Kabanata 14: BWISITA
xxx
Kabanata 14: BWISITA
(Just One Day - Spy)
Khaile's PoV
"Uy Khaile, nandiyan ka lang pala." Lumingon ako, si tita pala.
"Ano sa tingin niyo tita? Wala ako dito?" Bumangon na ko sa kama. Tinignan ko 'yung orasan, tanghali na pala. Friday? So wala kaming pasok dahil may kaechosan 'yung school namin dahil kay Pnoy panot.
"Akala ko kasi naggala kayo ni Kyle."
Tinaasan ko lang ng kilay si tita. "Duh tita? Pustahan, hapon pa magigising iyun."
"Sabagay, oh siya nga pala hinanap kita dahil pinatawag ka sa 'kin ni mama, na sa baba siya. Bumaba ka na lang kapag naka-ayos ka na," saad niya.
Tumango na lang ako. Nagpunta si tita sa mga labahan ko, katabi ng kabinet ko.
Maglalaba na naman siya, hindi na lang kaya sa mga katulong ipagawa mga 'yan? Grabe, may trabaho na sa opisina pero nagtra-trabaho pa rin siya sa bahay. Ang sipag ni tita kahit ba isang taon na lang makakapagtapos na sila insan. Ayaw niya kasing umasa sa pera ng kanyang mga anak, proud to be pamangkin here!
Buti pa sila kuya Hyrus may ina nag-aaruga at nagbabanatay sa kanila kahit sumakabilang buhay na ang ilaw ng tahanan. E ako? Hindi ko man lang nakita yung magulang ko sa personal, ni picture wala dahil parehas ang araw na nasunugan rin sila tita Haidey. Hay, bakit pa kasi sila na aksidente eh.
Nakapalumbaba akong nakatingin kay tita sa ginagawang paglalagay ng mga damit, underware at pantalon ko sa lalagyan. Inaantok pa ko ha--
"Hoy Khaile. Ba't may brief dito?"
Napamulat ako sa sinabe ni tita.
"Brief?" takhang tanong ko.
Paano nagkaroon ng brief yung basket na pinaghubadan ko? "Baka siguro brief nila kuya?" Antok kong sagot.
Sila insan talaga, ang kakalat sa gamit. Kung saan-saan inilalagay.
Humiga uli ako at pumikit, narinig ko ang yabag na papalapit sa 'kin.
"E kung isa sa mga kuya mo 'to.. Eh bakit ang liit ng size nitong brief? At isa pa.. hindi gumagamit ng brief ang mga kuya mo na cars ang design. " Napamulat na naman ako.
E? "At tiyaka, halatang maliit 'yung gumamit."
Bumangon ako at tumingin sa hawak ni tita na brief. Brief nga naa may cars na design..
Kay.. "Bwisit ka Spy!! Ang lakas mo talagang mangtrip!!"
"Hulaan ko, pinatripan ka na naman ng kababata mo 'no? Uy."
"'Ta halata naman sa sinigaw ko diba?"
Si tita talaga, nawawalan ng commonsense minsan!
---
Bumaba ako ng hagdan, tumungo sa garden kung nasaan si lola. "Lola, tawag mo daw po ako?"
"Oh Khaile, upo ka." alok ni lola sa akin.
"Bakit ho, 'la?"
"Aba syempre kailangan mong umupo, nakakangalay tumayo."
Hindi na ko magtataka kung saan nagmana si tita. Dyusko naiwan ata ni lola sa Canada ang pagkacommonsense! "Ibig ko pong sabihin, bakit niyo po ako pinatawag?"
Naalala ko bigla si guyabano. Tss! 'Pag pinaghalong lola at tita pala, may mabubuong pandak este 'yung gagong Spy na iyun!
"Ay hehehe sorry." Ay si lola, pabebe.
"'Di ba nagtanong ka nung nakaraan araw kung bakit napa-aga yung pag-uwi ko."
Napaisip ako sa sinabi ni lola, "Ah opo, wow lola nakamemory plus ka ba?"
Dalawang linggo na ang lumipas nung tinanong ko iyun ah, naalala pa ni lola? Aba ayos ang memory plus! Pwedeng pwede ipalagok kay napoles -,-!
