Kabanata 05: Her Side

xxx

Kabanata 05: Her Side

Khaile's PoV

  "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~"

  Nagpintig yung taenga ko sa kumanta. Putek, yung totoo? Sadyaan lang?

  "Oh nanjan ka na pala insan?" Patay-malisya na saad ni insan.

  "Ginagago mo ba ako!?" Tanong ko kay kuya Hyrus.

  Bigla sumulpot yun dalawa pang mang-iinis sa akin.

  Napataas ang aking kilay nung humarap si kuya Hypo kay kuya Hyrus. Lumakad ako ng kaunti sa kanila.

  Hilig talaga nila ang gumawa ng actingan e 'no?

  "Ginagago mo ba kita?" Sigaw ni kuya Hypo kay kuya Hyrus.

  "Ay hindi! Binobobo lang kita!" Sigaw ni kuya Hyrus kay kuya Hypo.

  "Gagi, ko yun! Hindi kita!" sigaw naman ni kuya Hyro kay kuya Hypo.

  Magkambal silang tatlo. Si kuya Hyrus, Hypo tapos Hyro.

  "Ikaw?! Ginagago kita!? Eh si Hyrus at ako ang nagaacting! Bakit nakikisawsaw ka!?" sigaw ni kuya Hypo kay kuya Hyro.

  Ano ba ginagawa nila? Nasaan na ba si tita?

  "Tinatama ko lang yun pagkakamali mo! Dapat ay matuto kang makiramdam dahil hindi lahat ng oras, ikaw ang tama. Dahan-dahan rin sa pagsasalita, dahil kung minsan nakakasakit ka na!" Napahinto ako sa pag-iisip dahil sa hugot ni kuya Hyro.

  Minsan talaga yung hugot parang pana na papunta sa iyo.

  Ang sakit! Tama ba iyun mga binitawan kong salita sa kanya.. Kay Spy?

  "Tama na nga yan!" Awat ni kuya Hyrus.

  "Uy bunso! Kain na!" Lumapit na ako sa kanila ng tuluyan.

  "Ano pagkain?" tanong ko sa kanila at umupo.

  Naghain na sila ng kain at ulam.

  "Guyabano." Napahinto ako sa pagsandok ng kanin at tinaasan ng kilay si kuya Hypo.

  "Joke lang." at sabay peace sign niya sa 'kin.

  "Nawalan na ko ng gana." Tumayo ako pero bigla ako pinigilan ni kuya Hyrus.

  "Ano na naman drama iyan insan?" Tanong sa akin ni kuya Hyro.

  "Wala 'to." saad ko. umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.

  Nilakasan ko ang volume nito..

  "May ginawa ka na naman mali 'no?" Napalingon ako kay Kuya Hypo. Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi niya.

  "Ako na naman! Lagi nalang ako ang mali. Lagi na lang. Sawang-sawa na ko sa buhay ko! Bwiset." Nagulat ako nang biglang nagkatinginan silang tatlo at nagsilapit isa't isa.

*****

Hyro's PoV

  Nilapitan namin siya. "Ayos lang yan." sabi iyan ni Hyrus.

  "Anung ayos? Anung ayos dun na sinabihan ko ng masasakit na salita si Spy."

  Oo, pinsan namin siya, ilang years na rin namin siyang kasama kaya alam namin kung kailan siya magoopen up at kung kailan siya may problema kapag hindi na niya kaya.

  "Ano bang nangyare?" Tanong naman ni Hypo.

  Dinabog lang ni Khaile yung remote.

  Ano bang meron kay Spy at lagi na lang umuuwing bwiset na bwiset etong si Khaile?

  "Nakakainis siya!"

  Parang pare-pareho kami ng mga kambal ko lumiwanag yung utak namin.

  Pare-pareho ata yung nasa isip namin.

  "Khaile..," Panimula ni Hyrus.

  "May gusto ka ba sa kababata mong kaibigan..?" sabay na tanong naming tatlo.

  Napahinto si Khaile..

  Boom inlove!

*****

Khaile's PoV

--Flashback 8 years ago--

  "Hoy Spy, bili tayo ice cream!" sigaw ko sa kanya.

  Pero hindi man lang ako pinansin.

  "Hoy Spy! Kainis naman oh! Mamaya ka muna maglaro nyan!"

  Pero naseenzoned pa rin ako.

  "Bahala ka nga sa buhay mo!"

  Tumayo ako. Pinagpagan ko muna ang dress ko. Nasa kabilang kanto ang bilihan ng ice cream.

  Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko bago tumawid.

  "Lalalala--aray!"

  "Shit. Ano ba Khaile! Tumingin ka nga sa daan! Muntikan ka ng mabundol! Alam mo naman na hindi ko kayang mawala ka!" Nagulat ako sa sigaw ni Spy.

