Kabanata 11: Stickman ❤
xxx
Kabanata 11: Stickman ❤
Khaile's PoV
"Hoy! Ang tagal mo naman buksan yung pinto!"
"Sandali bi! Excited lang ma-kwarto?" pilyo niyang sabi at sabay na ngumisi. Nabukas na yung pinto ng condo na tinitirahan niya.
"Ulul! Pinagod mo ko tss!" sigaw ko sa kanya at pumasok na sa tinitirahan niya.
Wow! Ang linis ng bahay! Lalaki ba o babae yung naninirahan dito!?
"Hoy Khaile! Pinagod kita saan?" Hinabol niya ako, nakita ko na naman ang kanyang malaking ngisi. "Bwisit!" Binelatan ko siya. Umupo ako sa kanyang mahabang sofa.
"Magluto ka nga Spy!" utos ko.
"Bahay mo, bahay mo? Makautos ka wagas!"
Humilata ako sa sofa at nag-inat. Tinignan ko yung relo ko at 5pm na pala. Nakakatamad umuwi. Ang boring pa naman sa bahay, ikaw lagi inuutusan!
"Magluto ka na lang, bahay mo ito. Wala akong alam jan sa kusina mo."
Nakita kong bigla umusok yung ilong niya.
"Dali na bi!" Pabebe kong saad.
Bumenta ka! Bumenta ka! Bumenta ka!
"Ulul! Hindi bagay sayo hah--aray!" Binato ko lang naman sa kanya yung unan na nasa sofa.
"Bwisit 'to!"
"Mas bwisit ka!" at sabay belat niya rin.
"Gago!"
"Tangina mo!"
"Sige na magluto ka na asawa ko!" Pangalawang try ko.
Napahinto siya, tumingin siya ng seryoso sa 'kin.
"Yiiie!! Kinilig siya! Kinilig! Wahahaha!" asar ko.
"Ma-manahimik ka nga tomboy!"
"Yiie asawa ko! Hahaha! Ipapabalita ko 'yan mamaya kay noynoy panot bwahaha!!"
"Gaguuu!!" at sabay walk-out niya pero papunta siya sa kusina.
Hahaha! Ang cute niya mapikon!
---
Pagtapos namin kumain, inasar ko na naman siya para siya maghugas ng mga platong pinagkainan namin. Bwahahaha!!
Nagpunta ako sa terraces.
Syet, hindi man lang ako nainform ni Spy na may perya pala malapit sa condo unit niya! Ang ganda ng view dahil na rin sa puno ng kulay at ilaw. May nakita akong mga taong naglalakad, nagda-date, naglalaro at kung ano-ano pang ginagawa. Sa tabi ay may dagat na talagang nakakarelax sa pakiramdam. Napayakap ako bigla sa sarili nang maramdaman ko ang sobrang lamig ng simoy ng hangin. Napangiti ako.
Ang bilis ng araw.. Dati crush ko lang siya, pero ngayon mahal ko na! Dati gago lang siya.. pero ngayon, tangina na! Mas gago pa kaysa kay Napoles! Patay-malisya lagi! Sarap patayin tuloy!
Patayin sa gayumang pagmamahal ko. lol!
Pero ang bilis ng pangyayari, natawa na lang tuloy ako bigla sa mga epic na nangyari sa amin ni Guyabano nung maliliit kami..
[Playing: Dito ka lang sa puso ko ❤ by Wynn Andrada]
(A/N: WAG KAYONG TAMAD SA PAGPINDOT NG MUSIC XD ! MAS MAFE-FEEL 'YUNG THROWBACK SWEAR! PAKINGGAN SA TAAS O SA GILID! THANK YOU XD!)
"Ano iyan?" tanong ni Spy. Napatingin ako sa kanya at tinarayan.
"Malamang papel at pencil."
"Alam k--"
🎶 Lagi na lang napapasin
Ang luha mo'y walang hanggan 🎶
"Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." at sabay ngisi ko at nagdrawing na uli.
🎶 Di ba alam sa pag luha mo'y
Ako rin ay nagdaramdam 🎶
"Masama bang magtanong ang gwapo?" usal niya at nagpout. Akala mo cute, hindi naman.
"Baka gago kamo! Oo sobrang sama. Nakakamatay minsan!"