"Balak ko sana, 'pag tapos ng Christmas at New year ay.."
"Lola naman eh! Bakit? Baki--aray!" Pinitik ako bigla sa tainga.
Tangina 'yan!
"Wala pa nga e, makareact ka wagas."
"Sorna, ang lakas niyo po kasi mangbitin eh. Kasing bitin lang ng bangs niyo lola, dora lang ang peg lo--aray dalawa na 'yun ah huhu!"
Ang sakit talaga mamitik sa tainga si lola. Ang hilig mamitik, kahit namiss ko ang pitik niya pero ang sakit talaga e.
"Kasalanan ko?"
"Hindi po lola, gusto mo iparebond pa natin 'yan kolereteng bangs ni--aray naman! Tatlo na 'yun huhu! I hate you talaga lol--aray ko po!! Apat na 'yun huhu, I hate you more talaga?" Kunwaring pag-iyak ko habang hawak-hawak ko 'yung kaliwang tainga ko.
"Hahaha hindi ka na nasanay sa lola mong mahilig mamitik?"
"Lola naman! Maliit pa lang ako, sanay na sanay na ko sa pitik niyo po! Sobrang shakit talaga, minsan nga binabangungutan ako sa pitik niyo eh."
Napahinto ako sa kunwaring pag-iyak nang niyakap niya ako. Napayakap rin ako pabalik.
"Namiss talaga kita apo, miss na miss ka talaga ng lola mo. Kaya dapat magpakabuti ka. "
"Waaah lola naman eh, 'wag ka nga po ganyan para ka naman nagpapaalam e--aruy! Batok naman? Tao pa ba ako o hayop?"
"Lagi kang nangsisira ng magandang moment apo e."
"E sorry na po." Kumalas na siya sa pagyakap. "Hay dyusmiyo ka apo, sobra sobra ko na naman mamimiss ang kakulitan mo."
"Kayo rin naman po lola eh, mamimiss ko na naman ang pagpitik niyo.. Pero kasi lola, dito na lang kayo ni lolo. Nandito yung pamilya niyo eh."
"Hindi pwede apo, dahil nandoon 'yung negosyo na tinayo ng magulang mo. 'Pag laki mo, ikaw na maghahandle nun."
"E lola, hindi naman business ang kukunin ko na kurso eh."
"Eh ano ba?" tanong n'ya.
"MassCom po.."
"MassCom?" Takhang tanong ko.
"Mass Comain ng comain p--aray."
"Bad ka talagang bata ka."
"Mahal kita lola haha." at sabay yakap ko sa kanya.
*ding dong*
Kumalas na ko sa yakap, tumingin ako sa gawi ng gate namin. Malapit lang sa amin kaya kita ko na si tita na nagprisinta na ibukas ang gate.
Nagtaka ako nung tumungin sa gawi namin ni lola si tita, "Pamanks! May naghahanap sayo!"
Malapluto ang layo na isinigaw ni tita sa 'kin, halos buong sistema ko nagising.
"Ah eh lola may naghahanap po sa akin." Tumango lang si lola.
"Sino yung nagha--anong ginagawa ng Guyabano dito sa pamamahay ko?"
"Ikaw na bahala jan pamanks basta yung underware ah."
Bumalik ang pakainis at irita ko nang maalala ko na naman ang putanginang baho ng brief ni Spy.
"Pwedeng pumasok muna?"
"Eh kung ayoko ha?"
"Ang sungit mo talaga," saad niya at pumasok na nang tuluyan.
Aba! Wala akong sinabing pumasok siya ah!
"Oh hi po sa inyo, Madame." Masiglang bati ni Spy kay lola.
Nginitian lang ni lola si Spy, lumapit ako sa kanila.
"Hello rin sa 'yo apo." Ngiting saad ni lola.
"Lola! Akin lang si Spy, 'wag mo na agawin. Kahit mabaho brief niyan, mahal ko 'yan!" bulong ko sa isip.
Umupo ako sa tabi ni lola.
"Kaano-ano mo pala si Khaile?"
"Girlfri--asdfgh." Napatayo ako bigla, mabilis kong tinakpan ang kanyang kinginang bibig, "Kababata niya po, kababata ko po siya lola."