  Nakayakap ako sa kanya ngayon. Muntik na.. muntik na kong mahagip ng kotse.

  "Ikaw na nga lang ang kaibigan ko, tapos mawawala ka pa ha!" Suway niya sa akin.

  "Ayokong mawala ka sa akin..ayoko." Yakap-yakap pa rin niya ako pero this time, sobrang higpit na ng yakap niya sa'kin.

  Hindi ko alam kung ano ire-react ko. Kung magtha-thank you ba ko dahil sa pagsagip niya sa akin o magso-sorry dahil sa nangyari? Pero ang hindi mo malaman e kung pinapagalitan ba niya ako or what? Pero bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko..?

  Kumalas na ako sa yakap.

  "Waaaaaaaah!!!" sigaw ko.

  "Aray naman, Khaile! Nakalunok ka ba ng karaoke? Sakit sa tenga yung boses mo!"

  "Waaaah! Spy may sugat yung siko mo!!" Tinignan naman niya ito at nginisihan. "Pangisi-ngisi ka pa jan! Sinagip mo pa kasi ako eh. Ayan tuloy nagkasugat ka pa!"

  "Sugat lang 'yan Khaile. Paano kapag hindi kita sinagip edi namatay na ang bestfriend ko diba? Edi wala na akong kalaro." Ngumisi siya uli. Pinalo ko siya sa braso niya. "Eh kung namatay ka dahil sa simpleng sugat ah!"

  "OA ka!" ani Spy at sabay pisil niya sa pisnge ko.

  Napahinto ako sa biglang pagdampi ng kamay niya sa pisnge ko.

  Simpleng dampi lang iyun pero buong katawan ko ang naapektuhan. Feeling ko tuloy e namula ako sa kanyang ginawa.

  "Eh pa-pag na infection yan. Pu-putulan ka ng braso sige ka! Tara na nga sa bahay, gamutin natin iyan," saad ko at naglakad nang mabilis. Lakad-takbo ang peg ko ngayon.

  Kung hindi pa ako umalis sa pwesto kong iyun, siguradong paglalamayan na ko bukas.

  R.I.P Khaile - Nakalimutan huminga nung dumampi ang kamay ni Spy sa pisnge nito. Namatay dahil sa killer smile nito. Hashtag #RIPFeels

  Grabeng utak iyan Khaile. Utak pa ba iyan?

  Nagulat ako nang may biglang humila sa kamay ko. "Antay! Iniiwan mo naman yung bestfriend mo e. Tara," aya niya at sabay naglakad kami.

  Hindi man lang siya ba aware na magkaholding hands kami ngayon?

  Hindi man lang ba siya aware na crush ko siya?

  Crush ko ang bestfriend ko.. at kailangan ko siya layuan hangga't maaga pa dahil kung hindi..

  Mawawala ang bestfriend ko.

-End of Flashback-

  "Kaya ba nilalayuan mo siya?" tanong ni kuya Hyrus.

  Tumango naman ako.

  "Pero nasasaktan siya sa ginagawa mong paglayo Khaile. Wala siyang idea..," segunda naman ni kuya Hypo.

  Sino ba kakampi nila? Ako o si Spy?

  Tinignan ko naman si kuya Hyro na malalim ang iniisip.

  "Khaile.. hindi na ata crush 'yan eh dahil parang.. mahal mo na ata siya." Ma-mahal?

  Mahal ko na si Spy? Pero.. "Wooah! Natameme ka insan!"

  "Hindi! Hindi ako pwede mainlove sa bestfriend ko! I hate him! Hindi!" galit kong saad at tumayo.

  Maglalakad na sana ako paalis nang biglang umimik si kuya Hyro..

  "Once you start loving someone, it's hard to stop.. insan."

  Tinamaan na naman ako ng quotes ni kuya Hyro! Argh!

  Ako? Inlove?

  Tumayo na silang tatlo.. Dinaanan nila ako pero bigla ako nagsalita. "Mga kuya.." Huminto silang tatlo.

  "Hindi ko maintindihan.. paano kung ma--"

  "Minsan ang taong makakaintindi lang sayo ay ang sarili mo.." Aray! Tama to the bones talaga kuya Hyro!

  Ang galing mong manakit gamit ang salita.. psh.

  "Goodluck sa pag-ibig insan." Sabay na sabi iyan ni kuya Hyrus at Hypo.

  "Minsan ang taong makakaintindi lang sayo ay ang sarili mo.."

  "Minsan ang taong makakaintindi lang sayo ay ang sarili mo.."

  "Minsan ang taong makakaintindi lang sayo ay ang sarili mo.."

  E?

-dyosang ceventinia-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top