang kilig! Walang hiya ka Spy! Ba't ka ganyan!?

  "Oh talaga?" mangha kong tugon habang tinatago ko yung kilig, "Dapat kinwento mo sa pagong.."

  "Oo ba, kwe-kwento ko talaga, kaso sawang-sawa na yung pagong sa mga kwento ko, puyat pa naman 'yun."

  E? "Ang korni mo."

  Tangn-- "Mahal mo naman.." at sabay nginitian ako.

  Okay.. nagwawala na 'yung rectum ko sa sobrang kilig! Sarap imudmod ni Spy sa labi ko! Hehe joke lang, ang landi ko ugh!

  "Letche! Lumayas ka na nga!"saad ko habang pinagtatabuyan siya.

  "Kinilig ka lang e."

  "Ulul! Alis na."

  "Sandali tae, nasaan muna 'yung goodbye kiss ko?"

  "Goodbye flying kick, gusto mo?"

  "Tangina."

  "Ah ganoon, gusto mo talag--"

  "Sorna hindi na nga e."

  "Hmm." Nginisihan ko s'ya. Pumasok na siya sa kotse niya, "Ingat sa daan baka mabangga ka ng ovaries, 'wag magpapalandi sa iba dahil mamahalin mo pa ko." paalala ko at sabay kinindatan siya.

  "Hindi pwedeng mangyare iyun, iyong-iyo lang katawan ko."

  "Pakshet ka."

  "Tss, oy tae!"

  "Hoy ka rin Guyabano."

  "Langya, tss. Sumulpot ka sa Sunday ah! Kung ayaw mong buntisin kita ng maaga."

  "Waah nakakatakot." sarkastiko kong tugon. "Hindi ako nagbibiro." usal niya at ngumisi.

  "Oo na sige na! Punyeta 'to!"

*****

3rd person's PoV

  Pumasok na sa loob 'yung lola ni Khaile, nadatnan niyang nakatingin sa labas ng bintana ang binata, si Kyle.

  Pinuntahan niya iyon at napailing-iling.

  "Gising ka na pala Kyle iho, ba't 'di ka muna kumain?" tanong ng lola sa kanya. "Busog pa po ako." walang ganang tugon nito.

  Tumingin na rin ang lola sa bintana, napansin niya sa 'di kalayuan na parang nagkakakulitan ang kanyang apo at si Spy.

  Napangiti na lang siya, "Sana ganyan kasaya lagi si Khaile..," mapait na bulong ng lola sa sarili.

  "Lola, sino po 'yang lalaki na kasama ni Khaile?"

  Napatingin siya kay Kyle, "Ah iyan?" Sabay turo niya sa kasama ni Khaile. "Kababata niya, ang kulit nga nilang dalawa magbarahan e. Hay mga kabataan nga naman ngayon. Oh siya nga pala iho, nag-imbita iyan si Spy na magbonding kayo sa Sunday. Ano sasama ka ba?"

  Napaisip si Kyle kung sasama ba siya o hindi.

  Mula pagkabata, mahal na ni Kyle si Khaile at ayaw niyang may ibang lalaking umaaligid dito.

  Bumuntong hininga muna siya at tinignan sa labas ang taong mahal niya. Kahit inis ang mukha ni Khaile ngayon ay nakikita ni Kyle sa mga mata nito kung gaano ito kasaya kapag kasama ang lalaking iyan.

  "Opo sasama ako," tugon niya sa lola. "Okay good. Makikilala niyo na ang isa't isa, baka maging tropa mo rin siya kung may pagkakataon. Oh siya iho, magpapahinga na ako at ako'y nahihilo."

  "Alalayan na po kita 'la."

  Inalayan ni Kyle ang lola na umakyat ng hagdan. Napangiti na lang siya ng mapait.

  "Katropa? O magiging karibal?" sabi ng kanyang isip.

*****

Khaile's PoV

Saturday.

  Pagtapos kong kumain ng panggabihan ay dali-dali akong pumasok sa aking kwarto. Dahil wala akong magawa ay nagbukas na lang ako ng laptop at naglog-in sa facebook.

  Nagscroll lang ako sa home ng may biglang nagpop up sa chat.

9:13pm

Giovannie: Hoy ba't gising ka pa?

Khaile: Hanggang chat ba naman Guyabano? Hoy pa rin itatawag mo sa 'kin!?

Giovannie is typing...

Khaile: E 'kaw? Ba't gising ka pa, aber?

Giovannie: Uy, concern siya. Pahalik nga. :* :*

Khaile: Gagu!

  Aba pati ba naman sa chat, manyak rin siya? Dyusko!

  Ang lalaking puro KAMA ang hanap, KARMA ang katapat!

Giovannie: Khaile, bukas ah sumulpot ka. Mamahalin pa kita.

Khaile: Opo basta 'wag kang manyak!