Napatango-tango lang si lola habang nakangiti. Tumingin ako sa mga mata ni Spy at tinapunan siya ng tingin na gago-ka-ba-o-putangina-manahimik-ka-muna-Spy-bawal-muna-nila-malaman.
Umupo na uli ako sa upuan.
"Oh apo? Bakit hindi mo siya inaya na maupo rin?"
"Ang laki na niya dapat alam na niya iyon, kaya naman niya siguro umupo diba? Kaya mo 'di ba Spy?"
"Oo kaya ko Khaile, nag-abala pa po kayo Madame." Ngumiti sila sa isa't isa. "'Wag mo na kong tawagin madame, just call me lola, lola Katrina o just lola na lang haha."
"Sige po lola Katrina," magalang na tugon ni Spy.
Aba nakakagago naman tignan 'yung nasa harapan ko na akala mo aso na pinaamo?
"Ano pala pangalan mo iho?"
"Guyabano," singit ko.
Napatingin sila pareho sa 'kin, napansin kong ngumisi si Spy sa 'kin, alangan naman sa upuan?
"Spy Giovannie Palmer po lola."
Napatingin ako sa gawi ni lola na biglang napatahimik, ang problemado ng kanyang mukha kung ibabatay sa tingin.
"Lola ayos ka lang po? Hoy guyabano!"
"Wala akong ginagawa." Inosenteng tugon nito.
"Nabahuan ata sa hininga mo e!"
"Oy fresh 'to."
"Ulul!"
"Ay mga bata talaga kayo, tumigil nga kayo hahaha. Nakakatawa kayong tignan." bumalik na sa dati si lola.
Weird.
"Sandali nga, Khaile ipagkuha mo nga nang makakain itong bisita mo at maiinom."
"Wait lola, bwisita correction."
"Khaile," madiin na may halong pananakot na tugon ni lola. Sabi ko nga..
Napakamot na lang ako ng ulo at padabog na pumasok sa bahay.
Pagbalik ko, nagtatawanan sila.
"Eto na po, bwisita." Diin kong tugon at nilapag sa maliit na lamesa yung tinapay na pinalaman na tae este nutella at orange juice.
"Baka may lason 'to?"
"Sana nga eh," bulong ko.
"Khaile.." pangtakot na pagtawag sa 'kin ni lola. "Wala 'yan lason lola, malinis 'yang hinanda ko para kay Spy."
"Siguraduhin mo lang..," bulong na saad ni Spy tyaka hinigop ang orange juice.
Argh! Sarap ipalunok kay Spy 'yung baso!
"Siya nga pala Khaile, itong si Spy 'yung kababata mo. Nagpaalam sa 'kin na magstar city daw kayo this Sunday, treat niya daw." Napatingin ako sa gulay, kinindatan lang niya ako. Langya!
"Okay po?"
"Balak ko sana na isama yung tatlong kambal at si Kyle.." Pasimple akong tumingin kay Spy.
Natawa ako sa bigla pagbigay niya, pfft!
Tumingin si lola sa gawi ni Spy, "Okay lang ba sayo 'yon iho? Para magkabonding kayo at makilala mo si Kyle.."
Napakunot-noo si Spy. Hindi pa nga niya pala kilala si Kyle. Aba! Pade-dating ko silang dalawa! Hahaha! Gandang idea!
Spy plus Kyle yiiieh!! Spyle! Parang sprite lang haha!
"Si-sige po lola, sa Sunday." Ngumiti muna si Spy at tumayo na. "Aalis na po pala ako, iyun lang po 'yung pinunta ko dito."
"Ah ganoon ba sige. Oh iha, ihatid mo na siya sa labas."
Parang ako naman ang pinagbagsakan ng langit, dyusko kaya naman ni Spy lumabas mag-isa!
Aangal sana uli ako pero nang marinig ko ang nakakatakot na pagtawag sa 'kin ni lola ay sumunod na lang ako.
Hay buhay! Parang life!
Tinignan ko si Spy, ang aking bwisita. Nginisihan niya ako at tinitigan ng maigi na parang may sinasabi na kingina-ka-tomboy-lagot-ka-sa-'kin.
Binato ko naman siya ng tingin na pakyu-ulul-hindi-ako-natatakot-sa-'yo!
Bwiset na bwisitang ito.
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top