🎶 Limutin mo na ang nakaraan
Na ang puso mo'y laging nasasaktan 🎶
"Bingi ka na tomboy. Linis ka minsan ng ilong mo, barado na e! At tiyaka, baka patayin kita sa kilig e!"
"Hindi ka maglinis ng ilong mo?" Tinignan ko siya at nilapitan.
🎶 Ang pag ibig natin ay pagbigyan
Damdamin ko'y iyong pakinggan 🎶
Medyo lumayo siya nang konti, binigyan niya ako ng kunot na mukha. "Sobrang barado naman ng ilong mo! Nakikita ko na yung Divisoria jan oh! Ayun yung Quiapo oh!" singhal ko at sabay ngisi. Bumalik na ko sa aking ginagawa.
🎶 Dito ka lang sa puso ko wag mangamba 🎶
"Ulul!"
🎶 Ikaw lang ang narito umasa kang di na magbabago 🎶
"Ka!" Tugon ko.
🎶 Damdaming para sayo ... 🎶🎶
"Grr!"
.
.
.
"Ano ba drino-drawing mo?"
"Ano ba nakikita mo?"
"Yung pagmamahal ko sa 'yo.." Napalingon ako bigla sa kanya.
Dito ka lang sa buhay ko 🎶🎶
"Aray! Bakit ka namimitik!" Pinitik ba naman ako sa ilong!
🎶🎶 Tanging ikaw sigaw ng puso kong ito
Hindi ka na luluha pang muli
Dito ka lang .. 🎶
"Highblood mo kasi masyado! Nagloloko lang ako. Ako ba 'yan drino-drawing mo?"
Marahas niyang inagaw 'yung notebook ko.
Dito ka lang .. 🎶
"Hoy akin na iyan! Hindi ikaw iyan!" sigaw ko at sabay agaw ko sa kanya nung notebook pero hindi ko makuha dahil itinaas niya iyon.
Kahit ba pandak siya ay hindi ko pa rin maabot dahil napunta lahat ng tangkad niya sa kamay niya!!
"Hoy, oo na ikaw na iyan! Hindi pa iyan tapos! Grr!!" Tinignan niya ako at nginisihan.
🎶 Lagi ko nang napapansin
Ika'y mayro'n ng ngiti 🎶
"Sige, ibibigay ko sa iyo ito, basta ba pagandahan mo pa masyado ah! May tiwala ako sa 'yo dahil magaling ka magdrawing. " at sabay kindat niya sa 'kin.
Gagi!! Nginitian ko lang siya at tumango.
🎶 Ligaya ang nadarama
Napawi na ang hapdi 🎶
Binigay niya naman ito, naupo ako ng maayos sa bangko. Magdra-drawing na sana uli ako ng mapansin kong ang lapit ng mukha niya sa papel.
"Baka magpalit kayo niyan." tugon ko.
🎶 Nalimut na ang nakaraan
Ang damdamin mo'y napakagaan 🎶
Lumayo siya sa papel. " Masyadong nakakasilaw yung kagwapuhan niya kung mangyayari iyon. Baka mamatay ka, kawawa ka naman." Lumingon ako sa kanya at pinagsingkitan siya.
"Eh ikaw nga? Kanina pa kita pinapatay sa isipan ko e!"
🎶 Ang pag ibig natin ay pagbigyan
Pangako ay magpakailan man 🎶
"Ho-hoy! Baka hinuhubad mo na rin ako sa isipan mo Khaile, aba wag ganoon.. bad 'yun hahaha!"
Binatukan ko siya nang pagkalakas. "Gago! Taas ng pangarap mo oy!"
"Hahaha!"
Itinuon ko na lang uli ang atensyon ko sa papel. Napangisi ako sa naisip ko. Ginawa ko siyang mataba sa drawing. Nilagyan ko ng demonyo sa ulo. Guhit lang yung mata niya dahil singkit siya. Nilagyan ko ng buntot at dinamitan ng dress bwahahaha!!
🎶 Dito ka lang sa puso ko
Wag mangamba ikaw lang ang narito 🎶
"Langya, ano iyan?!" pagalit niyang tugon.
🎶 Umasa kang di na magbabago
Damdaming para sayo ... 🎶🎶
"Anong ano iyan! Baka sino 'yan hahaha!"
🎶 Dito ka lang sa buhay ko
Tanging ikaw sigaw ng puso kong ito 🎶
"Pakyu!"
🎶 Hindi ka na luluha pang muli
Dito ka lang .. 🎶🎶
"Ka! Hahaha!"