Giovannie: Ano ka ba, nasa dugo ko na ang maging gwapo.

9:25pm

Khaile: Hoy gago! Ang sabi ko manyak, hindi gwapo!

Giovannie: Ganun na rin 'yun.

Tch!

Khaile: Putcha! Ondoy ba pangalan mo?

Giovannie: Bakit?

Khaile: Ang lakas kasi ng pwersa ng dating mo eh, hinahangin yung mga tao.

Giovannie: Atleast hindi tae HAHAHA!

Seen 9:30pm

  Aba gago talaga 'to!

Giovannie: Minsan sumigaw ako ng ayaw ko ng magmahal..

Khaile: Oh tapos?

Giovannie: Pero nung nakita kita, napasigaw ulit ako ng joke lang iyun ;)

  Nalalaglag na naman 'yung ovaries ko!

Khaile: Alam mo ba..

Giovannie: Hindi ko pa alam..

Khaile: Ulul!

Giovannie: Pfft!

Khaile: Oy, alam mo ba minsan sumigaw rin ako ng walang pangit sa mundo!

Giovannie: Oh anong nangyare? :)

Khaile: Pero nung nakita kita, napasigaw ulit ako ng joke lang yun.

Giovannie: Kingina ka bi!

Khaile: Minumura mo ako bi?

Giovannie: Hindi kita minumura bi, ang sabi ko KING at INA equals KINGINA.

Khaile: Ang korni mo XP

Giovannie: Mahal mo naman ;)

Khaile: Edi I love you XD

Giovannie: I love you too bi!! <3 

Khaile: HA HA HA

Seen 9:53pm

  Bahala na nga siya, dyusko ang lakas ng impact magpakilig! Clinose ko muna 'yung chat box namin.

  Nagscroll na lang uli ako sa home ng may biglang nagpop up ng panibagong post.

  Nakita ko 'yung status ni kuya Hyro, minutes ago.

'Sobrang kulit man niyang tao, hahanap hanapin mo rin yan kapag wala na siya sayo!'

78 people like this.

  Napailing-iling na lang ako, hay si kuya Hyro talaga may pinagdadaanan. Hugot e! Napangiti na lang uli ako, pinindot ko 'yung sarili kong post box, kung saan magpo-post ka.

  Napangiti ako sa naisip ko na ipo-post.

'Ingatan mo yung palabiro, palatawa, makulit, at mapang-asar kadalasan sila yung masarap magmahal.'

1 notification.

Giovannie liked your post.

*lub dub lub dub*

  Letcheeee...

Giovannie commented on your post.

  Clinick ko.

Giovannie Palmer: Ang gwapo ko talaga!

Khaile Lynch: Gago!

  Napakaulul talaga nito!

  Nagpop up na naman 'yung chat.

Giovannie: Khaile, ako ba iyun? Ikaw ah, yiiie..

Khaile: Feeler!

Giovannie: Wew ako 'yun e.

  Tch!

Seen 10:28pm

Giovannie: Khaile! Diba ang sabi ng Science teacher natin na ang heart daw ay nasa left side ng chest.

Khaile: Then?

Giovannie: Pero bakit ang sa 'kin? Ay na sa'yo?

Khaile: Leche ka talaga, pandak!

Seen 10:33pm

Giovannie: Aray! Ang sakit mo sa heart tomboy. :(

Napangisi ako.

Khaile: Pakshet! Wag ka nga mag-alala sa HEIGHT mo. Dahil dito sa puso ko, napakalaki mo. ;)

Seen 10:37pm

  Puta! Kinilig 'yung guyabano! Pfft!

Giovannie: Ang gwapo ko talaga, langya!

  Napahilamos na lang ako ng mukha.

Khaile: Nakakita ka na ba ng impakto?

Giovannie: Hindi pa, bakit?

Khaile: Kung 'di pa, tingin ka sa salamin. Leche! Sige matutulog na 'ko, nakakaabno kang kausap! Tss.

Giovannie: Atleast hindi tae ;)

  Aba tangina siya!

Giovannie: Good night asawa ko ❤

Logout.

  Makalaglag matris kung magpakilig! Putangina!

*lub dub lub dub*

  Bwiset.

~~~

A/N: Nakita niyo yung mga chatbox na pictures? Ang dami 'no at napakarealistic ang peg :D. Wala e, pinapahirapan ko talaga yung sarili ko HAHAHA XD. Pero ganun naman talaga :) Mahal ko kayong mga readers ng GBG, pinaghihirapan ng dyosang author ang sarili para ipakita ang EFFORT na kaya kong gawin ;). Sino ang gumagamit sa dalawang account na iyun na nagpapalitan ng convo/banatan/murahan? AKO LANG dahil ganyan na ganyan ko kayo kamahal. :)

-dyosang ceventinia-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top