Kabanata 01 + Cast of GBG: Tangina!

Insert Note: CAST NG GBG <3 SANA AY MAPANOOD NIYO :).

xxx

Kabanata 01: Tangina!

Khaile's PoV

  Napahawak ako sa aking batok habang pumapaharap sa likod.

  "Bakit ka ng babato ha?" sigaw ko sa guyabano na 'to. "Sabing sumunod ka sa 'kin tomboy," Bored niyang tugon.

  "Kailangan talaga mamato muna ng bote sa batok ha?! At bakit naman kita susundin, guyabanong baklang gulay?!!" Taas kilay kong sabi at pumaywang.

  Kunot-noong tinignan ako. Aba! "'Wag na 'wag mo 'ko matawag-tawa--"

  "Guyabanong baklang gulay?!" Pagdi-diin kong saad.

  Napangisi ako sa inasta niya. Pinagsingkitan niya ko habang nakasara ang kanyang kamao. Nag-uusok na rin ang kanyang ilong ng 360 degree.

  Hss. Siya ang nanguna, siya pa ito nainis. Ano kaya 'yun? Bakla masyado!

  "Hoy tomboy!" pagalit niyang saad.

  "Hoy ka rin gago!" at sabay naglakad paalis.Sinasayang ko lang ang oras ko sa isang gangster na beki! Na gulay ang pangalan, tch!

  "Ano ba?!" Napasinghap ako ng bigla niya ako hilahin papalapit sa kanya.

  Kinaladkad ba naman ako? Hindi ata papayag ang kagandahan ko 'no.

  "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" saad ko habang nagpupumiglas.

  Lumingon ako sa likuran. Sinamaan ko ng tingin yung dalawa niyang kasamang lalaki na sumusunod sa'min sa paglalakad na todo ngiting pang-asar sa 'min. Pagumpugin ko yung betlog nilang dalawa e, potek!

  "Sa hell," malumanay niyang saad na may halong pang-aasar.

  Napatingin uli ako sa kanya at sinamaan rin ng tingin, "Ano ba! Kung magpapasama ka, 'wag ako! 'Yun mga tropa mong panot ang isama mo!!" singhal ko kasabay ng paghatak ko sa brasong hawak-hawak niya.

  Pagkabitaw niya sa'kin ay inayos ko agad ang aking unipormeng nagusot at mabilis pa sa alas kwarto kung tumakb--

  "Hep! Hoy tomboy, hindi ka makakatakas sa kagwapuhan ko. Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa 'kin. Ako ata ang lider dito sa campus?" Gangster lider ng mga bakla?!

  Hooo! Hinangin naman ako ng super!

  "Hss! Isa pang tomboy! Babatukan talaga kita," pagtitimpi kong sagot habang kinakaladkad niya ako papunta sa kanyang kotse.

  Konting-konti na lang, pagbubuhulin ko na yung mga betlog nila sa sobrang inis!

  "Wala ka talagang takot sa akin 'no tomboy?" ani guyabano sabay ngising mapang-asar.

  Binatukan ko siya ng dos por dos pero sinamaan lang ako ng tingin. Sabing 'wag akong tawagin tomboy e!

  "Aish! Isusumbong talaga kita sa principal, parang nabunggo at natapunan lang last time!" singhal ko.

  "Magsumbong ka," He smirked. Taena, nakalimutan kong magulang nga pala niya ang may-ari ng school!

  "Kayong dalawa umalis na kayo, ako na bahala dito sa tomboy na ito. Pasok!" Utos niya sa 'kin matapos niyang kausapin nang mabilis 'yun dalawang betlog na sumusunod sa 'min.

  'Yung dalawa na 'yun, ang pagkakaalam ko kambal sila at name nila is Finn and Jake? Trip ata ng kanilang magulang. Mala-Adventure Time!?

  "Sabing 'wag mo akong tatawagin na tomboy! Eto na papasok na Giovannie!" Tawag ko sa kanyang second name.

  "Ano sa-" Nag-uusok na naman ang kanyang ilong.Mukha siyang tanga kapag ginagawa niya 'yun!

  "Bilisan mo! 'Di ba nagmamadali kang pumunta sa impyerno?! Go to hell na!" inis ko sabay irap sa kanya.

  Nagulat ako sa pagbagsak niya ng pinto. Bastos!

  Pagkabukas nang pagkabukas niya ng pinto ng driver's seat ay bumungad sa kanya ang malaginto kong-- "Tangina mo, Giovannie!" bulyaw ko.

  Kaasar, bwiset!

---

  "Ano ba naman 'yan! Nagpasama ka lang para padalahin mo ako ng sandamakmak ng mga plastic!??" inis kong saad habang hinahabol siya.

  Nasa mall kami at sa totoo lang e, sobrang dami niyang pinamili! Kalalaking tao, napakaungentleman!!

  "Kung magtatayo ka ng baklang lider ng mga plastic, kumandidato ka muna at taasan si noynoy panot ha! Tch!" Tinaasan niya lang ako ng kilay niyang makapal.

  "Ginagago mo ba ako?" tanong niya.

  "Hindi, binobobo lang kita!" Hss! Ang slow minsan! Ibenta na sana niya ang kanyang utak.

  "Tara!" usal niya sabay hawak niya-- sa kamay ko.

  What the fuck!? "Ano ba!" singhal ko sabay hila ko sa kamay na hinawakan niya.

  Kanina braso lang ah, pero ngayon? Sa kamay na? No way! Iba na 'yun!

  Biglang umusok na naman ang kanyang ilong. Anong problema ng ilong niya!?

  Dinaig pa n'ya si Jungkook na nagsasalitang ilong sa BTS! Masyadong highblood 'to. Dinaig pa ang nagkaregla!

  "Sabing tara na," mahinahon na usal niya.

  "Ayoko nga! At isa pa, ikaw na kaya ang magdala nito. Tapos ka na maningil!" mataray kong tugon.

  Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Napabaling siya labing dalawang plastik na hawak ko kanina at ngayon ay nasa sahig na.

  "Ano?" mataray na saad ko uli.

  "Ang kulit mo!" Kasabay ng pagkasabi niya ng linyang iyan ay kinuha at inilagay sa isang kamay niya lahat nang labing-dalawang sapot ng plastik at ang kabilang kamay naman niya ay humawak sa aking kamay.

  "Tara na."

  Ke-kaya kaya naman magdala kahit isahan kamay lang dahil malaking tao siya tapos isinama pa ako for what?!

  Nakaramdam ako ng kilabot sa aking katawan..

  Psh ano ba, kamay lang yang Khaile... Calm down.

-dyosang ceventinia-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top