Dito ka lang .. 🎶
"Ah ganoon ah!" Inagaw niya sa akin yung pencil ko.
Nagdrawing siya katabi ng drawing ko ng...
Stickman!?
"Sino naman iyan?" takhang tanong ko. "Ikaw! Hahaha!"
"Bakit wala man lang buhok!?"
"Saan buhok?" Binigyan niya ako ng nakakatakot na ngisi.
🎶Ikaw lang ang pag ibig ko
(Ang laging nasa isip)🎶
Kinurot ko siya sa tagiliran.. "Letche! Sabi ko buhok sa ulo.. ng babae!! Kamanyakan mo tigil-tigilan mo ko! 'Di kita close! TSS!"
🎶 Ang syang sigaw nitong damdamin ko 🎶
"Hahah-aray!" tawa ng tawa, binatukan ko nga.
Dito ka lang .. 🎶
"Kailangan pa iyun? Ayos nga eh. Diba tomboy ka? Hahaha! Tapos payat bwahaha!! Pero 'wag ka, gumgalaw yung kamay niyan, hytec na hytec."
Ayun! Si gago, makatawa ay sobrang wagas! Tch!
🎶🎶 Dito ka lang sa puso ko
Dito ka lang lagi sa tabi ko
Di ka na muling magdaramdam 🎶
Ang ganda-ganda ng drawing ko! May mukha pa yung drawing ko. Ang ganda ng drawing ko na kamukha niya! Tapos ako idra-drawing lang ng stickman!? Tapos wala pang mukha at pinanindigan pa talagang tomboy at hytec na gumagalaw ang kamay na de puta!? Nasaan ang hustisya!
Dito ka lang .. 🎶
Inagaw ko sa kanya bigla yung pencil. Binura ko yung tuhod at paa ng drawing ko.
Matapos ko ito mabura ay nagdrawing ako ng paa nito sa may bandang pwetan na nang drawing.
Dito ka lang sa buhay ko 🎶🎶
"Hoy tomboy! Bakit lumiit na yung paa niyan!?"
🎶 Tanging ikaw sigaw ng puso kong ito 🎶
"Bakit? Kailan ka pa naging matangkad aber?"
"Ika--asdfghjkl!!"
🎶 Hindi ka na luluha pang muli 🎶
"Ang dami mong arte! Ang cute nga eh hahaha!"
"Kingina mo!"
Dito ka lang .. 🎶
"Gago na pandak ka naman bwahaha!!"
"Khaloy!"
"Spanot Giovandak! Hahaha!"
Sa puso ko.. 🎶🎶
"Ulul!"
Napasinghap ako nang bigla kong naramdaman na may yumakap sa'kin mula sa likod.
Tumungo ako, si Guyabano pala. Nginitian ko lang siya.
"Ang lalim nang iniisip mo.. ano ba yung iniisip mo?" tanong niya.
"Yung drawing ko na maliit yung height," natatawa kong sabi.
"Nang-aasar ka ba!?"
Naaalala pa pala niya haha.. "Nung grade 5 pa tayo, naalala mo pa pala iyun. Nung ginawa mo akong stickman sa drawing? Tapos ika--"
"Ginagago mo ba ko?" giit niya. "Hindi.. binobobo lang kita haha!"
"Ah ganoon? Naalala mo yung best selfie mo?"
Nagpabitaw ako sa kanya ng yakap. "Nasa iyo pa 'yun!?" galit kong tugon.
"Hahaha!!"
"Hoy! Nasa iyo pa 'yun!??"
Nakakabeastmode ba naman! Selfie ko iyun na parang bangag tapos tulo sipon, medyo litaw yung eyeballs, nakapakyu pa ko tapos nakadila na parang nagwawacky ka talaga! Kaasar na dare na iyan!
"Niloko mo ko! Akala ko dinelete mo na! Ang pangit ko dun!!"
"Kailan ka pa naging maganda bi?"
"Leche ka!" Sabay kurot ko sa tagiliran niya pero tinawanan niya lang ako.
Napailing-iling na lang ako at magwa-walk out sana.
"Khaile!"
Lumingon ako sa kanya, at ang puta! Nakasave pa sa phone niya yung picture na iyon! Tangina! Ang pangit ko dun!
Sinugod ko siya, hinuli- huli ko yung kamay niya para maagaw ko yung cellphone nya pero ang gago, takte! Ang liksi!
