Kabanata 06: Asar!!
xxx
Kabanata 06: Asar!!
Khaile's PoV
"Psst!"
"Psst! Psst! Pangit! Pangit!" Wag mo siyang pansinin Khaile. Tuloy lang sa pagdrawing.
"Psst! Pangit!" tawag niya at sabay sundot niya sa tagiliran ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Ano ba!" sigaw na pabulong ko sa kanya dahil nasa classroom kami at may teacher.
Mabuti nasa last row kami kaya hindi napapansin, pero katabi ko siya ng upuan!
"Psst! Psst! Pangit pangit!"
"Isa pang sabi mo yan, lilipad sayo yung gunting ko!" pagalit na saad ko.
Binaling ko na lang uli ang atensyon ko sa papel. Tinuloy ko na lang ang aking pagdrawing na hindi ko maintindihan kung ano ba dino-drawing ko ng bigla ko naiguhit ang word na..
Spy..
"Psst! Psst!" Nilungunan ko ulit siya na nakakunot ang noo.
"Alam na..Hahaha!" asar niya at sabay kinindatan niya ko.
Argh!
---
Lunch na at mag-isa ako kumakain sa cafeteria..
No! Scratch that! Lumapit sa pwesto ko si Guyabano at umupo katapat ko.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Pero binaling ko lang uli ang tingin ko sa pagkain.
Sumubo ako ng sisig at dalawang sandok na kanin. Sumubo na naman ako ng sisig at ininom ang softdrinks.
Pansin ko na nakatitig lang siya sa akin.
Wala siyang ginagawa, nakapalumbaba lang siya habang pinagmamasadan ako.
"Matunaw ako n'yan." saad ko habang hindi tumitingin sa kanya.
"Hindi ko magagawa iyun sayo.." Maamong tugon niya.
Napansin kong ngumiti siya.
Lumipas ang limang minuto, ganoon pa rin ang posisyon namin.
Kumakain at umiinom ako, at siya? Ayun nakatitig lang sa akin!
Tinignan ko na siya. Sinamaan ko ng tingin.
Kunot-noo ko siyang tinanong. "Hoy Spy! Bakit ang sama mong tumingin!?"
"Eh bakit kasi ang sama mong tignan?" ngisi niyang usal.
Sinamaan ko uli ng tingin at binatukan pero tinawanan lang ako ng loko.
"HA HA HA! Tangina mo!" Padabog akong tumayo at iniwan siya.
Malayo na ko sa kanya pero rinig ko pa rin ang kanyang hagalpak na tawa!
Bwisit!
---
Uwian na.
"Good bye class!"
"Good bye sir!"
Tumayo na ako sa aking upuan. Niligpit ko na ang aking gamit, sinuot ang bag at inilagay ko sa braso ang tatlo ko pang libro ng biglang sumulpot ang bwiset!
"Tulungan na kita? Nabibigatan ka yata."
"Nakita mo naman kaya kong dalhin diba? Umalis ka nga sa harapan ko at nakakasira ka ng araw."
"Hapon na uy!"
"Edi hapon! Hss!"
Lumabas na ako ng room pero nahabol niya ako. "Hatid na kita ng kotse."
"May pamasahe ako."
"Baka maligaw ka."
"Hindi ako tanga para hindi maalala ang daan na matuwid!"
"Sinasabi mo bang kapag sumama ka sa akin ay bako-bako?"
"Yes. Mukha pa nga lang eh!"
"Baka mapahamak ka.."
Napahinto ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya.
"Bakit kapag sayo ba? Hindi ako mapapahamak?" Alam mo bang muntik na akong mahulog!
Mahulog sa'yo!
Nakabuka lang ang kanyang bibig na parang may gustong sabihin pero hindi maituloy-tuloy.
Iniwan ko na lang siya doon.
Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko bago tumawid sa kabila para sumakay ng jeep.
"Hmmm hmm--aray!"
"Ano ba Tomboy! Tangina! Tumingin ka nga sa daan! Pota! Muntikan ka ng mabundol! Alam mo naman na hindi ko kayang mawala ka..! Diba?" Nagulat ako sa sigaw ni Spy.
Nakayakap ako sa kanya ngayon.
Parang nangyari na ito ah? Deja vu..
"Depota naman oh! Argh!" sigaw niya.
"Putangina! Magsalita ka nga! Tangina Khaile! Ayokong mawala ka kasi.. mahal kita!" Galit niyang tugon.
Parang biglang huminto ang mundo ko..
Nawala bigla ang ingay.. Ang ingay ng mga sasakyan, mga taong nagsisigawan at nagtatawanan..
Ang tanging ingay na lang na nariring ko ay yung kabog ng aking puso.
Ang sinisigaw nito..
"Ayokong mawala ka sa akin.." Yakap-yakap pa rin niya ako pero sobrang higpit.
No!
Kumalas na ako sa yakap.
"Spy..M--Sorry." saad ko at sabay tumakbo.
Tumakbo.. para iwan siya.
Muntik na! Isa na lang! Game over na!
"Nakaka-asar ka! Gago!"
°°°
A/N: Putangina! Hello mga gago kong readers HAHAHAHA! XD Don't be sad, wag kayong magalit kung mabagal ang update ko. Depota! Nilalandi kasi ako ni Jimin eh! Jemenyeta! Oh noes! Tangina! Ano kaya mangyayare sa BI lovers na ito? LQ sila ano po? HAHAHAHA nakakagago ang mga lalaki shet! (Ang dami ko ng mura shet XD!)
Wait niyo guys ang sunod na update ha ^^ Estudyante rin kasi ako na nakatira sa Magandang St. Dyosa si Anj Manila. Block 69 Gumaganda, yung violet yung gate XD hahaha!
Btw pakiintindihan ang tangang babae na writer na ito ^^o. Bobo sa pag-ibig. Walang ginawa kundi umasa na.. walang pasok XD! Tama na nga HAHAHAHA!
VOTES. COMMENTS. FEEDBACKS. Kayo guys *O*.
-dyosang ceventinia-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top