"Akin na sabi 'yan! Idelete mo na iyan! Ang tagal na 'yan argh!!"
"Ayoko nga!"
Tumigil na lang ako. May isang salita siya eh! Kapag ayaw niya, ayaw niya!
Inirapan ko lang siya at tumalikod..
Maya maya pa'y nagulat ako sa sigaw niya.
"Khaileee!! Khailee! Ano 'yan!? May sugat ka!?" Nagulat ako sa paglapit niya.
"May sugat ka nga! Tangna! Dalhin na kita sa hospital!!"
Biglang binuhat niya ako ng pangkasal na talagang ikinagulat ko.
"Wa-wait! Tangna! Ibaba mo nga ko!" Sinunod naman niya ito. "Anong sugat pinagsasabi?"
Tumingin siya sa baba, sa likod ko.
"Shet! Ang dami na pala ng tagos ko! Argh! Ikaw kasi!"
"Wow ako pa! Ako ba nagsugat sa 'yo? Ta-tanga-tanga mo kasi, kung saan ka nagsusu--aray bakit ka nangbabatok ha!?"
"Gago! Regla 'yan! Hindi sugat! Walang alam sa mundo bobo!"
"Wow! Big word asawa ko! Na-gago na nga, na-bobo pa! Ano ba gagawin ko ha?"
"Drama mo! Kuha ka ng napkin! Dali kung ayaw mong paglinisan ko ng dug--"
"Sandali asawa ko!"
Waaah!! Shet! Wala akong pamalit! Paano na ito? Gamitin ko kaya damit ni Spy? Eh paano naman si underware? Ugh! Sakit ng ulo ko!
Napaupo na lang ako sa sahig.
"Khaile!! Eto na napkin." Nilingunan ko yung padating.
Binigay niya sa akin ang napkin pero binato ko pabalik sa kanya. "Tangina Spy! Table napkin ito eh!"
"Napkin naman 'yan a!"
"Gago! Para sa lamesa lang 'yan e! Anong tingin mo sa akin? Lamesa!?"
Ang bobo nun nagbigay! Letche 'yan.
"Tingin ko sa 'yo tae.. Tangna! Ano ba hanap mo?"
"Napkin para sa mga babae! Takte! Gusto ko ng with wings ah! Ayoko ng without wings! Dalian mo, sakit ng ulo ko!"
"Demanding! Anong with wings at without wings na pinagsasabi mo!? Nathaniel ikaw ba 'yan?"
"Santanas ikaw ba 'yan!?" giit ko, "Gago! Dalian mo! Iyan ang sabihin mo!" Mangiyak-yak na tugon ko.
Ang sakit ng puson ko! Ugh!
.
.
.
"Senyorita eto na p--bakit puro dugo na yung carpet ko!?"
"Tss! Nagtaka ka pa? Ang tagal mo eh." Tumayo na ko. "Nasaan na?" Nanghihina kong tugon.
"Ayos ka na ba Khaile?" Hinawakan niya yung noo ko. "May binili rin akong biogesic. Naghanap ako ng napkin na sinasabi mo, lahat ng nakita ko binili ko dahil wala ka naman sinabi kung anong brand. Binilhan rin kita ng damit, oo may underware ito! Hindi kita babastusin! Pero nasa option ko rin na huwag ka bilha--"
Binatukan ko siya. Okay na sana e.
"Thank you Spy!" Masayang tugon ko.. Ang sweet ng asawa ko? Hahaha!!
Tumalikod na ako para magpalit sa cr.
"Nanjan rin yung table napkin, marami akong binili incase.. baka kaylangan mo rin." Napahinto at lumingon sa kanya.
"Ginagago mo ba ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hahaha! Hindi bagay sayo!"
"Che!" at sabay belat ko.
"Gusto mo magpasama?"
"'Wag na! Manyak ka pa naman!"
"Woah! Baka gusto mong ako pa magpalit ng panty mo ha ano?" Nilingunan ko siya, nakangisi siya ng pagkalaki-laki.
"Pervert! Manyak!"
Pagpasok ko sa cr. Tumingin muna ako sa salamin at ngumiti..
🎶🎶 ~ Dito ka lang sa puso ko wag mangamba
Ikaw lang ang narito umasa kang di na magbabago~ 🎶🎶
Gago ka talaga, Guyabanong baklang Gangster!
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top